(Next Day)
(EIAS Campus)
Isang araw matapos ang hostage incident ay sariwa pa rin sa amin ni Callix ang mga nangyari. Pero hindi tulad noon, pareho nang magaan ang kalooban naming dalawa. Wala na kaming nararamdaman pang galit kay Earl. Napatawad na namin siya.
(EIAS Corridor)
(Miyaki's POV)
Habang naglalakad kaming dalawa ni Callix sa corridor ay nasalubong namin si Aya. Iiwas na sana si Aya pero hinarang siya ni Callix.
"Ano bang kailangan nyo sa akin?" ang tila nahihiyang tanong ni Aya sa amin.
"Aya." and I touched her face. "We just want to say sorry."
"Sorry? Sorry about what?"
"Sorry if we hurt you a lot. Masyado ka naming hinusgahan. Alam na namin ang lahat. Ang lahat-lahat. Sana....sana mapatawad mo pa kami." ang buong pagpapakumbabang sabi ni Callix kay Aya.
"C-Callix...." ang gulat na sabi niya.
"Aya, noon....galit kami sayo at sa Kuya mo. Pero nang makita namin ang kalagayan niya.....doon na lang namin napagtanto ang lahat. We already forgive him. Ang hiling na lang sana namin ay maka-survive siya sa sakit niya. Na sana ay makaligtas siya. He deserves to have a new life. Sana....sana may puwang pa sa puso mo ang pagpapatawad. Hope you still treat us as your friends." ang sabi ko naman.
"M-Miyaki...." at naiiyak na siyang niyakap kaming dalawa ni Callix. Kami naman ay niyakap din si Aya, tanda ng aming taos-pusong paghingi ng tawad sa kanya.
"Matagal ko na kayong napatawad. At kailanma'y hindi ako nagtanim ng galit sa inyo. Nasaktan kayo sa mga nangyari noon at natural lang na magalit kayo sa amin. I just want to thank God..... dahil binigyan na niya kayo ng kaliwanagan at kapanatagan ng loob. Nawala na ang lahat ng galit at hinanakit sa puso nyo. And yes, I'm willing to be your friend again." and Aya smiled.
"Thank you Aya. Thank you talaga." ang sabi naman naming dalawa ni Callix habang muli na naman naming nararamdaman ang kapayapaan sa mga puso namin.
Masaya pala ang magpatawad. Masaya pala.
Habang nagyayakapan kaming tatlo ay nakita na naming palapit na ang F8 sa amin at sinalubong nila kami ng group hug. Kami naman ay natatawang niyakap sina Monique, Lexie, Dennison, Kuya Ruki, Misha at Marcus.
"Haay salamat, okay na rin ang lahat!" ang masayang sabi ni Dennison.
"Eh okay na ba kayo ni Lexie?" ang tanong ni Aya sa kanila.
"Oo naman. Okay na kami ng Baby ko. Sayang nga lang at wala kayong tatlo kahapon. He surprised me in the gym. Kumanta siya ng isang song na paborito ko kahit na medyo sintunado ang boses niya. And he gave a very warm speech to me. At dahil nga mahal na mahal ko ang mokong na 'to, hayun at agad-agad ko na siyang sinagot. Kami na ni Dennison." ang masayang sabi ni Lexie at nakita kong inakbayan siya ni Dennison.
Haay salamat, nagkasundo na rin ang dalawang yan. At di lang yan, pareho na silang masaya sa piling ng isa't isa!
"Pero nabalita sa TV ang pagkaka-hostage sa inyo sa Mary Mallory. Kamusta na kayo, di ba kayo natatakot na baka mangyari ulit yun sa inyo?" ang tanong naman ni Marcus sa amin.
"Hindi kami natatakot hangga't wala kaming ginagawang kasalanan sa kanya. Tsaka, nakakulong na siya ngayon." sabi ko naman.
"Pero baka makapuga yun at balikan niya kayo." ang nag-aalalang sabi ni Monique pero sumagot si Aya.
"Hindi malayo. Tuso ang babaing yun at gagawin niya ang lahat, mabalikan lang niya ang mga may atraso sa kanya. Pero hinding-hindi na siya makakalaya pa dahil hindi lang ito ang kaso niya."
"Ano pa ang kaso ng babaing yun?" Misha asked.
"Estafa, grave and misconduct, physical injury at tax evasion case." sabi ni Aya.
"Ngi! Andami namang kaso yan!" Kuya Ruki exclaimed.
"Talagang forever na siya sa Mandaluyong!" sabi naman ni Lexie.
"Wag kayong kasisiguro, may koneksyon ang babaing yun sa mga mayayamang tao. Pero kung sunud-sunod na siyang litisin sa mga kasalanan, tiyak na wala na siyang lusot pa." ang sabi ni Aya.
"Haay naku, wag na nga nating pagtsismisan ang babaing yan! Doon na tayo sa private room at mag-get together tayong lahat!" ang pag-iiba ni Marcus ng usapan na sinang-ayunan naman namin at magkakasama kaming pumunta sa private room.
Salamat naman at maayos na ang lahat. Sana ay makabawi ako kay Aya sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya.