webnovel

CHAPTER THIRTY-FIVE

"TITO ANDRIE!" gulat niyang tawag sa pangalan ng ama ni Andria.

Napalingon ang tatlong taong naruroon. Ngumiti si Tito Andrie sa kanya habang si Andria ay tinaasan lang siya ng kilay. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na makita ang ama ni Andria sa Pilipinas. Madalas kasi talaga itong nasa China. Tumikhim siya at lumapit sa mga ito.

"Joshua Jhel Wang, how are you?" Inilahad ni Tito Andrie ang kamay nito na agad naman niyang tinanggap.

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-iling ni Shilo. May sinasabi din ang mga mata nito ngunit hindi niya alam kung ano iyon.

"I'm fine, Tito. How about you?" Ngumiti siya sa matandang Lee.

"I'm good, hijo."

Tumungo siya. "Anong ginagawa niyo pala dito, Tito? At kailan pa kayo dumating?"

"Kahapon ako dumating, Joshua. At nandito ako..." tumingin ito kay Shilo. "... para sa nalalapit na kasal ng anak ko at ni Shilo."

Mapakla siyang ngumiti. Tumingin siya sa pinsan. Shilo manage to hide his emotion but he knows his cousin. Nasisigurado na niyang naiinis na ito ng mga sandaling iyon. Walang kahit sino ang maaring tumikda kay Shilo. At kahit kailan hindi magpapahawak kanino ang pinsan niyang ito. Masyadong mataas ang pride ng pinsan para sumunod sa matandang nasa harap nila ngayon.

"Kasal? Si Shilo at Andria?"

"Yes! Ikaw sana ang gusto ko para sa anak ko kaso ang sabi ni Andria ay si Shilo ang gusto niya kaya... I go with the one she wants to marry."

Gusto niyang mapangiwi sa sinabi nito. Para lang itong nagsasabi ng isang business proposal. They think married is like that. Akala niya ay tapos na sa ganoong tradition ang pamilya nila dahil nga sa nag-asawa ang mga magulang nila dahil sa pagmamahal.

"Tito, I already told you. I can't marry your daughter. I already have a girlfriend and I planning to marry her this year." Sumagot si Shilo.

Lahat sila ay napatingin dito. Seryuso ang mukha ng pinsan. Tumingin sa kanya si Shilo pero wala itong sinabi. Tumingin sila kay Tito Andrie nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan iyon ng kaseryusuhan.

"You promise my daughter that you will marry her. You should keep your promise, Mr. Wang."

Shilo keep his posture and held his head. "Yes! I promise to her but I already promise someone before. Mas nauna ko siyang pinangakuan ng kasal kaya siya ang pakakasalan ko." Tumingin ito kay Andria. "I'm sorry if I can't keep my promise to you. I was young back then Andria but I first woman that I pledge to marry is the woman I love right now. I'm sorry but I will marry, Tita Aliya's daughter. I will marry Kaze."

Napasinghap silang dalawa ni Anniza ng marinig ang sinabi ni Shilo. Si Kaze? Pakakasalan ni Shilo si Kaze? At hindi lang iyon, talagang tutuparin nito ang simunpaan nitong pangako sa ama ni Kaze. Nang makabawi siya ay napangiti siya. Shilo now know who's the woman he wants to spend his life with and he is very proud of his cousin.

"Kaze? Aliya's daughter." Tumawa ng mahina si Tito Andrie. "Hindi ba at patay na ang anak ni Aliya?"

"We found her, Tito. Matagal na pala siyang nasa poder naming mga Wang at nitong huli lang namin nalaman. And I'm happy to know that she is the woman I love, right now. I can't marry Andria because of her. I'm so sorry, Tito Andrie, Andria." Yumuko pa si Shilo.

Joshua feels something inside of him. He is the one should say those words. Siya dapat ang humihingi ng tawad kay Tito Andrie at Andria. Siya ang nangako noon sa dalaga. Dapat siya ang kinukumpronta ng mga ito. Pero hindi siya nagsalita. Kung gusto siyang saluhin ni Shilo ay sigurado siyang may dahilan ito. He keeps his silent. Tumingin siya sa kasintahan na siyang nakasamasid lang sa kanila. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil.

"You won't really marry my daughter?" Nagbago ang timbre ng boses ni Tito Andrie. Nawala ang tapang doon.

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa pagbabagong iyon. Nanindig ang balahibo niya ng ngumiti ang matandang Lee. Hinawakan nito ang braso ni Andria.

"Yes, Tito. I'm really sorry."

"it's okay, Shilo. Na-iintindihan ko. Anak pala ni Aliya ang noon mo pa nagugustuhan, sana ay sinabi mo ng maaga para naman hindi na humaba ang usapan." Tumingin sa kanya si Tito Andrie. "Is she your girlfriend, Joshua?" tinuro ni Tito Andrie ang katabi niyang si Anniza.

Tumingin siya sa kanyang nobya. Nakayuko na ito. Huminga siya ng malalim.

"Yes po, Tito. Her name is Anniza Jacinto. She is my long-time girlfriend."

Tumungo si Tito Andrie. "kung ganoon ay wala na palang pwedeng pakasalan ang anak ko sa mga Wang."

Natigilan siya sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin?

"Yes, Tito Andrie. My older brother, Shan, is already married to his long-time girlfriend. My secretary that you meet earlier is his wife." Napansin niya ang pagkuyom ng kamay ni Shilo.

Kung siguro ang dating Shilo ang kaharap ni Tito Andrie ngayon ay baka sumigaw at pinagtabayuan na ito ng pinsan ngunit nagbago na si Shilo at dahil iyon kay Kaze.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Tito Andrie. "Okay. We will take our leave now. Forget that we talk about marriage here." Tumingin ito sa anak.

Andria didn't say anything. Tumingin lang ito kay Shilo. Hindi naman nagtagal ang pagkakatitig ni Andria sa pinsan niya dahil agad naman itong umalis kasama ng ama na hindi na pormal na nagpaalam sa kanila. Sinundan na lang ni Joshua ng tingin ang mag-ama. Hindi niya alam pero iba ang nararamdaman niyang kaba ng mga sandaling iyon.

"Joshua! We need to talk." Seryusong tawag ni Shilo na siyang ikinalingon niya sa pinsan.

Tumungo siya at hinarap ang kasintahan.

"You come with us, Anniza." Dagdag ni Shilo bago tumalikod para pumasok ng opisina nito.

Nagkatingin sila ng kasintahan. Nagbago ang aura ni Shilo ng maka-alis ang mag-ama. Mukhang sa kanya ilalabas ng pinsan ang galit nito. Kahit naman na nagbago si Shilo ay hindi ibig sabihin nito ay hindi na ito marunong magalit. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. Tumungo si Anniza. Sabay silang pumasok sa loob ng opisina ng pinsan.

Naka-upo sa pang-isahang upuan si Shilo ng pumasok sila. Seryuso ito habang nakatingin sa coffee table. Huminga siya nalalim at umupo sa mahabang sofa pagkatapos aalalayan ang kasintahan.

"Tito Andrie won't stop." Panimula ni Shilo.

"I know."

Doon nagtaas ng tingin si Shilo. "Sabihin mo sa akin. Ikaw ang nangako ng kasal kay Andria noon?"

Hinarap niya ang mga tingin ng pinsan. Tumungo siya bilang sagot. "Alam mong gusto ko noon si Andria. Nangyari iyon noong kaarawan ni Kuya Shan. She was drunk. Pumunta siya sa garden ng mansyon at sinundan ko siya doon. Walang ilaw sa malaking puno sa malawak ng harden niyo. Akala niya ay ako ang kasama niya ng gabing iyon. I promise to her that I will marry her when the time comes."

"But it won't happen because you already have Anniza." Tumingin si Shilo sa katabi niyang babae.

Tumingin din siya sa babaeng nilalaman ng kanyang puso. "Yes! Si Anniza ang gusto kong makasama habang buhay, Shilo."

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shilo. "This is a mess, Joshua. Lalo kapag nalaman ni Tito Andrie na ikaw ang nangako kay Andria noon at hindi ako. Kilala mo si Tito Andrie. We can't mess up with him. Madumi siyang gumanti at patalikod siya kung lumaban. You shouldn't mess up with Andria in the first place."

Yumuko siya dahil sa pangaral ng pinsan. Mas matanda siya kay Shilo pero mas matanda ito kung magsalita at mag-isip. "I'm sorry."

"there's nothing we can do. I need to do something. Kapag nalaman ni Tito Andrie na hindi ko naman pakakasalan si Maze ay siguradong ipipilit niya sa akin si Andria. I can't marry her. Hindi ganoon ang pagpapalaki sa akin ni Daddy. I should marry the one I love. I should marry because of love not because of money and power." Hinawakan ni Shilo ang ulo nito.

"Anong gagawin mo ngayon?"

Tumingin sa kanya si Shilo. "I need to conveince Maze to marry me. Kailangan makasal ako sa kanya."

Sabay silang napatingin ni Anniza na nagkatitigan. Gusto nilang mapangiti dahil sa wakas ay magkakatuluyan din ang dalawang importanteng tao sa buhay nila. Noon pa nila gustong magkaroon ng progress sa relasyon ng dalawa. Ngunit hindi din sila tuluyang makapagsaya dahil sa mukhang sa maling paraan magiging magkasintahan ang dalawa.

"Joshua, don't let go of Anniza no matter what happen." Seryusong sabi ni Shilo.

Napatingin siya sa pinsan. Malambot na ang ekpresyon sa mukha nito pero hindi sa kanya nakatingin ang pinsan kung hindi kay Anniza.

"Anniza, promise me that you will love and won't let go of my cousin no matter what happen."

Hindi agad nakapagsalita si Anniza. Tumingin muna sa kanya ang kasintahan bago sinagot ng buong puso ang kanyang pinsan.

"I promise. I will love him no matter what."

Napangiti siya sa sinagot ng kasintahan. Like what she promises, he won't let Anniza go too. He is intended to keep her forever.

ANNIZA can't get up from her bed. Kapag sinubukan niya kasing bumangon ay nahihilo siya. Nitong nakaraang linggo ay lagi na lang siyang nahihilo na ipinagtataka niya. Hindi naman siya annemec dahil sakto naman ang dugo niya ng huli siyang magpa-BP. Hindi lang iyon, tamad na tamad din siyang gumalaw.

"Annie, hindi ka ba papasok?" tanong ni Ate Kristine na sumilip sa kanyang kwarto.

Tanging ulo na lang nito ang nakikita niya. Ngumiti siya sa manugang kahit pa nga nahihilo na naman siya kahit nakahiga siya ng mga sandaling iyon.

"Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong nito.

Tuluyan itong pumasok sa kanyang kwarto at lumapit. Ipinatong nito ang kamay sa kanyang noo.

"Hindi ka naman ma-init. Masama ba pakiramdam mo?"

"Nahihilo ako, Ate," aniya rito.

Nagtagpo ang dalawang kilay nito. Hinawakan nito ang pulso niya at pinakiramdaman. Pinagmasandan niya lang ito at hinayaan sa ginagawa. Ilang sandali silang ganoon. Tumayo ito pagkatapos.

"Kukunan kita ng gatas pagkatapos ay mag-ayos ka. Pupunta tayo ng doctor. Mabuti na iyong matingnan ka." May bahid pa rin ng pag-aalala ang boses nito.

Tumungo siya. Nang lumabas ang manugang ay hinagilap niya ang kanyang phone para padalhan ng mensahe ang kasintahan na siguradong pupunta doon para sunduin siya.

'I can't go to office, right now. Medyo masama ang pakiramdam ko.' Iyon ang pinadala niyang mensahe dito.

Ilang segundo pa lang niyang pinapadala ang mesahing iyon ay agad na tumunog ang phone niya tanda na may tumatawag sa kanya. Muli niyang dinampot ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya ng mabasa ang pangalan ng nobyo.

"Good morning." Bati niya dito.

"Are you okay? Should I take you to the hospital?" Hindi maitago ang pag-aalala sa boses nito.

Lalong lumawag ang pagkakangiti niya dahil sa tanong na iyon. "I'm okay. Nahihilo lang ako pero okay naman na ako. At saka, sasamahan ako ni Ate Tin sa ospital. Kaya na namin ito."

"Are you sure?"

"Yes po. Pumasok ka na sa opisina. Hindi ba at may meeting ka with all the head manager ng Mei Hotel Manila branch. Hindi mo sila pwedeng hindi siputin." Bumangon siya at sumandal sa pader.

"I can move the meeting. Ihahatid ko na lang kayo sa ospital saka ako papasok ng opisina."

"Joshua! You can't do that. Kaya na---"

"I insist. Gusto din naman kitang makita bago ko simulant ang araw ko. I be there in five minutes, honey."

Napangiti siya sa bagong tawag sa kanya ni Joshua. He started calling her like that since last week. Masarap daw kasing pakinggan ang honey kaysa sa babe. At saka, iyon daw kasi ang tawagan ni Patrick at Sasha kaya gusto ng nobyo niyang maiba naman.

"Fine. Ingat ka sa pagmamaneho. See you later."

"See you later, honey. I love you."

"I love you too." Siya na ang bumaba ng tawag.

Napangiti siya habang nakatitig sa phone niya. Masaya na siya kapag nakaka-usap ang kasintahan. Hindi niya alam pero nitong huli ay kontento na siya sa ganoon. Dati ay okay lang sa kanya na hindi sila nagkaka-usap o nagkikita ni Joshua pero nitong huli ay lagi niyang hinahanap ang boses nito. Para bang kompleto na ang araw niya kapag naririnig ang tinig nito.

Tumayo na siya at naghanap ng damit na isusuot. Nagpapasalamat siya at hindi na siya nahilo ulit. Pero kailangan na niyang magpatingin sa doctor dahil hindi na normal iyon isang linggo siyang nahihilo sa tuwing gigising sa umaga.

Sinabi niya kay Ate Tin na susunduin sila ni Joshua. Tapos na silang mag-ayos at iniwan na nila ang dalawang pamangkin sa kanilang kapit-bahay ng dumating ang nobyo. Sinalubong niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Good morning, honey." Sinalubong siya ni Joshua ng hawak sa kamay.

"Good morning, Airen." Iyon ang piniling tawag ni Joshua.

Airen means spouse, husband or wife. It's a Mandarin word. Alam niyang Chinese ang nobyo at alam niyang marunong itong magsalita ng Mandarin pero hindi niya akalain na iyon ang napili nitong tawag. Hindi lang iyon, husband. He wants her to call him husband. Kinilig talaga siya ng hinihingi nito iyon sa kanya.

Kinuha ni Joshua ang bag niya at ito na ang nagbitbit. Lalong natuwa ang puso niya. Napaka-gentleman talaga ni Joshua. Kaya nga masasabi niyang napakaswerte niya sa binata. Hindi kasi ito nahihiyang maging malambing sa kanya kahit pa nga nasa marami silang tao. Lagi din itong naka-alalay sa kanya kapag naglalakad o lumalabas ilang dalawa.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong pa rin nito.

"Hindi na. Pero gusto ko pa rin magpa-check up. Hindi na kasin normal ang pagkahilo ko sa umaga," wika niya.

Pinagbuksan siya ni Joshua ng pinto ng kotse. Siya ang umupo sa passenger seat habang sa back seat si Ate Tin. Inalaayan din ulit siya ni Joshua na makasakay ng kotse nito. Nakasuot na siya ng seatbelt ng umupo sa driver seat ang kasintahan.

"Kailan ka pa nahihilo?" tanong ni Joshua habang nagsusuot ng seatbelt.

"Mag-limang araw na, Airen." Sagot niya.

Natigilan si Joshua at tumingin sa kanya. "Limang araw at hindi mo man lang sinabi sa akin." May bahid ng inis na sabi nito.

Sumimangot siya dahil sa pagkakasabi nito. "Sorry na. Umamayos naman ang pakiradaman ko pagkalipas ng ilang minuto kaya binaliwala ko na. Nitong umaga lang talaga ang pinakamalala."

Tinitigan siya nito at isang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua. "Okay. Let's go the doctor. Ayaw kong nag-aalala ng ganito sa iyo."

Hinagilap niya ang kamay ng nobyo. Wala naman siyang narinig na reklamo dito. Binuhay na nito ang kotse at nagsimulang magmaneho. Hindi na sila nag-usap pa ni Joshua dahil nga sa kasama nila ang Ate Tin nila. Baka mamaya kasi ay magsimula na naman ang bangayan nila ng nobyo at magulat ang Ate Tin niya na hindi sanay sa kanilang dalawa ni Joshua.

Nakarating sila sa ospital ay sinamahan pa sila ni Joshua hanggang sa information desk. May piantawag itong doctor.

"Sino ba iyong doctor na pinatawag mo?" tanong niya. Nasa waiting area na sila.

"Siya ang may-ari ng hospital na ito. Dito din si Quin nagtatrabaho kaya kilala namin siya." Sagot ng kasintahan.

Tumungo siya. "Akala ko ay si Quinn ang ipapatawag mo."

"Quinn is not here today. May mission daw siya sa isang bayan sa Bataan. At saka mas gusto ko na babae ang titingin sa iyo kaysa sa lalaki. Kahit na kaibigan ko si Quinn hindi ko hahayaan siya na hawakan ka," anito na siyang ikinabula ng mukha niya.

Nahampas niya tuloy ng wala sa oras si Joshua dahil sa sinabi nito. Ang lalaki talagang ito kapag may pagkakataon ay tinutukso sila.

"Kinilig ka ba sa sinabi ko, Honey." Tukso ni Joshua sa kanya.

Muli niyang hinampas ang nobyo. "Gago!"

Tumawa lang si Joshua dahil sa sinabi niya at ginawa. Pinisil nito ang baba niya na agad niyang tinabing. Kahit kailan talaga si Joshua abnormal.

"So, you are really here." Isang malambing na boses ang nagpatigil sa kanila ni Joshua.

Nagtaas siya ng tingin at nakita nila ang isang matangkad na babae. Maganda ito ang babae. Agaw pansin ang mga mata nito na nakangiti. Tumayo si Joshua kaya sumabay na siya.

"Hi, Cathness. Kamusta?" Nakangiting tanong ni Joshua.

"I'm good. Ngayon ka lang yata naligaw dito sa hospital ko."

"Ngayon lang talaga dahil sinamahan ko ang nobya ko na magpatingin."

Doon lang tumingin sa kanya ang babae. Agad niyang napansin ang pagkagulat sa mukha nito pero natago agad iyon ng isang matamis na ngiti.

"Ow!" Inilahad nito ang kanang kamay. "Hi! I'm Cathness Del Rio, I'm one of Joshua's friend."

Mukha naman friendly ang babae kaya tinanggap niya ang kamay nito. "Anniza Jacinto, nobya ng baliw na iyan.

Ininguso niya ang nobyo na ngiti lang ng ngit ng mga sandaling iyon. Tumawa ng mahina si Cathness na lang nagpaganda riot. Nasisigurado niyang may ibang lahi ang babae basi na rins a kulay ng buhok nito. Nakaka-intimate ang ganda nito pero wala naman siyang napansin kakaiba dito.

"Don't be jealous of me. My boyfriend na ako. Kaso nasa Guam siya ngayon para sa trabaho nito."

Napangiwi siya dahil sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung para saan ang sinabi nito. Hindi naman kasi siya nagseselos dito. Halata naman kasi na wala itong relasyon sa nobyo niya maliban sa magkaibagan at saka may tiwala naman siya kay Joshua.

"Cathness, Anniza trust me. May tiwala kami sa isa't-isa." Si Joshua na ang nagsalita.

Ngumiti lang si Cathness. "I know." Humarap sa kanya ang babae. "So, may nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo kaya gusto mong magpatingin."

"Ahhh!!! Nitong nakaraang limang araw ay lagi na lang akong nahihilo." Sagot niya sa tanong nito.

Tumaas ang kilay nito. Tumingin ito kay Joshua bago ibinalik sa kanya. Ngumiti ito ng matamis. "Ganoon ba. Tara at titingnan kita. Can you fill up the form for me, Joshua?"

"Of course." Tumingin sa kanya ang kasintahan. "I will fill up your information form. Tapos pupunta na ako ng opisina."

Tumungo siya. "Okay."

"Hindi mo siya sasamahan?" tanong ni Cathness.

"I have early meeting today. Nandito naman si Kristine para samahan siya." Itinuro ni Joshua ang Ate Tin niya na hindi nagsasalita.

Tumingin si Cathness kay Ate Tin. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito pero agad din itinago. She then smiles to Joshua.

"Okay. Let's go."

Nagtaka man sa reaksyon ng babae ay tumungo pa rin siya. Humarap muna siya kay Joshua.

"Ingat ka sa pagmamaneho."

"Yes, Madam. Tell me the result of you test, okay?"

Tumungo siya. Hinalikan muna siya ni Joshua sa pisngi bago nagpaalam kay Ate Tin. Lumapit sa information desk si Joshua at sila naman ng Ate Tin niya ay sumunod kay Cathness. Napansin niya ang paghagod ng tingin nito kay Ate Tin na lalo niyang ipinagtaka. Mamaya na lang niya tatanungin si Joshua. Baka may alam ito kung bakit ganoon ang reaksyon ng babae sa kanyang manugang.

下一章