webnovel

15. The Plan

Blade Gonzales

**

SINUBUKAN kong kontakin si Lucy habang hawak-hawak ko yung di keypad na cellphone na nakuha ko lang sa cabinet dito sa loob kung saan kami nag-sstay.

Speaking dito, hindi ko alam kung saan kaming lugar binagsak ng Cohen na 'yon. Pinainom kami ng juice ng mga tauhan niya ng may halong pang-patulog kaya hindi namin nabaybay ang bawat lugar na dinaanan namin. Hanggang sa nagising nalang kami na nandito na sa bahay na ito.

I gnashed my teeth, taking a deep sighed as it pops those things in my head.

Ilang araw na rin kami dito sa maliit na bahay na 'to, na halos tabing dagat na rin. Masukal ang daan papunta dito lalo na't mayroong mga naglalakihang mga puno ang nasa paligid ng sinubukan namin nila Nick at James na libutin ang lugar na ito nung isang arsw, nagbabakasaling may matagpuan kaming makaka-tulong sa'min o paraan para maka-aalis kami sa lugar na ito. Pero nabigo kami.

Isa pang bagay, 'yon na ang huli naming pagkikita ni Lucy bago kami isinalpak ni Lewis sa Cohen na 'yon. Hindi ko nga alam pati kami ni James at Nick kung ano talaga ang gusto niyang mangyari sa'min. Kaya sa ilang araw na pamamalagi namin dito ay nangangalap kami ng mga impormasyon lalo pa't may isang bagay kaming nalaman na hindi niya kami papaalisin o hindi kami makaka-alis dito hangga't di nami natatapos ang misyon namin na sinasabi niya, pati ang ipinapagawa niya kay Lucy.

Oo, kung tutuusin ay nakasalalay lahat kay Lucy, at kapag hindi siya nagtagumpay, batid namin nila Nick at James na maaaring may mawalan ng buhay lalo na si Lucy. Pero alam kong panakot 'yon ni Von para sundin ang lahat ng gusto niya. Tsk.

"Blade, ano? nakontak mo na ba si Lucy? Nakausap mo na ba siya?" napasinghap ako sabay napasuklay ako sa'king buhok ng mapatayo ako.

"Hindi pa. Malamang napag-planuhan na rin 'yon ng Cohen na 'yon kaya hindi natin siya makontak." napa-sandal ako sa cabinet na nasa gilid ko habang naka-koros ang mga braso ko sa'king dibdib.

"Tama. We should expect that thing sa simula palang.." napasaklop ng mga kamay si James habang naka-upo na ngayon sa isang lumang upuan.

"Ayusin niyo mga sarili niyo. Paparating na siya." napa-balikwas kami ng lakad palabas ng bahay ng marinig namin ang tunog na ingay na nanggagaling sa helicopter, na malamang ay ginamit ng Cohen na 'yon papunta dito.

"Blade, Nick, ako na ang bahalang kuam-usap sa kanya." rinig kong mahinang sabi ni James na nakatayo sa pagitan namin ni Nick.

Hindi pa rin namin inaalis ang tingin namin kay Cohen na naka-trouser habang naka-tupi sa kanyang mga siko ang sleeves na suot niyang navy clothe, kasama ang dalawang escort niyang may mga dala-dalang armas na ngayon ay naglalakad na papalapit sa'min.

Bahagya namang humakbang papalapit si James kay Von.

Tinanggal ng Von yung shades niya saka niya nagbitiw ng salita ng nasa harap na namin siya pati yung mga escort niya.

"I'll not make it long Nick, Blade and James. Your mission is based on what's inside of this case. All you have to do is to bring that person to me. Dead or alive." kinuha ni James yung case na inabot sa kanya nung isa sa mga escort ni Von. Napabaling kami doon ni Nick ng dahan-dahang binuksan iyon ni James para tignan kung ano ang nasa loob niyon.

"You have three days to finish it. Magpapadala ako ng tauhan ko dito to bring you on your target. If you three failed to do it, you must ready yourself.." ma-awtoridad niyang sabi. Pagdaka'y sinuot niya ang kanyang shades.

Napatingin ulit ako doon sa loob ng case na 'yon at nakita ko ang isang pistol silencer pati ang picture na sinasabi ni Von ng kunin iyon ni James.

"You know what i'm saying.." nagpabalik-balik ang tingin niya sa'ming tatlo. "Saved your bandits especially if you want to see Lewis, and Lucy." madiin niyang sabi ng banggitin niya ang pangalan ni Lucy. Napansin kong naka-baling ang tingin niya kay James ng sambitin niya 'yon, may bahagyang ngisi sa kaniyang labi na animo'y nakakaloko.

Iniwas naman niya kaagad ang tingin niya nang pagdaka'y saka siya tumalikod at nagsimulang humakbang paalis. Pero hindi pa sila nakakalayo ay napatingin ako kay James pati si Nick nang magsalita siya.

"Anong kapalit nito kapag nagawa namin ang ipinapa-trabaho mo?" napahinto sandali sa paglalakad si Von ng salitain 'yon ni James. Napa-tingin naman kami sandali ni Nick sa isa't-isa.

"Like what I've said before. I never broke my words. I'll bring back your group." pagkasabi niya niyon ay saka na siya nagpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa maka-sakay na siya sa helicopter pati yung mga escort niyang kasama. Pagdaka'y saka naman ito pinalipad hanggang sa umangat ito sa ere at unti-unti'y lumilipad papalayo sa kinatatayuan namin.

"Susundin ba talaga natin yung pinapagawa niya?" humarap si Nick kay James ng maitanong niya 'yon. Napansin kong kinuha naman ni Nick yung picture kay James at tinignan niya ulit iyon ng mabuti.

"I have a plan."

"Plan?" nagtataka kong tanong ng mapa-harap rin ako sa kanya.

"Wait, parang nakita ko na 'tong lalaking 'to. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.." sabay naman kaming napa-tingin ni James kay Nick ng sambitin niya 'yon.

"Alalahanin mo Nick. Malaking bagay 'yon para mapadali natin ang pag-tumbok sa kanya." I said. Ibinalik naman ni Nick yung picture kay James at nilagay naman 'yon ni James sa loob, kasunod ay kinuha niya yung pistol silencer at sinuri niya itong maigi nang hawakan niya iyon.

"James, tell us your plan. Dahil kung gayon, we can have a plan also on how we will get rid Von Cohen in our eyes."

Yes, gusto ko talagang mawala na siya! Because he's so damn trash for us. He's ruining us!

I don't care if he's born with a fascinating looks and a girls to be chased on, and even I bet him for Lucy, pero malaking sagabal siya sa grupo. Because of him, pati si Lewis at Lucy ay mapapahamak dahil sa panghihimasok niya sa grupo. Ugh!"

"Let's get inside. Doon natin ngayon pag-uusapan ang magiging plano natin." sumang-ayon naman kami ni Nick sa sinabi ni James ng mag-tinginan kami sandali.

Pagdaka'y sabay-sabay kaming naglakad papunta sa loob ng maliit na bahay na pinag-sstayan namin. Saka namin sinimulang pag-usapan ang magiging plano namin ng maka-pasok na kami sa loob.

hope you like this chapter!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Maiden_pinkishcreators' thoughts
下一章