webnovel

Chapter 51

CHAPTER 51

--ALEX:

Days passed pero hanggang ngayon hindi pa rin kami bati ni unggoy. Wala eh, nung sinabi kong pumunta na siya doon sa Kim niya, pumunta naman siya! Hindi man lang nakatagal sa pagsuyo sa akin ang unggoy!

Naiistress ako sa kaniya! Kaya mas minabuti ko na lang din na itutok ang atensyon ko sa pamamalakad ng MU. Isa pa 'tong MU, medyo nagiging busy ako these past few days para sa nalalapit na foundation day. At dahil ako si Alex, hindi ko hinahayaang ang mga students at faculty staffs lang ang mag-asikaso ng event, syempre tutulong ako.

Kaya heto ako ngayon, busy sa kakapirma ng mga documents kasi maraming establishments ang nag-aalok ng serbisyo nila sa MU para sa darating na event. Sikat ang MU hindi lang sa buong bansa kundi pati na rin sa ibang bansa kaya marami ang gustong i-grab ang opportunity para makapag-endorse ng mga product at service nila sa mga students. Gaya na lang nitong hawak kong letter na galing sa Greenlights Inc. na nagppropose na sila na ang magconduct ng fun run for a cause in which ang hangarin nila ay makapag-bigay liwanag sa mga kabahayan sa mga kabundukan.

Well, maganda ang hangarin nila kaya bet ko siya. Ang isa sa main purpose ng foundation dito sa MU ay ang makatulong kung kaya't dinarayo ng mga mayayamang tao ang foundation ng MU kada taon dahil sa magandang hangarin nito.

Kaya marami rin ang nag-iisponsor sa MU dahil hindi lang sa school napupunta ang mga nalilikom na pera kundi pati na rin sa mga nangangailangan.

Marami pa ang nagppropose ng serbisyo nila pero iilan ang pinili ko kasi yung mga iba ay gusto lang pasikatin ang pangalan nila pero wala silang balak makatulong. Then after that, idudulog ko ito sa committee, syempre hindi lang ako ang magdedesisyon para sa school. Kailangan ko ring iconsider ang desisyon ng board of committee.

(2 weeks Later)

"Hey tita pretty! Notice me!" Napabalikwas ako at nagbalik sa realidad nang iwagayway ni Briley ang kamay niya sa harapan ko.

"Oops I'm sorry sweetie, ano ulit sabi mo?" Tanong ko sa pamangkin ko. Yeah right, it's Briley ang napaka-cute kong pamangkin na anak nila ate Aubrey at kuya Brian.

Kakauwi lang nila galing Europe kanina. Yes kakauwi lang nila kanina pero itong si Briley, walang epekto sa kanya ang jetlag at agad nag-aya pumunta dito sa mall, hindi sana siya papayagan ng parents niya pero mapilit eh kaya wala silang nagawa kundi ibilin sa akin si Briley na samahan ko raw sa mall.

Wala din naman akong masyadong ginagawa kasi ipinaubaya ko na ang preparations para sa foundation sa mga staffs kasi konti naman na eh matatapos na rin. Na-miss ko rin naman ang cute kong pamangkin kaya hindi na rin ako tumanggi.

Naiwan sila kuya Brian at ate Aubrey sa bahay ko kasi mag-aayos pa daw sila ng gamit nila kasi doon daw muna sila pansamantala titira habang nagbabakasyon sila dito. Well, okay lang din naman sa akin kaya pinagamit ko na lang ang guestroom sa kanila.

"I want Jollibee tita pretty." Sabi niya sabay pacute. Nakuu, ayan nanaman siya sa tita pretty niya. Palibhasa tinuruan siya ni unggoy na ang itawag sa akin tita pretty tapos sa kaniya naman ay tito handsome.

"Yeah sure! Why not? Ubusin mo lang 'yang token mo then punta tayo Jollibee later." Sabay tap ko sa ulo niya at ipinagpatuloy niya ang paglalaro niya ng basketball. Andito kasi kami sa World of fun, dito niya ako unang niyaya.

After namin sa World of fun, agad kaming dumiretso sa Jollibee.

"Pili ka ng gusto mo baby." Sabi ko kay Briley nang malapit na kami sa counter.

"Uhmmm, I want Jolly spaghetti with chicken joy and sundae po." Sabi niya sabay turo niya sa mga 'yon. Aww, ang cute niyang bata. Sana kasing cute niya rin ang magiging anak namin ni unggo—oops, muntik ko ng masabi. Like duh?! Hindi kopa nga siya sinasagot, anak na agad ang nasa isip ko. Umayos ka Alex!

Syempre, umorder din ako ng para sa akin. I ordered Xlarge fries with yum burger, spaghetti, chicken and float. After namin umorder, good thing ay nakahanap kami ng mauupuan agad kasi nagugutom na rin ako.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsubo ko ng fries nang may makita akong pigura ng dalawang tao malapit sa table namin na masayang kumakain rin. It's obvious naman na masaya sila kasi pinunasan pa ni boy ang sauce na nasa gilid ng labi ni girl.

Ang landiiiiii! Ang sarap nilang batuhin ng sandamakmak na fries.

Ipatapon sa ilong Pasig river at ipalapa sa buwaya!

Oo, gusto kong ipakain si unggoy at si kimmy dora kay Kingkong! Bagay sila, si Jacob, unggoy at si Kim naman ay Kimmy Dora. What a perfect match!

Teka, kailan pa ako naging ganito? Kailan pa ako naging bitter? Pwe! Hindi ako bitter.

"Tita pretty, are you mad to Mr. chickenjoy?" Singit bigla ni Briley.

"Huh? What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.

"Your chicken was already murdered by you." Agad naman akong napatingin sa chicken na nasa harap ko at nakupuuu, totoo ngang murdered na siya. Lasog lasog na eh.

Kasalanan kasi 'to ng dalawang 'yon.

"Ah hehe, I'm just checking what's inside the chicken. Don't mind me, just eat your meal." Okay, ang lame ng rason ko. Magpapalusot ka na nga lang Alex, waley pa. Halatang naguguluhan siya sa sinabi ko pero nagkibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Hmmp. Bahala ka diyan unggoy ka. Huwag na huwag mo akong malapit-lapitan kasi makakatikim ka sa akin. Nakakainis, nanliligaw siya sa akin tapos may nilalandi siyang iba porket hindi kami okay. Ang sarap niyang tadyakan!

Okay nagiging nagger na ako. Mas mabuti kung di ko na sila papansinin kasi marami pa akong problema at ayaw kong masali pa sila roon.

"You know what tita pretty, I missed Azhrect already. When will she come back? Because I want her to teach me again on how to punch and how to use dagger." Naka-pout na sabi ni Briley.

"Uhh, I don't know yet. Maybe she's busy right now that's why she can't visit you." Pagrarason ko. Hayst, binabalikan nanaman niya. I used to teach him some punching skills when he's still 2 years old. That's the time na sumasali pa rin ako sa mga gang fights. Yun nga lang, hindi niya alam na si Azhrect at ako ay iisa. Ang sabi ko kasi ay matalik kong kaibigan si Azhrect at kailangan niya munang bumalik sa pinanggalingan niya kasi madami siyang trabaho.

"Aww, how I miss her. She's so cool because of her mask. I want to be like her someday." Bigla namang nawalan ng kulay ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Buti na lang at wala dito ang parents niya, kung nagtakataon ay masasabon nanaman ako kay kuya. Pinagbawalan kasi ako ni kuya na turuan si Briley sa pakikipaglaban kesyo ang bata pa daw niya. Well, wala akong magagawa. Kahit gusto naming pareho ni Briley ay hindi pwede. Madali rin kasing maturuan si Briley at maingat din siya kaya gustong-gusto ko siyang turuan noon not until muntik ng mapatay ni Briley ang driver nila kuya nang magbato siya ng dagger. Well, that's the first and last naman na kasi nga pinagbawalan na kami.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
下一章