webnovel

Chapter 22

Chapter 22

Vinson's POV 

"Nasaan na kayo?" Seth texted me few minutes bago kami makarating sa restaurant. 

Oo. Set up. Set up lang ito. Nakiusap kasi si Seth na gawan ko raw ng paraan na makipagdate sa kaniya si Andrea, sabi ko nga hindi ba niya kaya. Iba raw kasi ang babaeng iyon at isa pa gusto raw niyang makilala ito. Hindi ko siya magets. At nakapangako rin kasi ako sa kaniya gagawin ko ang lahat para sa kaniya. 

"We're here na." reply ko sa kaniya saka napatingin si Andrea sa akin pero hindi ko siya pinansin. 

Pagpasok namin sa restaurant ay nagpaalam ako sa kaniya sabi ko pupunta lang ako sa banyo tapos nagkita kami doon ni Seth tinapik niya ang braso ko at nagpasalamat sa akin. Saka siya lumapit sa pwesto ni Andrea, hindi ko alam pero parang may mali? 

Umalis na ako sa restaurant ng minutong iyon at pinabayaan ko sila. I know na magagalit si Andrea sa akin pero bahala na, alam kong magagawan ng paraan ni Seth iyon. 

Pagpasok ko sa loob ng kotse nagring ang phone ko, tumatawag si Andrea. I cancelled her call, pero tumunog ulit ito, so i off my phone at hinagis ko sa gilid at umalis na ako sa lugar na iyon. 

Umuwi ako ng bahay at wala si Mommy, sinundo raw siya ni Tito Rudy. So, magisa na naman ako? Dumiretso nalang ako sa may entertainment room namin at nanood ako ng netflix iyong kingdom season 2, pero habang nanonood ako parang wala doon ang focus ko. Kaya hindi ko na tinapos ang panonood at umakyat na ako sa kwarto at naligo nalang ako. Habang nasa banyo ay hindi maalis sa isipan ko si Andrea. Ang tawa niya. Ang ngiti sa mga mata niya. Ang pagiging maldita niya sa akin. Hays, ano bang nangyayari sa akin? 

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako tapos hinandaan na ako ng kasambahay namin ng dinner, wala parin si Mommy ng oras na iyon. 6pm na at wala pa siya, kinuha ko nalang ang mga notes ko at doon nalang ako nag-aral sa dinning habang kumakain na rin ng Dinner ko, pinasabay ko na ang mga kasambahay namin sa pagkain ko, noong una ayaw pa nila pero i insist kaya wala na silang nagawa. Pero kahit na may kasama na ako sa pagkain at nagrereview ng mga notes ko, hindi parin ako makafocus. 

Iniisip ko kung ano nang nangyari sa kanila. Most especially si Andrea. Iniisip ko kung anong magiging reaction niya. Kakausapin pa kaya niya ako? Magiging friends pa kaya kami. Argh! Ang sakit na nang ulo ko. 

"Sir., okay lang ba kayo?" tanong ni Ate Yeng sa akin. Isa sa mga kasambahay namin. 

"Ate Yeng, pwedeng magtanong?" 

"Oo naman, ano iyon?" 

"Paano ko po malalaman kung galit ang isang babae sa akin?" 

"Si Andrea ba?" singit naman ni Ate Chu isa rin sa mga kasambahay namin. Ngumisi lang ako. 

"Siyempre kapag hindi ka na pinapansin ng tao. Kapag iniiwasan ka na niya at lalo na kung hindi na siya interesado sa iyo," kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. 

"Interesado? Anong ibig pong sabihin noon?" pagtataka ko. 

"Interesado. Ibig sabihin wala na siyang amor sa iyo. Hindi na siya naapektuhan sa kung anong gawin mo, magsorry ka man, wala na sa kaniya iyon." parang mas nakakatakot naman iyon? 

Tama ba itong ginawa ko? 

下一章