webnovel

XIV - Farewell

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Cheshire/Greta's POV

What happened? Why is she's still moving? Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Wilfred noong ibulgar niya kay Primrose ang totoo. She was supposed to die along with Primus!

Umeksena si Wilfred at tinulungan akong kolektahin ang soul ni Primus Constantine. Nagtagumpay kami but there's one thing that don't add up.

Tumakbo siya kay Primus at sinalo ang katawan nito bago ito bumagsak sa sahig. Balak pa yata ni Primrose na pabahain ang buong palasyo sa dami ng luhang lumabas sa kanyang mga mata. Oo, mga mata dahil kusang nagmulat ang kanan nitong mata na ayon sa kanya ay marka ng aksidente dalawang taon ang nakakaraan.

"Her right eye isn't really damaged. It was affected by Bartram Experiment. All wounds, everything that Primus got for the past two years. The prototype has it and will only disappeared if the archetype become deceased," paliwanag ni Wilfred habang pinapanood namin ang heavy drama ni Primrose sa harap ng bangkay ni Primus.

"But I don't get it. She must be dead by now! Bakit humihinga pa siya?"

"Have you forgot the exemption? While you're away, finding the real target, I stayed in circus for three days and I discovered the shocking truth. She was killed by Judas the night we told her everything."

"WHAT?!"

"Yes. She got isolated in her tent for three nights at kanina lang siya nagising. Primrose came back to life but now she will live forever as a vampire. She prevents herself from dying by Judas' bite. The mark of immortality." Wilfred clicked his tongue. "I didn't like the experiment, actually. Ang sabi-sabi, ginawa raw ni Adrian ang experiment para bigyan ng pagkakataon ang isang tao na takasan ang mapait nitong kapalaran. But it went fail because Primus isn't what he expecting him to be.

"That's why he kicked out from his position as administrator and no one knows where he is."

"Yes," simpleng sagot niya. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Wilfred hanggang sa naisipan kong ibahin ang usapan.

"Uhm, speaking of Primrose, why are you helping her?" tanong ko.

"Sa katunayan, puwede ko namang hayaan si Primrose na mamatay kasama ni Primus. But this young woman, I see in her eyes that she will be an instrument to change the world. She will possibly expand her business or she might be planning to build a charity foundation that will surely help other people to stop raising poverty."

"May point ka," sabi ko.

"Primrose may be immortal. At sa tagal niyang mananatili sa mundo, marami siyang puwedeng gawin, in a good way of course and I'm sure of it."

༺༻

Primrose's POV

"Primus, wake up! Lumaban ka, please!" Inaalog-alog ko siya, but I got no response from Primus. He's dead.

I cried, napawi ang galit ko nang makita ko ang cinematic record ni Primus. Ngayon, alam ko na ang dahilan sa likod ng mga karatantaduhan niya. Naiintindihan ko na kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa.

Sa sitwasyon ko kasi, hindi ko 'yon naramdaman dahil andiyan si Jude simula nang magising ako bilang si Primus. Jude is a chess piece on my game at siya ang rason kung bakit ko nadala sa rurok ng tagumpay ang kumpanya.

I can't blame him for barging himself with a grim reaper. Living alone isn't easy to begin with.

"After all you did to me, there is one thing I am thank of. Iyon ay ang nakilala kita bilang si Moiselle. Pinaranas mo sa 'kin ang pakiramdam ng may kaibigan, bagay na hindi ko naranasan noong nabuhay ako sa katauhan mo. Thank you so much. Hindi ko sasayangin ang alaala natin bilang magkaibigan. I won't forget you." Nilabas ko ang Chrysanthemum sa bulsa ko at inilagay sa breast pocket ng damit niya. "Goodbye, Primus. Pinapatawad na kita."

The queen suddenly shouted. "That's enough of you, Lady Primrose. You already hear the truth from his mouth and yet you still have my choker? You deserve to be sentenced as well. I want you to taste the bitterness of death!"

Nilingon ko ang Red Queen. "Death? You're joking." I jumped towards her throne as I made my appearance from the back of her ear. "That word doesn't exist in my dictionary, you bloody tart!"

"What did you say to me?!"

"Tart," ulit ko sa sinabi ni Judas last time. "You're just a prostitute who replaced the red queen. Right, twin sister?"

Nagulat ang lahat sa narinig nila. "Anong sabi niya?"

"Prostitute?" takang wika ng ilan.

"This woman over there is the Red Queen's sister. She stole the throne from her sister after the queen was kidnapped. Isn't that right, Judas?"

Judas is one of the card soldiers who brought Primus inside the palace. Kanina habang namimitas ako ng bulaklak for my flower arrangement. I didn't came into forest to quench my thirst. It's because I saw someone and it was him.

"May nahanap siyang mga litrato na nakakalat sa isang parte ng gubat. Those photos are taken somewhere in real world. Some are consist of events in which you spent time with your sister and there are some stolen pictures of you having sex with different noblemen. And the rest are proofs of your cruelty." Judas thrown the pictures. Tumilapon ang mga ito sa harap ng reyna-reynahan.

Marahil ay tama ka. These are photos of her sister who's been tortured and kidnapped.

"This choker. You lost this when you're lurking around the woods to throw the evidence. Natataranta kang maibalik sa 'yo ang choker na 'to dahil ito ang magpapatunay na may kapatid ka at siya ang totoong reyna ng palasyong ito!"

Sa likod ng choker ay may nakasulat na Elizabeth to Victoria. Kung tama ako, Elizabeth is the queen of red palace and this one who's playing the role of Red Queen is Victoria.

"That woman, she stole my crown. Pinatapon ako sa kabilang mundo at my life turns into a disaster which is because of her! And you..." Nangigigil na sambit ni Victoria. "You've ruined everything!"

"It's your fault not mine," I said. "I suggest you should've burned all pictures instead of throwing somewhere. Ikaw mismo ang nagpahamak sa sarili mo, so bakit parang kasalanan ko pa?"

"All of you! Kill the young maiden!" Victoria ordered pero isa sa kanila ay walang sumunod. "Hindi niyo ba ako narinig? I said, kill her!"

"Tumigil ka na!" sabi ng isang tinig. The voice is owned by a lovely woman in crimson red gown. She walks through the palace like she's really own the place. Most of all, she looks just like Victoria.

"Elizabeth? You're alive?" said the imposter.

"Wala akong ninanakaw sa 'yo. At hindi totoong pinatapon kita sa kabilang mundo. You're the one who actually left because of your hatred! Naiinggit ka sa 'kin and you couldn't stand it! Sinundan kita and I gave you that choker sa pag-aakalang magkakaayos tayo ngunit anong ginawa mo? Pinadakip mo ako! Sinaktan! Mabuti na lang, may tumulong sa akin upang makatakas kaya ako nakabalik dito. Tapos malalaman kong ninakaw mo na pala ang trono ko at pinatay mo ang isang lalaking walang kalaban-laban dahil lang sa choker? Anong klase kang kapatid?"

"Wala akong pakialam sa 'yo! Mula nang ipadakip kita, wala na akong kapatid!"

"Gano'n ba?" ngumiti si Elizabeth. "Pwes, simula sa araw na ito ay hindi na kita ituturing na kadugo! Hulihin siya!" utos niya sa mga kawal.

Bago pa makuha ng mga kawal si Victoria, mabilis itong dumukot ng kung ano at itinutok iyon sa akin. Isang patalim. "Sige, lumapit kayo! Papatayin ko ang babaeng 'to!"

A smirk glows from my face. "Enough with your lunacy. Did you really think that a human like you could beat a vampire?"

"What?" naguguluhang tanong ni Victoria.

Inagaw ko mula kay Victoria ang patalim at tumilapon 'yon sa paanan ni Elizabeth. I grabbed her outside, isinandal ko siya sa malaking estatwang matatagpuan sa gazebo.

"Kanina pa ako nauuhaw at ang hindi ko matanggap ay 'yong ipagkait mo sa 'kin ang matikman ang unang dugo na malalasahan ng dila ko. Now, as your punishment, you'll pay with your own blood!"

Itinaas ko ang kamay niya at akmang kakagatin sa pulso nang hatakin ako ni Judas palayo sa reyna. "Primrose, you did too much. That's enough."

"B-But Judas, I'm..."

"We will hunt down later. Okay?" Napilitan akong pakalmahin ang sarili sa kabila ng matinding uhaw.

Nahuli si Victoria at ikinulong. Samantala, kami ay pinatawag ni Elizabeth upang pasalamatan sa pagtulong namin sa kanya para mabawi ang koronang ninakaw ng kanyang kapatid. Humingi rin siya ng dispensa sa mga nangyari. Nakikiramay siya sa pagkamatay ni Primus at handa siyang sagutin ang pagpapalibing sa bangkay nito.

Iminungahi niya na kami'y makipag-usap sa White Queen para matulungan akong makabalik sa mundo ko. Nagpasalamat ako at nang sumunod na araw ay pumunta kami sa palasyo ng White Queen at hindi kami nabigo ni Judas.

The Queen is willing to open the boundary between Wonderland and the real world. Isinara niya ito pagkadating ni Elizabeth nang sa gayon ay maiwasan ang tangkang pagtakas ni Victoria sakaling mahuli ito.

Mukhang 'di lang ako ang stranded, pati rin 'yong dalawang grim reaper students na sina Greta at Wilfred - na plano nang bumalik sa realidad matapos ang kanilang misyon kay Primus.

As it was opened, I didn't leave yet. Hindi pa ako nagpapaalam kila Happy at Barbara and most especially, kay Judas. Ah, mas masakit pa pala 'to sa inaakala ko. Napamahal na 'ko nang lubos sa kanila at sa Wonderland ko rin natagpuan ang lalaking mahal ko.

Pero gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi ako nababagay dito. Darating ang panahon na lilisanin ko ang Wonderland at haharapin ang panibagong yugto ng aking buhay bilang si Primrose Constantine.

Ayokong baunin ang bigat na 'to sa aking pagbabalik. I need to settle this down and take a bow without carrying pain.

Nagtipon-tipon kami sa main tent kinahapunan. I was surrounded by the rest of the circus crew. Pinipigilan kong umiyak, sa totoo lang dahil sobrang mami-miss ko sila. Sandali ko lang silang nakasama pero grabe ang impact nila sa noo'y si Primus Constantine na selfish, spoiled at bugnutin. Hindi ko pinagsisisihang nakarating ako rito dahil sila ang nagbigay-kulay sa black n' white kong buhay.

Although, mas maraming nangyaring masama, naging pagsubok ito sa katatagan ko para ako'y lumaban at makarating sa finish line kung saan naghihintay ang bagong simula.

"My name is Cecilia Phantomhive who entered in your lives as Primrose. I'm from the other side of this world called reality. Kinalulungkot ko mang ibalita sa inyo na ako po ay babalik na sa aking pinanggalingan. Nais kong pasalamatan kayo sa pagtanggap ninyo sa akin at hindi niyo ako tinuring na iba sa inyo. Tinakpan niyo ang butas sa aking pagkatao at inyong pinunan ang aking pagkukulang bilang tao.

"Salamat, Happy, for bring me joy. Ikaw ang rason ng aking pagngiti. Barbara, gustuhin ko mang maging sister-in-law mo kapag kami'y ikinasal ni Judas, I can't assure it will happen after all. But thank you for being one of my friends here in Wonderland. Alagaan mong mabuti ang kapatid mo, ha? Peter, mamimiss ko 'yang mga caterpillars mo--de, joke lang! Ikaw ang mami-miss ko nang todo.

"I can't see Cheshire and Four-eyes. I guess they already left. Pero alam niyo ba? May iniwang surpresa si Labo sa akin." Dinampot ko ang lalagyanan sa may paanan ko. Ang laman n'on ay si Alois, ang rabbit ko na nagdala sa 'kin dito. "This sounds ridiculous but this rabbit is the reason why I'm here. Sadly, it wasn't part of my new life anymore so I wanted to give this to you, Happy."

"To me?" tanong ni Happy na 'di sure sa narinig.

"Yes," I replied. Binigay ko sa kanya ang rabbit na agad niyang kinuha. "I'll be having a new life and if this rabbit will popped down again on the same hole that brings me here, ewan ko lang kung kaya ko pang harapin ang mga pagsubok na mas malala pa rito."

"Salamat, Primrose."

I smiled. "No worries." At ang panghuli, ang bampirang nagpatibok ng puso ko na akala ko talaga hindi na titibok sa kahit sino.

"Judas, you've been a good friend, a partner and a lover. For that, I thank you. However, sometimes in our life, there are things that it won't work. You can follow me if you want but, I hate to break this to you pero wala akong kilalang Judas sa mundo ko. Anuman ang meron tayo, mananatili na lamang itong masayang alaala sa ating mga puso. I love you, goodbye." I kissed Judas on his lips for the last time.

Niyakap ko sila isa-isa, sinulit ang nalalabing oras ko sa bago ako umalis. My life will never be the same once I reached home. I need to be prepared - physically and emotionally. This is the end of my adventure here in Wonderland. Uuwi na ako at sabik na 'kong salubungin ang mga naiwan ko. Sina Jude, Maylene, Finn, Troy at Auntie Angelina.

Ang tanging hiling ko lang ay matanggap nila ako oras na ipagtapat ko sa kanila ang totoo.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

下一章