Isang Linggo pagkatapos ng libing ni Senyor Leo, nagtipon-tipon na ang buong pamilya nito sa loob ng visitor's room. Kahit ang mga apo nito at apo sa tuhod ay naruon din.
Maliban sa isa...
"Cielo, asan na si Vendrick?" kalabit ni Keven sa asawa.
Nagtinginan ang lahat sa kanila.
Matamis na ngumiti si Cielo.
"He'll be here in a minute. Ando'n lang 'yon sa kwarto niya," sagot niyang inisa-isang sulyapan ang mga naruon kasama na ang kanina pang naghihintay na abugado, pero 'di ito nagreklmo, ni hindi kumibo.
After two minutes, bumukas ang pinto ng silid, pumasok na si Vendrick.
Napangiti siya sabay tayo at sinalubong ang anak.
"Anak, buti dumating ka---na," salubong niya subalit 'di siya pinansin, nagtuloy-tuloy lang sa paglakad at inukupa ang bakanteng upuan sa tabi ng abugado, nag de-kwatro agad saka isinandal ang likod sa kinauupuang bean bag chair sofa at kasinlamig ng yelong sumulyap sa mga naruon pero ni hindi tinapunan ng tingin ang mga magulang.
Hindi niya ipinahalatang napahiya sa ginawa ng anak, pakaswal lang na bumalik sa kinauupuan kanina, hindi inalis ang ngiti sa mga labi.
"Everybody's here, attorney. Shall we start with the agenda?" pukaw ni Keven sa tahimik na abugado.
"I agree. Kanina pa kasi tayo rito. May emergency meeting pa akong pupuntahan after this," susog ni Orlando, ang panganay sa mga anak ng namayapang Senyor.
Nag-angat ng mukha ng abugado at sinuri sila isa-isa.
"Two important members are not yet here. 'Di tayo pwedeng magsimula hangga't wala sila rito," malamig din ang boses na sagot ng abugado, kasinlamig ng tingin ni Vendrick sa mga naroon.
"Two members?" takang sabad ni Renan, ang bunso sa magkakapatid.
Panatag na tumango ang abugado.
"Miss Marble and Miss Lorie. Hindi ko pa sila nakita rito," sagot nito.
Tumaas bigla ang isang kilay ni Karl na noo'y nakaupo sa tabi ng ama, katabi din nito ang kapatid na babae.
Habang ang kanyang anak na si Vendrick, walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha. Tahimik lang ito. Habang matagal niya itong pinagmamasdan, may tila kutsilyong tumutusok sa kanyang dibdib. Sa loob ng limang taon, nung libing lang ito umuwi at ngayon niya lang kinausap, subalit kay ilap nito na tila ba ang laki ng hinanakit sa kanila.
Napayuko siya. Kung kelan nagsilakihan ang kanyang nga anak, saka naman siya walang makausap sa mga ito. Tila lahat lumayo sa kanya lalo na ang kanyang bunso. Nakagat niya ang ibabang labi upang wag pumatak ang luha sa mga mata at ilang beses na nagpakurap-kurap bago nag-angat ng mukha.
"Attorney, for your information, matagal na silang wala rito at di namin alam kung nasaan na sila ngayon. Baka naman pwedeng simulan mo na ang pagbabasa ng Last Will and Testament ni Papa. Tapos saka namin sila hahanapin pag nalaman na ng lahat kung anong ipinamana ni Papa sa kanila." suhestyon niya sa abugadong ilang segundo ding hindi kumibo.
Buti na lang sumang-ayon din ito sa kanya at binuksan ang may silyo pang envelope, kinuha duon ang last Will and Testament ng matanda.
"Here it is." anito saka tumayo at humarap sa lahat.
Halos mapugto ang hininga ng mga naruon sa pag-aantay kung anong nakasulat sa Last will and testament ng Senyor, maliban sa kanyang anak na tila wala duon ang isip o sadyang wala itong pakialam kung anong laman ng malapad na papel na yun.
"Ako si Leonardo Sy Ortega..." pagsisimula ng abugado. Wala halos kumurap sa lahat habang binabasa ang unang mga pangungusap sa testamento.
"...Ang 90% ng aking mga ari-arian ay ipinamamana ko kay Marble Dimatalo Sanchez at ang 10% ay ipinamamana ko kay Lorie Ann Damian at sa aking apo sa tuhod na anak nila ni Karl Ortega. Ang bahay kung saan ako nakatira ay ipamamana ko sa aking manugang na babae na si Cielo Suarez."
"What!? Are you kidding me!?" magkasabay pang napasigaw sina Keven at ang kuya nito sa pagkagulat at nanlilisik ang mga matang bumaling sa abugado.
Nagprotesta lahat ng mga anak ng matanda. Nagtatanungan sa isa't isa kung sino ang mga estrangherong pangalan sa testamento.
"I'm not done yet!" matigas ang boses na sagot ng abugado.
Kinakabahan na niyang hinawakan sa kamay ang asawa.
"Hindi pa tapos magbasa ng testament ang attorney. Patapusin mo muna." saway niya dito.
Ganun din ang ginawa ng asawa ni Orlando sa lalaki. Nagsitahimik naman ang lahat.
"Ang mga pamana ko kay Marble ay maibabalik lamang kay Vendrick na aking apo kung pakakasalan niya si Marble Dimatalo Sanchez. Kung hindi, mananatili sa pangalan ni Marble ang halos lahat ng aking mga ari-arian. Kung sakaling namatay ang aking apo kay Lorie Ann Damian, mamanahin ni Lorie nang solo ang 10% sa mga ari-arian ko. Subalit kung si Lorie Ann ang namatay, mapupunta sa aking apo ang 10% kong pamana sa kanila ng kanyang ina. Ang lahat ng mga ari-arian ko ay nahati-hati na at matagal nang nakapangalan kay Marble Dimatalo Sanchez. Kung sa loob ng isang taon pagkatapos ng aking kamatayan ay hindi mapakasalan ni Vendrick si Marble, wala nang may karapatang maghabol pa sa mga ari-ariang ipinamana ko kay Marble at kay Lorie maging sa aking apo sa tuhod." pagpapatuloy ng abugado.
Nang matapos nang basahin ang testamento ay iniladlad nito ang dokumento sa harapan ng lahat para ipakita ang finger print ng matanda duon pati na ang silyo patunay na original ang testamento.
"Dammit! This can't be happening!" hiyaw ni Orlando.
"Kuya, wala man lang bang ipinamana sakin si Papa? Sino ba ang Marble na yun?" mangiyak-ngiyak nang usisa ni Renan maging ang kaisa-isang anak na babae ng matanda ay naghihimutok din dahil hindi ito napamanahan ng ama.
Nasuntok ni Keven ang kinuupuan sa galit.
"Punyeta!" sigaw nito sabay tayo at nagmamadaling lumabas ng silid na yun.
Si Cielo nama'y nilapitan agad ang bunso at kinausap.
"Look for Marble, Vendrick. Alam mong hindi papayag ang Papa mo sa ganun. Look for her and marry her." payo niya sa anak.
Tila balewala dito ang narinig mula sa abugado at pakaswal lang itong tumayo saka lumabas ng kwarto.
Hinabol niya ito hanggang sa labas ng kwarto nito.
"Anak makinig ka sakin. Lahat tayo pupulutin sa kangkungan kung wala tayong mamanahin kay Papa. Di mo ba alam na nalugi ang tatlo sa negosyo ng ama mo? Ang ari-arian lang ni Papa ang pwedeng sumalba satin ngayon." patuloy niyang paliwanag dito.
Sa wakas ay sumulyap ito sa kanya pero bigla ring iniiwas ang tingin.
"Vendrick please." pakiusap niya.
Salubong na ang kilay nang muli itong humarap sa kanya.
"One thing is for sure, Mama. I'll never marry that bitch!" matigas nitong sagot sabay bukas sa pinto ng kwarto nito at pabalibag na isinara iyon.
Nagulat pa siya sa ginawa nito, biglang naihimas ang kamay sa dibdib.
Ang laki na ng ipinagbago ni Vendrick. Sobrang laki, ni di niya alam kung bakit ito nagkaganun, kung bakit parang ang laki ng galit nito kay Marble. Ano bang nangyari? Di rin niya alam kung bakit bigla na lang naglayas ang babaeng yun noon.
At ang kanyang byenan. Pano nitong nakilala sina Marble at Lorie gayung matagal na itong may Alzheimer's disease noong nabubuhay pa? Pano din nitong nalamang may anak sina Lorie at Karl?
Anong ggawin niya? Lulubog ang kanyang asawa pag di nila nabawi ang kayamanan mula kay Marble. Bakit kasi dun ipinamana ng kanyang byenan ang lahat ng kayamanan nito? Saang lupalop ng mundo nila hahanapin si Marble eh limang taon na ang nakalilipas pagkatapos nitong maglayas sa kanila?
At si Lorie, matagal na nila itong hinahanap ngunit di nila ito makita, kahit saang ospital walang nakarecord dun na pangalan ng babaeng yun pati ang batang ipinagbubuntis nito.
Mababaliw na siya sa dami ng problemang kinakaharap.