Ito na ang isa sa mga importante na parte ng school year which mag de-decide kung maki-kick out ba o magpapatuloy sa pag-aaral ang mga estudyante dito sa Midforhive University.
Ika-3 araw na ng period ni Aria at bumalik na ang telepathic abilities nilang dalawa ngunit maliban na doon ay hindi parin nai-babalik ang epekto ng mga singsing na pag-iisahin sila at madarama nila ang mga baga na pisikal na nadarama ng isa't-isa
(Sa may Library)
"Aria, handa ka na ba para bukas?"-Allen
"Medyo…kinakabahan ako…Naka review naman ako pero parang feeling ko na ma-me-mental block ako…" Sabi ni Aria
"Pano na kasi etong part na ito?" tanung ni Aria kay Allen.
Kinuha ni Allen ang ballpen mula sa kamay ni Aria at saka niya itinuro ang paraan na gagamitin sa problem na iyon.
"Basta eto, Ganito. Eto naman, i-divide mol ang ditto tas all over nan ai-di-divide mo." Seryosong ine-explain ni Allen kay Aria habang si Aria ay taimtim na nakikinig.
"Try mo naman." Sabi ni Allen sabay sinubukan ni Aria na i-solve ang problem.
Si Allen ay nakangiting pinagmamasdan si Aria.
"Na solve ko din!" Masayang binanggit ni Aria sabay lumiko ang ulo niya sa direksiyon ni Allen.
Nabiglaan ang dalawa sapagkat unti nalang ay halos parang maghahalik na sila. Agad nilang iniba ang direksyon ng kanilang mga ulo upang maitago nila ang mga nagulat at nahihiyang mga mukha…
Sa kabilang reading table naman ay may mga babaeng palihim na nag-uusap tungkol kina Allen at Aria.
"Baka naman totoo talaga ang mga paratang nila paratang na isang flirt si Aria. Just look at the way how she gets close with Allen. Hindi ba yung fiancé niya yung older brother, si Edward?"-Girl 1
"Oo nga…Nakita mo ba yung kanina?"-Girl 2
Narinig ito nila Aria at Allen at ang tila flustered na emotion nila ay napalitan ng pangamba sa mga tingin ng tao sakanila.
Sa panahon na iyon ay biglaang bumalik ang pagka-konekta nila Allen at Aria.
Nakadama si Allen ng biglaang pagkabigat ng kaniyang dibdib at nanlamig ang kaniyang mga kamay sabay ng panginginig. Nahirapan siyang huminga at mula sa kaniyang mga pisngi ay may tumulong luha.
{Aria…It's alright} Sabi ni Allen sabay kay Aria sabay hinawakan niya ang kamay ni Aria.
Nabigla si Aria ngunit ang nanginginig niyang kamay ay kumalma at mula doon ay may naramdaman siyang nang-iinit na nagmula sa mga kamay ni Allen. Salamat dito ay nakaramdam siya ng reassurance.
Nakaramdam si Aria ng mga feelings na hindi niya maipaliwanag. Feeling niya ay parang kaya niyang maging matapang at malakas. At naka ramdam siya ng kasiyahan at enlightment mula sa kaniyang dibdib.
Tumingin si Allen sa kaniya at sa panahon na iyon ay nalaman na niya din. Na fall na si Aria para kay Allen.