webnovel

INNOCENT FLIRT

'Chelsea!' hiyaw ng kanyang isip. Kasama nito ang mga jowa ng mga kaibigan ni Erland.

"Hi, Marble! Let me join you here!" bati ng asawa ni Dave.

Di pa man siya nakakasagot ay tumabi na ito sa pagkakatayo, isinandig ang likod sa counter saka bumaling sa kinaruruonan ng asawa.

Si Chelsea nama'y tila nananadyang binunggo ang kanyang siko saka nakakalokang bumaling sa kanya.

"So you really are Marble. How's life?" Sumobra yata ang pagiging magiliw nito sa pagsasalita ngayon.

"Well, it's like paradise," ganti niya, mas matamis pa ang ngiti kesa dito.

"Want vermouth ma'am?" usisa ng bartender sa babae.

"Yes, I want it wet," kaswal nitong sagot.

"Shaken or stirred?" tanong na uli ng bartender.

"Just stirred. Tsaka isama mo na rin ang mga kasama ko, the same order," anito't itinuro ang apat nitong mga kasama na nagsilapit sa asawa ni Dave.

Hindi niya pinahalata ang pagiging uncomfortable sa sitwasyon, nanatili lang sa kinatatayuan paharap sa bartender, kunwari'y tinitignan isa-isa ang mga bote ng alak na nakadisplay sa shelves.

"Do you know Erland's fiancee guys?" malakas na sambit ni Chelsea, dahilan upang mapabaling dito ang mga kasama.

"Isn't she his model?" balik-tanong ng partner ni Livy, sa asawa ni Dave nakatingin.

"Yes, but she has this talent to seduce rich bachelors," humarap na ito sa mga kasama, patuloy ang nanunuyang ngiti.

Namula bigla ang kanyang pisngi lalo nang magbulungan ang mga nakapalibot sa kanilang mga babae. Naningkit agad ang kanyang mga mata pero pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili.

Maya-maya'y pumihit na rin siya paharap sa mga kasama.

"Well, I'm really good at it," simula niyang isinenyas pa ang isang kamay, maarteng hinawi ang buhok na napunta sa kanyang pisngi.

Pabiro siyang hinampas sa braso ng asawa ni Dave.

"Hey, you're game in girl-talks? That's good. Akala ko kasi boring kang kausap," humahagikhik na saad nito. Ang kanina'y pang-iinsulto ni Chelsea, sa tono ng babae'y nauwi sa compliment na.

Humagikhik na rin siya.

"I think all girls have that unique ability to seduce men lalo na pag gusto nila. But before were just flings. I love Erland na kasi," maarte na naman niyang sagot pero lihim na humahalakhak sa nasulyapang mukha ni Chelsea. Parang ito pa ang napahiya sa sinabi nito kanina.

"Yeah! Correct ka girl!" susog ng jowa ni Paul.

Maya-maya'y bumulong na si Shanna kay Maricor, ang asawa ni Dave.

"Hey, let's talk about our lovers ahmmm," anito't di tinuloy ang sasabihin sa huli.

Bumuka agad ang bibig ng mga kasama nang maunawaan ang sinasabi ng dalaga.

"Mine is satisfying even if it's just 5." tumatawang simula ni Ericka, yung jowa ni Livy, ni di man lang namula ang pisngi nito sa sinabi.

Hagikhikan ang iba maliban kay Chelsea na matalim pang nakatitig sa kanya.

"How about yours, Chelsea? C'mon don't be naive," hamon ng asawa ni Ziggy.

Namula bigla ang pisngi nito, pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kasamang lahat na yata ng mata ay nakatuon dito. Siya nama'y palihim na sinulyapan si Vendrick na ewan kung totoong nakatitig din sa kanya pero kumabog pa rin ang kanyang dibdib, agad na inilayo ang mga mata dito.

"Well, it's 7," nahihiya pang sagot ni Chelsea, eksakto namang iniaabot ng bartender ang order nito.

"Woww! 7! How does it feel?" tudyo ni Shanna sa dalaga.

Humagikhik din ang tinanong saka kinuha sa bartender ang alak pagkuwa'y bumaling sa kanyang napaharap sa kumakalabit na bartender.

"Your wine, maam," anito sa kanya.

Humarap siya rito at kinuha na ang ibinibigay sa kanyang wine glass.

"How about you Marble?" usisa ni Chelsea sa kanya, nakataas ang isang kilay na nakangiti nang sobrang tamis.

"Huh?" maang pa siyang napaharap dito.

"How long is your man's wealth?" tanong sa kanya.

Sandaling nangunot ang kanyang noo, pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kausap, maya-maya'y matamis na ding ngumiti.

"Ahmm, 15," sagot niya sabay hagikhik at tinapunan ng tingin ang hawak na baso. Ang ganda naman ng kulay nun, masarap seguro yun sa lalamunan.

Iinumin na sana niya ang laman niyon nang mahagip ng tingin ang itsura ng mga kasamang nanlalaki ang mga mata't ang luwang ng pagkakabuka ng mga bibig sa pagkagulat sa sinabi niya.

Hindi niya tuloy nainom ang alak, itinabi muna yun sa ibabaw ng counter saka tumatawang nagtanong sa lahat.

"Bakit?"

"Gurl, grabe ha? 15 talaga?" di makapaniwalang sambit ng asawa ni ziggy nang makabawi.

Tumawa siya nang malakas.

"Kaya nga ayaw kong pakawalan si Erland eh. Sulit na sulit ako sa kanya. Hehehe," saad niya, confident na confident sa sinabi at palihim na sumulyap kay Chelsea na litid na ang ugat sa gigil habang nakarehistro na sa mukha ang inis sa kanya.

Tinaasan niya lang ito ng kilay sabay pailalim na umirap.

'Kala mo ha? Ako pa tinira mo! Ano ka ngayon?' hiyaw ng kanyang isip.

Pero maya-maya'y bigla na naman itong bumwelta nang mapansing nakuha na niya ang loob ng mga andun.

Kinalabit na uli siya ng bartender.

"Maam, hindi na po yan masarap pag tumagal na," wika nito.

Kaya lumingon siya uli sa counter at hinawakan na ang wine glass.

"Are you sure na satisfied sayo si Erland? Baka ikaw lang ang nasasarapan, siya hindi," pasarkastiko nitong tanong, humarap na sa kanya pigil ang panggigigil na nagawa pa ring ngumiti, patuya nga lang.

Bumaling na siya rito.

"Ikaw, nasasarapan ba sayo si Vendrick? O baka nangangarap ka lang nang gising?" bweltada na niya.

Sandaling naningkit ang mga mata nito lalong umigting ang mga ugat sa leeg kung hindi ito siniko ni Shanna.

"Tell us Chelsea, anong position ang pinakagusto ni Vendrick na ginagawa mo?" panunudyo ng babae.

Sandali itong natigilan, namula na naman ang pisngi, pero nagawa pa ring sumagot nng maayos.

"Ahmm, helicopter," nahihiya pang sambit.

Hindi niya alam kung bakit napalakas ang kanyang tawa, di talaga niya sinasadya yun. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kasama.

"Ikaw Marble, anong favorite niyong position ni Erland?" usisa ni Ericka.

Namutla siya. Ano bang mga position yun? Merun pa palang mga pangalan yun?

Subalit agad siyang nakabawi at humagikhik uli.

"Airplane," maangas niyang sagot at iinom na sana sa hawak na baso ng alak nang mapansin na naman niya ang nagpakatangang mukha ng mga ito.

Tumawa uli siya nang malakas.

"Hindi niyo ba alam, sobrang sarap nun, araw-araw naming ginagawa ni Erland yun. Yun ang pinakabagong posisyon ngayon," pangungumbinsi niya, muling humagikhik.

"Ganun ba? Bago pala yun?" alanganing sambit ng asawa ni Dave.

"Oo bago yun. Tiyak masasarapan si Dave pag ganun ang ginawa mo sa kanya," kumbinsi pa niya at itinapat na ang dulo ng baso sa kanyang bibig, akmang iinom nang bigla siyang masagi ng isang lalaking dumaan.

"Ayyy!" naisigaw na lang niya sa pagkagulat.

"Naku, sorry miss. Hindi ko sinasadya," paghingi agad ng paumanhin ng lalalking nakasagi sa kanya.

"Careful, okay!" si Shanna ang humiyaw, galit na bumaling sa lalaking todo sorry sa kanila lalo sa kanya bago pasuray-suray na umalis.

"Yaan niyo na, lasing na marahil yun." sambit na lang niya, kumuha ng tissue sa kanyang bag at pinunasan ang nabasang damit. Duon kasi natapon ang lahat ng laman ng baso, buti di niya nabitawan yun, inilapag niya uli sa ibabaw ng counter.

Nanlulumong kinuha yun ng bartender.

Sumulyap naman ang lalaking nakasagi sa kanya kay Vendrick na bahagya lang tumango at palihim na uli siyang pinagmasdan.

"May extra ka bang damit jan?" nag-aalalang usisa ng asawa ni Dave.

Ngumiti siya rito.

"Okay lang. Di naman yun sadya eh," anya.

"Teka lang ha, pupuntahan ko lang si Erland," paalam niya't lumayo na sa mga kasama't pumunta nga sa kinaruruonan ni Erland.

Nagtutudyuan din ang mga to, malalakas ang tawanan liban kay Vendrick na bahagya lang nakangiti, nang makita siyang palapit ay nagsalin na uli ng alak sa baso ngunit inamoy-amoy lang, hindi ininom.

Tumabi siya kay Erland, pumagitna dito at kay Gab habang katabi naman ng binata si Vendrick.

Pasimple siyang yumakap kay Erland para bumulong sa tenga nito.

"Ano bang size ng mga lalaki?" pabulong niyang tanong.

Kunut-noong bumaling ito sa kanya.

"Ano'ng size?"pabulong din nitong balik-tanong.

Ininguso niya ang harapan nito, sa pagitan ng hita saka muling inilapit ang bibig sa tenga nito.

"Girl talks," sagot niya. "Pero bakit nagulat sila nang sinabi kong 15 ang sayo?"

Muntik nang humagalpak ng tawa ang binata pagkarinig niyon kung di nito natakpan agad ang bibig.

下一章