Nagulat si Yra ng tumama ang likuran niya sa malamig na bakal
ng sasakyan ni Winston, lalong tumitindi ang takot na nararamdaman niya dahil ni minsan ay hindi pa niya nakitang ganito ang lalaki. Parang ibang tao ito sa paningin niya, bakit ganito? Anong nangyayari kay Winston?
"Aminin mo sa akin ang totoo Yra!" hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilang balikat nito, "May relasyon ba kayo ng lalaking iyon ha? Boyfriend mo na ba sya?" at lalo pa syang idiniin sa sasakyan nito.
Di maipaliwanag ang takot na nararamdaman ni Yra sa mga oras
na iyon, parang gusto na niyang sumigaw at humingi ng tulong,
"Wala akong ginagawang masama Winston, wala kaming relasyo-aww!" tumindi ang nararamdamang niyang sakit dahil halos bumaon na sa kanyang balikat ang mga daliri nito. "Winston tama na! bitawan mona ak-" tinakpan ni Winston ang kanyang bibig ng subukan niyang laksan ang boses para makaagaw ng atensyon ng sino mang malapit sa kanila.
"shhh! Baby, wag ka naman ganyan, gusto mo ba akong ipahamak ha?" maladimonyo na ang itsura ng binata habang pilit siyang pinatatahimik nito.
Nagpupumiglas si Yra, kailangan niyang makawala sa mga kamay ng dating nobyo, pero sadyang napakalakas nito, di namalayan ni Yra na nabuksan na ni Winston ang pinto ng kotse nito at sapilitan siyang ipinapasok sa loob habang nakatakip pa rin ang kamay sa kanyang bibig, pinipilit nyang lumaban pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makawala sa pagkakahawak nito, nangilabot ang buong katawan ni Yra ng maramdaman niya ang kamay ni Winston sa kanyang dibdib, sa sobrang takot ay bigla niyang hinaklit ang kamay nito, nasira ang kanyang damit dahil sa higpit ng pagkakahawak doon ni Winston, buti na lang at hindi strapless ang suot niya bra kung nagkataon ay lalabas ang kanyang dibdib dahil nakabutones lang ang suot niyang bistida.
"Hey man! Miss me?" nagulat si Yra ng biglang magsalita si Jion sa likuran ni Winston at bigla nitong inundayan ng suntok sa panga si Winston, bumulagta naman kaagad ito sa lupa sinundan kaagad iyon ni Jion ng isang sipa sa tagiliran nito.
Namilipit naman sa sakit ang binatang nakalugmok sa lupa, Itinaas ni Jion ang isang paa para sipain sana muli si Winston pero pinigilan na ito ng kapatid na si Juno, magkakasama pala ang mga ito ng lumabas sa kanilangbakuran. Hinubad naman ni Minjy ang suot nitong Coat at itinakip sa harapang bahagi ni Yra.
kaagad naman siyang nilapitan ni Jion at niyakap. "Im sorry, im late." tulala pa rin si Yra, hindi niya mapigil ang pag agos ng kanyang luha "it's okey now honey, it's okey." Abot ang haplos nito sa likod ng kanyang ulo at halik sa kanyang noo.
"Ihatid mo na si Yra sa loob ng kanilang bahay at kami na ang bahala dito" wika ng kuya Juno nito kay Jion, "Vince call the police station now, kailangan natin itong maireport kaagad."
"Hindi, wag na." pigil ni Yra sa mga ito. "baka magkagulo lang sa loob pag nakita nila akong ganito, baka masira ang party ng kapatid ko." Habang tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha. "Pwede bang pakitawagan muna si Heshi sa loob."
Tumalima naman kaagad si Vince at iniwan na sila labas. Dahan dahan namang tumayo si Winston sapo ang kanyang tagiliran, tangka pa siyang lalapitan nito pero hinarangan na kaagad ito ni Minjy.
" Yra im so sorry, nabigla lang ako, hindi ko sinasadya." Saad nito habang kitang kita sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.
"Winston, nung sinabi kong wala kaming relasyon ni Jion, totoo yon at hindi ako nagsisinungaling. Dahil sa ginawa mo, lalo mo lang pinatunayan sa akin na tama ang naging desisyon kong makipaghiwalay sayo, umalis kana Winston, hanggang dito nalang tayo."
"Patawarin mo ako Yra." Iyon na lamang at Lulugo lugong umalis si Winston.
Mag aalas diyes na ng umaga ng magising si Yra, masakit na sa
balat ang ang init na tumatagos sa bintana ng kwartong tinulugan niya. Nagpalinga linga siya sa paligid, pamilyar sa kanya ang lugar, naaalala niya ang mga pangyayari sa silid na iyon dalawang buwan na ang nakakaraan, nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Same bed, ito na ang pangalawang beses na nagising syang katabi ang. napakagwapong binata, pero hindi tulad noong una, sa pagkakataong ito ay pareho silang may suot na damit ni Jion. Hating gabi na ng makarating sila sa bahay nito kahapon, bagamat walang traffic ay medyo malayo pa rin ang kanilang pinanggalingan, mula sa dulo ng laguna hanggan taguig ay inabot din ng dalawang oras ang kanilang byahe. Ibinaling niya ang kanyang katawan paharap sa natutulog pa ring binata, napakasarap titigan ng mukha nito, nakakakalma ng isipan. Itinaas niya ang kanang kamay para haplusin ang mukha nito ng biglang may kumatok sa pinto. Napabalikwas tuloy si Yra na naging dahilan para mawalan siya ng balanse, blag! Nahulog siya sa kama, Aray! Napahawak siya sa nasaktang balakang, tatayo sana siya ng kusang bumukas ang pinto at sumilip si Vince mula roon.
"Di mo naman kailangang magmadali, pwede naman akong
maghintay sa labas kung inaantok kapa." Lumapit na rin ito sa kanya para tulungan siya tumayo "Okey kalang ba?"
"Oo, medyo masakit lang sa balakang." Sapo ni Yra ang nasabing bahagi ng katawan ng tuluyan na siyangnakatayo.
Nilingon niya si Jeon, napakahimbing pa rin ng tulog nito habang yakap yakap ang isang unan, paharap sa pwestong pinanggalingan ni Yra.
"Sorry sa nangyari kagabi, pati kayo naabala pa." bago sila umalis kagabi sa bahay nila ay siniguro muna ng mga ito na walang nakaalam sa nangyayaring kaguluhan sa labas. Kinausap rin muna ni Juno si Heshi upang ipaalam ang nangyari kay Yra, kaagad naman itong nagdahilan sa mga magulang niya para hindi magalala ang mga ito sa biglaan niyang pag alis.
"Stop apologizing already, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari eh, buti pa gisingin mo nalang ang isang yan at may naghahanap sa kanya doon sa ibaba." Ani Vince.