webnovel

Chapter 11:

"Arra's POV"

Linggo ngayon,wala akong magawa sa dorm kaya naman naisipan kung pumunta sa park.Naglalaro ulit ako ng Pokemon Go nakakaenjoy pala laruin yun.

Napagod na ako kaya nagpahinga muna, sakto naman na nakita ko ang bench kaya umupo muna ako don.Naalala ko tuloy si Cutie Boy na Calyx ang pangalan.Sabi niya Castillo daw siya kaya  iniisip ko kung kapatid siya ni Aries cute pa man din at pogi pa may pagkakahawig pa nga e.

'Tumigil ka na nga Arra linggo ngayon kaya wag ka muna mag isip ng kung ano ano kasi rest day ngayon'.

Sa di kalayuan may nakita ako na papunta dito at tumatakbo pa.Si Calyx agad ang nakita ko at kasama pa niya si Aries.

"Woahh!!whats a coincidence?"ani nito.

"Hello Ate Arra!!"Bati ni Calyx sabay yakap sa akin.

"Hello!"

"Ate!Kuya ko nga pala si Kuya Aries."

Bingo!!sinasabi ko na nga ba magkapatid sila e.Winner ako,winner!

"Ah kilala ko na yan!"sabay pisil sa pisngi niya.Cute kasi e.

"Ate!pwede bang Ate Arra  na lang ang itawag ko sayo?"

"Sure,no problem."

"Thank you for saving me."

"Wala yun."

"Calyx,usap muna kami ni Kuya mo ah!"

"Sige po."

"Aries bat di mo sinabi na may kapatid ka pala?!"

"Di mo naman tinatanong e,"pamimilosopo  nito.

"Seryoso ako!!"

"Sayo!!Joke lang.Eto na sasabihin ko na.....siyempre ayoko ipaalam sayo kasi di mo ako papansinin kapag pinakilala ko sayo kasi mas cute siya kaysa sakin,"ani nito na ikinagulat ko at dahilan pa para mamula ang pisngi ko.

"Why are you blushing?!"

"Nothing!"

"Arra tell me the truth.Who is the cutest me or my brother?!"tanong nito na ikinabigla ko.Nag isip muna ako ng matagal at saka siya sinagot.

"Si Calyx!!"

"Oh tingnan mo mas nacutan ka pa kay Calyx kaysa sa'kin."

"By the way Arra!!Nakapag isip isip ka na ba?"pag iibang topic ni Aries.

"Ah hindi pa.Bigyan mo muna ako ng isang linggong palugit."

"Sige basta kapag nakapagdesisyon ka na sabihin mo agad sa akin ah!!"sabay ngiti sa akin.

"Sige."

Nagkwentuhan kaming tatlo at masaya naman pala kasama sila.Lalong lalo na si Calyx ang dami kasing binabato na biro.Masaya din ako na parang binigyan ako ng chance na maging ate pano kasi solong anak lang ako.

Napatigil ang aming kwentuhan nung tumunog ang tiyan ko.Gutom na kasi at ganun dun sila, nagtawanan  na lang tuloy kami.

"Arra!!Gusto mo bang sumabay samin?Kain tayo diyan sa malapit na restaurant."

"Pwede ba?!"hindi ko na napigilan kasi nagugutom na rin ako at kapag umuwi pa ako sa dorm sure na walang pagkain na natira.

"Oo naman,"at ngumiti sila sa akin

"Yehey!!kasama ko si Ate Arra!!"pangilalas na  sabi ni Calyx.Hay naku bata nga naman.

Buti na lang naligo ako kanina bago pumunta sa park ramdam ko kasi na mainit e.

Sumunod lang ako sa kanila kasi di pa ako familiar sa dinadaanan namin kaya naman nagmamasid masid ako.

Huminto sila Aries at Calyx at pinapasok ako sa kotse.Yayamanin din pala si Aries.Swerte magiging jowa nito.

"Aries akala ko ba sa malapit lang bat parang malayo?!"

"Sorry, I lied."

"What?!sira ulo ka ba tingnan mo nga ang suot ko nakapambahay tapos dadalhin mo pa ako sa malayo,"bulyaw ko sa kanya.Pano ba naman kasi nakapambahay ako tapos dadalhin niya pa ako sa malayo.Para tuloy akong tanga don.

"Don't worry kung ayan ang pinoproblema mo edi bibilhan kita ng damit."

Tumahimik na lang ako kasi ililibre ako e.

Makalipas ang kalahating oras nakarating kami sa mall.Oo,sa mall.

"Oh bat dito sa mall?!"

"Sumunod ka na lang."

Pumasok kami sa loob at diretso na pumunta sa "DRESS EMPIRE"yan kasi ang name e.Pinagtinginan ako ng mga tao pano kasi sinong engot ang pupunta na nakapambahay.

"Pumili ka ng damit na gusto mo at ako na ang magbabayad."

"Wag na lang kaya, ang mamahal kasi e."

"Wag mong alalahanin ang pera kasi ako na ang magbabayad."

No choice na ako at pumili na lang kaysa naman na ipagpatuloy ko pa na suot ang pambahay ko nakakahiya yun.Nakita ko ang floral dress at sinukat at sinuot ko.

Lumabas na ako sa fitting room.

"Aries maganda ba?!"tanong ko.Natulala si Aries kaya naman pinitik ko ang noo para magising .

"Hoy!ang sakit ah!!Oo napaka ganda,"sabi nito at nginisian lang ako.

"Ate Arra ang ganda ganda mo,ngayon ah!!"sabi ni Calyx.

"I know right."

"Let's go kain na muna tayo,"aya ni Calyx at umalis na kami.

Kumain kami sa Castillo's Restaurant dito lang sa loob ng mall.Eat all you can ang peg!!kasi sobrang dami ng pagpipilian merong mga ibat ibang side dish tapos may ibat ibang country.Siyempre pinili ko ang kimchi at may ibat ibang klase pa may Baechu,Kkakdugi,Nabak,Yeolmu,at ang last but not the least ay ang Oi Sobagi.Marami pang mga nakahanda na pagkain sa lamesa para bang isang malaking piging sa dami.Habang kumakain ako napatingin ako kay Aries na nakatitig naman pala sa akin kaya naman nailang tuloy ako.

"Aries!!sa inyo ba itong Restaurant?"

"Oo, sa amin nga bakit?"

"E, kasi bat ang dami mong pinahanda na pagkain para tuloy walang araw bukas dahil sa dami."

"E,  gusto ko busog ka."

"Grabe ka naman sa akin.Bakit mabubusog naman ako ah at di ko nga to mauubos e!"

"Edi tutulungan ka naming kumain,"sabi naman ni Calyx.

Oo nga naman di ko naisip agad yun ah!!

Tumahimik na lang ako at kumain ng kumain.Lamon na kung lamon ang importante eh busog ako.

Makalipas ang isang oras.............

"Ate tutal nandito naman tayo.Pwede ba tayong gumala gala?!"pagpapacute na sabi ni Calyx.

"Sige ba.Pero pwede ba maya maya busog na busog pa ako e."

"Sige po!"

"Ahm Aries pwede ko bang malaman ang full name mo.Add kita sa facebook,"nahihiya kong sabi

"Alexander Aries Castillo."

"Bakit Alex lang ang pagpapakilala mo sa akin nung una tayo nagkita tapos ngayon naman Aries?!m"

"E, siyempre mahaba ang name ko kaya Alex na lang ang sinabi ko.Yung mga kaklase ko naman ay Aries.Kaya kung saan ka komportable don na lang,"mahabang litanya nito.

"Ah okay sige, Aries na lang din mas maikli e!"pabiro ko sa kanya na mukhang sineryoso naman.

"Sige.Tara na maggala gala na tayo kasi mamaya pa tayo matutunawan nito e."

"Sige."

Naggala gala nga kami ni Calyx at Aries.Masarap sila kasama nakakaenjoy.Naglaro laro kami kasi pumunta sa arcadan si Calyx.Naalala ko tuloy yung mga kaklase ko.

'Arra wag mo ngang isipin ang mga ugok na yun.Ituon mo ngayon ang sarili mo kila Aries wag don sa mga ugok nayon.'

Nanood din kami ng sine para tuloy date ang peg kasi nakafloral dress ako at nakaformal na suot pa si Aries.At kung ano ano pa ang ginawa namin.

Makalipas ang tatlong oras mga magdadapit hapon na din nakaramdam ako ng pagod kaya naman naisipan kong umuwi na.Hinatid naman ako ni Aries at Calyx kasi may binili din sila sa akin.Ang totoo nga ayoko tanggapin kaso malas ang tumanggi sa grasya kaya ayon tinanggap ko.

Alas singko na ako nakarating sa dorm at nagpasalamat ako sa kanila kasi nag enjoy ako sobra.Sana nga tuloy tuloy ang swerte para masaya.Pumunta na ako sa kwarto ko at ginawa ang night routine ko pagkatapos ay nag open ng facebook para ifriend si Alexander Aries Castillo at yun na nga mabilis niya na man akong inaccept.

Chinat niya agad ako  tapos nangamusta para man lang hindi nagkita kanina.Nag chatchat kami tapos nung dinalaw na ako ng antok ko natulog na ako.

下一章