webnovel

Untitled

"The last of you is left in me

In my review a memory

I can't rebuild the remedy

I'm so consumed that I can't breathe"

- Watch You Lose by The Veer Union

NARRATOR

Sa kakalakad, napadpad si Kyle sa isang kagubatan. Tumingin siya sa paligid. Likas na ang dami ng puno dito, ngunit ang nakakapangilabot ay ang matinding katahimikan.

Katahimikan na ninanais niya.

Katahimikan na inaasam-asam niya.

Katahimikan na nagpapaalala sa kanya ng mga nagdaang pangyayari sa buhay niya.

Nakakita siya ng isang malaking bato at umupo siya dito.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa kawalan.

Tila bigla niyang inalala ang lahat.

Isang araw na may nakilala siyang isang babae.

Magandang babae.

Maalagang babae.

Mabuting babae.

Mapagmahal na babae.

Hindi gahaman na babae..

At babaeng minahal siya nang buong-buo. Ni walang hininging kapalit.

Muli siyang bumuntong hininga at pumikit.

Biglang pumasok sa isip niya ang ngiting nagpahulog sa kanya.

Lahat ng sinabi't pinaramdam niya sa babaeng yun, totoo.. Walang halong pagpapanggap.. Walang halong kemikal o kung ano pa man.. Purong pagmamahal iyon.. Yun nga lang, lahat ay may hangganan. Kung ano yun, hindi niya pwedeng sabihin..

"Elle..." Biglang bulong niya dahilan para mamulat siya.. Nakaramdam siya ng kilabot marahil dahil sa ingay ng punong nadadala sa hangin. Ngunit ang lalong nagpanaig ng matinding kilabot niya ay ang init na nararamdaman niya sa gawing parte ng kanyang mukha.

Hindi niya inaakala na, iiyak siya..

Walang gabing hindi siya umiinom, ito na marahil ang gamot niya pampatulog sa gabi at pangpawala ng matinding pangongonsensya sa ginawa niya..

"Elle.. I'm sorry..." Bulong niya ulit at pumikit..

Tumingala siya sa langit at nagpakawala ng isang bagsak ng luha..

Isang luhang punong-puno ng bigat.

Isang luhang nagpapahiwatig ng matinding pangongonsensya.

Luhang nagpapakita ng matinding panghihinayang...

At luhang nagmumula sa pusong walang magawa kundi tangayin ng agos ng mundo..

Maya-maya pa'y nakaramdam siya ng pagbigat ng ulo. At kasabay nito ay ang pagbagsak ng katawan niya sa damuhan..

"Elle..."

--

Sa kabilang dako...

Tahimik na pinapanood ng isang manonood ang nangyayari sa lalaki. Tanging pangi-ngisi lamang ang ginagawa nito habang pinapanood ang lalaki..

Kinuha niya ang cellphone niya saka ito binidyuhan.. Pagkatapos ay tinago na ang cellphone niya marahil ay nakarinig siya ng kaluskos ng isang taong paparating..

Agad-agad siyang umalis sa kinatatayuan niya at mabilis na nawala sa eksena..

--

Itutuloy....

下一章