webnovel

Chapter 15

(( Sheena ))

Bata pa lang ako ramdam ko na may iba sa akin,yung hilig ko at ang mga bagay na gusto kong gawin.Mahilig ako sa laruang panlalaki at hindi ako nagsusuot ng mga damit pambabae hanggang sa napansin nga ito ng daddy ko kaya isang gabi kinausap nya ako tungkol dito.Simple lang naman ang mga sinabi nya,kung ano man daw ako tatanggapin nya pa rin ako.

First year high school nang makilala ko si Anne,nagpatayo sila ng bahay sa gilid namin na dati ay bakanteng lote.Habang kinukumpuni ang bahay nila pumupunta sila dun kasama ng yaya nya para tingnan ang kabuuan ng bahay.Maganda ito,sobrang kinis at mahaba ang buhok.Halatang anak mayaman.

Isang araw lumabas ako ng bahay kasi naghahanap ako ng signal at nandun sila sa harap ng bahay nila,nakaupo ito sa upuan samantalang may kausap naman ang yaya nya.Kaya nung makita nya ako,lumapit sya akin at inilahad nya ang kanyang kamay.

"Hi:) Anne nga pala"ngumiti naman ito sa akin.

Nakipag hand shake din ako sa kanya at nagpakilala rin.

"Sheena nga pala"

At dun kami nagsimulang maging magbest friends.Summer ng lumipat sila sa bago nilang bahay.Kaya araw araw na kami nagkikita.Ang dami namin napagkwentuhan kaya mas natuwa ako kasi dati mga kaharap ko lang ay libro.Hindi naman ako bookworm pero wala lang talaga akong nakakausap sa bahay kasi busy din naman ang parents ko sa business namin.At wala naman akong kapatid kaya mas lalong naging boring.Si yaya lang palagi ang tao sa bahay at ako kaya nagkukulong na lang ako sa kwarto.Mahilig ako magbasa ng mga romance novel kaya marami ako sa kwarto ng mga ganung libro.

Ilang araw na lang at pasukan na kaya sinamahan ako ni Anne mag pa enroll sa isang academy na malapit sa amin.Una akala ko ako lang ang magpapaenroll pero dun din daw pala sya mag aaral.At magkaklase din pala kami.

Third year high school ng may bagong lipat aming school.Unang pasok nya pa lang sa classroom iba na talaga ang pakiramdam ko.Maganda din sya kagaya ni Anne pero mas malakas ang appeal nito.Maputi,mahinhin at sobrang friendly nya.Nginitian ako nito kaya mas lalo lang akong humanga sa kanya.May dimple kasi sya sa right side na sobrang cute.Bagay sa kanya pagngumingiti sya.Tumayo ito sa harap namin lahat at nagpakilala.

"Hi Classmates.Ako nga pala si Vanellope Reyes"

Ang dami nya pang sinabi tungkol sa sarili nya pero hindi ko na lahat yun narinig kasi parang nabingi ako sa pangalan nya pa lang.Siniko naman ako ni Anne na katabi ko kasi nakatulala raw ako sa board namin.Hinanap ko ito kasi wala na sya sa harapan namin pero nagulat naman ako ng may kumalabit sa likod ko.

Bumaling ako pero nagulat ako kung sino.

"Hi"sabi nito.

Alam kong nakakita ako ng angel sa personal.Ni hindi man lang ako nakapagsalita kasi parang ayaw ng bibig kong magsalita.Parang gusto lang ng mga mata kong titigan sya.

Sumimangot naman ito,kahit sa ganung mukha ang ganda nya pa rin.hahaha

"Hello"sagot dito ni Anne.

Nang matapos ang klase,nagsimula nang mag sialisan ang mga kaklase namin.Nauna nang lumabas si Anne at ako na lang ang naiwan.Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko ang eksena kanina.

Bat ganito ang nararamdaman ko? Tama ba ito?At napabuntong hininga na lamang ako.

Nang makalabas na ako nakita ko si Anne sa malayo na kausap sya.Ayoko naman maging snob sa kanya baka kung ano ang isipin nya sa akin.Ayokong magpahalata sa kanya na parang gusto ko sya.Kaya nung makita ako ni Anne mula sa malayo ay kinawayan ako nito at kinawayan ko rin sya pabalik at naglakad na ako papunta sa kinaroroonan nilang dalawa.

"Oy sorry nga pala kanina ha"sabi ko sa kanya ng makalapit na ako.Iba pala talaga pag nasa paligid sya kasi mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

Ngiti lang ang itinugon nito sa akin.

"San ka pala nakatira?"tanong ni Anne sa kanya habang naglalakad kami papuntang gate.Nasa gitna kasi sya namin ni Anne kaya parang madadapa na ako kakatitig dito.

"Sa 6th street lang ako,malapit lang dito"sagot nito.

"You mean sa 6th street ka din nakatira?Kelan pa?"may kunot noong tanong ko sa kanya.

"Actually,kakalipat lang namin kagabe.Kaibigan kasi ni Dad ang may ari ng bahay na yun eh matagal na daw walang tao kaya binili na lang ni dad"pagpapaliwanag nya.

"Talaga?Eh taga doon din kami nitong si Sheena"masiglang anito ni Anne.

"Ang swerte ko naman kasi hindi lang tayo magkaklase kundi magkakapit bahay pa"

Please rate this chapter if you enjoyed it'

Thankyou

JMP_beautycreators' thoughts
下一章