webnovel

Chapter 9-(2nd night-weird happenings)

"Young Master why did you show up to her like that?" Seth's friend and adviser Wade asked him as he sat on his chair in his library.

Seth smiles as he looks at his friend who has been serving him and their family for centuries. Matagal ng panahon nanaghihintay sila sa Vengeance sa pagbabalik ng matagal na nawalang si Silica upang pagsilbihan ito at protectahan makabawi manlang ang buong pamilya niya sa nagawa nilang kasalanan kahit na sila ay sinumpa ng ina nito dahil sa kasalanan ng kanilang ninono. After a long time that they are suffering the curse at matagal na rin silang naghihintay….. ngayong nandito ang taong yon, they will protect that person no matter what.

"Wade I have no choice. Besides she doesn't know yet, sooner she will. May malapit ng magising sa kanya at kailangan nating pigilan iyon. Keeping her safe is our main priority. I can sense the Cathedra are now moving, even the lost souls are moving faster....sooner they will be here. At sigurado akong mahaharap tayo sa isang madilim na labanan. Hindi sila titigil hangat hindi nila nakukuha ang kailangan nila." he said as he looks outside the wide window of his mansion.

They are in his mansion a little far from the town. It is surrounded with trees and a few meters away are their plantations, serving as their cover. Ilang centuries na rin silang nakatira doon at para hindi mailto at magduda ang mga tao ay lumilipat sila sa ibang lugar saka babalik paglumipas ang mga taon.

"Young Master I heard that your family and the others are moving fast to come here. They will be here soon; even the protectors who are looking after her and her mother in the city are coming. I guess.....she IS our main priority now. I got news that her mother is using her ability to find her. It looks like she ran away without informing her mother." Wade said as he walk towards the window and gaze at the forest.

"Hmnnnnn hard headed as I said, maghanda ka sa pagbabalik nila. This is bad, I can also feel that the spirits are being active this days, it seems that it's not only the Cathedra who are after her power but even the Lycans." Saad niya habang tumatayo sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Wade para sumilip din sa bintana.

"Her powers are yet to be refined but then it's so strong. She is not even aware of it and her body seems insubstantial. She will be easy to become a vessel and easy to be manipulated." Wade said as they watch his workers giving food to the horses.

"Now that her mother's protection is fading, I doubt that HE will not find her. Sa ngayon pati oras at araw ay kalaban na natin. Palapit na ang pulang buwan." He said.

"You mean the Darkest of the Darks and the ritual?" Wade said as he looks at him worriedly.

"Yes, HE who is called the King. He might have already found out about his wife's used of the forbidden spell. No wonder his deploying his slaves on a search. Hindi ko aakalaing mangyayari na ang propeseya, sana lang ay makaya natin siyang protectahan hanggang sa huli. Kung sino man ang Presidente ng Purge Academy… sigurado akong sinadya niya ang pagpapadala ng sulat sa paaralan nila. Pero kung panung kasama siya sa napadala rito ay isang mesteryo. I only hope Darkness will not find her first. " Seth said as he took the glass of red wine on the small table beside him.

"I heard that the queen took the Dark book upon their escape." Wade said.

"Kaya nga galit na galit ang hari. Sigurado akong kinuha iyon ng reyna dahil alam niyang importante iyon sa nakatakdang ritual." He smirked as he continued sipping his wine.

Mahairap sigurong intindihin ang mga nangyayari sa lugar na iyon pero may tinatagong malagim na kasaysayan ang Vengeance. Nagsimula iyon sa paghahari ng mga casters o mga witch at wizards sa salita ng mga tao ngayon. Noong una nahahati sila sa dalawa, light and dark, mga ginagamit ang kakayahan sa kabutihan at yung isa naman ay sa kasamaan. Nag bigay ng isang propeseya ang pinakamatandang wizard na sinasabing may nakatakdang mamumuno sa kadiliman na isisilang pagkagamit ng isang makapangyarihang sumpa na nakasulat sa libro ng mga casters, ang dark book. Ito ang nagbigay daan sa hari ng mga dark casters na paslangin ang mga light casters, but he falls in love to the princess of the light casters, si Adaline. Di kalaunan ay nagkaanak sila ng dalawang babae sina Anica at Silica. Nalaman ni Adaline na pinamamatyag ng hari ang kanilang mga anak dahil sa propeseya. Ang akala ng haring si Hermakus Marconnes ay isa sa kanilang mga anak ang nakatakda. Adeline stole the dark book and run away with her daughters, they then lived in Vengeance. Doon nagsimula ang malagim na kamatayan nila ng anak na si Anica dahil sa kasamaan ng mga tao, that is when Adaline used the dark book's spell exchanging their life to the safety of her only living child, Silica at ang pakakasumpa ng mga taong nagkasala sa kanila. 5 pamilya ang natamaan ng sumpa.

"Isang malagim na sumpa sa isang kasalanang labis na hindi mapapatawad. 5 pamilya na hanggang ngayon ay nagdudusa dahil sa sumpa." Turan ni Seth habang nilalaro ang kanyang kupeta.

Isa sa pamilya ni Seth ang nasumpa dahil isa sa kanilang kadugo ang siyang nang-iwan at nangloko kay Silica, isa pa their great great grandfather who was the precious mayor noong time nina Adaline ang nakipagtulungan sa mga Panriche upang dakpin sina Adaline. Ang sumpa nila ay ang pagpapalit anyong lubo. Ang ikalawang pamilya ay ang Panriche na simumpa upang maging bampira, sa gabi lang maaaring lumabas. Ang kanilang ninono kasi na si Prime Alvertos at siyang hari nila ay ang taong nagsimula ng maling balita tungkol sa pamilya ni Adaline at namuno sa pagdakip sa kanila at pagtali sa tambak ng mga kahoy upang sunugin. Tinawag nila ang mga sarili nilang grupo na Cathedra.

"Wade anu ng balita sa mga Lycans at sa mga guardians?" tanung niya.

"Young master, ang Lycans ay parating na rin dito at ang mga guardian ay naaalerto na rin para sa pagdating ng pulang buwan." Turan ni Wade na nakapagpabuntong-hininga sa kanya.

"I see." Turan niya habang pinagmamasdan ang taniman.

Ang mga Lycans ay ang pang-apat na pamilyang natamaan ng sumpa ang ninuno nila ang nagkalulo sa pinagtataguan nina Adaline. Sila ay may anyo na may ulo ng wolf ngunit katawang tao pababa at hindi sila nagbabagong anyo, sila ay pwede lang lumabas kung gabi. Ang mga guardian naman ay ang mga nasumpang pamilya na siyang nagsabi sa lalaking mahal ni Silica na isa siyang masamang tao dahilan kung bakit siya iniwan nito. Sila ay sinumpa na bantayan ang kagubatan at hindi pwedeng magpakita sa mga tao dahil may nakakatakot silang itsura. At ang panghuling tinamaan ng sumpa ay ang lalaking nagtali sa mag-ina sa kahoy na pagsusunogan sa kanila. Siya si Luke Peterson ang tauhan ni Prime Alvertos Panriche, hindi siya namatay ngunit nagging siyang kaluluwa na hindi makita ng mga tao. At alam ni Seth na ito ang namumuno sa mga grupo ng mga ligaw na multo upang manatili at maghasik ng lagim sa Vengeance.

"Naisip ko lang, there are 5 families cursed in 5 different ways. At ayon sa propeseya ay paglipas ng 500 years ay muling lalabas ang pulang buwan. May 5, 1565 ang araw na nangyari ang masamang kaganapan sa Vengeance. 5, ano kayang ibig ipahiwatig ng numerong iyon?" takang tanung ni Seth habang nakatingala sa langit.

Nagising si Ramhil dahil sa tilaok ng manok, dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone sa maliit na table sa tabi ng kama niya. Nakita niyang 3 palang ng umaga at hindi pa lumalabas ang liwanag sa kalangitan. Tumayo siya at dahan-dahang pumunta sa may kalawakang bintana at binuksan iyon. Napatigil siya nang may makita siyang isang nakaputing babae na nakatayo sa tabi ng isang puno sa may kalayuan. Hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit nangilabot siya.

"What?" napakusot siya ng mata at nang tingnan niyang muli ang direksyon nito ay wala na iyon.

"Umagang-umaga. Mukhang hindi pa ako lubusang nagigising at kung anu-ano na ng nakikita ko." Turan niyang hinihilamos ang kanyang mga palad.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig nagulat nalang siya nang makita may nakaupo sa may lamesa at nakalugmok. Lumapit siya at nakita niyang si Ran iyon at natutulog, sa tabi nito ay may baso na may lamang kunting tubig. Umupo siya sa katabing upuan at pinagmasdan ito. Napapansin niyang namumuti ito at ang kanyang mga labi ay namumula kahit hindi nito nilalagyan ng lipstick o lip-gloss. Napangiti siya at tinungo ang sink at kumuha siya ng baso at naglagay ng tubig saka niya iyon ininum.

"Mukhang pagod din siya at dito pa nakatulog." Ngiti niya.

Dahan-dahn siyang bumalik sa kanyang kwarto at kumuha ng kumot na nakalagay sa kanyang drawer. Bumaba siya at inilagay iyon sa likod ni Ran, ayaw niyang matulog muli kaya naisip niyang magbasa na lang ng isang libro habang katabi ang natutulog na si Ran.

Nagising si Maha dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa kanyang bintana, napabangon siya at nilakad ang bintana upang isarado iyon. Sa may kalayuan.....sa may isang kahoy ay may nakita siyang isang lalaking nakaitim na nakatayo doon at nakatingin sa malayo. Napakunot noo siya at dahan-dahan niyang isinara yung bintana. Bumaba siya sa hagdan upang tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nakarinig siya ng isang ingay ng parang may basong nilalapag sa lamesa, nakita niyang nakabukas yung ilaw sa kusina kaya kinakabahan siyang sumilip. Napabuntong hininga siya nang makita niyang si Ramhil iyon na umiinom ng tubig habang nagbabasa ng libro. Nakita naman niya si Ran na nasa tabi nitong nakalugmok at natutulog. May kumot na nakapatong sa balikat nito.

"Good morning Ramhil, aga mo ngayon ah." Nakangiti niyang turan at tumingin ito sa kanya saka ngumiti. Dumeretso siya sa sink at naglagay ng tubig sa isang baso.

"Morning to Maha. Maaga ka rin ah." Ngiti nito saka nilapag ang librong binabasa sa mesa at humarap sa kanya.

"Nagising ako sa lamig eh. Ikaw bakit ka maaga?" tanong niya saka umupo sa harapang upuan upang kaharap ito.

"Nagising ako sa tilaok ng mga manok ng ating mga kapitbahay. Ahmnnnn-." Nakita niyang mukhang may gusto itong sabihin ngunit nag-aalanganin.

"Hmnnn ano yon Ramhil. Come on spit it out." Ngiti niya rito saka niya tiningnan si Ran nanatutulog pa rin.

"Wag mo akong pagtatawanan Maha.....but I got a weird feeling about this place. Sa tingin ko ay may secretong tinatago sa atin ang mga taga rito. Weird things kept on happening to me while we are here. Kagaya kanina paggising ko." Turan nito na halata sa mukha ang pagkabalisa.

"Ikaw din pala. A-ano ba nakita mo kanina?" turan niya saka tumingin rito.

"Gumising ako at sumilip sa bintana....I sa-saw a woman in white, hindi ko lubusang makita ang mukha nito ngunit nakakakilabot dahil bigla nalang itong nawala." Napahilamos ito ng kamay.

"A-ako rin kanina lang." naturan niya.

Napatingin sa kanya si Ramhil at puno ng pagtatanong ang mukha nito.

"Nagising din ako sa lamig kaya lumapit ako sa bintana upang isara iyon. I-I saw someone.....isang lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi ng isang kahoy at nakatingin sa malayo. I feel scared kaya bumaba nalang ako. Honestly....this place is starting to become creepy most specially during night." Turan niyang nakatingin sa baso na hawak ni Ramhil na nilalaro nito.

"So kayo rin pala ay nakakakita ng kung anu-ano, akala ko ako lang ang nababaliw dito." Nagulat sila at napatingin kay Ran, gising na pala ito at napapahikap pa na kinukusot ang mga mata.

"R-Ran gi-gising ka na pala. Nagising ka ba namin." Turan ni Ramhil dito at umiling ito saka ngumiti.

"Anong ibig mong sabihin Ran? Ikaw din ba ay nakakaranas ng mga kakaibang bagay dito?" turan ni Maha habang tumatayo si Ran at tinungo ang ref at kumuha ng isang slice ng pizza na naiwan sa niluto ni Conor kagabi.

Oo nga pala...talagang totoo yung sinabi ng mga tagaroon na provided na lahat ang kanilang kakailanganin. May ilaw sila mula sa kuryente, may ref din na nakalagay sa kusina, may heater din ang banyo, at may iba pang gamit na talagang kakailanganin nila.

"Yapp Maha dear...it's annoying...and creepy. Nakakasakit sa ulo kaya ang ginagawa ko ay wag nalang isipin. Kahit naman magtanong tayo sa mga tao e walang sasagot. Well! Nandito na tayo, kakayanin natin ito. Besides para saan pa at meron ng mga paranormal researchers dito. Binigyan din ba kayo nina Ashton ng....anong tawag nila doon.....hmnnnn. ahhhh oo...charms?" Ngiti niya at dahan-dahang sumusubo ng pizza. Nagkatinginan sila at saka tumingin sa kanya.

"Oo binigyan ako ni Lilbenia pagbalik natin ng isang paris ng hikaw na wag ko daw aalisin dahil proteksyon ko iyon sa mga spirits." Turan niya habang hinahawakan yong hikaw na binigay ni Lilbenia sa kanya.

Isa iyong handmade na higaw ngunit maganda naman. Yung pendant nito ay bato na kulay green at may sulat na hindi niya maintindihan sa gitna. Maganda naman at magaan lang kaya hindi na niya tinatangal iyon.

"Ako din, R-Robert gave me and Sofan this." Ipinakita ni Ramhil ang suot nito sa kanyang bisig na isang relo na ang talian ay gawa sa brown na parang tali ngunit may lock iyon na parang yung nasa belt. Maganda rin ang design niyon kahit na halatang handmade. Gaya nung hikaw niya ay may nakasulat din doon na salitang hindi nila mabasa.

"Hindi naman siguro masama na sundin natin sila. Isa pa maganda naman itong mga binigay nila." Turan ni Ran at nakita niyang nilalaro nito yung kwentas nito na alam na niyang binigay nina Ashton dahil may sulat din yung pendant nito.

"Hmnnnn well! Kung proprotektahan tayo nito ay bakit hindi. Hmnnnnn Ramhil anong oras mo na jan, nakalimutan ko pala yung cellphone ko sa kwarto." Tanong niya nang matanto niyang nagliliwanag na yung kalangitan nang makita niya yung labas sa bintana na nasa may taas na katapat ng sink.

"Mag aalas-sinko na. Baka gising narin yung iba." Turan nito at napalingon nalang sila ng marinig nilang may kumakatok sa pinto.

"Ako na." tumayo siya at tinungo yung pinto at iniunlock niya iyon. Napangiti siya nang makita niya si Conor na may hawak na lalagyan ng pagkain at nakangiti sa kanya.

"Good morning Conor. Aga mo ah, anong meron?" nakangiti niyang turan dito.

"Ahmnnn g-good morning to Maha. May dala pala akong ulam para makakain na kayo. Narinig ko kasing magsisimula na kayong dadalaw sa paaralan at maaaga kayo kaya pinaghandaan namin kayo kanina." Ngiti nito.

"N-namin? Alah naku naabala pa atah namin kayo. Sige pasok kayo. Conor akala ko mag-isa mo may kasama ka pala." Namula siya at napakamot ng ulo nang makita niyang may kasunod itong 2 lalaki at 3 babae na may hawak ding mga container. Yung mga babae ay may hawak na mga plato at kutsara na sigurado niyang yun yung mga ginamit din nila kagabi dahil nakita niyang kinuha ng mga ito iyon. Sila na daw ang bahala at magrelax nalang daw kami.

"Good morning Miss Maha." Magkasabay na turan nung mga sumusunod kay Conor. She greeted back and gives a wide smile.

Hinayaan niyang pumasok sila at sumunod siya sa kusina. Nakita niyang nilapag nila yung mga dala nila sa lamesa. Nakita niyang napapakamot din sa hiya sina Ran at Ramhil. Kasi naman, masyado na ata silang napagsisilbihan doon. Ano ba talaga magpPT ba sila roon o nagbabakasyon lang na mga artista. Abah mapagsilbihan sila ay daig pa nila ang mga prinsepe at prinsesa.

Napapailing nalang siya, well! At least they are having a major fun...if only weird things stop happening to them. Lumapit siya kay Ran at tumayo sa tabi nito nagpaalam naman si Ramhil upang gisingin yung mga nagtutulog-tulugan pang mga kasama nila.

"Ramhil magdala ka ng isang timbang tubig." Sigaw niya rito nang palabas na ito sa kusina lumingon ito at nagtatakang nakatingin sa kanya. Nakita niyang ngumiti si Ran at nakita niyang nagtataas-taas ito ng mga kilay, as if telling her that she's on with it.

"Oo Ram kumuha ka na rin ng tabo." Sigaw din nito at lalong naguluhan si Ramhil.

"Bakit?" he said, looking really puzzled.

"Tulog mantika na yung mga yon. Pag 'di sila magising taponan mo sila ng isang tabong tubig at siguradong gising na yung mga yon." Tawa niya at nakitawa naman si Ran.

Napapakamot nalang na umalis si Ramhil habang nakangiti rin yung mga nag-aayos sa lamesa.

"Hmnnnn Conor hindi mo ba kami ipapakilala sa magagandang dilag na nasa tabi mo?" turan niya kay Conor na ngayo'y nagsasalin ng ulam sa isang malaking bowl, nasa tabi nito ang isang babaeng maganda at may kaputian ang kutis. She blushed, nakita niyang napakaseksey nito lalo na at nakabistida ito ng gray at nakasandal ng flat.

Nakita niyang padating na yung mga kasama nilang umiinat pa at napapahikab.

"Good morning." Bati ng mga ito at bumati naman silang lahat.

"So Conor, sino s'ya. Pati na yung magandang naka t-shirt ng white at palda ng black" Bumulong siya rito at siniko-siko ito ng mahina sa tagiliran nito. Nakatingin siya sa babaeng naka palda ng black at naka t-shirt ng white. Maganda ito, may kaputian din ang kutis, nasa shoulder length yung itim nitong buhok, at may katangusan ang ilong.

"Girlfriend mo?" turan naman ni Ran na nasa kabila nito at kumapit sa braso ni Conor upang pigilin iyon sa pagsasalin nito ng ulam. Namula si Conor at nakita nilang namumula na rin yung babae na naka bistida ng gray na nasa may kalapitan lang.

下一章