webnovel

Hindi ito isang tula

"Ito ay hindi isang tula, dahil paano magkakasukat ang wala namang simula.

Isang blangkong papel na walang marka, isang prosang wala namang mga salita.

Isinulat ng panulat na walang tinta, isang akda na hindi na maitatala.

Isinusulat ng lapis na walang tasa, ang dulo'y walang punto ang mayroon lang ay pambura.

Ito ay tulad sa isang bulaklak na kayganda ngunit ang ugat ay wala sa lupa, nakatakda itong malanta.

Mistulang bukas na walang umaga at mga gabing walang mga tala.

Paano ba dapat magpaalam sa hindi mo nakilala?

Paano mo bibitawan ang noon pa ma'y malaya?

Paano mo ililihis ang mata sa hindi mo nakikita?

Kaya ito'y hindi isang tula, dahil paano magkakaroon ng wakas ang wala namang simula"

下一章