Ilang ulit nang panay sulyap si Erland sa kanya habang nakaupo sa lounge area ng opisina nito at naglalagay ng make-up sa mukha. Kahahatid lang niya kay Kaelo sa paaralan bago siya dumaan sa salon ng binata.
"Ako na lang ang susundo kay Kaelo mamaya sa school ha? Tatlong company lang naman ang aaplayan ko ngayon. Baka wala pang 10 tapos na ako sa interview." wika niya sa binatang nakahalukipkip lang, di nakuntento sa pasulyap, talagang pinagmasdan na siya.
"O bakit?" usisa niya nang mapansin itong nakamasid sa kanya.
"You're the girl who has many faces. Kagabi lang ang drama mo, ngayon parang mas maliwanag pa ang mukha mo sa sikat ng araw. Ano bang merun kagabi?" usisa na nito.
Tumaas lang ang isa niyang kilay sabay ismid dito.
"Asus, para namang di mo ako kilala. Hay naku, wag mo nang alamin. Mababaliw ka lang sakin pag inalam mo pa." sagot niya.
"Vendrick is on the way here. He wanted to drop by at his grandpa's business." bigla nitong pakli.
Sandali siyang natigilan. Gano ba kaclose ang binata sa lalaking yun?
"Okay, tapos na ako. Take your time. Aalis na din naman ako eh. Hehehe." matamis ang ngiting sambit niya at nagmamadali nang iniligpit ang make-up kit saka isinukbit sa balikat ang sling bag na dala at binitbit ang dala ding sliding folder.
"Bye---" paalam niya sabay kaway rito.
"Do you know him?" habol ng binata.
Napahinto siya sa paglalakad.
"Nagpapatawa ka ba? Pano ko makikilala yun?" natatawa niyang balik tanong.
"How about Gab?"
Nawala ang ngiti niya sa mga labi at kunut-noong napabaling sa binata.
Tumayo ito saka lumapit sa kanya.
"After what happened last night, noon ko lang naalalang i had seen you before in Vendrick's house. Yung babaeng ginawang hiphop dance ang chacha."
Lalong nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito. So, naruon din ito nang gabing yun? Ibig sabihin, close talaga ito kay Vendrick?
Hinawakan siya nito sa balikat.
"Marble. Ngayon lang ako nag-uusisa sayo sa loob ng limang taon dahil ayuko na uling makita kang umiiyak. It's as if I'm the one who is hurt." madamdamin nitong wika.
Umiwas siya ng tingin.
"Sensya na ayukong pag-usapan yun." pag-iwas niya.
"Sino sa kanila ang ayaw mong pag-usapan?" pangungulit nito.
"Lan naman, mag-aapply ako. Baka mawala ako sa diskarte sa ginagawa mo. Mamaya ka na mangulit ha?" angal niya saka tinapik-tapik ang balikat nito at patakbo nang lumabas ng opisina
Naiwang natatameme ang binata.
"Marble, what are your secrets, really?" bulong nito sa hangin.
----------@@@@@--------------
Heto na uli siya, hindi sumusukong mag-apply bilang secretary ng malalaking kumpanya, baka sakali matanggap siya.
Subalit sa dalawa niyang interview, di man lang siya nakapasa, no vacancy pa rin ang sinabi sa kanya.
Pero lagi siyang positive thinking. Heto na uli siya sa pangatlo, sa isa namang bangko. Managerial secretary ang kanyang aaplayan. Lakasan lang ng loob. Yun naman lagi ang dala-dala niya kahit saan siya mapunta. Kapalan ng mukha at lakasan ng loob. Ang mahalaga ay may experience siya sa trabahong pinag-aaplayan.
Pero bago pa siya makapasok sa bangkong pupuntahan, biglang tumunog ang kanyang phone.
Sinagot niya muna ang tawag.
"Mommy, come pick me up at 11 sharp."
Gggrrrr! Ang bata talagang to. Ang higpit sa oras. Talagang binibilang kahit isang segundo.
"Okay cutie cutie. 11 sharp. Got it!" masunurin naman siyang ina eh kaya go lang.
"Don't be late Mommy!" babala sa kanya.
Napangiwi siya agad at sinipat ang suot na wristwatch. Nakupo, 10am na. Start na ng kanyang interview.
"Okay fine. 11 sharp." pagsuko niya rito saka agad nang nagpaalam at mabilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng bangko pagkatapos ipakita sa guard ang kanyang ID. Sa pagmmadali, yung ID card na binigay ng kanyang alaga noon ang naipakita niya sa guard.
"How did you get that?"
Nagulat siya nang makita ang isang empleyadong naka office suit sa kanyang likuran papasok din sa loob ng bangko, salubong ang mga kilay sa pagtataka.
"It's nothing. It's just a gift from my grandfather, Ma'am." nakangit niyang sagot, dumiretso na sa loob at hinanap ang customer service.
"Kayo po ba ang nag-aapply Ma'am?" tanong ng isang babae sa kanya.
"Yes, ako po Ma'am." magiliw niyang sagot.
"Ma'am, please follow me." anang ginang na nakausap niya kanina sa may pinto.
Bumaling muna siya sa kaharap na babae.
"She's our Manager Ma'am." anito sa kanya.
Wew! Yun pala ang manager? Magandang pangitain to. Curious na agad ito sa kanya sa pinto pa lang. Ibig sabihin, posible siyang matanggap bilang secretary nito.
Ang tamis ng kanyang ngiti habang nakabuntot sa manager papasok sa office nito.
"Please sit down." itinuro sa kanya ang isang swivel chair sa tapat ng mesa nito.
Sumunod naman siya.
Pagkaupo lang nito sa isang swivel chair ay dinampot agad ang telepono at may tinawagan.
Matyaga lang siyang naghintay.
"Sir, i've seen it. It's authentic. I've seen the logo." wika nito sa kausap.
Nakikinig lang siya.
"You're Marble Dimatalo Sanchez, right?" baling sa kanya ng manager.
"Yes Ma'am. I'm here for an scheduled interview as a managerial secretary." magiliw niyang sagot.
Biglang napatawa nang mahina ang ginang.
Nagtaka naman siya. Huh? Nakakatawa ba ang kanyang sinabi?
"Sir, you wanna talk to her? Okay. Papupuntahin ko po siya sa office niyo." anang manager sa kausap sa telepono.
"Ma'am, we don't have a vacancy for a managerial secretary but as an executive secretary, i'm willing to recommend you to our CEO." anitong nakangiti.
Napanganga siya sa pagkagulat.
"Really? Excutive secretary?!" bulalas niya, di makapaniwala sabay tawa sa sobrang tuwa.
Mabilis na tumango ang manager.
"Wow Ma'am, thank you po. Thank you very much po." todo pasalamat siya. Syempre. Executive secretary na ang recommendation sa kanya. Ibig sabihin magiging secretary siya ng isa sa mga senior executives ng company! Wowww! Magiging permanente na ang kanyang work! Di na siya magpapalipat-lipat ng trabaho!
Isa iyong malaking bessing sa kanya. Yess!!! Dapat lang na galingan niya, interview pa lang. Kahit na anong mangyari, kailangang mapasakanya ang trabahong yun.
Pinasunod siya ng manager dito hanggang sa huminto sila sa isang nakapinid na pinto ng silid sa second floor ng building.
"I already talked to the CEO. He's waiting inside." anang kasama niya saka kumatok sa pinto at binuksan iyon.
"You can come inside Ma'am." anito sa kanya.
"Thank you so much Ma'am. Thank you very much." walang humpay niyang pasasalamat sa manager hanggang sa tumalikod na ito.
Kinakabahan siyang pumasok sa loob ng opisina. Imposibleng hindi siya tanggapin ng CEO, mismong manager na ng bangko ang nagrecommend sa kanya.
"Good morning po Sir. I'm Marble Dimatalo Sanchez supposedly applying for managerial secretary but the manager herself told me that she recommended me to be an executive secretary." binirahan na niya ng English para ma impress agad ang CEO sa kanya.
"Hmmm, is that it?" anang CEO habang nakaupo sa swivel chair nitong nakaharap sa may bintana at nakatalikod sa kanya.
"Yes po Sir. Actually I'm very flatte---" Napanganga siya sa sobrang pagkagimbal sa nakita pagtayo lang ng CEO at pagpihit paharap sa kanya.
Biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod at napakapit sa nakasarang pinto.