webnovel

Love & Consents: The Forbidden Series 1

作者: AuraRued
现实
連載 · 61.5K 流覽
  • 5 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Unang nagtagpo ang landas ni Ali at Julia sa lamay ng ina ng huli. His identity was mysterious, kahit ang mga kamag-anak niyang nasa loob ng punerarya ay hindi alam ang totoong kaugnayan ng lalaki sa pumanaw na babae. Ang huling habilin ng ina sa sulat na ginawa bago ito namaalam ay iiwan siya sa pangangalaga nito at dahil walang ibang gustong kumupkop sa kanya kaya nauwi siya sa kustodiya ni Ali. Comfortable was an understatement, Julia grew up showered with so much affection from Ali, not to mention the affluent life she's having. She could never ask for anything else. Ngunit naguguluhan ang puso niya dahil sa araw-araw na pagsasama nila nito ay tila mas lumalalim at nagiging kakaiba ang nararamdaman niya para dito. Kahit sa mura niyang pag-iisip ay alam niya na hindi lang typical na pagmamahal sa magulang iyon. Paano niya haharapin ang pilit umuusbong na pag-ibig? Lalo at sa mata nito, sila ay mag-ama.

標籤
3 標籤
Chapter 1Chapter 1

"I am not entertaining any substandard results. You might consider yourselves giving your heads a knock, so you remember where you at." Ali said in a straight face. Nasa isang conference room siya kasama ang mga team leaders ng hinahawakang department. He's the marketing manager of Wills', isang prestigious advertisement company sa Makati. He gathered these people pagkatapos niyang matanggap ang hininging marketing proposals galing sa mga ito para sa Endof Season project.

"Do you mean we should change all our prososals and start from zero, Sir?" tanong ni Brenda, team leader ng section C.

"But Sir, we only have less than two months." angal naman ni Fritz ng section E

"Then make use of that long two months, wisely." Sumulyap si Ali sa relo niyang nasa kamay. " That's the end of our meeting, have a good evening everyone." twenty minutes past nine na, kailangan na niyang makauwi. Siguradong makakatanggap na naman siya ng sharp glares kung mahuhuli pa siya ng ilang minuto. He stood up and slid his cellphone inside his pocket. Grabbed the laptop at saka naunang lumabas ng kwarto.

"Gustung-gusto ko na talagang magresign ditooo!" nangigigil na sabi ni Brenda.

"Pero hindi mo magawa-gawa dahil nanghihinayang ka sa pasahod dito. Same old stories, just like everyone here in this room." saad ni Sharon

"Demonyo kasi ang taong iyan!" turo nito sa nakatalikod na amo. "Walang puso! Kuha ba namang ibasura lahat ng gawa natin? Palibhasa, walang matinong lovelife kaya masyadong dark ang aura! Aarggh!"

"Ssh! Tama na iyan, Brenda, baka may cctv dito na hindi natin alam. Ikaw talaga." Saway ni Mako ng section A

Nakapangalumbabang nagsalita si Sharon. "Crush ko talaga ang arabong iyan noon eh kaya pinangarap kong lumipat sa department nato. Gwapo, matangkad, successful, and the butt, hmmn." kagat-labing dugtong ng babae na parang nakakita ng masarap na pagkain. " Pero jusme, ang saklap ng ugali."

"Isa ka pa, Sha-Sha. Umuwi na nga lang tayo, nagugutom nako." sabi ni Mako na nagligpit na din ng mga gamit. Umismid naman si Sharon at nagroll ng eyeballs.

"Lets goow! Need pa nating magrecharge para sa mga susunod na toxic na araw. " si Brenda na napabuntong-hininga.

Peak time kaya busy ang kahabaan ng Edsa. Nakalabas ang siko Ali habang nakatukod ang kamay sa ulo. Nakatuon ang tingin niya sa mga nagkikislapang ilaw mula sa likod ng mga sasakyan.

"Nine forty two." mahina niyang bigkas sa sarili habang tinapiktapik ng hintuturo ang hawak na manibela.

Umusad ang unahan niya kaya kumambyo siya at inapakan ang clutch. Pumasok si Ali sa isang subdivision dahil kung patuloy niyang gagamitin ang highway ay siguradong aabutin siya ng pagsikat ng araw sa daan. Hindi naman siya nagsisi dahil pagkaraan ng kinse minutos ay nakarating na siya ng bahay.

He inserted they key and loosen the door knob. Madilim na sa sala, tanging ang kusina nalang ang maliwanag na sinasadya nilang hayaang nakabukas ang ilaw. Gamit ang liwanag na iyon ay naaaninag ng kaunti ang ibang malapit na parte ng loob ng bahay.

Tumuloy si Ali sa sala at pabagsak na naupo sa malambot na sofa. Tinanggal ang suit, sinablay sa sandalan at niluwagan ang necktie.

'What a day.'

Nagdekwatro siya at hinubad ang sapatos, sinunod ang medyas. Ganoon din ang ginawa sa kabilang paa. Hinayaan niyang malaglag sa sahig ang medyas sa kaliwang kamay. Sumandal siya sa upuan at pinikit ang mga mata.

'Tulog na sila.'

Maagang natutulog ang mga kasamahan niya sa bahay dahil maaga din nagsisimula ang araw ng mga ito. He hadn't had his dinner yet but too tired enough to eat. Napakarami niyang ginawa sa opisina, nagconduct pa siya ng emergency meeting dahil sumakit ang batok niya sa mga designs na natanggap galing sa teams. Kung hindi blunt ay cliche. Akala niya mas creative at malikot ang imagination ng mga kabataan nowadays?

He needs rest, like REST. A month vacation, probably. Malayo sa trabaho, malayo sa city. Saan kaya mas maganda? Out of the country? Or probinsiya? Sa pag-iisip ng ganoon ay hindi na napigilan ni Ali ang hilain ng antok.

"...li. Ali..."

Ibinuka ni Ali ang mga mata para usisain kung kanino ang mahinang boses na tumatawag sa pangalan niya. Una niyang namulatan ay ang liwanag sa paligid na tila napapalibutan ng ulap o hamog? Napapikit ulit siya ng madiin dahil masakit sa mata ang tama ng matalas na liwanag.

"Ali..." tawag ulit nito

Unti-unti ay binuksan ulit ni Ali ang paningin, pilit sinasanay ang mga mata sa paligid. Sa mahamog na paligid ay nabuo ang imahe ng isang babaeng nakaharap sa kanya. Alam niyang malayang nakaladlad ang mahaba nitong buhok kahit hindi malinaw sa kanya ang hitsura ng mukha nito.

Mas tinitigan ng kalahating buka niyang mata ang nasa harapan. Pilit inaaninag kung kilala niya ba ang babae. Dahil sa ginawa ay unti-unting nagkakulay ang tao sa kanyang mga mata. Brown wavy hair na lampas balikat, malakremang kutis na tila kay lambot hawakan. Nakadamit ito ng puti. Mas pinaigi pa niya ang pagtitig dito.

"Ali!"

Ang malakas na pagtawag sa kanya  ang tuluyang nagpabuka ng mga mata ng lalaki. Bumugad sa paningin niya ang nakatunghay na si Julia sa namimilog nitong mga mata.

"Julia?"

Sunod na umagaw sa atensyon niya ang nakataas niyang kamay malapit sa mukha nito. Mabilis niyang binawi iyon at bumalikwas ng bangon.

"Aw!" rinig niyang sigaw ng babae kasabay ng pagbunggo ng kung ano sa noo niya.

Nakita niyang namimilipit si Julia na nakatalikod sa gilid ng sofa.

"Anong nangyayari sa'yo?" aniyang nagtatakang hinaplos ang sariling noo

"Binungo mwo ko!" Mangiyak-ngiyak nitong sagot habang sapo ang bibig na nagsimula nang dumugo.

"What?" it took seconds para magrehistro sa isip niya kung ano exactly ang nangyari. "Oh My God! Im sorry, come here." anang lalaki na nilapitan ang dalaga. There was a cut on her lower lip at walang tigil ang paglabas ng dugo doon. "Manang!" tawag niya sa kasambahay habang hinahawakan ang braso ng dalaga at iginiya sa kusina.

"O, bakit Ali? Kay aga aga, ang lakas ng boses mo." Bungad ni Manang Fe sa backdoor. "Jusmio! Anong nangyari diyan?" pag-aalala nito nang makita ang kalagayan ni Julia, umiiyak parin ang dalaga na nakaupo sa upuan ng kusina.

"Nabunggo ng ulo ko." sagot ni Ali na nakahawak sa balikat ng dalaga. "I'm sorry, Julia." Niyuko niya ang dalaga at maingat na sinuri ang labi nito. " Pakigamot naman po manang"

Tumalima ang matanda at kumuha ng emergency kit na nasa aparador ng kusina.

He's been like that for months now. Nagiging hasty ang mga kilos niya especially when Julia is around. Which he doesn't like. Bothering iyon para sa kanya lalo at hindi naman talaga ganoon ang karakter niya. He's a control freak. Nagiging particular siya sa mga details sa mga bagay-bagay. He always makes it sure na maayos at plantsado ang lahat ng galaw niya, especially at work and taking care of the brat. But lately, there are changes, siguro due to aging or something else.

The teen beside him is Julia Herzon. Sixteen years old, a middle schooler and his child. Not blood related though, even their family names are different. He's a Marzouq but he loves her like a crystal on his hand, silently demanding to be taken care of. He gives everything, anything that's best for her dahil ayaw na niyang maalala nito ang masaklap na pangyayari ng nakalipas. He refuse to see the blank look in her eyes again, that night, when every corner was painted black, and soft sobs were heard, nine years ago.

你也許也喜歡