webnovel

Chapter 36

Alexander's POV

Abala ang mga tauhan ko para sa pagdakip sa babae ni Kevin. Nakita ng mga tauhan ko na papunta siya sa isang common friend niya. Kawawang babae nadamay tuloy dahil sa pinakamamahal niyang Kevin. Gross! He's so stupid though he's powerful than me but I can trick him na hindi niya nalalaman.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga tauhan ko.

Hindi sila sumagot. Wow! So pipi na sila ngayon?

Tumayo ako sabay harap sa kanila. "SUMAGOT KAYO!" Galit kong sigaw.

Tumango ang ilan sa kanila. 'Yung iba naman, deadma lang. Deadma pala ha. Kinuha ko 'yung baril ko sa mesa at pinaglalaruan ko muna hanggang sa tinutok ko ito sa isa kanila.

"Ba't ayaw niyong sumagot? Pipi ba kayo?" Tanong ko.

Umiling sila. Nagawa pang umiling ha.

Tinutukan ko 'yung mga hindi sumagot sa akin. Akala nila ha.

"Di pala kayo pipi eh. Bakit 'di kayo sumagot? Dahil ba... ayaw niyo sa'kin?" Natatawa kong tanong.

Tumawa ako ng nakakaloko. "Dahil hindi kayo sumagot sa'kin. May premyo kayo." Panimula ko.

"Gusto niyo bang malaman kung ano?" Mapang-asar kong tanong.

Hindi ulit sila sumagot. Ginagalit talaga ako. Puwes tikman niyo ang sarili niyong dugo.

"Oh! Ba't 'di ulit kayo sumagot?" Tanong ko. 'Di makasagot akala mo pipi.

Hindi ulit sila sumagot. Sadiyang ginagalit nga talaga nila ako.

"Puwes..." Pangbibitin ko sabay tutuok ng baril sa kanila.

"Ito ang premyo niyo." Sabi ko.

Bang! Bang!

Nakita kong nakatihaya na ang iilan sa kanila. Buti sumagot ang iilan dahil kung hindi baka isa na sila ngayon sa pinatay ko.

"Kunin mo 'to." Utos ko sa isang tauhan ko.

Tumungo naman siya sa gawi ko sabay kuha sa baril ko. 'Yan dapat, masunurin.

"Itapon mo na 'tong mga 'to." Maawtoridad kong utos sa kanila.

Tumango naman sila. Nakita ko namang kinuha nila ang mga katawan ng mga pinatay ko. Hindi ko na kawalan 'yon. Hindi kasi sila sumagot sa tanong ko. Eh ayaw ko pa naman ng gan'on. Pumunta ako sa office ko. Buti nandito kami sa underground ng bahay ng pinsan ko. Buti maaasahan rin 'tong pinasan ko na 'to—Ay mali pala. Binalaan ko pala siya na kung 'di niya ako itatago papatayin ko ang buong pamilya niya. Eh natakot naman kaya ito nandito ako sa bahay niya. Ako hari dito at wala siyang magagawa dun. Pagkapasok ko sa office bumungad sa'kin si Mr. Go.

"There you are. Saan ka ba galing? Hindi naman sa pinagbabawalan kitang lumabas but... parang gano'n na nga." Sabay tawa niya.

Ah! Damn this man. Palagi nalang niya akong inaasar. Eh pa'no puwede kasi siyang lumabas samantalang ako. Ito hinahabol ng mga pulis. Buti nalang ang mga bobobo ng mga 'yon.

Bumaling ako sa kaniya. "Eh kung try kaya nating pasabugin ang bungo mo. What do you think?" Sarcastico kong saad.

Itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay na ani mo'y sumusuko sa mga pulis. Tsk! Gasgas na 'yan sa mga pelikula no.

"Easy man. I'm just making you laugh." Sagot niya.

Umupo ako sa isang couch. In fairness ang lawak dito ah. Salamat sa pinsan kong kinulong ko sa isang kulungan ng aso. Poor cousin.

Bumaling ako sa kaniya. "Then you're not making me laugh. You're teasing me instaead." Pabalang kong sagot.

Ngumiwi siya sa sinabi ko. "Damn! Kailan mo ba kasi gagantihan 'yung Kevin na 'yon?" Tanong niya sabay inom ng vodka. Hindi mo alam Mr. Go. Magaganap na ang pinakahihintay ko.

Nagkibit balikat ako. "I don't know. I'm preoccupied right now. Maybe sa susunod nalang." Sagot ko saka nagsalin ng alak sa baso ko sabay lagok nito.

Napailing nalang siya. "Paano tayo magwawagi kong 'di ka aatake." Umiling ulit siya. Wala kang alam, okay? I'm now signing my pen as winner of this silly game. Alam ko naman kasing 'di na ako matatalo.

Inilagay ko ang baso sa side table sabay baling ko sa kaniya. "Tandaan mo 'to Mr. Go. Hinding hindi na ako matatalo ngayon. Just keep it in your mind always." Sagot ko.

Tumango lang siya.

Napatulala ako sa naisip ko. Hindi ko hahayaang hindi ako manalo ngayon. Kung noon natalo niya ako puwes ngayon, 'di ko na siya hahayaang matalo ako. Over my dead and sexy body. Kailangan ko ng mag gym para mapaglabanan ko 'yung Kevin na 'yon.

Kevin's POV

Natatawa ako sa itsura ni Ella ngayon. She's look like a monkey. Maypa kamot pa siya sa ulo niya na animo'y ginagaya ang ginagawa ng unggoy. Napa iling nalang ako sa asawa ko.

"Ano ba 'yan. Ang ingay naman." Rinig kong reklamo ni George.

"Tsk. Bitter." Mahina kong bulong.

Tinignan naman niya ako. "What did you say?" Kunot noong tanong niya.

Umiling ako. "Nothing bro." Sabay ngiti ko.

Bumalik ulit ang tingin niya sa pinapanood namin. Ito kasing si Ella eh. Ang daming alam. 'Yan tuloy nagalit si mayor.

"Babe." Bulong ko.

Lumingon naman siya sa'kin. "Ano?" Tanong niya.

"Hanapan ko kaya ng babae 'yang si George?" Suhestiyon ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Nako Kevin! Wa'g mong gawing playboy 'yang kapatid ko. Sinasabi ko sa'yo." Pagbabala niya.

Napa pout nalang ako. "Ay, paano na 'yan. Eh may tinawagan na ako. We can't do anything about it anymore." Pang-aasar ko.

Binatukan niya ako.

"Aray." Daing ko.

"Ikaw talaga! Dami mong kalokohan." Pagsusungit niya.

Nagtatampo na naman ang asawa ko. Mukhang kailangan niya ng isang round para mawala ang galit niya sa'kin. Madali lang naman 'tong suyuin itong asawa ko. Minsan lang nagtra-transform sa pagiging tigre pero okay lang. Ganiyan naman talaga ang mga babae, lakas ng tuyo. Buti nalang kaming mga lalaki. Understanding.

Hinawakan ko ang beywang niya. Sabay halik sa batok niya. "Sorry na babe. Sige ka iiyak ako 'pag 'di mo ako pinatawad." Parang bata kong saad.

Minsan nagiging bata rin ako. Ewan ko ba. Basta kasama ko siya nawawala ang mga problema ko. Promblem healer 'yan eh kaya sobrang love ko 'yan. Gagawin ko ang lahat para lang sa kaniya. Kung mismong buhay ko ang itataya, gagawin ko.

—ShineInNightt—

下一章