webnovel

Chapter 5

Chapter 5

Andrea's POV 

Sinundo ako mismo ng isa raw sa mga staff ni Jade. At sasamahan raw ako nito na mamili ng susuutin ako. Akala ko si Jade ang sasama sa akin, kaya muntikan na akong di sumama. Busy raw kasi si Jade para sa party mamaya at inaasahan nga raw niya ako doon. Gusto ko na sanang umatras pero masyadong persistent itong staff ni Jade, di raw siya aalis hanggat di raw ako sasama sa kaniya. No choice, kaysa sa magwala siya dito e, sumama na ako. 

Pumunta kami sa pinaka-malapit na mall at doon tumingin ng damit. Hindi ko alam na hindi lang pala staff itong kasama ko ngayon kundi isa sa mga stylist ni Jade. Siya si Via, isa siyang transgender. Gandang ganda talaga ako sa kaniya nang makati ko siya sa harap ng apartment ko. Hindi ko naman inaasahan na magpapadala siya ng stylist. Kaya medyo natagalan kami sa pagpili ng isusuot ko sa party niya. Nang nakapili na kami sa wakas pagkalipas nang halos tatlong oras na pagiikot sa mall. Isang croptop na kulay itim na may lace sa ibaba and half sleeve. Tapos, mini short na denim, white rubber shoes na mula sa Nike. At pagkatapos noon ay dinala pa niya ako sa Salon De Manila at doon pinaayusan then after few hours, namangha ako sa sarili ko. First time kong maayusan ng ganito. Iba pala talaga kapag mayaman ka, kapag bored ka na sa itsura mo maaari mong magawan ng paraan. 

Tinanong ako ni Via kung ready na raw ba ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong iniexpect ko sa party na iyon pero bahala na. Nandoon lang naman ako para suportahan ang bago kong kaibigan na si Jade. Bumili din ako ng simpleng regalo. Necklace na heart sa may silverworks. Kailangan kong magtipid sa mga susunod na linggo, o kaya tumanggap nang tutorial para makapagipon. Para may pangbayad ng rent sa susunod na buwan. 

Pinasakay niya ulit ako sa kotseng dala niya at pagkalipas lang ng 30mins ay nakarating na kami sa malapalasyong bahay nila Jade. Sa labas palang ay rinig mo na ang dami ng kaniyang bisita. Jusko, paano nalang pala kung di ito natuloy, hindi ba? Ang daming kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada at marami nang mga taong nagsisipasukan. Pagbaba namin ng kotse ay may napansin si Via at tinawag niya ito si Vinson. Lumapit si Vinson sa amin at pinakiusapan niya ito na isabay raw ako papasok sa loob kasi may kakausapin lang raw siya sa phone niya urgent lang. Tumango lang si Vinson at sinundan ko lang siya. 

Natatandaan ko siya. Isa siya sa mga classmates namin at siya iyong bastos na lalaki na nagbato ng bola sa ulo ko. Gagong ito ah, di pa ako nakakaganti sa kaniya. 

Pagkatapos naming makapasok, parang nahihilo na ako sa sobrang dami ng tao. Tapos tinignan ko sa gilid ko si Vinson, biglang nawala ang mokong na iyon. Bastos talaga! 

Hanggang sa nasagi ako ng isang babae at na out of balance ako, mabuti nalang at may nakasalo sa akin. 

"Seth?" kunot noong sabi ko. Nagtaka siya nang binanggit ko ang pangalan niya. 

"Uhm, do i know you?" nagtataka parin siya ng minutong iyon. Ngumiti ako at saka ko ipinakilala ang sarili ko kaso biglang dumating ang mga kaibigan niyang sina Ethan, Paulo, Oliver at ang mokong na si Vinson. 

Napansin kong nakatuon ang tingin sa akin ni Ethan, halatang manyak. Ganoon din si Paulo, habang si Oliver naman ay kayakap ang girlfriend niya ata o isa sa mga laruan niya. Samantala, parang di naman interesado sa akin si Vinson. Ew! Bakit naman ang isang tulad niya ay mag-iinterest sa tulad ko? 

Mabuti nalang biglang dumating si Jade. 

"Andrea, ikaw na ba iyan?" kinikilig na sabi ni Jade habang palapit ito sa akin. 

"Wait, Andrea who?" tanong ni Ethan. Sabay tingib sa mga kaibigan niya. 

"Ow! Don't tell me, the power pop girl?" sabi ni Paulo sabay tawa nito. Ang mga gago, may ka tawagan na kaagad sa akin? 

"Guys, have some respect!" nagulat ako nang biglang magsalita si Seth sa kaniyang mga kaibigan. 

"Ow, you sure? Nakalimutan mo na ba na isa siyang mahirap?" singit bigla ni Ethan ng minutong iyon. So, anong masama sa pagiging mahirap, okay? 

"Anong problema sa pagiging mahirap niya?" hindi ko talaga maintindihan itong si Seth ngayon. Parang kahapon lang, iba ang tingin niya sa akin para silang nandidiri tapos ngayon. Hays, di ko talaga maintindihan ang trip ng mga mayayaman. 

"That's the problem, she is poor." mabilis na sagot ni Ethan. 

"Is that an issue for you, Ethan?" medyo ramdam ko na ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Seriously? Are you mad of me because of that girl?" natatawang sabi ni Ethan kay Seth. Seth was about to hit him kaso pinigilan siya ni Vinson at ganoon din ni Paulo si Ethan at nagwalk out nalang ito. Napailing nalang si Oliver at Paulo habang hinihila nila palayo sa amin si Seth na halatang inis parin ng minutong iyon. 

"I never seen him acting like that before," kumento ni Jade ng minutong iyon. Napakunot ako ng noo. Hanggang napansin niya ang bitbit kong regalo. Sabi niya, para raw ba ito sa kaniya, tumango ako. Shet! Nakalimutan kong birthday din, pala ni Seth, nakakahiya wala akong regalo sa kaniya. 

Niyakap ako ni Jade saka siya nagpasalamat at niyaya na niya ako sa loob para kumain. At talagang gutom na ako, sa dami ba naman nang pinuntahan namin ni Via, wait lang nasaan nga pala ang babaeng iyon? 

下一章