webnovel

Into his world

(Anna's POV)

Matapos naming mag-usap kanina ni Alexander ay hindi na maalis sa aking isipan ang kanyang mga sinabi. Tatlong mahihinang katok ang umagaw sa aking atensiyon. Sinipat ko ang sariling repleksyon at sinigurong wala ng bakas ng pag-iyak ko kanina. Tumikhim ako bago sumagot. Idinungaw ng pintuan so Frost na may dalang tray.

"Napag-utusan po ako ni Master na dalhan kayo ng tsaa"isa-isa nitong inilapag sa maliit na lamesa ang mga dala.

"Salamat"tipid kong sagot.

"Pagpasensiyahan niyo na po si Master, Binibini. Kahit na ganon siya umasta ay may mabuting kalooban naman siya."

Sandali itong huminto sa pagsasalita at nakangiting tumingin sa akin. Mayamaya ay nagsimula na itong magsalin ng tsaa sa baso.

"Naaalala ko pa noon nung namatay ang aking ina, hindi siya nagdalawang isip na kunin ako at kupkupin. Itinuring niya po akong isang tunay na kapamilya"pagkatapos nitong magsalin ay tumayo ito malapit sa pintuan.

Kulay abo ang buhok ni Frost at ganon din ang kanyang mata. Mukha naman itong tao kung hindi nga lang sa tainga nitong mahaba. Cute si Frost, para itong character nagmula sa children's book. Mukha naman itong mabait at magaan ang pakiramdam ko rito. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Ano ba yan?"siniglahan ko ang aking boses at dahan-dahang naupo sa harap ng mesa. May dala rin itong parang muffins.

"Ang inuming iyan ay gawa sa Rhodiola Rosea, maganda para mawala ang inyong pagod at lungkot" inilapag niya ang baso sa aking harapan.

"Sa tingin mo ba malungkot ako ngayon?"tanong ko sa kanya.

"Patawarin niyo ako Binibini sa aking kalapastanganan"agad itong lumuhod at yumuko.

"Tumayo ka Frost"utos ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin pero nanatiling nakaluhod pa rin.

"Ituring mo na lang akong kaibigan or nakakatandang kapatid na babae"nakangiting sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Patawad Binibini pero hindi maaari, kung taon lang din ang pagbabasehan natin...higit na ako ang mas matanda sa ating dalawa"

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"So you're saying... you're older than me???"tanong ko sa kanya. Tila hindi niya naintidihan yung sinabi ko.

"Ilang taon ka na ba?"

"Ako'y singkwenta anyos na Binibini--

"What?!!"

Nagulat ata ito sa reaksyon ko dahil nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Nevermind...Salamat dito ha, at pasensiya ka na"kinuha ko ang baso at inamoy ang mabangong aroma nito.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo Binibini dahil binigyan niyo ng pag-asa si Master"

Tinikman ko ang tsaa. Nakatingin si Frost sa akin at naghihintay sa magiging reaksyon ko. Ngumiti ako sa kanya at uminom pa ulit. Kapagkuwan ay tumango ako at nakangiting lumingon sa kanya.

"Hmmm...this is so good!"sabay thumbs up. Kumunot ang kanyang noo dahil sa gesture ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong alien sa harap niya. Napailing na lang ako sa naisip.

"Nagustuhan ng binibini ang gawa ko"masayang sabi nito. Nakatingin ito sa maliit na vase na nakapatong sa maliit na kabinet na nasa tapat lang ng aking silid.

"Ang master lang naman ang pinapainom mo ng mga gawa mong tsaa. Minsan naitatanong ko sarili, magkaibigan ba talaga tayo?"isang maliit na tinig ang nagmumula sa vase. Curious akong napatingin sa vase tapos kay Frost.

"Pasensiya na Binibini, may maliit po akong kaibigan na nakatira sa plorerang iyan. Gusto niyo bang makita?"

"Hoy ano ba?! Sabi ng hindi ako maliit eh"sagot ng maliit na tinig.

Tumango ako kay Frost at naglakad palapit sa antique na vase. Wala akong ibang nakikita maliban sa maliit na punong nakatanim dito. Tiningnan ko si Frost na nakakunot ang aking noo.

"Wala akong nakikita maliban sa maliit na punong iyan"turo ko sa maliit na puno.

"Pakatitigan niyo ng mabuti at inyo ring makikita"sumenyas ito na lapitan ko pa ang vase. Sumunod naman ako at pinagmasdan ito ng mabuti. Hindi nagtagal ay unti-unting nalantad ang maliit na bahay sa ilalim ng maliit na puno. Isang maliit na nilalang ang nasa itaas ng puno. Kumikinang ang kanyang kulay gintong buhok at ang kanyang katawan naman ay nababalutan ng mga dahon. Mukha itong taong-puno.

"Wow!! Meron ngang nakatirang maliit na nilalang sa vase na ito"masaya at di makapaniwalang baling ko kay Frost. Natuwa naman ito.

"Aba't sabing hindi nga ako maliit! Ano bang klaseng mata ang mayroon kayo?!!Makaalis na nga"nagdadabog na turan ng maliit na nilalang.

"Teka, pasensiya na"pigil ko sa maliit na nilalang. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.

"Hindi na kita muling tatawaging maliit, promise"nakangiting sabi ko sa kanya.

Sandali itong nag-isip.

"Ako si Anna, ikaw anong pangalan mo?"

"Ako si Faura, ang tagapangalaga sa lahat ng nakatanim sa loob ng kastilyong pagmamay-ari ni Master"sagot naman niya. Ang dami ko ng nakitang kakaiba mula ng dumating si Alexander sa buhay ko. Kakaiba pero karamihan naman ay maganda.

"Binibini baka gusto niyo ng magpahinga. Ihahatid ko na kayo sa inyong silid"sabad ni Frost nang mapansin niya ang patago kong paghikab. Ang totoo ay inaantok na ako kanina pa. Maganda sa pakiramdam ang tsaang ipinainom ni Frost sa akin. Gumaan nga ang pakiramdam ko at biglang nawala yung pananakit ng ulo ko. Nagpaalam na ito at iniwang nakasara ang pinto ng kwarto.

Ikalawang gabi ko na ito pero ngayon ko lang napansin ang lawak at laki ng kwarto. Pagod na pagod na kasi ako kahapon kaya agad akong nakatulog. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Karamihan sa mga kagamitan dito ay mukhang antique. Vintage style ang concept. Kung sabagay, this place is where Alexander lives. Mula sa mga wall paintings na nakasabit sa pader hanggang sa mga furniture nito, and the mattress...malaki ito para sa isang tao lang. Sinaway ko ang sarili nang bigla na lang sumagi sa isipan ko si Alexander at yung kiss na naganap sa amin. Simula ng gabing iyon ay lagi na lang sumasagi sa aking isip ang nangyari sa amin. But life is full of ups and downs. Kahapon lang ang saya saya namin tapos ngayon heto. Napabuntong hininga na lang ako.

Naupo ako sa kama at dahan-dahang nahiga, komportable ito. Napatitig ako sa kisame at naalala ang mga sinabi ni Alexander.

"He said I died...and he saved me and I don't think he's lying. If he's really right about me shutting a part of my past then I think I can regain my memories by will"bumangon ako at nagpasyang tawagan si Mama at baka nag-aalala na ito. Sa dami ng nangyari, nakalimutan ko ng tumawag ulit kay Mama. I was about to call her nang bigla na lang nag shutdown ang cellphone ko.

"Nice. Low battery"kung sinuswerte ka nga naman oh! Kinuha ko ang clutch ko at kinuha ang power bank. Mabuti na lang at I'm always ready.

Tumayo ako at naglakad sa buong kwarto. Hinahanap ko ang banyo. May tatlong pinto sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang isa at tumambad sa akin ang mga damit pambabae. Mabuti na lang at hindi masyadong oldies ang mga damit at pwede na kahit puro bestida.

"So babae talaga ang may-ari nitong kwarto"nakaramdam ako ng disappointment. Ewan ko kung para kanino, sa akin ba? or kay...

Isinara ko ito at sunod na binuksan ang nasa gitnang pinto.

"Good, finally nahanap ko na rin ang banyo"pumasok ako at may iilang gamit panlinis ng katawan akong nakita.

"Okay lang naman sigurong pakialaman ko ng konti ang mga ito. Nangangati na ang buo kong katawan"at nagsimula na akong maglagay ng tubig sa bathtub na gawa sa kahoy. This is so relaxing. May maligamgam at malamig na tubig na pwedeng pagpilian. I choose the warm bath. Pinakialaman ko na rin ang bath crystals na mukhang di pa nagagamit.

Nagsimula na akong maghubad at inilubog ang aking katawan sa bathtub. Ang ganda sa pakiramdam ng maligamgam na tubig. Napapikit ako at sinimulang kantahin ang "If you're not the one" ni Daniel Bedingfield, until I realized na LSS na ako ng kanta.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ako suot ang robang kulay dark blue. Wow! It smells so nice!

This smells like...Alexander!!!

Nanlaki ang mata ko sa naisip. Ginamit niya ba ito?Amoy ito ng kanyang pabango. Imposible namang ilagay lang itong marumi dito, pero ang mga damit pambabae? kanino ang mga iyon?Oh no!!! Don't tell me, is he a gay?!! Wala namang problema kung bakla siya pero ang gawin akong cover up? I can't take that. But, it's impossible.

Haysss, minsan talaga gusto ko na ring batukan ang sarili ko dahil sa mga wild imagination ko.

Lumabas na ako ng banyo at naupo sa silyang nasa harapan ng salamin. Pinapatuyo ko ang basa kong buhok. Napabuntong hininga na lang ako nang maisip ang sitwasyon ko ngayon. I'm successful in everything I do. Masasabi kong ako ang nangunguna pagdating sa clothing business dito sa pilipinas but look at me now, running away with this guy who is not even a human at all.

Tumayo ako at napansin ang malaking bintana na natatabunan ng malaking kurtina na kulay abo na gawa sa silk. Lumapit ako dito at hinawan ang nakatabong kurtina at namangha sa nakita. Napigil ko ang aking hininga sa ganda ng view. Maliwanag ang buwan, ang mga nagtataasang puno na parang may sariling buhay dahil nakikisayaw sa bawat ihip ng hangin at ang mga mumunting alitaptap na parang mga christmas lights ang nagbibigay ng makapigil hiningang tanawin. Napadako ang aking tingin sa mga kauri ni Alexander na nagkakasiyahan sa labas. Masaya silang nagtutugtugan habang ang iba ay sumasayaw sa harapan ng malaking bonfire. Ang saya nilang panoorin. Naalala ko si Alexander bigla, okay lang kaya siya?

Nevermind. Ayaw ko muna siyang isipin.

Ibinalik ko ang kurtina at naglakad papunta sa kama.

I need to rest my mind and body. I need to face him tommorow.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay sa labas. Pinakialaman ko ang closet at pinili ang kulay asul na bestida na may burdang bulaklak. Saktong sakto sa akin na parang ako mismo ang sinukatan ng mga ito. Nagpaikot-ikot ako sa harapan ng salamin. Hinayaan kong malugay ang aking buhok saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa pinagmumulan ng ingay at eksaktong sa kusina ako napunta. Uhaw na ako. Nadatnan kong may tatlong babae na abala sa paghahanda ng almusal. Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan ang kanilang ginagawa. Lumingon ang isa sa kanila at parang gulat na gulat nang makita ako. Yumuko ito saka kinuha ang atensiyon ng iba pa niyang mga kasama. Sabay silang yumuko at nagpakilala.

"Magandang umaga Binibini, ako si Lily"pagpapakilala ng may lilang buhok.

"Ako naman si Sunny"sabi naman ng may dilaw na buhok.

"Ako naman si Berry"pagpapakila ng may kulay pink na buhok. Ang cute nila.

"Kami ang tagaluto, tagalaba, tagalinis ng kastilyong pagmamay-ari ni Master"halos sabay-sabay nilang sabi.

Mukha silang anime character dahil sa mga buhok nila at uniporme nilang nakabase din sa kulay ng kanilang buhok. Pakiramdam ko nasa loob ako ng manga.

Bahagya akong yumuko at nakangiting nagpakilala sa kanila.

"Ako si Anna"nakangiti kong sabi.

"Totoo ngang maganda ang Binibini"bulong ni Lily kay Sunny.

Napangiti na lang ako sa narinig. Hindi kasi ako nakagala kahapon kaya ngayon lang nila ako nakita.

"Binibini, ano pong maipagsisilbi namin sa inyo?"tanong ni Berry sa akin.

"Okay lang, kukuha lang naman ako ng tubig"kumuha ako ng pitsel at nagsimulang magsalin sa baso. Ininom ko ang laman ng baso at aktong huhugasan ito nang bigla akong pinigilan ni Sunny.

"Ako na Binibini"at nahihiyang kinuha niya ang baso sa aking kamay at hinugasan ito.

"Opps...teka lang, kaya ko naman. Sa-salamat"wala na akong nagawa kung hindi hayaan na lang siya sa kanyang ginagawa. Isa sa rason kung bakit hindi ako kumuha ng katulong ay yun ay dahil kaya ko naman gawin ang mga ganitong bagay pero hinayaan ko na lang ang tatlo.

"Si Alexander?"tanong ko sa kanila.

"Alexander?"nagtatakang ulit ni Lily sa tanong ko. Nagkatinginan silang tatlo tapos umiling sila sa isa't isa.

"Pasensiya na Binibini pero hindi namin alam kung nasaan ang iyong hinahanap"sagot ni Berry.

"Ganon ba, sige aalis muna ako. Salamat sa tubig"tumalikod na ako at nagpatuloy sa pamamasyal sa loob ng malapalasyong bahay ni Alexander. Sobrang laki nito.

"Magandang umaga Faura"bati ko sa kanya. Lumipad ito palapit sa akin at humalik sa aking kamay. Ngayon ko lang nalaman na nakakalipad pala siya.

"Magandang umaga Binibini"sagot naman niya.

"Nakakalipad ka?Wow!!"

"Ay oo naman Binibini, sa lawak ng kastilyong ito kakailanganin ko talaga ng pakpak para masigurong lahat ng pananim dito ay alagang-alaga"masayang sagot nito. Lumipad ito paikot sa akin. Pagkatapos ay tumigil siya sa aking harapan.

"Ngayon ko lang mas nasilayan ang inyong taglay na ganda kaya pala...si Master talaga, tsk.tsk.tsk. ang bagal niya"hinawakan niya ang kanyang baba at nagpakawala ng pilyang ngiti.

"Anong iniisip mo,Faura?"nagtatakang tanong ko sa kanya. May kinuha ito sa kanyang bulsa at hinipan sa aking mukha.

"Ano bang ginawa mo Faura?"nauubong tanong ko sa kanya.

"Hindi ba't hinahanap mo si Master?dadalhin ka ng inyong mga paa patungo sa kanya. Halikan mo siya kapag nakita mo na siya, okay?"kininditan ako ni Faura. Bago pa man ako makapagreact ay nagsimulang humakbang ang aking mga paa na parang may sariling pag-iisip. Anong ginawa niya sa akin?!!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang pinto. Itinulak ko ang pinto at bumukas ito. Napatingin na lang ako sa aking kamay. Pati ang kamay ko ay may sariling pag-iisip na at kumikilos na ng mag-isa. Hmmm. Mali. Dalawa pala ang kamay ko.

"Anong nangyayari?"naguguluhang tanong ko.

Nakarinig ako ng buhos ng tubig mula sa loob. Nagsimula namang humakbang ang aking mga paa patungo sa ingay.

My God!!! No!!!Stop!!!

Walang anu-ano'y pinihit ko ang door knob at nagsimula akong magpanic nang makita kong sa banyo ang punta ko. Pilit kong humakbang palayo. Nakaya ko namang iatras ang isa kong paa pero sa gulat ko ay humakbang na naman ito pabalik. Nagmumukha tuloy akong sumasayaw dahil sa atras-abante kong hakbang. Nang dahil sa pasaway kong paa nawalan ako ng balanse. Isang tao ang biglang nagbukas ng kurtina at sa gulat ko ay diretso akong natumba sa kanya. Sabay kaming natumba at nahulog sa sahig.

"Aray naman oh" daing ko dahil sa impact ng pagkakabagsak ko. Inilipat ko ang tingin sa lalaking nasa ibaba ko ngayon. Bagong ligo ito dahil sa basa pa nitong buhok. Teka...

O_O

Nakatingin ako ngayon sa isang pamilyar na mukha. Lihim kong nahigit ang aking hininga dahil sa taong nakahiga ngayon sa sahig. Nakatingin siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala na nagkita kami ulit. Ang kanyang kulay berdeng mata, mahahaba na pilik-mata, matangos na ilong at ang labi niyang mamula mula. Lihim akong napalunok.

"Gabriel..."

下一章