Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.
HER POV.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng higaan ko ngayon. Kakagising ko lang mula sa maganda kong tulog. Naalala ko kasi na may pasok pa pala, hindi ako pwedeng ma-late, never pa akong na-late.
Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko.
"Baby, gising ka na ba?" Tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
"OPO, MA! MALILIGO LANG PO AKO PAGKATAPOS AY BABABA NA!" Sigaw ko dahil medyo malayo ako sa pintuan.
"Okay, baby." At narinig ko naman ang mga tunog ng paa ni Mama paalis. Baka bumaba na.
Naligo na lang ako saka nag-bihis ng uniform namin sa L.U.'Yong uniform ng school na pinapasukan ko ay pang-Japanese style. Long sleeves na kulay puti tapos may black na ribbon tapos 'yung palda naman namin ay maikli lang. Kulay black tapos mahaba rin 'yung medyas namin. Kulay white ang suot ko ngayon pero minsan black long socks ang suot ko.
Nang matapos na akong mag-bihis ay inayos ko na rin ang itsura ko. Nag-pulbo ako kahit sobrang puti ko na, oily kasi 'yung mukha ko eh. Nag-tali na rin ako ng buhok ko, pagkatapos ay kinuha ko na ang black bagpack ko na maliit lang saka bumaba.
"Good morning, Ma! Sorry po kung natagalan ako, nag-ayos na rin po kasi ako eh para diretso pasok na lang," sabi ko kay Mama saka ngumiti. S'ya naman ay sinasandukan ako ng kanin at binigyan ako ng ulam namin. Hmmm sarap, longganisa hehe.
"Okay lang 'yun, anak." Sagot ni Mama.
"Ay, Ma, nasa'n po pala si Kuya? Tulog pa rin po ba?" tanong ko. Si Kuya Joshua ay kuya ko, obviously. Gwapo, matalino, mabait, at sikat sa school ang kuya ko, but it doesn't mean that I'm popular like him. Tago nga identity namin eh, kasi kapag nalaman nilang kuya ko ang isang JOSHUA GRAHAMS ay baka sugurin nila ako at guluhin ang tahimik kong mundo.
"Ah, oo, anak. Hayaan mo na 'yong kuya mo, ipapahatid na lang kita kay Kuya Dane." Sagot ulit ni Mama.
"Grabe talaga 'yon si Kuya, laging tulog-mantika kaya sya nale-late eh, tsk. Anyway, 'wag nyo na po akong ipahatid kay Kuya Dane, maglalakad na lang po ako."
"Sigurado ka ba anak? Baka mapagod ka?"
"Opo, Ma. Tsaka, okay na po ako. May gamot naman po ako sa bag eh, " Ngumiti ako kay Mama.
Super protective sakin ni Mama kahit naman si kuya eh, super protective din, may sakit kasi ako sa puso kaya ganon na lang sila mag-alala sakin, dati kasi meron ng insidente ang nangyari sakin. Dahil natakot ako na baka late na ako ay tinakbo ko mula bahay namin hanggang L.U kaya ang ending, sinugod ako sa hospital.Kaya nga ngayon ay nag-iingat na ako eh, ayoko kasing dumagdag pa ako sa pinoproblema ni Mama atsaka ayoko ng bumalik sa hospital.
"O sige anak, ikaw ang bahala, " nakangiting tugon ni Mama.
Tinapos ko na ang pag-kain ko saka nag-sipilyo. Pagtapos no'n ay nag-mano at humalik na ako sa pisngi n'ya.
"Bye, Ma. Love you!"
"Bye din anak, love you too. Take care, "
"Yes, Ma," At umalis na ako ng bahay. Malapit lang naman ang L.U sa bahay namin eh kaya, yakang-yaka ko 'to.
Nang makarating na ako sa L.U ay onti pa lang ang tao,maaga pa kasi eh. 5:15 A.M palang, 6:00 kasi pasok namin. Dumiretso ako sa room namin at nakita kong wala pang tao. Great! Makakapag-basa ako nang maayos.
Kinuha ko ang libro ng Harry Potter sa bag ko. Paborito ko 'to eh.
Habang nag-babasa ako ay may nagsisi-datingan na ring mga kaklase ko, pero gora lang ako sa pag-babasa.
Clarisse is my first name, Grahams is my surname, at oo alam kong nakakagutom ang apelyido ko. Hahahaha. 17 years of age from Philippines! Thank you!