webnovel

Chapter 34

CHAPTER 34

--ALEX:

"Ang tagal mo ding nagtago.... Azhrect." Ani ng lalaking nagtutok sa amin ng baril kanina. Teka, ba't niya nga pala ako kilala? Ano'ng nangyayari dito?

"Sino kayo? Ano'ng kailangan niyo?" Cold na tanong ko habang nakatutok pa rin sa kanila ang baril namin ni Jacob.

"Wag ka ng magmaang-maangan." Sabi ng isang kasama niya.

"Hindi ako magtatanong kung alam ko ang sagot. Idiot." Nakita kong nagtagpo ang kilay ng lalaking nasa harap at akmang aangatin ang dala niyang baril nang pumunta ang kasamahan niyang bumulong sa kanya kanina sa harap niya.

"Hindi ko inaasahan na sasabihin mong hindi mo alam kung sino kami at kung anong pakay namin sayo. Mukhang may nakabasa ng sulat ng pinadala namin sa'yo at itinago ka nila." Sabay tingin niya kay Jacob. Teka naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Pero imbes na magsalita ako, hinayaan ko siyang ipagpatuloy niya ang sinasabi niya. "Isang buwan na ang nakalipas nang nagpadala kami ng sulat sa taong nagngangalang Azhrect na kung saan ay iniimbitahan namin si Azhrect sa isang gang fight na nagsasaad na kailangan niyang labanan ang isa sa pinakamagaling na gang sa buong mundo. Nakasaad rin doon ang eksaktong lugar at oras ng gang fight. Akala namin ay darating ka, pero ilang oras na kaming naghihintay pero walang dumating na Azhrect kaya sabi ni Boss na nagtago ka raw kasi naduduwag k--- " Pinutol ko na ang sinasabi niya kasi parang alam ko na kung saan ang patutunguhan no'n.

" 'Wag kang mag-alala, pakisabi na lang sa boss mo na may importanteng bagay lang akong ginawa kaya 'di ako nakarating. Pakisabi rin na ipagpapatuloy namin ang laban ilang araw mula ngayon. At ipapakiusap ko lang na umalis na kayo sa subdivision na ito. Lubayan niyo na ang mga kabahayan nila." Nagtitimpi kong sabi sa kanya.

"Sige. Basta 'wag mo lang bibiguin ulit si boss, kung ayaw mong pasabugin namin ang buong subdivision." Pagkasabi niya no'n ay umalis na sila sa loob ng bahay at sinabihan ang mga kasamahan nila na kailangan na nilang umalis at sabihin sa mga kapit-bahay namin na nagtatapping kami para sa isang pelikula kaya nagkaroon ng putukan. Mabuti na lang at naniwala ang mga kapit-bahay namin sa kanila dahil wala naman silang sinaktan kaya siguro mabilis silang napaniwala. Mababakas naman sa mga kapit-bahay namin ang relief mula sa takot na narmdaman nila kanina.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at agad na lumabas matapos kong itago ang baril sa bag ko para kausapin ang mga kapit-bahay naming nasa labas ng bahay namin kasama ang mga pulis.

"Ano'ng nangyari dito kanina? Totoo ba na nagtatapping kayo para sa isang pelikula kanina?" Tanong ng pulis .

"Ah totoo po na nagshoshoot kami kanina para sa isang pelikula na ipapalabas sa school namin kaya po nagkaroon ng putukan kanina pero scripted iyon at wala po kaming balak na saktan ang kahit na sino. At yung mga damage po sa bahay namin ay wala lang po. Hindi din po totoo ang ginamit na baril kanina. Sound effect lang po ang putok na baril kaya pasensya na po kasi hindi kami nakapag-paalam. Kailangan na po kasi naming ipasa sa susunod na linggo ang proyekto namin." Shemzzz, sana kumagat si mamang pulis. Talagang pinagmukha ko pa ang sarili kong kaawa-awa para lang paniwalaan niya niya ako like eww.

"Ahh gano'n ba. Sige mauna na kami akala kasi namin ay totoo ang naganap na putukan at hostage." Sabi ni mamang pulis na mukhang nakumbinsi ko sinabi ko.

"Sige mauna na kami iha. Sa susunod paalam muna kayo ha para alam namin na taping lang pala haha." Natatawang sabi ni mamang pulis.

"Sige po. Pasensya na po ulit." Sabi ko.

Humingi na rin ang ng despensya sa mga kapit-bahay naming na-hostage kanina. Sabi din naman nila ay okay lang. Sadyang natakot lang daw sila kasi biglaan na lang daw pumasok sa bahay nila ang mga armadong lalaki. At laking pasasalamat nila nang walang nasaktan sa kanila at dahil na rin sa hindi pala totoo ang naganap na putukan.

Mabuti na rin at hindi pa nagsagawa ang mga pulis ng masusing imbestigasyon. Ang ikinababahala ko lang ay ang isang mamang nakatingin sa banda ko habang umiiling-iling. Sa tingin ko ay alam niyang hindi talaga taping sa isang pelikula ang nangyari kanina.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, dumeretso agad ako sa kwarto ni Vince at naabutan ko siyang nag-eempake ng mga gamit niya.

"We need to get out of this place so you better pack up your things too." Sabi niya ng hindi man lang ako sinulyapan.

Pero imbes na sundin ko ang sinabi niya ay nanatili lang ako sa pwesto ko, sa pintuan habang nakacrossed-arms.

Napansin niya din ang hindi ko pag-alis kaya sinulyapan niya ako.

"Care to share what the hell is happening?" Malamig na sabi ko at hindi man lang nagpapakita ng emosyon.

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya na para bang nag-aalangan siya kung sasagutin niya ba ang tanong ko hindi.

"Uhhm, wala nam--"

"I SAID TELL ME WHAT THE HELL IS HAPPENING! AND PLEASE BE DIRECT TO THE POINT! HUWAG MONG SABIHING WALA DAHIL MERON! DON'T BE SUCH A COWARD!" Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses dahil naaasar na ako sa kanya. Sasabihin niyang wala eh meron, kitang-kita ng dalawang mata ko tapos may balak pa siyang magsinungaling sa akin.

"I'm not coward." Mahinahong sabi niya pero halatang naoffend siya sa sinabi ko.

"Kaya nga sabihin mo sa akin kung ano'ng nangyayari, you know what I mean." Napabuntong hininga na lang siya at lumapit sa akin.

"Pero kapag sinabi ko sa'yo baka magalit ka sa akin." Letse, akala ko sasabihin niya sa akin ang gusto kong malaman pero dmn!

"I don't fcking care! Basta ang gusto ko, sabihin mo sa akin ang nangyayari. Wag kang paulit-ulit, nakakabobo!"

"Pero mangako ka muna na hindi ka magagalit sa akin ha." Pagmamakaawa niya, sabi ko na nga na wala akong paki, nakakainis na siya!

"Kingina naman Vince Jacob oh! Ilang beses ko pa bang uulitin sa'yo na wala akong paki? Ba't naman ako mangangako eh ayaw mo nga sabihin sa akin kung ano'ng nangyayari! This is so fckn bllsht for petes sake! Kung sinabi mo na edi tapos. Kapag hindi mo pa sinimulan na sabihin sa akin kung ano'ng nagyayari, I swear, I'm gonna shoot your head right here, right now!"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
下一章