"Marble--" alanganing wika ni Vendrick nang pabagsak na ilapag ang phone sa ibabaw ng bedside table.
"Uh?" aniya, napaharap dito, naghihintay sa sunod nitong sasabihin.
Lumapit na ito't hinawakan siya sa kamay.
"Chelsea is in the hospital. Sabi ng mommy niya, nag-collapse daw siya kanina, nanganganib ang ipinagbubuntis niya," pliwanag nito sa mahinang boses, sapat lang para maunawaan niya agad.
Lumakas lalo ang kabog ng kanyang dibdib pero kailangan niyang itago 'yun dito para wag itong mag-alala sa kanya.
Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak saa kanya sabay ngiti.
"Go," aniya, tinitigan ito.
"Marble--"
"I honestly don't like her from the very beginning but you're the father of her child," panatag niyang sambit.
Niyakap na siya nito pero hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya umiikot ang kanyang paningin sa sakit ng kanyang dibdib. Sobra ang pagseselos niya, oo. Asawa na niya si Vendrick pero bakit kailangan pang makihati si Chelsea sa atensyon ng una? Di ba niya talaga pwedeng maangkin ang lalaki nang buong buo?
Isang minuto marahil ang lumipas bago ito kumawala sa kanya at nagtungo sa banyo para maligo.
Inayos niya ang damit na isusuot nito pero ambigat talaga ng kanyang dibdib habang ginagawa 'yun.
Hanggang sa makalabas ito ng banyo at magbihis ay wala silang imikan pero bago ito umalisa ay muli siyang niyakap ng ilang segundo bago kinuha sa kanya ang wallet nito at nagmmadaling umalis.
Nanghihinang napaupo siya gilid ng kama, pinipigilang kumawala ang pagpatak ng mga luha sa sobrang selos ngunit nang di magawa ay tuluyan na siyang napaluha hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdan at nagmadali ring naligo. Susundan niya ang asawa. Bago umalis ay nagpaalam muna siya sa matanda.
"Gamitin mo ang ATM card na ibinigay ko noon!" mariin nitong utos, hindi na siya tumanggi lalo't kunti na lang ang laman ng isa niyang ATM.
Hinalikan niya muna ito sa noo bago lumabas ng kwartong iyon at sa ama naman nagpaalam. Hindi na ito nagulat sa ginawa niya, agad nang tumango.
"Mag-iingat ka anak, ha?" paalala nito.
Tumango lang siya saka nagmamadali nang umalis.
Sinundo muna niya si Ynalyn sa kanila para isabay na sa pagluwas ng manila. Mabuti na lang ay kaliligo lang din nito at nag-aayos na ng mga gamit para bukas. Nagulat man ang kaibigan sa biglaan niyang desisyon ay hindi na ito nagtanong pa at sumunod na lang sa kanya.
----------@@@@@---------
"Madam?!" sambulat ng baklang si Audrey nang makita siyang papasok ng salon kasama si Ynalyn na panay ikot ng tingin sa paligid, halatang namamangha sa ganda ngh salong pinasukan.
Nakipagbeso-beso si Audrey sa kanya pagkuwa'y bumaling kay Ynalyn, sinipat ito mula ulo habggang paa.
"Nasaan si Erland?" usisa niya sa bakla.
"Umalis, madam. Kasama ni Ma'am Cathy. Si melvin lang ang in charge ngayon dito," sagot ng kausap.
"Pakiasikaso muna kay Ynalyn. Pag dumating si Erland, pakisabi, ihatid si Ynalyn sa condo ko. Duon muna siya," utos niya sa baklang panay lang tango.
"Besty, ikaw pala ang madam nila dito? Ang galing naman, besty," papuri ni Ynalyn sa kanya, ngumiti lang siya at nagpaalam nang aalis muna.
"Sa condo ko muna ikaw titira. Ihahatid ka mamaya ni Erland duon. Antayin mo na lang ako mamayang gabi," aniya sa kaibigan bago nagmamadaling umalis sa lugar na yun bitbit lang ang kanyang cute na sling bag.
----------@@@@@-------------
Pagkakita pa lang ng ina ni Chelsea kay Vendrick sa hallway ng ospital ay humahagulhol na itong sumalubong sa kanya. Ang ama naman ng dating nobya ay salubong ang kilay na tumitig lang sa kanya ngunit di siya kinibo nang makalapit dito.
"Vendrick, ang anak ko! Baka kung mapano ang anak ko, Vendrick. 'Wag mo siyang iiwan, parang awa mo na," pakiusap ng ginang habang yakap siya.
Nakaramdam siya ng guilt sa nakikitang pagkatuliro ng ina ni Chelsea at sa matatalim na titig ng ama nito habang nakaharap sila sa kwartong kinaruruonan ng dalaga.
"Kumusta na po siya, tita?" usisa niya maya-maya.
"Tulog pa siya mula pa kanina," sagot nito sa pagitan ng pag-iyak.
"Can I get inside?" paalam niya.
"Sure! You can get inside and talk to her to ease your guilt sa ginawa mong panloloko sa anak ko!" hindi na nakapagpigil ang ama ng dalaga at nasigawan na siya.
"I'm sorry Tito Vick but I already broke up with her before I got married to my wife," sagot niya.
Susugurin na sana siya ng ginoo sa galit nito pero pumagitna na ang asawa nito at hinawakan itong mahigpit.
"Stop it, Vick! Ang mahalaga ay andito na uli si Vendrick. Maayos na ang lahat sa kanila ni Chelsea," awat ng ginang.
Pumasok na siya sa loob ng private room na kinaruruonan ni Chelsea, hindi na pinansin ang galit ng ama nito.
Dahan-dahan siyangf lumapit sa dalaga. Tulog pa rin ito. Nakaramdam siya ng awa sa dating nobya lalo nang makita ang maputla nitong pisngi. Pumayat ito at tila tumanda ang mukha, halatang nahirapang tanggapin ang kanilang paghihiwalay.
Pero may asawa na siya. Kahit puro kalokohan ang mga pinapirmahan niya kay Marble pagkatapos ng kanilang kasal, iisa ang totoo ruon, ang kanilang marrige contract. Unfair siya sa dalawang babae, aaminin niya. Pero nagsinungaling si Chelsea sa kanya para lang makuha ang kanyang loob sa Canada. Bago pa siya makipagbreak dito'y alam na niyang di talaga nagtanan sina Gab at Marble. Pero bakit kailangan nitong magsinungaling sa kanya at kailangan pa niyang maghire ng detective para lang malaman ang totoong nangyari noon? Iisa lang ang nakita niyang dahilan, nalaman nitong ayaw ng kanyang papa kay Marble kaya tinulungan nitong magawa ng kanyang papa ang balak na mangyari sa kanila ng kanyang asawa, na tuluyan silang papaghiwalayin at magkaruon ng galit sa isa't-isa. Pero mautak ang kanyang lolo. Hindi ito nagdalawang-isip na pakialaman ang buhay nila ni Marble.
Napangiti siya sa naisip lalo nang maalala ang sinabi ng tusong matanda.
"Drick...Love..."
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha pagkarinig sa mahinang boses ni Chelsea.
"Dahan-dahan nitong itinaas ang isang kamay para abutin siya pero ipinamulsa niya ang mga kamay sa suot na pantalong maong.
Pasarkastiko itong ngumiti at muling ibinaba ang kamay palapag sa higaan nito.
"You really are cruel, Vendrick. Ganito na nga ang nangyari sa'kin pero nananatiling matigas ang puso mo," malungkot nitong sambit saka iniiwas ang tingin sa kanya.
Napabuntunghininga siya saka umupo sa gilid ng kama paharap dito.
"I thought you were a strong woman, Chelsea. Not like this." Nagpakawala uli siya ng isang buntunghininga.
Patuya itong ngumiti ngunit naglandas agad ang luha sa mga mata.
"You made me like this. Come back to me if you don't want me to ruin my life like this. Pag nawala ang anak ko sakin, hinding-hindi kita mapapatawad!" pangungunsensya nito saa. kanya
Tila may kung ano'ng dumagan sa kanyang dibdib sa sinabi nito. Was it guilt?
Ipinilig niya ang ulo.
"I'm sorry, I love my wife. I thought you knew that from the very beginning," mahina niyang usal.
"Damn you! You hated her drick! You hated her! You told me, you hated her!"
Napatayo siya, kinabahan na uli. Hindi niya inaasahang magagawa nitong sumigaw nang malakas sa kalagayan nito ngayon. Duon na siya nag-alala at hahawakan na sana niya ang dalaga nang magsimula itong maghestirya at batuhin siya ng unan nang biglang bumukas ang pinto ng silid, patakbong pumasok si Gab.
"Chelsea! Chelsea!" tawag nito, puno ng pag-aalala sa boses ngunit natigilan din nang makita siya.
Nagtama ang paningin nila ng kaibigan pero nakapagtatakang bigla itong huminahon pagkakita sa kanya.
"Gab, paalisin mo ang manlolokong 'yan! Paalisin mo siya! Ayukong makita ang pagmumukha niya rito!" patuloy ni Chelsea sa pagwawala.
Nagsipasukan na rin ang mga magulang nang marinig ang sigaw ng dalaga.
Nagtama na uli ang paningin nila ni Gab ngunit sa bawat naunuring titig niya'y agad itong umiiwas ng tingin.
Sinulyapan niya si Chelsea, nagwawala pa rin ito sa galit kaya't kusa na siyang lumabas sa silid na 'yun, baka kung mapano pa ang ipinagbubuntis nito.