"Hey what's wrong, Babe?" salubong ni Gab sa may hagdanan nang makita siyang tumatakbo mula sa kung saan at patakbo ring bumaba ng hagdanan subalit 'di siya sumagot, nagpatuloy lang sa pagbaba hanggang marating ang kinaruruunan ng mga amo.
Tila siya lumulutang sa alapaap habang naglalakad at napaupo sa tabi ng matandang humilig agad sa kanyang balikat. Halatang inaantok na.
Nagulat pa siya sa ginawa nito't muntik na niyang maitulak, buti na lang natauhan siya nang makita ang mukha nito.
"Marble, iakyat mo na si papa sa taas," pukaw ng madam sa tuliro niyang isip.
"Ha?" napasigaw siya.
"What's wrong?" takang usisa ng amo.
"Ah-wala! Wala po!" tuliro pa rin niyang sagot saka biglang tumayo at inalalayan ang matanda hanggang sa makarating na sila sa elevator hanggang makapasok sa kwarto nito.
Inihiga niya ang alaga sa kama at pinatulog muna bago siya napaupo siya sa gilid niyon. Anong nangyari kanina? Bakit nangyari yun? Bakit 'yon ginawa ni Vendrick? Bakit siya pumayag na 'yon ang gawin nito sa kanya? Bakit? Bakit???
Muling bumalik sa kanyang isip ang nangyari. 'Yung pagdampi ng mga labi nito sa kanyang bibig, 'yung tila panunudyo nito sa kanyang bibig na bumuka, 'yung paghagod ng kamay nito sa kanyang beywang. Parang nakakalula, nakakapanindig ng balahibo, 'yung feeling na nasa ibang dimensyon siya ng mundo.
Ano ba 'yon? Bakit ganto ang nararamdaman niya?
Inihilig niya ang ulo at niyakap ang sarili.
May kumatok sa pinto saka iyon bumukas.
Napatayo siya agad pagkakita sa kanyang Madam.
"Nasaan si Lorie?" ramdam niya agad ang galit sa mukha nito.
"Po? H-hindi ko po alam," maagap niyang sagot.
Inilang hakbang lang ng amo ang kabinet at agad iyong binuksan.
"Shit!" napamura ito.
Nakaramdam siya bigla ng takot lalo na nang makitang nanlilisik ang mga mata ng Madam. Ngayon niya lang ito nakitang galit. Nakakatakot pala pag ito na ang nagalit.
"Bakit nagsinungaling ka sa'kin kanina?" nanunumbat na baling sa kanya.
Napayuko siya agad, biglang napahikbi.
"Ano pa ang inililihim mo sakin, Marble?" matigas nitong tanong.
Nanatili siyang nakayuko, nangangatog ang mga tuhod.
"Say it!" sigaw na nito.
"Patawad po, p-pero di ko po talaga alam kung nasaan si Ate Lorie. Iniwan ko po siya kanina kasama 'yong-'yong lalaking kasingtangkad ni Senyorito Vendrick," nanginginig ang boses niyang sagot habang nakayuko.
"Bullshit! You dare lied to me?!" lalo lang napalakas ang sigaw nito sa gigil sa kanya.
Tuluyan na siyang napaiyak sa takot.
"Patawarin niyo po ako. Patawad po!" paulit-ulit niyang sambit.
"Ma? What's wrong?" dumungaw sa nakabukas na pinto si Vendrick at nang makitang umiiyak siya'y pumasok na ito sa loob ng kwarto.
Napapihit paharap dito ang ina habang siya'y nanatiling nakayuko at humihikbi.
"Hindi ko makita si Karl! Wala na rin sa kabinet ang mga damit ni Lorie. Malamang nagtanan ang dalawang 'yon!" sagot ng inang nagtataas-baba ang dibdib sa galit habang nakapameywang at matalim siyang sinulyapan.
"This damn gilr lied to me. Magkasama pala 'yong dalawa kanina pa, hindi niya sinabi sakin!" Tila ibinuhos nito sa kanya ang galit, halata sa boses at namumula nitong pisngi.
Hinawakan ng binata ang magkabilang balikat ng ina.
"Ma, calm down please. Malalaki na sila. Alam na nila ang ginagawa nila."
"They're not ought to be together! Did you get me?" galit na ring baling sa anak saka pumiglas sa pagkakahawak nito.
"And you! I'm warning you, Vendrick! Sa oras na sumuway ka sa gusto namin ng papa mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa babae mo!" pagbabanta nito sa anak sabay talikod at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Hey, are you okay?" baling ni Vendrick sa kanya.
Sa halip na sumagot ay tila nanlalanta siyang bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Ano nang gagawin niya ngayon? Totoo bang nagtanan ang dalawang 'yon? Pa'no na? Buntis pa naman ang kanyang Ate Lorie.
"Hey, are you okay? Did she hurt you?" nag-aalalang usisa uli saka siya hinawakan sa balikat ngunit pumiglas siya.
"Ayos lang ako," tipid niyang sagot.
"Marble--"
"Umalis ka na," mahina ngunit maawtoridad niyang sambit.
Napabuntunghininga ang binata, di na nangulit at umalis na rin ng kwarto.
Doon na siya napahagulhol ng iyak. Anong nangyari? Kanina lang ay ang saya-saya niya. Ngayon, humahagulhol na siya. Sa'n nagpunta ang kanyang kababayan? Bakit ito nakipagtanan sa isang lalaking walang paninindigan?
Hindi! Hahanapin niya ang kanyang Ate Lorie. Hindi siya pwedeng maging kampante. Baka hindi pa nakakalayo ang mga ito. Baka nasa paligid lang ang dalawa at nagtatago.
Pinahid niya ang luha sa mga mata, inayos ang sarili saka lumabas ng kwarto ngunit sa labas pa lang ay may bigla nang humablot sa kanyang braso at ibinalik siya sa loob ng kwarto saka isinara ang pinto.
"Vendrick?" bulalas niya. Ang akala niya'y umalis na ito do'n.
"Where are you going? Do you think it would help if you also leave this house?"
"I'm not leaving. I'll just find them." Awtomatiko ang kanyang naging sagot.
"Then what? Pa'no kung ikaw naman ang mapahamak sa labas? Do you think lahat ng tao sa buong manila eh mababait, hindi ka magagawang saktan?" sermon sa kanya.
"Wala akong pakialam. Hahanapin ko si ate Lorie!" giit niya't binawi ang braso mula sa pagkakahawak nito at akmang lalabas na naman ng kwarto nang bigla na siya nitong yakapin sa likuran.
"Don't hurt me like this, Marble," bulong sa kanya.
Tuluyan na siyang napahagulhol sabay harap dito at gumanti na rin ng yakap.
"Ang ate ko, Binbin! Baka saktan siya ng mga magulang mo 'pag nakita siya. Buntis ang ate ko Binbin. Buntis siya!" hagulhol niya, ang higpit ng yakap sa binata.
"Ssh... sshh... relax, honey. Everything's gonna be alright. Kasama niya si kuya. Walang mangyayaring masama kay Lorie."
Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak, ibinuhos lahat ng takot at pag-aalala para sa kababayan.
"Vendrick?"
Para silang walang narinig kahit na nang lumapit si Gab at nag-attempt na itulak ang binata mula sa kanya ngunit hindi nakalapit man lang huli nang iharang ni Vendrick ang isang braso dito.
"Binbin, hanapin natin si Ate. Hanapin natin siya. Buntis ang ate ko. Binbin!" patuloy niya sa pagmamakaawa sa kayakap.
"Sshhh... Alright, hahanapin natin siya bukas, okay? But for now. You have to relax ang sleep tight. Babalik ako bukas nang umaga para hanapin natin si Lorie," pagbibigay nito ng assurance.
Saka lang niya inilayo ang katawan sa lalaki at mariin itong tinitigan.
"Talaga? Hahanapin natin siya bukas?" parang bata niyang paniniyak.
Agad itong tumango.
"Yup. Kaya tahan na. Lalo kang pumapangit 'pag ganyan ang itsura mo," sa kabila ng pagdadrama, nagawa pa rin niyang ngumiti sa sinabi nito sabay hampas sa braso ng binata subalit nagulat din nang mahagip ng paningin si Gab na tiim-bagang na nakatitig sa kanila, naghihintay ng kasagutan sa nakikita nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang magkaibigan.
Pa'nong nakapasok si Gab? Kanina pa ba ito? Bakit 'di niya ito napansing pumasok?
"What's between you two?" pigil ang selos na usisa nito sa kanilang dalawa.
Doon lang siya tila natauhan at bahagyang itinulak si Vendrick.
"Sensya na po Sir Gab pero 'di ko po kasi alam ang gagawin ko. Naglayas po kasi si Ate Lorie at si-si Senyorito Vendrick lang po ang pwedeng makatulong sakin ngayon," nakayuko niyang paliwanag.
"You're lying! Why are you calling him Binbin if you're not his lover?" panghuhusga nito na paasik na boses.
"Ha?" lito siyang napabaling kay Vendrick, saka lang naalalang gano'n siya kung maglambing sa binata. Narinig pala 'yon ni Gab?
"Magpahinga ka na," nagsalubong na rin ang kilay ni Vendrick sabay utos sa kanya at talikod .
"Let's talk outside," saad nito sa kaibigang di maipinta ang mukha sa selos o galit, alin sa dalawa.
Naguguluhan siyang napaupo na uli sa gilid ng kama. Ano na naman ang nangyari? Bakit lalong lumala ang sitwasyon? Kanina sina Lorie at ang lalaking 'yon, tapos si Vendrick, tapos 'yong madam, at ngayon, si Sir Gab naman.