webnovel

Chapter 9❤️?

*****

Naalimpungatan naman ako sa mga boses na nagbubulungan kaya pagmulat ng mga mata ko ay napasigaw naman ang mga ito "BES!!!" sigaw nung tatlo na nag-aalala ang mga tinig.

Ano ba nangyari? Bakit ako nakahiga ngayon? Tatayo na sana ako ng mapabalik ako ng higa kasi sumakit ang ulo ko.. Tila naalog ang utak ko.

"wag ka muna kumilos!"

"oo nga! Wag mo biglain ang katawan mo!"

"ano ba kasi nangyari sayo kaninan?!"

Putak sakin nung tatlo, nakakarindi naman ang mga ito! Lalong sumasakit ang ulo ko eh!

"wag kayo sabay-sabay kung magsalita! Lalong sasakit ang ulo nya eh!" nagulat ako sa nagsalita kasi akala ko… kaming apat lang nandito sa clinic.

Napatingin ako sa kanya ngayon na seryoso na nakatingin sakin. Ibinaling ko nalang ang paningin ko ulit sa kanilang tatlo. "a-ano ba talaga ang nangyari?" sa wakas! Nakapagsalita din.

"sa katangahan mo kasi kanina eh! Natamaaan ka ng bola sa mukha!kung ano ano kasing pinagiisip mo kanina! At kung san san ka na katingin!"pagalit na sabi ni kuya sakin.

Ano naman ginagawa ng gunggong nato dito?. Kaya pala masakit ang ulo ko ngayon kasi natamaan ako ng Ano? BOLA?! SA MUKHA?!

"BES! Tama ka ng naiisip ngayon!" sabi ni bakla na kagat kagat ang daliri nito.

"Ahhhhh!!!! Nakakahiya!!!!!!" tili ko. Jusko! Bakit naman sakin pa nangyari yun? Ang dami kayang nanonood kanina samin.. Parang gusto ko maiyak.

"tsk! Ikaw kasi eh! Sabing magfocus ka at makinig ka sakin!" si deo na hinihimas ang buhok na halata mong naawa sakin.

Tinampal naman ni jesthle ang kamay nito na nasa buhok ko na kinabigla naming lahat. Lalo na ako at sinamaan nito ng tingin si deo.

"eh! Kaya naman pala tinamaan sa mukha ang kapatid ko kasi nakikinig sya sayo imbis na magfocus eh!" si kuya na dinuduro si deo.

"kuya! Wag mo nga syang sisihin!" napaupo na ako ngayon sa kama kahit masakit parin kasi baka upakan nito si deo eh! " nagulat kasi ako sa sigaw nung kaibigan mo kanina kaya hindi ko namalayan na tinamaan na ako ng bola kanina!" pag amin ko sa mga to. Ayaw ko pa kasi lumala kaya inamin ko na.

"pinagtatanggol mo pa ito?!" napatingin naman ako kay jesthle na hindi mabasa ngayon ang anyo at nagwalkout bigla.

"totoo ba yan?! Hindi ba gawa nitong lalakeng to?!" pagkukumpirma ni kuya sakin. " oo nga po kuya! Yun po talaga ang totoo.." sabi ko dito habang hinihilot ng isang kamay ko ang sintido ko.

"sya! Ayusin mo na ang sarili mo at mamaya ay uuwi na din tayo! Mauna na ako sa inyo.kayo na bahala sa kapatid ko." malumanay na sabi ng kapatid ko sa amin at umalis na din ito.

"Hayssss!!!! Akala ko mabubugbog na ako ng kapatid mo!" napaupong sabi ni deo na halata mong natakot din.

"akala ko nga makakakita na kami ng instant Panda eh!" sabi ni rica na natatawa.

"hay! Yan na naman kayong dalawa! Tumahimik na kayo!"suway ni she sa mga ito. " ano? Okay kana ba bes?" tanong nito sakin na nagaalala.

"medyo masakit parin ang ulo ko.. I mean parang nawiwindang parin ako ngayon." lalo na pag sabay sabay silang naimik.

Nagpahinga ako hanggang sa maguwian habang binabantayan ako ng tatlo. Magkakasama na kaming naglalakad ngayon paalis ng clinic.

"sya ba yung kanina? Hahahaha"

"grabe! Ang sakit non!"

"oo nga eh! Kung ako yun parang di na ako makakapasok sa kahihiyan!"

"hahaha swabeng swabe ang bola sa mukha nya nung tumama! Hahaha"

"wag mo nalang pakinggan!" sabi nung tatlo sakin. Grabe! Nakakahiya talaga! Parang ayaw kong pumasok bukas.

"win! Grabe naman kasi eh! Sisikat ka lang din naman sa ganong pangyayari pa!"napangiwi si beks sakin.

"Ricardo! Kung di ka lang namin kaibigan siguro ganyan ka din kahuhudas katulad nila magsalita!" sabi ni deo na halatang nilakasan, napatahimik naman yung iba na nakakarinig sa sinabi ni deo.

"grabe ka naman! Sabing Rica eh!" ungot nito.

"nakakahiya! Mas gusto ko na umabsent bukas...parang wala na akong maihaharap na mukha sa kanila. Tapos ako pa ang issue." nalulubang sabi ko. Eh kasi naman nahahabag ako sa sarili ko eh! Sa inyo kaya mangyari yung nangyari sakin? Siguro di na din kayo papasok?

"yan ang wag mong gagawin! Papatalo ka pa sa mga walanghiyang yan! Hindi naman mabigat na pangyayari yun! Atsaka! Aksidente yun! A-K-S-I-D-E-N-T-E!!!! HINDI KRIMEN!" pasigaw na sabi ni she na kinatawa namin.. Kasi grabe naman…Ngayon lang namin ito makita na magreact ng ganto.

"oo na.. Papasok na po ako bukas! Salamat talaga sa inyo!" at nagyakapan pa kaming apat bago maghiwa-hiwalay.

Nakita ko naman sina kuya at jesthle na naghahantay sakin sa paradahan ng bike.

"kaya mo na ba umangkas? Baka mamaya bumagsak ka dyan?" sabi ni kuya sakin. "sya.. Kay kuya jesthle mo na ikaw umangkas para nakaupo ka." wow! Ang bait ata ni kuya ngayon…Dapat laging ganto nalang.

Napatingin ako kay jesthle na nakasakay na sa bike ngayon, masama parin ang tingin sakin at sinenyasan ako na sumakay na. Samantalang si kuya ay nauna na samin.

Tahimik lang kaming dalawa habang ako ay nakahawak sa uniform nya. "Ga-galit ka ba?" tanong ko dito. Hanggang sa hindi ito umimik…  "uy! Galit ka?" yinugyog ko ito sa damit para mapansin ako. Tumigil ito sa pagbabike "gusto mo ba maaksidente tayo?! Ng madalawahan ka pa?!" pagalit na sabi nito sakin at padabog na nagpadyak ito ng bike nya.

Galit nga talaga sya.. Bakit naman sya magagalit? Wala naman akong ginawang masama sa kanya! Lagi nalang galit to sakin. Napatingin ako sa braso nya na may benda "masakit pa ba ang sugat mo? Salamat nga pala sa pagligtas sakin ah?" malumany na sabi ko pero hindi parin ito nasagot hanggang sa Natanaw ko na malapit na kami sa bahay.

"tsk! Sa susunod magiingat ka! Puro ka aksidente! Pinagtatanggol mo pa! Tapos may payakap yakap pa kayo!" sabay tigil ng bike nito sa bahay namin at  dire-diretso ito na pumasok ng bahay.

Ako?eto tulala sa mga sinabi nya.. Ano daw? Pinagtatanggol ko pa? Payakap yakap pa? Nagagalit ba ito sa pagtatanggol ko kay deo at sa group hug namin kanina?

Napangiti naman ako bigla kasi feeling ko nagseselos sya..

Ano ba? Hindi ka nya type! Gumising ka nga!

Oo nga pala parang nakababatang kapatid lang tingin nito sakin kaya siguro nagagalit sya sakin. Hays! Bawal mag assme! Baka lumala ang sakit…

Nagmadali na ako pumasok at nagmadali nagbihis ng damit para mawala ang mga isipin ko. Bumaba ako papunta sa kusina ng maabutan ko sina nanay na nagkekwentuhan.

"ano ka bang bata ka! Hindi ka nagiingat!" sabi ni nanay ng makita ako. "lagi ka kasi lalamya lamya..may sugat ka ba?" paguusisa ni nanay.

"wala po nay. Okay na po ako ngayon…" sabi ko habang nakuha ako ng pagkain. Sina kuya naman ay nagkekwentuhan habang nakain.

"hahaha.. Grabe ka! Chix na yung lumalapit sayo kanina di mo pa kinana!" sabi ni kuya na tatawa tawa. Napatingin naman ako sa mga ito habang nakikinig  sa usapan nila. Sinong babae kaya tinutukoy ni kuya?

"hindi ko sya type!" malamyang turan ni  jesthle. "dude! Kung ako sayo.. Naku!yayain ko agad makipagdate sakin yon!" sabi ni kuya na ngingiti ngiti.

"aba! May girlfriend na ba si jesthle?" usisa ni nanay. " naku! Nay! Wala po!" tanggi nito at napatingin pa sakin na nangungusap ang mata.

"tsk! Nay! Kilala sa campus namin! Ibang section.. Yung babae na ang lumalapit ayaw pa!"sabi ni kuya na binubully si jesthle.

"aba nga naman! Sa gwapo ba naman ng batang to! Hindi na ako magtataka kung ito ay pagkaguluhan" tudyo pa ni inay dito. " pero! Mag-aaral muna ah? Magtapos muna! Wag puro pambabae!" pahabol pa nito  " at ikaw anak! Wag puro babae ah? Baka nakikipagdate kana?" kala ko last na yun.. Kay kuya naman bumaling.

"nay! Aanhin ko naman itong mukha na namana ko sa inyo ni tatay?" sabi ni kuya at niyakap pa si nanay. "sus! Ikaw na bata ka! Puro ka lambing kaya ikay nakakatakas minsan sakin eh!" at niyakap din nito si kuya.

"si winnie ang pagsabihan nyo nay ke bata bata pa nyan!" sabi ni kuya kay nanay. " ano naman at sakin naman nabaling yan huh?!" reklamo ko.

"anak! Ikaw ay babae.. Kaya ikaw dapat ang magiingat! Wag muna makikipaglandian!" pangaral ni nanay sakin. Si jesthel naman ay nakatingin sakin habang nainom ng juice kaya inirapan ko lang ito. Bwisit sya! Sya pala ang landi ng landi! Tapos sakin magagalit kanina! Sino kaya yung babaeng tinutukoy nito? Need ko talag magimbistiga bukas! Hindi ako mapakali habang hindi nalalaman kung sino yun. Humanda ka sakin kung sino ka man!

"Girlfriend? Girlfriend? As if naman type ka" non! Sabi ng isa kong utak.

"bakit? Hindi pwede? Age doesn't matter noh! Kaya wag kang kontrabida!" sabi naman ng isa ko pang utak.

Makatulog na nga! Jusko! Nasisiraan na ako ng bait eh!

下一章