Kabanata 42
"Oh, thanks God you answered."
Natawa na lang ako nang marinig ang maarteng boses ni Vincent. Englishero kasi 'to mula pa no'ng bata, kaya matatas na matatas sa English. Tapos nai-imagine ko pa na umiirap-irap siya.
"What's the matter ba?" tanong ko na lang.
Kakagaling ko lang sa shooting namin, at dumiretso na ako dito sa loob ng van namin. It's already 9 am at ngayon pa lang ako makakauwi. I badly need sleep.
"I've heard pupunta ka sa Doña Blanca," sagot naman niya.
"Oh, and what about that?" tanong ko, pagkatapos ay naisipan ko pang magbiro. "Gusto mong sumama?"
"No! Kasi naman, Reen. You rejected my offer because you said you're busy with your shoot. But what is this?! You'll have a 3-day vacation in Doña Blanca?" reklamo niya sa'kin.
Last week kasi, inalok niya ako na maging kasama niya sa music video niya para sa bago niyang kanta. But I declined, dahil 'di hamak na mas malayo pa ang location no'n kaysa sa Doña Blanca.
Besides, hindi ko alam kung ilang araw tatagal ang shoot na 'yon. Knowing Vincent, he always want to make really expensive music videos. Bawi naman daw kasi 'pag nauso ang kanta.
"Cent, no'n pa naayos ng manager ko ang schedule ko. 'Yong Doña Blanca na 'yon, naka-set na 'yon," paliwanag ko naman sa kanya.
"Ma'am, alis na po ba tayo?" tanong ng driver ko, kaya't tumango ako bilang sagot.
"Wow, Reen. What an attitude. 'Yung Doña Blanca, nagawan mo ng paraan, tapos ako na best buddy mo, hindi?" may tono ng pagtatampo pa na sabi niya sa'kin.
"Cent naman! Naiinis ka talaga sa'kin dahil lang do'n?" Nagsalubong na ang kilay ko. "And I told you naman, 'di ba? If you want, kakausapin ko si Celestia—"
"No! No! No! Not that. Not your sister. Please! Please!" parang bata namang sagot niya sa'kin. The problem with Vincent, he's an only child kaya ganito siya umakto.
"Arte mo," komento ko. "I thought you like her, so bakit 'di na lang siya?"
"Kasi. . . Nahihiya ako," halos pabulong nang sabi niya.
Hindi ko tuloy napigilan ang mapatawa at biruin siya, "Torpe!"
"Fuck—hindi ko na lang sana sinabi sa'yo," inis na sagot pa niya. I can imagine his annoyed face right now. Ganito siya lagi tuwing inaasar ko siya tungkol kay Celestia.
"Wait, Reen, ito bang Doña Blanca, sure ka ba dito?"
Napatigil naman ako sa tanong niyang 'yon. Actually, ilang ulit na akong natanong ni Mommy at ni Madam Rhonda tungkol doon. Alam kasi nila 'yung mga naging paghihirap ko doon, lalo na sa mga Lorenzino. Pero hindi ko nabanggit sa kanila si Zeus.
Kay Vincent ko lang 'yon nasabi, kaya alam ko na rin ang gusto niyang iparating sa tanong na 'yon.
"Oo naman," confident na sagot ko sa kanya.
"Really? Hindi ka ba kinakabahan?" pahabol tanong pa niya sa akin.
Natawa na lang ako. "Bakit naman ako kakabahan?"
"You know. . . What if magkita kayo ulit?"
"For me, that's not impossible. And so what? I've changed. Hindi na nila ako masasaktan pa. Baka sila pa ang kabahan sa'kin," matapang na sagot ko naman.
"Woah," nasambit na lang niya at tumawa. "Remind ko lang ha, you're not Marissa. You're Reen, okay? You're not gonna go back there for a revenge."
"Oh, yeah," sagot ko na lang sa kanya.
But it was a lie, of course. Para sa'kin, maituturing ko nang paghihiganti ang pagbalik ko doon bilang sikat na artista. Napangiti na lang ako. Nasasabik na rin ako sa mga magaganap sa pagbabalik ko doon.
* * *
Last week of October came. Aaminin ko na kahit pa anong tapang ko, may parte pa rin sa akin na nag-aalala. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ba'ng madadatnan ko doon sa lugar na 'yon. Three years have passed. Sigurado akong marami na rin ang nagbago.
Pero wala nang atrasan 'to. I signed up for this, so I should be ready for what might happen. 'Di bale. Artista naman ako. Kung magkataon mang panghinaan ako ng loob, madali ko namang maitatago.
"We're here, Maureen. Welcome back to Doña Blanca," nakangiting sabi sa akin ni Madan Rhonda nang tumigil ang van na sinasakyan namin sa isang maliit na hotel.
Gustohin ko man na sa dating bahay na lang namin tumuloy, alam kong 'di ako papayagan ni Madam Rhonda. Tiyak na katakot-takot na pambabatikos ang aabutin ko no'n. Kaya wala na lang din akong sinabi at hinayaan ko na lang si Madan Rhonda na mag-book.
Naunang bumaba sa akin si Madam Rhonda, pagkatapos ay sumunod naman sa kanya si Eunice na dala-dala ang bag ko. Ang iba pa naming gamit ay ibinaba ng ilang mga staff ng hotel na 'yon.
Dahan-dahan naman akong bumaba na para bang nakikiramdam sa paligid. Mabuti at naka-sleeveless lang akong blouse ngayon at square pants. Kahit October na, maalinsangan pa rin dito sa Doña Blanca. Ang hirap na talagang basahin ng klima ngayon.
"Wow, Ma'am! Ang ganda pala dito sa probinsya n'yo!" komento ni Eunice nang tuluyan akong makababa.
Tinanggal ko naman ang sunglasses ko at itiniklop 'yon. Pinagmasdan kong maiigi ang paligid—pilit na inaalala kung ano ito dati. Pero sa totoo lang, hindi ko masyadong nararating ang parte na 'to ng Doña Blanca noon. Kaya, hindi ko pa masyadong masabi sa sarili ko kung may pagbabago nga ba.
"What are we waiting for? Let's go inside! Dali! Init na init na 'ko!" biglang sabi ni Madam Rhonda, kaya napalakad na rin kaming dalawa ni Eunice. Noon ko lang din na-realize na napatulala na pala ako. I just can't believe na nandito na ulit ako.
The hotel is not familiar to me. Malay ko ba naman kasi sa mga ganito noon. But I would say, nakakasabay naman ang hitsura ng hotel na 'to sa mga hotels siyudad. The price is actually cheaper than those hotels I've been, pero nasurpresa pa rin ako na tig-iisa pang kwarto ang kinuha ni Madam Rhonda para sa aming tatlo.
"Madamsh, hindi naman na kailangan. We could stay in one room. Komportable naman ako sa inyong dalawa," nahihiyang sabi ko sa kanya.
"No! I believe everyone needs privacy," sagot naman niya sa'kin. "And just in case you need me or si Eunice, you can always call us."
Matagal kong tinitigan si Madam Rhonda pero hindi na lang ako sumagot pa. Binigyan ko na lang siya ng isang sinserong ngiti. Matapos 'yon ay inaya na rin niya kami ni Eunice na magpunta sa mga kwarto namin. Three-story building lang naman 'yon, kaya kaagad din kaming nakarating doon.
"Oh, dito ka, Maureen ha? Dito lang ako sa tapat. D'yan naman si Eunice sa tabi," sabi ni Madam Rhonda nang makarating kami doon. "Magpahinga ka ng maiigi ha?"
"Opo," sagot ko naman, kaya't tumango na siya at tumalikod.
"Halika na, Eunice," yaya naman niya sa P.A ko.
"Uh—Madam Rhonda!" tawag ko naman, kaya napalingon ulit silang dalawa sa akin.
"Thank you po sa pagpayag na bumalik ako dito at sa pagbibigay sa'kin ng freedom," sinserong sabi ko sa kanya.
Kung hindi ganito kabait sa akin si Madam Rhonda, baka sakal na sakal na ako gaya ng ibang mga artista. Pero buti na lang, siya ang naging manager ko. Ang galing talaga ni Mommy.
"Naku! Ano ka ba? Sige, pumasok ka na sa loob at magpahinga. Naku! Wala tayo sa set para mag-dramahan, a?" sabi na lang ni Madam Rhonda.
Tinawanan ko na lang siya dahil alam ko namang nagkukunwari lang siya sa biro niyang 'yon. Alam kong natutuwa siya sa sinabi ko, pero katulad nga ng sabi niya, ayaw niya ng drama.
Nang makapasok silang dalawa sa kanya-kanya nilang mga kwarto, napagpasyahan ko na lang din na pumasok na sa kwarto ko. Basta ko na lang inilagay sa tabi ng malaking kama ang maleta ko. Wala na akong oras na kilitasin pa ang hotel dahil pagod din naman ako sa byahe. Kailangan ko pang magpahinga para sa show mamaya.
Kailangan kong mag-ipon ng lakas at tapang para kung sakaling makaharap ko sila, walang magiging problema. Hindi ko may mangyaring masama dito, lalo pa at sikat na ako ngayon. I wouldn't let them ruin me again. Tama na sa'kin ang minsan nila akong sinaktan.
* * *
Alas-tres ng hapon nang magising ako. Nag-meryenda lang kami saglit ng manager at ng PA ko, pagkatapos ay inayusan na ako. Para sa make up manager at stylist ko, si Madam Rhonda rin ang nag-asikaso noon. Hangga't maaari kasi, ayokong magsama ng napakarami dito sa Doña Blanca. Hindi pa rin naman talaga ako sanay na ako ang pinagsisilbihan.
Matapos akong maayusan ay inihatid kaming tatlo nina Madam Rhonda at Eunice sa munisipyo ng Doña Blanca. Since pinauwi ko na ang driver namin, ang hotel na lang ang nag-provide ng service para sa'min. Pagdating naman namin sa munisipyo, sinabihan ako sa mga mangyayari sa event na 7pm pa naman ang start.
"You're really beautiful, Maureen. Hindi ako makapaniwalang naging residente ka talaga dito," sabi sa akin ng mayor matapos nilang magpa-picture sa akin.
Napangiti naman ako. Paano nga ba nila malalaman, e, hindi naman nabibigyan ng importansya ang mga mahihirap sa mundong 'to?
"Mayor, it's because I'm just a worthless girl back then. Hindi binibigyan ng atensyon," sagot ko naman sa kanya.
Medyo natawa rin ang mayor. "Sabi nga nila, bilog ang mundo. Look at you now."
Tanging ngiti na lang ang isinagot ko doon. Sakto rin naman at may isa pang staff ng munisipyo ang lumapit sa akin.
"Miss Maureen, pa-picture po!" sabi nito sa akin.
"Sure." Ngumiti ako nang malawak at mas lumapit pa sa staff na 'yon. Nakailang take siya ng picture, pero hindi ako nag-reklamo. Bakit ako magrereklamo? Sobrang nakakataba nga ng puso, e.
"Miss Maureen, grabe! Idol na idol ko po kayo! Ang galing n'yo po do'n sa Replica! Nakaka-proud!" papuri pa niya sa'kin pagkatapos noon.
Sa tuwa ko ay hinawakan ko siya sa balikat at saka ko sinabi, "Thank you so much."
Ilang sandali naman ay may narinig kaming napasinghap, kaya't parehas kaming napatingin doon. Halos matigilan naman ako nang makita kung sino 'yon. Kasabay ng paglapit niya sa akin ay naalala ko rin kung paano niya ako tignan noon.
"Oh my gosh!" daing niya.
Iniwasan ko ang mapairap nang marinig ko na naman ang maarte niyang boses. Gano'n pa rin ang dating niya—mataray at maarte.
"I can't believe it's really you, Maureen!" sabi pa niya sa akin.
Gusto ko sana siyang sagutin, kung hindi lang marami ang tao dito sa paligid namin. Sasabihin ko pa naman sana sa kanya na I can't believe she's talking to me now. Parang dati lang, kung tignan niya 'ko, akala mong may nakakahawa akong sakit.
I stayed calm and kept my smile, kahit sa totoo lang ay inis na inis na ako sa babaeng 'to.
"You've totally changed! You actually look like a different person. Grabe 'no? Possible pala talaga 'yon," sabi pa niya. Natatawa naman akong panoorin siya. Siya na 'to ngayon ang kating-kating kausapin ako. Fame would really change everything.
"If destiny's on your side, everything is possible," sagot ko na lang.
"Well then welcome back!" tugon naman niya.
"Thank you, Marquita," sagot ko at hinawakan pa ang balikat niya. "It's nice to see you again."
Pagkatapos noon ay tinalikuran ko na siya. Dumiretso na lang ako sa naka-assign na upuan ko, dahil sa pagod na pagod na rin naman ako sa heels ko. Mabuti na lang din at 'di na niya ako inistorbo pa. Ayoko nang makipag-plastikan sa kanya, 'no.
"Ma'am feeling ko may galit ka do'n," sabi naman ni Eunice nang tumabi siya sa akin at tinapatan ako ng maliit na electric fan.
"You're crazy if you think we were friends. Isa siya sa mga nang-api sa'kin noon," mahinang sagot ko sa kanya at saka bumuntong-hininga. "And she act as if she never hurt me."
May sinabi pa noon si Eunice, pero hindi ko na narinig pa dahil naglakbay na naman ang isip ko. I would admit, medyo nagulat ako nang magkaharap kami ni Marquita. Bumalik sa'kin ang lahat ng masasakit na sinabi niya sa'kin noon. Mabuti na lang at nakontrol ko ang emosyon ko.
Tatanga-tanga? Mukhang basahan? Sino na'ng mukhang hampaslupa sa amin ngayon? At ang lakas talaga ng loob niya na kausapin ako na parang close kami ah? If I know, ginawa niya 'yon para inisin ako.
Pero hindi ko maiwasang isipin ang taong dahilan ng pagkakilala naming dalawa—si Zeus. Napapaisip ako kung ano nga bang nangyari noong nawala ako sa Doña Blanca. Did Marquita finally had a chance with Zeus? Sila na ba ngayon?
And shit. . . What if. . . What if siya naman ang makita ko mamaya?
Wait—bakit naman ako kinakabahan? I shouldn't be! Walang dapat ipag-alala dahil kaya ko na silang harapin. Kahit pa si Zeus 'yan wala akong pakialam!
Limot ko na siya. Kung may natitira man akong damdamin para sa kanya. . . 'Yon ay ang inis at galit. Kaya ano ngayon kung magkita kami? Sisiguraduhin kong hindi ako uuwing luhaan.
Itutuloy. . .