webnovel

Epilogue

Epilogue 

Laking gulat ng lahat ng biglang matumba at mahulog sa swimming pool si Vinson. Kaya dali-daling tumalon si Seth at sinagip ang kaibigan. Habang tulala at nanginginig sa takot si Andrea, saka siya nilapitan ni Jade at niyakap ng mahigpit, doon na bumuhos ang luha sa mga mata ni Andrea. Kaagad namang nahaon si Vinson sa pool at nabigyan ng first aid, ang coach nila ang nagsagawa ng mouth to mouth resuscitation at maya-maya ay naibuga ni Vinson ang tubig na kaniyang nainom, ngunit mahina parin ang katawan niya. Lumipas ang ilang minuto ay narinig nang lahat ang tunog ng ambulansya. At mabilis na pumasok ang rescuer at dahan dahan na iniligay si Vinson sa strecher at binuhat ng mga rescuer saka ipinasok sa loob ng ambulansya. 

Lumapit si Seth kay Andrea at kinamusta niya 8to kung okay lang ba siya o nasaktan ba ito. Umiiyak na umiling si Andrea, saka niyakap at hinalikan ni Seth sa buhok ito at sinabi na magiging okay din siya. 

Paglipas ng tatlong oras, maaari nang makausap si Vinson. Unang pumasok na sa loob ng kwarto ang Mommy nito saka siya kinausap. Naluluha pa itong palapit sa kaniyang anak. At kaagad niya itong hinalikan sa pisngi at kinamusta. Okay lang ba siya, tumango lang si Vinson saka tumalikod. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at naluluhang kinausap ang anak. 

Wala naman sigurong ina ang hindi gagawin ang lahat para sa kaniyang anak. Lalo na't nagiisang anak lang nila si Vinson. So, tinanong niya ito kung anong iniisip nito. Doon na hinarap ni Vinson ang kaniyang Mommy at sinabi ang kaniyang saloobin. 

Gusto sana niya na bigyan pa niya ng pangalawang pagkakataon ang kaniyang Daddy, gusto niya ulit mabuo ang pamilya nila. Kumirot ang puso ng kaniyang Mommy sa narinig nito mula sa kaniyang anak. Ginagawa naman nila ang makakakaya ng bawat isa pero kasi, wala na raw talaga ang pagmamahal nila sa bawat isa. Ayaw naman nila ipakita na okay sila kahit sa totoo lang hindi naman, at nagkakasakitan nalang sila. Pero, kakausapin parin niya ang kaniyang asawa para ayusin ang dapat ayusin. Doon napayakap ng mahigpit si Vinson at tumulo ang luha sa mga mata nito. 

Maya-maya ay may kumatok, tumayo ang Mommy ni Vinson at tinignan kung sino ito, pagsilip niya si Seth at ang mga kaibigan niya, pinunasan niya ang luha niya at pinagbuksan niya ang mga ito. Tapos, sinalubong siya ng yakap at halik ng mga kaibigan ng kaniyang anak. Nagpaalam muna ito sa kanilz at pinaalalahanan na bawal munang mastress si Vinson, at sabay-sabay silang tumugon ng opo. Saka siya lumabas ng kwarto. 

Unang kumamusta sa kaniya si Seth. 

"Kamusta, Bro?" halata ang pagaalala sa boses ni Seth ng minutong iyon. 

"Okay naman. Pasensya na pala ah?" nakuha pang humingi ng pasensiya ni Vinson sa nangyari kaya inalaska siya nina Ethan, Paulo, at Oliver. Sabi ni Paulo, masarap raw ba ang laway ni Coach Richard? Iyong Head Coach nila sa basketball team. Saka sila nagtawanan. Mga abnoy talaga, tugon pa ni Vinson. Napatungo ang tingin niya sa babaeng katabi ni Seth, doon niya muling napansin na magkahawak sila ng kamay at halatang sweet sa isa't isa. 

"Iyak ng iyak si Andrea, akala mo boyfriend niya iyong nasa ospital." pang aasar pa ni Oliver ng minutong iyon pero walang natawa. Hinila na nila Paulo at Ethan si Oliver at inilabas sa kwarto. Tanging sina Andrea, Seth at Vinson nalang ang natira sa loob ng kwarto. 

Mukhang nakaramdam si Seth na gusto ata nilang makapagusap na dalawa, kaya tinanong niya si Andrea kung gusto ba nito ng maiinom o makakain, kaagad naman itong sumagot at sinabi niya na hindi siya nagugutom. Tumingin siya kay Vinson, at tinanong ito kung may gusto ba itong ipabili? Sagot nito, ube ice cream. Kaagad naman sumaludo swi Seth at sinabing siya na ang bahala doon, saka akmang lalabas na. Nang napahinto ito at muling napasilay sa dalawa. Bumuntong hininga ng malalim at saka umiling. At lumabas ng kwartong iyon. 

Tanging dalawa na lamang sila ang natira sa kwarto. 

"Gusto mong tumabi?" tanong ni Vinson kay Andrea humarap ito sa kaniya at hindi na napigilan ng dalaga ang sarili at bumuhos ang luha sa mga mata nito. Napatayo bigla si Vinson sa pagaalala sa nangyari kay Andrea. Pero, pinigilan niya rin ito. 

"Okay lang ako," ani niya. 

"Sorry, kung nag-alala ka dahil sa akin." mahina at halos pabulong na sabi ni Vinson kay Andrea. 

"Gago ka ba?" gustong gusto nang sapakin ni Andrea si Vinson pero pinigilan niya lang ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kalagayan. 

"Bakit parang galit ka?" 

"Hindi ako galit." 

"Nagtataas ka ng boses," pansin pa ni Vinson. Na conscious tuloy si Andrea kaya medyo kinalma niya ang sarili niya. 

"Congratulations nga pala." dagdag pa nito na siyang Ipinangtaka ng dalaga. 

"Ah?" pagtataka nito. 

"Kayo ni Seth," sabi ni Vinson. Nagkatinginan silang dalawa. 

"Ang sabi ko nga sa kaniya, hwag niya munang sabihin pero wala e, nalaman na nang lahat." mahinang sabi pa ni Andrea. 

"Masaya ako para sa inyong dalawa," ani pa ni Vinson pero hindi iyon ang nakikita ni Andrea sa mga mata ng binata. 

"Umamin ka nga, crush mo ba ako?" diretsong tanong ni Andrea kay Vinson na siyang kinagulat ng binata, kaya napaubo ito at dali-dali namang kumuha ng tubig ang dalaga para ibigay rito. Nang nakainom na si Vinson, at nahimasmasan, napangiti si Andrea. Tinanong siya ng binata kung bakit ito tumatawa. 

"Wala." sabi ni Andrea kahit pulang pula na ang mukha nito sa pagpipigil nito sa kaniyang tawa. 

"Ano nga?" inis na sabi ni Vinson. 

"Wala. Parang tanga 'to." sagot ni Andrea.

"Oo." napahinto sa pagtawa ang dalaga at sandaling napaseryoso sa kaniyang narinig. 

"Ah?" 

"Oo. Ang sagot ko sa tanong mo." sabi ni Vinson sabay talikod. Napangiti si Andrea. Kaya inasar niya pa ng todo ang binata. 

"Talaga? Ano naman ang nagustuhan mo sa akin, bukod sa kagandahan ko?" 

"Correction, hindi ka maganda." umasim bigla ang mukha ni Andrea at hinampas niya ito ng unan at napaharap ang binata at gumanti din ito hanggang sa madatnan sila ni Seth ng minutong iyon. 

"Okay ka na?" tanong nito at bigla silang nag-ayos na dalawa at tumayo si Andrea at nagpaalam kay Seth na magbabanyo lang ito.

Naiwan sina Seth at Vinson dalawa sa kwarto. Iniabot ni Seth ang inorder ng kaibigan na ice cream at siya namang kinuha ni Vinson. Kaso, di na napigilan ni Seth ang kaniyang damdamin kaya tinanong na niya ang kaibigan. 

"Bro. Tinanong kita, ang sabi mo wala kang gusto kay Andrea kaya nga pinormahan ko kasi ang alam ko, wala." Hindi nakapagsalita si Vinson. 

"Ang hirap naman kasi, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa inyong dalawa." inis na sabi ni Seth sa kaniyang sarili. 

"S-sorry," ani ni Vinson sa kaniyang kaibigan. 

"Sorry din kasi, pakiramdam ko ninakawan kita ng isang bagay na dapat sa iyo naman talaga noong una palang." 

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Vinson. 

"Ipangako mo sa akin na hindi mo sasaktan si Andrea, dahil kapag umiyak siya nang kasalanan mo, babawiin ko siya sa iyo." saka tumayo si Seth at niyakap ng mahigpit si Vinson at saka tumalikod at lumabas na nang kwarto. 

Nakasalubong naman ni Andrea si Seth paglabas nito sa kwarto ni Vinson at tinanong niya ito kung okay lang ba ito. 

"Andrea," 

"Oh, bakit parang seryoso ka naman ata? Pinapakaba mo naman ako e." 

"I'm breaking up with you." 

"Ah?" 

"Tapos na tayo." sabi ni Seth saka ito tumalikod at iniwang tulala at nganga si Andrea ng minutong iyon pero may parte ng kaniyang isip na para siyang nakahinga ng maluwag, medyo naguguluhan lang siya sa mga nangyayari pero parang okay naman sa kaniya. 

Muli siyang pumasok sa kwarto ni Vinson at nagulat ito nang muling makita ang dalaga. 

"Ang weird niyong magkakaibigan." wika ni Andrea. 

"Break na raw kami ni Seth, ang galing! Ni wala pa nga kaming 24hrs na mag-on, grabe." tapos natawa si Vinson at napansin ito ni Andrea na siyang kinainis nito. 

"Siniraan mo ako doon sa tao no?" saka mas lalong lumaki ang ngiti ni Vinson kaya lumapit si Andrea at kumuha ng unan at pinaghahampas si Vinson. Pero gumanti rin ang binata hanggang sa mapagod ang dalawa at napahiga sa kama. Hanggang sa magsalita si Vinson. 

"Natandaan mo noong una tayong nagkita?" biglang sabi ni Vinson na siyang kinakunot ng noo ni Andrea. 

"Sa gymnasium?" sagot nito na siyang sinang ayunan ng binata. 

"Oo." 

"Tae ka. Kapal ng mukha mong batuhin ako ng bola." 

"Hindi naman talaga ako iyong bumato ng bola," sabi ni Vinson. Saka humarap si Andrea sa binata at halos magkidit na ang mukha ng dalawa. 

"Sino?" ramdam ni Vinson ang init ng hangin na lumabas mula sa bibig ng dalaga na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang buong katawan. 

"Si…" 

"Sino?" 

"Si, secret!" sabay hampas muli ng binata ng unan sa mukha ng dalaga. 

The End.