webnovel

Chapter 29❤️?

❤️❤️❤️❤️

Nakarating kami sa school na pangiti ngiti naman ito kaya pagstop na pagstop ng sasakyan sa parking ay nagmadali ako na tinanggal ang seat belt at nagmadali umalis sa kotse sa sobrang kahihiyan ko kanina.

Naglalakad na ako ng bahagya ng mahagip nito ang kamay ko at biglang lumapit sakin "aalis ka agad? Wala man lang bang goodbye kiss?" pangaasar nito sakin kaya winaksi ko ang kamay naming dalawa para matanggal sa pagkakahawak nito "bwisit ka talaga!" mariin na sabi ko dito at naglakad ng mabilis makaalis lang sa kahihiyan na tinamo ko dito. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ito ng pagak na tumatawa na lalo kong kinabilis ng paglalakad.

"bes!" sabay kapit nito sa braso ko. "grabe ka naman! Para akong aatakihin sa pang gugulat mo sakin!" sabi ko dito na naasar.

"anong nangyayari sayo? Bakit ang pula ng mukha mo?!" nagulat ito ng makita ang mukha ko. Tsk! Anong idadahilan ko? Hindi pwedeng malaman nito.. Nakakahiya!"a-ah.. E-ehehe.. Ma-mainit kasi!" nagkakandabulol ako sa harap nito. Napatingala naman ito at biglang humarap sakin at ngumiti. "oo nga noh.. Teka may pamaypay ako dito" at kinuha nito sa bag ang pamaypay at binigay sakin.. Buti nalang naniwala ito sakin. Hays! Ang hirap talaga gumawa ng dahilan pag biglaan!

Pagdating namin ng room parang may concert ng KPop.. Halos lahat korean ang kinakanta mapababae o mapalalake.. Kaya napatawa naman kami ni bes sa mga ito at nakiusisa sa concert ng mga ito.

"oh.. Diba? Ang galing? Ako nagturo sa mga yan!" proud na bungad samin ni joy. Nagkatinginan naman kami ni she at napailing nalang. Ang laki ng impluwensya nito pagdating sa kpop, kahit mga boys nakikisabay din. Jusko! Hahaha..

"oh eto ang lyrics.. " abot samin ng tig isang papel ni joy. "aralin din ninyo yan para pag pumunta ang BTS dito ay manonood tayo ng concert!" tili na sabi nito samin at bumalik sa mga grupo na kumakanta.

Hala?! Ano kaya yun?

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko na math ang first subject namin. Malulugaw na naman ang utak ko!

Hindi nga ako nagkamali kasi nalugaw na naman ang utak ko. Grabe! Pano kaya napagtatagumpayan ng mga engineerings ang math? Kung ako sa kanila siguro nasuka na ako. Naawa bigla ako kay kuya pero buti nalang at matalino ito..kaya hindi problema nito.

Ngayon ko lang naisip na sina kuya at mga tropa nito ay hindi magkakacourse kaya bigla akong humanga sa samahan ng mga ito na nakakapag get together lagi. Ang naiba lang ng course ay si kuya na civil  at si jesthle na business management ang kinukuha nito at the rest ay architecture ang kinuha.

Habang naglalakad kami papuntang GYM para sa P. E ay tuwang tuwa naman si bakla sa nalaman samin nung absent sya. "grabe naman! Kung ako sa inyo.. Binigay ko na number ko!"kilig na kilig na sabi nito. "kayo naman! Wag na kayo maginarte! Kaya wala pa kayong nagiging jowa eh!" sermon nito samin.

"bakit? May jowa ka na ba kung makapagsalita ka?" supalpal ko dito na kinatawa ng mga kaibigan namin. " A-ah.. Eh wala nga.. Pero.. Haller! Anong age na natin noh!" sabay irap nito samin.

"alam mo ricardo! Mag aral muna tayo ah! Bago landi!" at inakbayan ni deo si rica. Pilit nito na tinatanggal ang braso ni deo sa balikat nito "alam mo tanggalin mo na ang braso mo kung ricardo lang din itatawag mo sakin!" asar na sabi nito habang naglalakad silang magkatabi ni deo. hindi naman nagpaawat si deo kaya hanggang sa makarating kami ng gym ay ganon parin ang dalawa.

"wow! Ang daming tao!" react ni joy. Kasi halos mapuno ang gym ngayon.. Anong meron? May laro ba ngayon?. Napatingin kami sa mga naglalaro ng basketball ngayon. "hmm.. Interesting!" tudyo sakin ni bes habang nakatingin kay harry at jesthle na naglalaro ng basketball.

Umupo kami ng mas lalo namin makita ang nangyayari. Napatingin ako sa naglalaro kasi halos lahat ay mga gwapo ang naglalaro kaya mas lamang ang babae na nandito sa gym ngayon at nagtitilian pa. Napansin ko din na magkalaban ngayon ang team ni jesthle at harry na nagkakainitan na ngayon.

Mas lamang ang grupo nina harry ng limang puntos kesa kay na jesthle. Kagrupo nina harry ang mga kaibigan nila samantalang ang grupo ni jesthle ay mga hindi ko kilala pero mga hindi din  magpapahuli sa itsura.

Nagkatinginan naman kami ni jesthle na nakangiti ngayon sakin Na kinapula na naman ng mukha ko. Buti nalang hindi napapansin ng ibang tao dito ngayon. Samantalang hindi parin alam ni harry na nandito ako at nanonood ng laban nila. Nanalo ang grupo ni jesthle ng tatlong puntos laban sa grupo nina harry.. Wow! Ang galing ah!

"ahhh…. I Love you jesthle!"

"okay lang yan oppa harry!"

"ikaw parin the best sakin JAMES!"

Kanya kanya ng cheer kahit na tapos na ang laban ng mga ito. May kanya  kanya naman na nagabot ng inumin sa bawat player.. Tss.. Ang mga fans nga naman. Hindi tinanggap ni jesthle ang inabot nung babae sa kanya dahil pinakita na nito ang thumbler nya na may lamang tubig. Nice one! Buti hindi mo tinanggap kundi yari ka na naman sakin! Napatingin ito sakin at kumindat ng bahagya.

Aahhh.. Kinikilig ako! Jusko!

-pinapaasa ka lang nyan.. Si juliet ang gusto nya! Hindi ikaw!- bigla nalang nagsalita ang isang isip ko na kinatigil ko sa pag ngiti. Hays.. Nabubulag na naman ako sa ginagawa nito sakin!

Hindi ko na sya tiningnan ulit habang si harry naman ay inabot ang tubig na binigay nung babae "ako dapat yun eh" bulong ni she habang nakatingin don sa babae. Hala! Tsk.. Tsk.. Sana iba nalang magustuhan ni bes para hindi nalang ito nasasaktan pa.

Binuksan na ni harry ang tubig at ininom habang nakatingin sa paligid ng magkasalubong ang mga mata namin ay nabugha nito ang iniinom na tubig.nakita ko na hindi na nito ininom ang tubig at ibinigay nalang sa ibang kagrupo nya. Napaiwas naman ako ng tingin at saktong dumating si sir kaya napatuon ang pansin namin dito. Nagdiscuss lang kami dahil nakalimutan nya na pagdalhin kami ng damit pang P. E. Namin kaya hindi kami pinagactual.

Palabas na kami ng gym ng makita ko si harry na parang may hinihintay habang sinisipa ang mga batong maliliit na parang naiinip pa ito. Nang mapatingin ito sa gawi namin ay dali dali itong lumapit.

"hi!" bati nito samin at binati lang din namin ito ng pabalik si deo naman ay masama na naman ang tingin dito. "may next subject ka na ba?" tanong nito sakin. "wala.. Vacant kami ng 2hrs.. Bakit?" tanong ko dito.

"pwede ka ba makausap?" napatingin ako sa mga ito at sumenyas na susunod ako sa kanila kaya nauna itong mga ito. Magpapaiwan pa sana si deo kung hindi pa sya hinila ni she at rica. Napagdesisyunan naman namin na sa isang study table  na kami maupo at magusap.

Tiningnan ko ito at hinintay na magsalita, medyo balisa ito ngayon at hindi makatingin sakin.. "yung ano.. Yung.." hindi nito maituloy ang sasabihin "ano?" tanong ko dito. "ahm.. Yung kanina wala lang yun." hah? Ano daw? Di ko gets! Napakunot naman ang noo ko dito.

"yung kanina.. Yung pag tanggap ko ng mineral. Tinanggap ko kasi nakakahiya kung tatanggihan ko" napapakamot na naman ito sa batok at nahihiya tumingin sakin. Tsk! Akala ko naman kung ano na.

"yun ba? Okay lang yun!" sabi ko dito na nakangiti. Napabuntong hininga naman ito na parang nabunutan ng tinik. "about yesterday.. Sorry sa inasal ko" hinging paumanhin din nito. "hindi lang ako sanay na pinagtutulakan sa ibang tao. Nasa harap ko na yung gusto ko.. Titingin pa ba ako sa iba?" nagulat naman ako sa sinabi nito at napaiwas ng tingin.

Parehas kaming namumula ngayon dahil nakita ko na namumula tenga nito kapag nahihiya.. Ako naman mainit ang nararamdaman.

Matagal bago may nagsalita samin kasi naman ang awkward! Magsasalita na sana ako ng may iniabot ito sakin na maliit na paper bag. "ano yan? Bakit?" tanong ko dito habang nakatingin sa inaabot sakin. "peace offering ko sayo. Tanggapin mo nalang" at nagiwas ito ng tingin sakin kaya inabot ko na ito ng titingnan ko ang laman ay may humablot nito sakin.

"ano ba?!" takte! Si jesthle na naman..masama itong tumingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin dito kaya pinaubaya ko na sa kanya. maya maya pa ay narinig ko nalang na parang may kinakain ito. Puro chocolates ang laman nito. Napatingin naman ako kay harry na nakanganga sa ginawa ng kaibigan nito.

"tol! Ang sarap nito! Akin nalang!" binati pa nito si jesthle sabay sulyap sakin na nang aasar pa at nagmadali umalis habang sumabay sa mga kasama nitong kaklase. "kuya jesthle!!!!!!" sa sobrang inis ko ay napasigaw nalang ako dito.Ni hindi na ito lumingon man sakin o kay harry. Ang bastos talaga nito!

Napatingin naman ako kay harry na nakabawi na ngayon sa pagkagulat sa ginawa ng kaibigan nito. "sorry.." feeling ko kasalanan ko kasi wala akong nagawa sa  ginawa ni jesthle. "ano ka ba. Wag kang magsorry.. Pasensya na kung ganon ang ugali ni jesthle ah? Ganon talaga yun minsan" paliwanag nito sakin.

Bakit ang bait nito? Binastos na nga kami pero hindi nagawang magalit sa kaibigan nito kundi ang balewalain nalang. Hays.. Kung ito nalang talaga ang nagustuhan ko swerte ko.

Pagkatapos namin magusap ay hinatid naman nito ako sa mga kaibigan ko. "grabe ah! Ang tagal nyo magusap!" naniningkit ang mata ni bakla nito sakin pagdating ko. "ikaw talaga beks.. Kung ano ano ang nasa isip mo!" sabay lapit ko naman kay she na nagtataka din ang tingin sakin.

Kinausap ko naman ito para malinawan sa aming pinagusapan ni harry at hindi magselos samin. "kung ganon.. Ayaw nya sakin?" malungkot na sabi nito sakin. "ahm.. Ewan ko ba don.. Hays! Sorry talaga bes ah?" pagkocomfort ko dito. "okay lang yun.. Feeling ko nga may gusto sya sayo."napapangiting  sabi nito sakin.

"ano ka ba bes! Wag ka nga magisip ng ganyan! Hindi noh! Malabong ako ang magustuhan non noh! Maarte ang isang yun eh" depensa ko dito. Mataas ang standard ng isang yun kaya malabong ako ang magustuhan non!

"hays! Ang manhid mo talaga! Sa iba kasi nakatuon ang mga paningin mo lagi" naiiling na sabi nito sakin. Nahihibang na din itong kaibigan ko ata?

*****

PaPunta na ako ng parking ng makita ko na naguusap si jesthle at ate buena.. Ano ang ginagawa nito dito sa school namin? Pinagtitinginan na ito ng ibang students hindi lang dahil sa kagandahan nito kundi dahil taga ibang school ito dahil sa uniform na suot nito.

Lalapitan ko sana silang dalawa ng bigla nitong yakapin si jesthle. Sa pagkabigla ko ay kusang tumigil ang paghakbang ko kahit ang utak ko ay hindi din mag function sa nakikita ko ngayon.

Nang mahimasmasan ako ay agad ako naghanap ng matataguan ko para tingnan ang dalawa. Magkahiwalay na ang dalawa ngayon at ginaya ni jesthle ito na sumakay ng kotse nya. Hindi kaya? Waaahhhh!!!! Ayaw ko magisip ng kung ano ano. Tsk! Eh ano yun? Ano yung nakita ko?

"BOOOO!" at hinawakan ang kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay napatili ako, Nagtatatawa naman sa harap ko si harry..

"tumigil ka nga sa katatawa mo dyan! Hindi ka nakakatuwa!" sa sobrang inis ko pa ay hinampas ko ito sa braso. "aray! Hahaha.. Nakakatawa ka gulatin! Ano ba kasing ginagawa mo dyan?! Hahahahaha" tuloy parin ito sa pagtawa sakin. "tsk! Umalis na nga tayo! Sarap mo batukan!" sabi ko dito at inirapan pa. Nauna ako maglakad para at itoy nakasunod sakin habang naririnig ko parin ang impit ng tawa nito.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil iba ang nasa isipan ko habang binabagtas namin ang daan pauwi.

"hmm.. Free ka ba on sunday?" kung ang mata ko kanina ay nakatingin sa labas bahagya  naman ngayon itong napatingin sa kanya. "Wala akong schedule non. Bakit?" tanong ko dito at binalik ang mga mata sa daan.

"birthday ko.. Baka.. Gusto mo ako samahan magcelebrate?" ah birthday nya pala… ANO?! Birthday nya?! Eh ni wala pa nga akong panregalo sa kanya! Lit*k na buhay to! Bakit ba sa tinagal tagal namin magkasama nito ay ni hindi ko man lang natanong ang birthday nito?!

"k-kung ayaw mo naman ay okay lang.." bahagya pa itong nagiwas ng tingin sakin. "ano ka ba! Hindi ko naman sinabi na ayaw ko ah.. May naisip lang ako" sabi ko dito. Nakangiti na ito ngayon "ibig ba sabihin sasama ka sakin sa sunday?" naeexcite na sabi nito sakin.

"teka nga pala! Sa bahay nyo ba ang ganap? Ano dapat kong isuot? Sino-sino bisita mo?" sunod sunod na tanong ko dito na napatawa na naman ito sakin. "relax! Evening dinner lang with my family at syempre kasama ang mga tropa. Yung usual na sinusuot mo ang isuot mo para kumportable ka." simpleng sabi nito at pinagbuksan na ako ng pintuan.

Pagbaba namin ay kinausap lang nito si nanay para sa gaganapin sa linggo sa madaling salita ay pinag paalam nya ako. Agad naman na pumayag ang nanay kaya masayang umalis ito ng bahay.

"oh anak! Mukhang problemado ka?" tumabi ito sakin at hinaplos ang mukha ko. "nay.. Wala pa akong panregalo at isusuot sa birthday nya" at napabuntong hininga naman ako.

"anak.. Sa damit ay wag mo na isipin yun ako ng bahala! Sa panregalo ay bibigyan kita ng pera para maibili mo ng matinong panregalo ang boyfriend mo.." nanunudyong sabi pa nito sakin. "nay! Okay na po eh! Kaso hindi ko po talaga sya boyfriend! Kaibigang lalake lang po!" pinagdiinan ko pa talaga yung last na sinabi ko.

"oo na! Oo na! Yang ilong mo nalaki na naman ang butas.. Hahaha.. Pero anak" tumigil pa ito at ginagap ang mga kamay ko. "okay na sakin si harry.. Kung sya ang magugustuhan mo. Pero may isa pa din akong napupusuan para sayo" hala! Sino naman ang tinutukoy ng nanay? "ay sino po?" takang tanong ko dito.

Tumayo na ito at bago lumabas ng kusina ay "SECRET!" sabay tawa pa nito sakin. Hala! Ano kaya yun? Sinong tinutukoy ng nanay?

Read. Vote. Comment! Thank you😘😘

下一章