webnovel

HER DRINK WAS DRUGGED

Sa huling laro, muling pinaikot ni Dave ang bote, halos hindi humihinga ang lahat habang duon nakatuon ang atensyon ng mga ito maliban kay Marble na nakatungo pa rin.

Ilang beses siyang nagpakurap-kurap para wag pumatak ang mga luhang nangungulit na kumawala sa kanyang mga mata. Ilang beses din siyang huminga nang malalim upang payapain ang sarili at nang sa wakas nagawa na niyang huminahon ay nakangiti na siyang nag-angat ng mukha, inilapag ang kanina'y dinampot na fried chicken subalit napatanga din nang makitang sa kanya napako ang tingin ng mga ito maliban kay Vendrick na bahagya ring nakayuko.

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga kasama at nang maunawaan ang ibig sabihin ng mga mukha nito'y nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa bote ngunit bigla ring nangunot ang noo nang makitang sa gitna nila ni Vendrick huminto ang bote, pagkuwa'y alanganing ngumiti.

"Hindi valid yan." aniya sabay senyas ng kamay sa bartender.

Bigla kasi siyang nakaramdam ng uhaw.

"Lady's drink, please!" hiyaw niya, walang pakialam kung naunawaan ng tinawag ang ibig niyang sabihin.

"Valid yan. Isa lang ang ibig sabihin niyan, dapat kayo ni Vendrick ang magpartner." salungat ni Maricor.

Tila biglang nangamatis ang kanyang pisngi sa pagkapula, buti na lang hindi gaanong maliwanag sa kanilang kinaruruonan.

Gumalaw ang kamay ni Vendrick sa kanyang likuran ngunit di niya yun pinansin.

"Dare." mahinang sagot ng binata sabay sulyap sa kanya, itinaas lang ang isang kilay pagkuwa'y nagkibit-balikat.

Kung di lang siya nagpipigil at ayaw na may makahalata sa ginagawa nito sa kanya, kanina pa niya ito inumbagan.

"Dare." pero sa huli napapayag na rin siya.

Palakpakan ang mga kasama.

Napapailing na lang si Erland habang si Chelsea ay halos di na makita ang mga mata sa sobrang paniningkit niyon sa gigil sa nangyayari.

At nang di makatiis ay sumabad na rin.

"Iinom na lang din si Drick ng alak. Di ba, love?" anang dalaga saka hinawakan ang mukha ng binata at ibinaling paharap dito.

Tipid na ngiti lang ang iginanti ni Vendrick.

"Ako din, iinom na lang din ng alak." natatawa niyang susog, di pinahahalatang nanlalamig na ang mga kamay sa di maipaliwanag na nerbyos.

Eksakto namang iniaabot sa kanya ng bartender ang inorder ng lady's drink sa wineglass.

Agad niya iyong kinuha sa kamay ng bartender at walang sabi-sabing ininom subalit nakakaisang lunok pa lang siya niyon nang biglang bawiin ni Vendrick sabay kabig sa kanyang ulo paharap dito at wala ring pasubali siyang siniil ng halik, ni di siya nakakilos, pakiramdam niya tila naging tuod ang kanyang buong katawan kahit na nang marinig ang tilian ng mga babaeng naruon liban kay Chelsea ay wala siyang naging reaksyon liban sa awtomatikong napakapit ang kamay sa dibdib ng binata upang sana iharang yun sa pagitan nila.

Hinawakan ng binata ang kanyang bibig at sinipsip ang loob niyon. Pwersahan ang ginagawa nito na di niya mapigilang maibuka ang bibig at pagbigyan ito sa gustong gawin subalit ewan ba kung bakit kahit na masakit ang ginagawa nito sa kanya at wala siyang maramdamang gusto nito iyon ay naiiba pa rin yun sa kanya, tila ba may nag-uudyok sa likod ng kanyang isip na hayaan na lang ito sa ginagawa hanggang sa maramdaman niya ang biglang pagkaliyo na tila bigla siyang inilulutang sa alapaap ng kung anong pakiramdam.

"Fuck." paanas nitong sambit kasabay ng paglayo ng bibig sa kanya.

She moaned and closed her eyes. Bakit bigla siyang nahilo?

"Vendrick--" tawag niya.

Tumigas agad ang mukha ng tinawag at nag-aapoy ang tinging ipinukol kay Gab na noo'y biglang tumayo para alalayan siya nang mapansin nitong hinawakan niya ang noo.

Napatingin na rin si Erland sa kanila. Pero ang iba'y tila walang pakialam sa nangyayari sa kanila o di pansin ng mga ito kung ano talagang nangyayari sa kanya.

Kinabig na uli siya ng binata palapit rito hanggang sa magtama ang kanilang mga mata pag-angat niya ng mukha.

Humagikhik siya.

"Di mo ako matiis no?" ewan ba kung bakit bigla siyang nagkaruon ng lakas ng loob na harutin ito gayung kanina lang ay mangani-ngani niya itong suntukin sa mukha.

Lalong dumilim ang mukha nito. Muli na namang tilian ng mga kababaihan, tila kinikiliti sa nangyayari sa kanila lalo nang isampay niya ang siko sa balikat ng binata at ilapat ang kanyang daliri sa tikom nitong bibig.

Pakiramdam niya, may kung anong apoy sa kanyang katawan ang gustong kumawala, gustong lumabas at mangyayari lang yun kung hahalikan niya ang lalaki sa kanyang harapan.

Humagikhik uli siya.

"Halikan mo ako." lambing niya, walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanila.

Ang lalim bigla ng pagkakakunot ng noo ng binata.

Napanganga sina Maricor sa narinig, maya-maya' sabay-sabay nang nagcheer sa kanilang dalawa.

"Go Marble, go! Kiss! Kisssss!!!" kantyawan ng mga ito, nakisabay na rin ang mga magbabarkada.

Napatayo na si Chelsea sa kinatatayuan para awatin siya sa ginagawang panghaharot sa binata.

"You bitch! Wag ang fiancee ko, you slut!" matigas na babala nito sa kanya.

"Hey Chelsea. C'mon! This is just a game!" saway ni Beth sa dalaga.

"But can't you see, she is seducing my fiancee." katwiran ng babae.

"Selos lang yan. O baka apektado ka na jan?" tudyo ni Paul.

Lalo lang siyang nagkaruon ng dahilan para harutin ang binata, di nakuntento't inilapit na ang bibig dito.

"Kiss me." utos niya, pero malibang humigpit ang kapit nito sa kanyang katawan ay nanatili lang ito sa kinauupuan, mariin lang nakatitig sa kanyang biglang nalasing sa nainom niyang lady's drink.

Kaya siya na ang gumawa ng first move at binigyan ito ng smack kiss sabay hagikhik at isinandal ang ulo sa balikat nito saka ipinulupot ang kamay sa braso nito.

"Okay fine, papayag na akong pakasal sayo. In one conditon, bukas na bukas din, pakasalan mo ako." pakaswal niyang sambit.

Syempre gulat ang lahat lalo na si Gab na napatayo na sa kinauupuan. Walang nakaimik kahit isa sa mga to.

"Marble, you're just drunk. Halika iuuwi na kita." anito sa kanya't hinawakan ang kanyang braso pero pumiglas siya sabay tingala rito.

"I'm not! Sanay akong uminom." mabilis niyang sagot, muling tumingin kay Vendrick na isang pulgada na lang ata ang natitirang pasensya sa nangyayari sa kanya.

"Binbin, tell them we'll have our wedding tomorrow, huh?"

"Shut up!" hiyaw na uli ni Chelsea at susunggaban na sana siya nang iharang ni Vendrick ang kamay at bahagya itong itinulak.

"Can't you see she's drunk?" saway nito sa dalaga.

"But Drick, she's seducing you!" hiyaw ng dalaga.

Humagikhik na uli siya't dahan-dahang tumayo, sa dalaga naman humarap.

"I'm not drunk. I'm originally his girlfriend. Dapat lang na kami ang magpakasal." sagot niya rito ngunit nawalan din agad ng balanse ang katawan.

Napatayo bigla si Erland, di na kinaya ang nangyayari.

Si Gab nama'y nahawakan ang kanyang braso ngunit agad din itong itinulak ni Vendrick, binuhat na siya. Awtomatiko namang ikinapit niya ang dalawang kamay sa leeg nito.

"Binbin, tell her we're getting married tomorrow. Pag hindi, hahalikan kita!" banta niya sa binata, lakas ng tama.

Naitakip ni Maricor ang kamay sa bibig nito, nagulat na kinilig sa sinabi niya.

Awang naman ang bibig ng iba pa na naghihintay ng sagot ng binata.

"Fuck! Okay fine! We're getting married tomorrow!" gigil na sagot nito.

"Are you serious?!" di makapaniwalang tanong ni Livy. "Is this really serious?" nagtataka na sa kaseryosohan ng usapan.

Pero hindi sumagot ang binata, naglakad na palayo habang buhat-buhat siyang patuloy sa paghagikhik.

"Hey guys, don't forget to attend our wedding tomorrow." lalo lang siyang nagkaruon ng dahilan para asarin ang nagpupuyos na sa galit na si Chelsea.

Tumayo na si Livy at tiningnan isa-isa ang biglang natahimik na mga barkada.

"Hey answer me. they're just kidding right?" paghihingi nito ng kumpirmasyon.

Tumayo din si Erland, hinawakan sa kamay si Cathy saka bumaling sa nagtatanong.

"Maybe you should prepare your tuxedo for tomorrow, Dude. Babae na mismo ang nagsabi. It can't be a joke." seryosong saad nito.

"What?" halos sabay-sabay na bulalas ng lahat.

"Erland--" tawag ni Gab dito.

" You said, you're going to help me to get her back." panunumbat nito sa binata.

Tumalim ang tingin ng una sa huli saka ito binulungan.

"I'm not that naive, Dude. I knew her drink is drugged. Pasalamat ka itinuturing pa rin kitang kaibigan sa ginawa mo." mahina ngunit ramdam duon ang galit sa tigas ng boses nito.

Namutla ang pisngi ng kausap.

Gulat namang napatingin si Cathy kay Erland na narinig ang sinabi nito sa kaibigan.

"Guys, bye for now. Uuwi na kami ni Cathy." paalam nito sa mga kasamang hanggang nang mga sandaling yun ay di makapaniwala sa naging ending ng lahat.

"This is really weird. Erland is acting as if he's not really Marble's fiancee!" bulalas ni Shanna nang makaalis na ang tinutukoy kasama si Cathy at naguguluhang bumaling kay Chelsea na mabilis ding tumalikod para umalis.

下一章