💙💙💙
PAGKALAPAG palang ng bag niya sa table ay nagulat na agad si Anniza ng makita ang bulaklak na nakapatong sa kanyang mesa. She picks it up and look for a note but this time she didn't see one. Nagtaka naman siya. May bago na naman bang pakulo ang baliw na admirer niya. Pero ang nakakapagtaka ay isang santan ang bulaklak na bigay nito.
Isang pulang santan ang ibinigay nito.
Wala ngang note pero weird naman ang ibinigay na bulaklak. Hindi talaga matino ang lalaking nagkakagusto sa kanya. Sino ba kasing matinong lalaki ang magbibigay ng santan sa babaeng nagugustuhan nito? Maliban na lang kung wala itong pangbili ng bouquet o sadyang baliw lang talaga ito.
Itatapon na sana niya ang santan na hawak ng matigilan siya. Nagtataka siya kung saan nakuha ng lalaki ang bulaklak na iyon. Huminga ng malalim si Anniza at inilagay ang bulaklak sa lagayan niya ng ballpen. Palalampasin niya ang ginagawa ng lalaki ng araw na iyon. Effort din kasi ang ginawa nito. Bihira kasing may makitang ganoon na bulaklak. Well, she thinks so.
Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay nagsimula ng magtrabaho si Annie. May deadline siya ng araw na iyon kaya naman kailangan niyang ituon ang atensyon doon.
"Good morning, Annie."
Pagtaas ng tingin ni Annie ay si Joshua ang nakita niyang nakatayo sa table niya. Napataas ang kilay niya ng may inilapag itong isang baso ng kilalang coffee shop.
"What's that?"
"Coffee. Napansin ko kasing wala kang kape ngayon. Sakto naman na bumili ako sa tapat natin. Binilhan na kita." Ngumiti sa kanya si Joshua at tinapik ang kanyang balikat bago siya nilampasan.
Sinundan ni Annie ng tingin si Joshua. Nagtataka siya sa kilos ng lalaki. Bakit hindi yata siya iniinis ngayon ng binata? Umiling nalang si Anniza at napatingin sa kape na inilapag ng binata. Kinuha niya iyon at ininum.
Napangiti si Annie ng matikman ang Hot chocolate na bigay ng lalaki. Hindi pala kape ang ibinili nito para sa kanya kung hindi chocolate. Napalabi si Annie at masiglang binalik ang atensyon sa ginagawa.
It's already lunch time ng matapos si Annie sa report na kailangan niyang ipasa sa head nila. Napatingin sa relong nakasabit sa dingding ang dalaga. It's already 12 noon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala na doon ang mga kasamahan niya. Sigurado siyang bumaba na ang mga ito sa cafeteria. Biglang naramdaman ni Annie ang gutom. Huminga siya ng malalim. Tumayo siya para bumaba na rin at makakain ng lunch.
"Kakain ka na?"
Muntik ng mapatili si Annie ng marinig ang tanong na iyon mula sa kanyang likuran. Napalingon siya. Nakita niya si Joshua na naka-upo sa mesa ni Mea, isa ding staff na kagaya niya. Hindi niya sinagot ang tanong ng binata. Kinuha niya lang ang phone na nakapatong sa table at naglakad.
Sumunod naman sa kanya si Joshua. Naabutan siya nito sa tapat ng elevator. "Annie, hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
Napatingin siya sa binata. Huminga siya ng malalim at binaliwala ito. Ibinalik niya ang tingin sa elevator. Naiinis siya kapag nasa malapit ito. Naalala niya kasi ang ginawa nito noong nag-aapply siya at pati na rin ang mga kalukuhan na ginagawa nito sa kanya.
Tumikhim si Joshua. "I'm sorry."
Bumalik ang kanyang tingin sa binata. Seryuso itong nakatingin sa kanya. "For what?"
"For everything. Alam kong minsan nabibiktima ka ng kalukuhan ko kaya I'm sorry."
Pinakatitigan ni Annie sa mga mata si Joshua. She is looking something at his eyes. Nakita naman niya ang hinahanap. Umiwas siya ng tingin dito. Napahigpit ang hawak ni Annie sa kanyang cell phone. Bigla kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso. Para kasing may humaplos sa kanyang puso dahil sa nakita sa mga mata nito. It's the first time she saw that kind of emotion from Joshua.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay mabilis na pumasok si Annie. Sumunod naman sa kanya si Joshua. Annie hits the ground floor button while Joshua hits the parking lot button. Alam niyang hindi ito kumakain sa cafeteria at laging sa labas ito kumakain. Of course, mayaman ang luko at sigurado siyang sa mamahalin itong restaurant pumupunta.
"Annie?"
Napatingon siya sa lalaki.
"Pumunta ka noong Friday sa Dark Club, di ba?"
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong nito. Tumungo siya bilang sagot. "Bakit?"
Tumikhim si Joshua. "Wag ka na sanang pumunta doon."
Lalong nagtagpo ang kilay niya sa sinabi nito. "Bakit naman? Maayos naman ang lugar at kasama ko naman ang kaibigan ko. At saka sino ka ba---"
"It's not safe for a lady." Huminga ng malalim si Joshua. "Kilala ko ang may-ari ng Club at alam ko ang kalakaran doon. I don't want you there. Hindi safe ang lugar na iyon sa isang babae."
Sumama ang bukas ng kanyang mukha. "Hindi kita ma-intindihan, Joshua." Inalis niya ang tingin dito.
"I can't tell you why but please don't go there anymore."
Hindi sumagot si Anniza. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nitong hindi safe ang Dark Club. Wala naman kasi siyang nakitang kakaiba sa club na iyon. Usual naman ang mga pangyayari ng pumunta sila doon ni Brix. Party and drinking everywhere. Well, Brix didn't leave her that night. Hanggang sa maka-uwi sila ay hindi siya iniwan ng kaibigan.
"By the way, bakit nandoon ka ng gabing iyon? Hindi isang tulad mo ang pupunta sa lugar na ganoon."
Muli siyang napatingin kay Joshua. "Should I answer that question?"
"Yes."
Humarap si Anniza kay Joshua. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Ano ba kita? Maliban sa katrabaho ay wala na. We are not even friend Joshua."
Natigilan si Joshua sa sinabi ni Anniza. Sinamantala naman iyon ng dalaga at lumabas ng elevator na saktong bumukas ng mga sandaling iyon. She hates how crazy and immature Joshua is. Naiinis siya kapag ganoon ang inaasta nito. The way he reacts and told her what to do. Walang kahit sino ang nagsasabi sa kanya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kahit ang Kuya niya ay hindi ganoon sa kanya. At saka kapag kausap niya ang binata ay pakiramdaman niya ay nais siya nitong hawakan sa leeg. She hates it so much. Kaya hindi niya hahayaan ang binata na makapasok sa buhay niya.
"PWEDE bang wag kang uminum ng ganitong oras? Magagalit na naman sa akin si Liam." Inagaw ni Patrick ang baso sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Nasa Dark Club siya ng mga sandaling iyon. Wala pang tao ng mga oras na iyon dahil masyado pang maaga. Pagkagaling niya ng opisina ay doon na siya tumuloy. He feels like he wanted to be wasted to night. Pagkatapos ng nangyari kanina sa kanila ni Anniza sa elevator ay hindi na maalis sa kanyang isipan ang galit na nakita niya sa mga mata nito.
Tagos hanggang puso niya at sa tuwing naiisip niya iyon ay hindi niya mapigilan na manikip ang dibdib. Hindi lang iyon, may nararamdaman din siyang munting patalim na tumarak sa kayang dibdib. Same thing happens to him years ago and he knows what it means.
"Ano na naman ang problema mo?" Umupo si Patrick sa katabi niyang upuan.
Sinulyapan niya lang ang kaibigan at huminga ng malalim. "Can you do me a favor?"
"Kung tungkol ito sa babaeng iyon ay hindi ko na gagawin. Nakita ko ang epekto niya sa iyo noong nakaraang gabi. Not going there anymore." Ininum ni Patrick ang hawak niya kaninang baso ng alak.
"Hindi tungkol sa kanya. I want you to find someone for me."
"Who then?"
"Jessie. I want you to find Jessie and Jamie for me."
Nanlaki ang mga mata ni Patrick sa sinabi niya. Nabitiwan pa nito ang hawak na baso. Mabuti na lang at sa bar table lang iyon na hulog kaya hindi nabasag. Nag-iwas siya ng tingin sa kaibigan at tumingin sa naka-display sa harap niya. Yumuko siya pagkatapos at huminga ng malalim.
"Why? After all this year, bakit gusto mong hanapin ko sila?" Tanong ni Patrick pagkalipas ng ilang sandali.
Humingin siya sa suot na bracelet. Pinaglaruan niya iyon. "Because I miss them. I miss her, Patrick. Gusto kong patunayan sa sarili ko na siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Kaya gusto kong hanapin mo siya." Humarap siya sa kaibigan. "I want to know that my heart still belongs to her."
Hindi nakasagot ni Patrick. Hinawakan lang nito ang kanyang balikat at pinisil. Tuluyang pumatak ang mga luha niya.
"This past few weeks, Jessie's memories started to fade and I'm afraid that one day, I wake up and I already forget them. I shouldn't forget them. Hindi ko sila pwedeng kalimutan, Pat. Hindi dapat ako nag-momove on lalo na at kasalanan ko kung bakit wala sila ngayon sa tabi ko. Kasalanan ko kung bakit namatay ang mag-ina ko."
Napakuyom siya at nasuntok ang mesa.
"Anong karapatan kong kalimutan sila gayong ako ang may kasalanan kung bakit sila nawala? Pinatay ko sila, Pat. Pinatay ko ang mag-ina ko kaya anong karapatan ko na kalimutan sila. Sa lahat ng tao na pwedeng lumimot ay bakit ako ba ang nagsasabing mag-move on. I kill the woman I love and our unborn child. Kaya anong karapatan kong kalimutan sila at sumaya ulit."
"Josh..." Hinawakan ni Patrick ang baso niya.
"Hindi ba naman ako ng isang gago noon ay hindi sana mawawala sa akin ang mag-ina ko. Kasalanan ko kung bakit nawala sila sa akin. Kasalanan ko, Pat. Kaya wala akong karapatan magmahal ng ibang babae at kalimutan na lang sila ng ganoon na lang."
"Josh, sinabi mo naman di ba? You already pay for your mistake. May karapatan kang sumaya ulit. Pagkatapos ng mga nangyari sa iyo noon ay napagbayaran mo na ang lahat ng pagkakamali mo. You said you are already move on but why are you saying those words right now? Ano ba kasing nangyayari sa iyo?"
Yumuko siya. "I can't love her. Hindi ko siya pwedeng mahalin. Dapat si Jassie lang ang mamahalin ko. Sila lang ni Jamie dapat ang nilalaman ng puso ko."
Nanikip ang dibdib ni Joshua. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya. Mabilis niya iyong pinunasan gamit ang laylayan ng kanyang damit. Tumayo siya pero agad ding pinigilan ni Patrick at muling pina-upo
"Sino ba kasi ang sinasabi mong hindi mo pwedeng mahalin? Sagutin mo ang tanong ko at hahanapin ko ang puntod ng iyong mag-ina."
Napatingin siya kay Patrick. Seryuso ang mga mata nito. Nakipagsukatan siya ng tingin sa kaibigan. Huminga ng malalim si Joshua. "Annie. I think, I'm in-love with Annie."
Napasinghap si Patrick. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang ilalim ng kanyang labi.
"Hindi ko siya pwedeng mahalin. Dapat si Jassie lang. Kay Jessie lang dapat ako, Pat. Hindi pwedeng may ibang babae na makapasok sa puso ko. I realize that I shouldn't get close to her. Kaya sana tulungan mo akong hanapin si Jassie. Gusto kong makita ang mag-ina ko."
Hindi nakasagot si Patrick. Tinapik lang nito ang balikat niya. Kinuha naman niya ang baso at sinalinan iyon ng alak. Walang ginawa ni Patrick para pigilan siyang inumin iyon.
NAGTAKA SI Anniza kung bakit bigla na lang siyang nilampasan ni Joshua ng magkasalubong sila sa paselyo ng opisina. Sinundan na lang niya ng tingin ito.
"Himala yata at hindi ka binati ni Joshua." Kumento ni Mae.
Napatingin siya sa babae at nagkibit-balikat na lang. Kahit siya ay nagtataka din. Joshua usually greet her every time they see each other. Walang palya iyon. Huminga na lang ng malalim si Annie.
"Mabuti nga iyon at hindi na niya ako kinukulit. Alam mo naman kung gaano kakulit si Joshua."
"Well, pagkatapos ka ba naman niyang ipahiya noon sa buong department, hindi din naman nakakapagtaka na maging ganoon ang trato mo sa kanya."
"Wag na natin pag-usapan iyon. Iinit lang ang ulo ko," aniya sa kaibigan.
Naglakad silang muli ni Mae. Papunta sila ng elevator para pumunta sa katapat na coffee shop. May fifteen minutes break kasi sila kapag hapon at minsan ay lumalabas sila para bumili ng meryenda sa ibaba.
Nang makapasok sila sa elevator at isasara na sana ang pinto ng may humarang na kamay. Nanlaki ang mga mata ni Anniza ng makitang si Joshua iyon.
"Sorry," anito at pumunta sa isang sulok ng elevator.
"Asher, sigurado ka ba na siya ang nakita mo sa lobby?"
Napatingin sila kay Joshua ng marinig nila itong nagsalita. Mukhang sa cellphone nito ka-usap ang head security ng kompanya.
"Tell your staff to hold her. Sigurado akong may dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa pinagtatrabahuhan ko. Please! I want to talk to her. Baka alam niya kung nasaan si Jassie at handa na siyang sabihin sa akin."
Hindi mapigilan ni Annie na titigan si Joshua. Nasa himig ng boses ng nito ang nahihirapan. Puno ng pagsusumamo ang boses nito at ngayon lang nakita ni Annie si Joshua sa ganoong istado.
"Alam ko. Pababa na ako ng lobby kaya wag niyong hayaan na umalis siya." Nakita niyang napahigpit ang hawak ni Joshua sa hawakan ng elevator. "Thank you, Asher. I own you one."
Pagkababa ni Joshua ng cellphone nito ay umiwas siya ng tingin. Tumingin kasi bigla sa kanya ang binata. Bumilis ang tibok ng puso ni Anniza. Naghari ang katahimikan sa loob ng elevator dahilan para marinig ni Anniza ang tibok ng kanyang puso. Natatakot tuloy siya na baka marinig iyon ni Mae o ni Joshua. Anniza tried to calm herself but she can't. Patuloy sa pagwawala ang kanyang puso at bago pa tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod na nanghihina na ng mga sandaling iyon ay bumukas ang elevator.
Mabilis na lumabas si Joshua. Sinundan ito ng tingin ni Anniza. Napahawak siya sa hawakan ng elevator.
"Okay ka lang, Annie?" Nag-aalalang tanong ni Mae.
Tumungo siya. "Nagugutom na yata ako kaya nanginginig ang tuhod ko." Pabiro niyang sabi.
Ngumiti si Mae. "Tara! Bumili tayo ng cake para may energy tayo."
"Sige." Hinawakan siya ni Mae sa braso
Lumabas sila ng elevator at naglakad sa malawak na lobby ng kompanya. Malapit na sila sa pinto ng may nahagip ang kanyang mga mata. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa dalawang tao na nag-uusap sa gitna ng lobby. Galit na nakatitig ang babae kay Joshua.
"Ano ba talaga ang gusto mo, ha?" Tinulak ng babae si Joshua sa balikat.
Malakas ang boses ng babae kaya halos lahat ng naruruon ay napatingin sa mga ito.
"Jackie, wag tayong mag-usap dito." Sinubukan ni Joshua na hawakan ang babae sa braso ngunit mabilis na umiwas ang babae.
"Hindi ako sasama sa iyo kung saan. Kakausapin kita kung saan ko gusto."
"Jackie..."
"Stop messing with our life, Joshua. Wag mo na kaming guluhin pa. Wag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ng pamilya ko dahil sa iyo. Hindi pa ba sapat na kinuha mo sa amin ang Ate Jassie ko?"
"Jackie, hindi ganoon ang intensyon ko. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang Ate Jassie mo at si Ja---"
"Wala kang karapatan malaman kong nasaan sila. Pagkatapos ng ginawa mo sa Ate Jassie ko ay hindi ka namin hahayaan na makita siya. Isa kang mamatay tao kaya anong karapatan mo malaman kung nasaan sila." Dinuro ng babae si Joshua.
Narinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa lobby. Iyong huling sinabi ng babae ang pumukaw sa kanyang atensyon.
"Jackie..."
"Tigilan mo ang pamilya ko, Joshua. Hindi ako makakapayag na kunin mo ang lahat ng meron ako. Don't be selfish here. Patigilan mo ang kaibigan mo sa paghahanap sa Ate ko."
"Gusto ko lang muling makita ang Ate mo? Masama ba iyon, Jackie. I miss Jassie and I want to be with her. I wanted to see here." May pagsusumamong sabi ni Joshua.
"Then die. Ituloy mo ang plano mong magpakamatay noon. Doon mo lang makikita ang Ate ko." Tumalikod ang babae at hahakbang na sana ng hawakan ito ni Joshua sa braso.
Napako naman si Annie sa kinatatayuan. Para siyang nanonood ng drama ng mga sandaling iyon. Nagugulat siya sa nakikitang eksena ng mga sandaling iyon. Hindi ang Joshua na nakilala niya ang nakikita ngayon. Ibang-iba sa malukong Joshua ang lalaking nakatayo sa gitna ng lobby at nagsusumamo sa babae.
"Please, Jackie! After this, titigilan ko na talaga ang pamilya niyo. I just wanted to see her because I miss her. Sobrang nangungulila na ako sa Ate Jassie mo. Kaya sana ay mapagbigyan mo ako."
Hinila ng babae ang braso nito. "Isinumpa namin sa puntod ni Ate na hindi namin hahayaan na makita mo siya. Namatay ang ate ko ng dahil sa iyo kaya nararapat lang na magdusa ka." Humarap ang babae kay Joshua. "You don't deserve to know where they are. You didn't even love her. You just used her."
Umiling si Joshua. "Hindi iyon totoo. Tanging ang Ate Jassie mo lang ang minahal ko. I lo-"
"Stop messing up with me, Joshua. Kilala ko kung sino ang totoong nilalaman ng puso mo. Alam ko dahil nasa tabi ako ng ate ko ng mga sandaling nasasaktan siya dahil sa iyo."
Hindi nakasagot si Joshua kaya tumalikod ang babae at iniwan doon ang binata. Dumaan sa harap nila ang babae at mataray silang inirapan. Sinundan niya ito ng tingin. Nang mawala sa paningin niya ang babae ay tumingin siya kay Joshua. Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Nanlalaki ang mga mata nito ngunit agad din nagbago. Yumuko ito at umiling. Napansin niya ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito. Napahawak ito sa batok bago nilisan ang lobby.
"Wow! Anong klasing eksena ang nasaksihan natin?" Narinig niyang tanong ni Mae.
Hindi naman nakasagot si Annie dahil sinundan niya ng tingin si Joshua. Something happens to him before. Bigla siyang na- curious sa binata. Sino ba talaga si Joshua Wang? Mayroon ba itong tinatago sa likod ng makulit nitong ugali. Anong sinasabi ng babae na si Joshua ang dahilan ng pagkamatay ni Jassie? At sino ba si Jassie?
Nobya ba ito ni Joshua. Anong nangyari dito at kay Joshua? May dapat ba siyang malaman tungkol sa binata?