webnovel

Final Chapter

- Angela -

NAPANGITI ng makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito.

"Morning... " Anito saka siya hinapit sa baywang at hinalikan siya sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael.

"Morning," Aniya ng maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na, malapit ng dumating ang mga bisita." Aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo.

"They can wait, Hon." Tutol nito.

"No. Take a shower now, Hon." Natatawang aniya. Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.

Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya ng bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumulas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.

Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalad na si Mael ng walang tungkod!

"You can walk?"

"You're pregnant?"

Sabay na tanong nila. Parehong shock ang mga itsura. Shock talaga siya dahil halos wala pang isang minuto ng makita niya itong iika-ika at hirap sa paglalakad gamit ang tungkod tapos ngayon... "Magaling na ang paa mo?" Di makapaniwalang tanong niya dito.

Napangiwi naman ito. Halatang guilty. "Ahmm... Yeah." Alanganing sagot nito. Naglakad ito papalapit sa kanya habang kinakamot ang batok nito. Mukha itong batang nahuli sa kalokohan.

"Since when?" Naninigkit ang mga mata na tanong niya dito.

Ngumiti lang ito saka niyakap siya mula sa likuran.

"Mael!" May pagbabantang tawag niya dito.

Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya at sininghot iyon. "Two months ago."

"Two months?!" Napataas ang boses na ulit niya sa sinabi nito. Two months na itong nakakalakad ng maayos pero inililihim sa kanya? Pero bakit? "Why you didn't tell me?" Nagtatampong tanong niya dito.

"Because I enjoy being a limp,"

"What? Why?" Nangunot ang noo niya sa sagot nito. Bakit nito gugustuhing maging lumpo gayong nung niya itong makita na iika-ika kitang-kita niya ang sakit at pagkapahiya sa mga mata nito.

Humigpit ang yakap nito. Naramdaman niya ang pag halik nito sa leeg niya. Mau init na gumagapang sa kanya dahil sa ginagawa nito pero pinipilit niya dedmahin. Bumuntong hininga ito.

"Because I enjoy being pampered in bed, my love." Malambing na anito. Namula naman ang mukha niya ng marealize ang sinabi nito. Sa nakalipas na apat na buwan simula ng mag kaayos sila, talagang tinotoo niya ang pangako ditong babawi siya. Siya ang mas nagtatrabaho sa ibabaw ng kama dahil alam niyang limitado ang kilos nito dahil sa paa. At aaminin niya she enjoy being in incrol. Di niya alam na may side siya na matutuwa sa ginagawa niya dito. "I like it because I feel so loved and special." Dagdag pa nito.

"I love you and you are indeed special, My love..." Hinarap niya ito at ikinulong ang mukha nito sa palad niya. "Ang daya mo." Kunwang pagtataray niya dito. Sinimangutan niya ito at pinaningkitan niya pa ito ng mga mata.

"I'm sorry, " Natawa ito at mabilis na pinatakan siya ng halik. "Babawi na lang ako."

"Tss. Paano buking ka na!"

Ngising-ngisi naman ang loko. "Na-excite ako dito e, " Anito at itinaas ang hawak na pregnancy test. "Buntis ka? Magkaka-baby na uli tayo?"

Marahan siyang tumango. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa impis niyang tyan.

"Thank you," Iniharap siya nito. Nakita niya ang namamasang mata nito. "H-Hindi k-ko na hahayaang may mangyari sa inyong mag-ina. Mas dodoblehin o titriplihin ko pa ang pagaalaga at pagmamahal sa inyo." Basag ang boses na anito. "Hinding hindi ko na uulitin yung pagkakamaling nagawa ko noon."

"Hindi kasalanan na mas pinili mo kaming wag masaktan dun sa katotohanan, siguro nangyari ang nangyari para mas maging matibay tayo. Hindi naman tayo hahayaan ng panginoon na dumaan sa ganoong pagsubok kung wala tayong matututunan." Niyakap niya ito. "Hindi man natin nakasama si Amariah, nabigyan naman natin ng kompletong pamilya si Julianna. So you see, everything happens has a reason. Stop blaming your self, hon. And we learned our lesson too, are we?" Aniya na nakataas ang kilay.

"Can I ravish your lips full of wisdom?" Sagot nito na ang mga mata ay punong-puno ng desire.

Naitirik na lang niya ang mga mata. "Later, Mael, later. Nandyan na ang mga bisita sa baba." Aniya saka bumitaw na dito at itinulak ito papasok sa banyo.

"They can wait!" Tutol nito.

"No! They're not. Be a goodboy daddy and take a bath."

Pumasok nga ito sa banyo pero hinatak naman siya papasok. "Paliguan mo ko. " Anito na may pilyong ngiti sa mga labi

"Mael!" Aniya na mabilis na pinamulahan ng mukha pero naging sunud-sunuran naman ng igiya na siya nito papasok sa loob ng shower at isa-isang tanggalin ang kanyang saplot.

THANK YOU FOR READING!!