webnovel

CHPATER 5

Riley's POV

I'm puffing my cigarette while looking at the painting. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Pilay na ang team ko ngayon. Fuck it!

Coco's walking back and forth. Nakakahilo siyang tignan! It's evident on his eyes that he's worried. Kanina pa rin niya sinasabunutan ang sarili making his hair a total mess which reveals the scar on his forehead.

Nakahiga naman si Ping sa couch habang si Pong ay nakaupo. They seem worried, too.

About Steve? Wala pa rin kaming update.

"I can't trace its location, R." Saad ni Rafael. He's a good friend of mine at ilang beses na rin namin siyang nahingan ng tulong especially if computer-related ito. He's also a tech geek like Steve.

"Anong gagawin natin, R?" Si Pong. Kinuha niya ang isang baso ng whiskey saka agad itong nilagok.

Nanatili lamang akong tahimik habang nag-iisip ng paraan.

It would be impossible if they will keep Steve inside their mansion kaya malamang sa abandoned warehouse nila ito itinago.

Nakakapagtaka rin na hindi pa napatawag si Leon until now. Halos mag-iisang araw na simula nang matapos namin ang mission.

It's unsual lalo na halos lahat ng galaw namin ay alam niya. Kahit na hindi namin siya iinform ay alam pa rin niya ang nangyayari. Is he upset because of what happened?

Or maybe he's up to something we don't know?

Busy ako sa pagpupunas ng counter table nang may lalaking biglang sumulpot sa aking harapan.

"Hello, Riley!" He said in a playful manner.

I rolled my eyes and continued what I'm doing.

"Hindi mo man lang ba tatanungin ang customer mo? How rude---"

"What do you want?"

"Well... you know what I want." He playfully said... again.

"Coffee or tea?"

"Umamin ka na kase, Riley."

"Look detective, you are wasting your time." Mariing turan ko.

"I saw you last night. Running in the middle of the woods? Sinong tinatakasan mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He's really keeping an eye on me, huh.

He's detective Johan, ang detective na palaging minamanmanan ang kilos ko. As to why? I don't know. We just met on one case and since then mainit na ako sa mga mata niya.

I looked at his gray eyes. May mga hibla rin ng puting buhok ang nais kumawala sa kaniyang sumbrero. His eyes look tired but his so passionate when it comes to chasing me.

"At nasaan ang ebidensya mong may tinatakasan ako?" Diretso ang tingin nito sa akin at nakangiti.

"See? You have no evidence supporting your claim against me which simply means---"

"Detective Johan?" Saad ng pamilyar na boses.

I looked at the figure behind the detective. Yea, he's here. Again.

Aarestuhin na ba ako nito?

"Oh, Denver! What are you doing here?" Saad ng matandang detective.

"Uhm... magkakape?" Pilosopo.

"Ikaw, tito err... detective?" Dagdag na tanong niya.

Wait, tito?

"Magkakape din sana pero may sumingit e, may biglaang lakad. Alam mo naman." Saka ito tumawa.

"Oh yea, don't worry tito. You will get that promotion." Turan ng binata.

Kaya pala sobrang sipag niya sa pagdiin sa akin kase may promotion palang naghihintay. But why me?

If it is connected to what I'm doing e nakakapagtaka namang ako lang ang napagtripan niya gayung lima naman kami sa grupo and Leon told us not to worry kase may koneksyon daw siya sa loob ng departamento. Hmm...

"Anyways, send my regards to your dad, hijo! Enjoy your coffee!" Saad nito kay Denver saka ako makabuluhang tinignan.

Agad itong tumalikod saka lumabas ng shop.

Napayuko ako nang magtama ang mga tingin namin. He's not wearing his usual smile kapag kaharap niya ako. Nagbago ang mood nito and even his aura has darken.

"W-what's your order, sir?" Malumanay kong tugon ngunit hindi man lang ako nito sinagot. He's still wearing his blank face but his eyes are furious.

"Sir, can I ask your order? May mga custom---"

"Have a coffee with me." Malamig nitong tugon.

Nakilala niya kaya ako kagabi? Is that the reason why he's being like this?

"Sir---"

"Have.A.Coffee.With.Me."

"But I need to get your order first! Huwag kang tanga." Saad ko pa. He's pissing the hell out of me!

"Oh great, yea, espresso as usual." On his cold plain voice.

I punched his order and gave his bill. Nakacross-arms naman ito habang nakasandal sa dulo ng counter.

"Look for your table and wait for me there." Malumanay kong saad.

Maybe nakilala niya talaga ako kagabi and this is his way of arresting me.

Pumasok ako sa quarter at hinubad ang suot kong hairnet at apron. I asked Janice again to take over sa counter kase sakto din namang off ko na.

I grabbed my things inside the locker. I sighed heavily to calm myself saka lumabas.

I saw him sitting on his usual spot, his arms were crossed over his abdomen, still on his blank face and death glaring eyes.

Ito na ba talaga? Huhulihin na ba ako nito?

I sat infront of him and cleared my throat. Hindi naman ito nagsalita ngunit diretso naman ang matatalim na tingin nito sa akin.

"Look, sasama ako sa'yo ng tahimik. Just don't lock me with those fucking handcuffs." Saad ko pa.

His eyes and lips moved a bit.

"You are arrested." Maawtoridad nitong saad.

"I know."

"Malaki ang kasalanang nagawa mo."

"I know." Sagot ko naman.

He really did recognize me, last night.

"You have to come with me."

"I know. Sasama ako nang matiwasay. Di ako magpupumiglas---"

"Good." Pagputol nito sa sinasabi ko.

"Tara sa kotse ko." Dagdag pa nito.

Sinuot ko na ang bag ko saka sumunod sa kaniya sa kotse niya.

It's a red Subaru WRX. Yayamanin din talaga.

Pinagbuksan niya ako't pinaupo sa passenger's seat ng sasakyan. How could a policeman be this kind to a suspect?

Tahimik lamang ako sa buong biyahe. I glanced at him at ganoon pa rin, still wearing his blank expression pero may kakaiba sa mata niya. It seems like he's happy.

"Hindi mo man lang ba ako poposasan?" I plainly asked.

Pagak naman itong tumawa saka may pasmirk pa.

"Why would I do that? Do you have any plans on escaping? Pag tumalon ka sa ganito kabilis na pagpapatakbo, I'm sure you'll drop dead." He smirked again.

Natahimik lamang ako't naghintay na makarating sa presinto.

Nagising ako nang may maramdaman akong bakal sa kamay ko. Iginala ko ang paningin sa paligid at napansin kong... nasa may dagat kami?

Ikinabit niya ang posas sa left wrist ko at ang kabila namay sa right wrist niya.

"Hey, what are you doing?"

"Nasaan tayo?" Tanong ko pa.

"Are you plann---"

"Shut up."

"Papatayin mo ba ako? Huy!"

"Manahimik ka sabi." Hinila na niya ako pababa ng sasakyan.

Woah, this place is so cozy.

'PANAGATAN'

Teka...

"Ba't tayo nandito? Akala ko ba sa---"

"Hindi mo ako sinipot last time, ano sa tingin mo gagawin ko? Papayag nalang ng basta-basta? Inindian mo'ko!" Pinitik niya pa ang noo ko. Aba!

I puched his gut which made him groan a bit. I just glared at him.

"Let's have dinner here." Saad nito.

"After nito saan tayo pupunta?" Saad ko pa.

"Secret." He said playfully.

"Hindi tayo pupunta sa presinto?" Gulat na tanong ko

"Bakit ba gustong-gusto mo pumunta don ha? Kriminal ka ba?" Saad pa nito.

Wait, hindi niya ako nakilala kagabi? Fuck it. I thought ikukulong na niya ako.

I sighed in relief saka tuluyang sumama sa kaniya papasok ng seafood house.

Maybe this is way better than staying inside a cold and dark cell.

"DUMAPA KAYONG LAHAT!" saad ng isang lalaki habang nagpaputok ng baril sa kawalan.

Oh men, what now?

-

@Ash Orion