webnovel

Chapter 85 commotion

"Hindi talaga ako makapaniwala kambal! isipin mo ang tagal nating nakasama si Francis pero kahit minsan hindi nya sinabing kapatid nya ang mahaderang yun no!" ani Heshi sa kabilang linya.

Wala kase syang magawa habang nasa opisina sya dahil inayos na ni Sabrina lahat ng kailangan nila para sa mga costumer nila.

"kahit nga ako nagulat din sa sinabi ni Jion kahapon eh, kaya lang daw nakipagkaibigan sakin si Francis ay para maprotektahan ako sa kapatid nya." sagot ni Yra sa kaibigan.

"Malamang kailangan ka talaga nya proteksyunan dun sa baliw nyang kapatid! baka kung di natin nakilala si Francis ay matagal ka ng nasalvage ng bruhang yun!" nanggigil pa rin si Heshi kay Althea.

"Oo nga, kaya ngayun malinaw na sakin ang lahat. Hindi naman pala banta sakin si Althea dahil trabaho lang talaga ang dahilan ng pagpunta nya sa opisina nina Jion!"

"Wag kang pakasisiguro kambal, alam mo naman matindi ang tama sa utak ng babaeng yon!" paalala pa rin nito sa kanya.

Sana naman ay hindi na gumawa ng kalokohan si Althea! tahimik na dalangin ni Yra.

Samantalang si Jion naman ay napapakunot ang noo dahil sa binabasang records ng mga empleyadong sangkot sa anomalyang naganap sa opisina nila ng mga oras na iyon.

"Anong klaseng pagpapabaya ang nagawa natin 'jy!?" tanong niya sa sekretaryo nya. "Bakit umabot sa ganito ang mga taong to?"

"Hindi tayo nagpabaya bro! isinabay nila ang mga kalokohang yan habang nasa ospital ka." anito

Napamasahe tuloy si Jion sa sintido nya, kasalukuyang iniimbistigahan na ang mga taong nasa listahang hawak nila.

"We have to be careful, Nawawala pa rin si Mr. Carlos!" babala sa kanya ni Minjy dahil ang taong tinutukoy nito ay Manager ng Finance department nila at itinuturong may kasalanan ng lahat ng mga kasamahan nito. "Kahit mga tao ko hindi pa rin sya nakikita."

"That stupid old geezer! hanggang kailan nya ba tayo pahihirapan? malapit na akong maubusan ng pasensya sa kanya!" pati bakasyon ng mag ina ko sinira nya!

"Isa nalang ang naiisip kong paraan para mapalabas ang daga sa lungga nya!" lumabas na naman ang killing aura ni Minjy, "At gagamitin na natin yon para mawala ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa kumpanya natin!"

"Nay, sigurado ba kayong hindi ko na kailangang isama si Xymon sa opisina? baka mahirapan kayo sa pagaalaga?" nagdadalawang isip si Yra kung iiwan ba o isasama nya ang anak sa trabaho dahil nakiusap ang nanay nyang iwan na ang bata at naiinip na daw sila sa bahay.

"Anak naman, ilang araw kayo sa maynila at kahapon isinama mo pa sya sa trabaho, abay miss na miss namin si Xymon!" Saad ng kanyang ina.

Wala ng nagawa si Yra kundi iwanan ang bata sa magulang nya, "Babye baby! papasok na si work si mama!" pinupog muna niya ng halik ang anak bago tuluyang lumabas ng bahay nila.

Sinisimulan na Yra ang trabaho nya ng makatanggap ng tawag mula sa nanay niya, "Anong sinasabi nyo? panong hindi nyo makita si Xymon eh hindi naman yun makakalabas ng bahay! hanapin nyo syang mabuti, pauwi na ako!" nangangatal ang katawan ni Yra habang ibinababa ang telepono nya at kinuha ang susi ng kotse nya.

Hindi nya alam kung paano sya nakarating sa bahay nila, "Nay anong nangyari? nasan ang anak ko?" pagpasok nya palang sa gate ng bahay nilay sunod sunod na agad ang tanong nya sa ina.

Kaagad naman humagulhol ng iyak ang nanay nya, "Kanina naglalaro lang sya dito sa terrace natin tapos iniwan lang sya ng nanay mo para magtimpla ng gatas nya, kaso pagbalik nya wala na si Simon, kaya nagpatulong na kami sa mga kapitbahay at sa barangay pero hindi parin nakikita ang bata." paliwanag ng tatau nya dahil hindi na makapagsalita ang nanay nya sa kakaiyak.

Halos mawalan na ng malay si Yra habang nagsasalita ang tatay nya pero nakuha parin niyang damputin ang telepono at tawagan si Jion.

"J-jion m-may m-malaki tayong problema" nabubulol na sabi niya dito.

"Calm down Yra, what happened?" tanong nito.

"Si Xymon nawawala!" sabi niya dito kasabay ng paghagulhulol nya.

Halos mabitawan naman ni Jion ang cellphone nya dahil sa sinabi ni Yra,

"Anong gagawin ko Jion, hindi namin makita ang anak ko!" kasabay niyon ay bigla nalang nakarinig si Jion ng kaguluhan sa kabilang linya tinatanawag ng mga tao doon ang pangalam ni Yra,

"Hello Yra! Yra!" natampal ni Jion ang mesa saka dali daling lumabas ng opisina niya at tinawag si Minjy, habang naglalakad ay pinapaliwanag niya dito ang tawag na natanggap mula kay Yra.

Dumiretso sila sa helipad ng building nila at kaagad pinaakyat doon ang piloto ng helicopter niya. Oh Dyosko! wala naman sanang nangyaring masama sa anak ko!

Hindi na nahintay ni Jion na makalanding ng ayos sa bakanteng lotte malapit sa bahay nina Yra ang helicopter na sinasakyan nya na nagdulot ng komusyon sa lahat ng taong malapit doon, tinalon na niya sasakyan at patakbong tumakbo papunta sa bahay nina Yra, sa ere palang ay itinuro na iyon sa kanya ni Minjy.

"What happened? where is my son?" tanong niya sa mga nadatnang tao toon.

"Kanina pa namin hinahanap si Xymon pero hindi namin sya makita!" umiiyak na sabi ni Yra sa kanya kaya niyakap niya ito ng mahigpit.

kinuyom ni Jion ang dalawang kamao nya habang yakap yakap ang babae, "Wag kang magalala, mahahanap natin si-" napatigil sya sa pagsasalita dahil nakita nyang lumalabas mula sa pinto ng kwarto ang bata, "Xymon?" gulat na sabi niya.

Bigla tuloy nyang nabitawan si Yra at tumakbo palapit sa bata. "Ano si Xymon!" sumunod na rin sa kanya si Yra.

"Dyosko anak ko, san kaba nanggaling kanina ka pa namin hinahanap?" kaagad binuhat ni Yra ang anak, "Kala ko kung napano kana?"

Itinuro naman ng bata ang loob ng maliit na cabinet sa tabi ng kama nila, "antago lola, stip na! pautal na sabi nito.

"Ano? nagtago ka kay lola tapos nag sleep kana?" hindi makapaniwalang sabi tanong ni Yra sa anak! tumango tango naman ang bata saka palang sila nakahinga ng maluwag. "Kala ko nakidnap kana eh!"

Kidnapped!? paulit ulit na naririnig ni Jion ang salitang iyon sa utak nya habang nakatayo sya sa tabi ng nagreunite na mag ina.

下一章