webnovel

DID YOU MISS ME, HONEY?

It was a red ball gown, v-neck at open sa likuran na sinadya pang palagyan ng train na binurdahan ng white flower lace.

Kahit si Lorie ay napa--'wow' nang makita siya.

"Ang ganda naman ng damit mo, Marble. Bungga talaga pumili si Senyorito Gab. Halatang mamahalin!" bulalas ng kababayan.

Alanganin siyang ngumiti saka nagmadaling hinubad ang gown subalit 'di niya naibaba nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang among babae.

Agad siyang pumihit paharap sa alaga nang malamang naro'n ang madam.

"Nabihisan niyo na ba si Papa?" usisa agad nito.

"Patapos na po, Madam," maagap na sagot ni Lorie.

Ang binibihisang matanda nama'y hindi matanggal ang mga mata sa pinapanood sa TV. 'Di tuloy maayos ni Lorie ang damit nito at pagsusuklay ng buhok.

"O siya, ako na ang tatapos niyan at narito na ang mga kapatid ni Keven. Akina si Papa. Sumunod na lang kayo sakin sa Visitor's room pagkatapos niyo magbihis at mag-ayos. Lorie yung binigay kong make-up kit, gamitin niyo na. Ayukong magmukha kayong lusyang sa harap ng mga bisita ha at kayo na ang nagsisilbing nurse ni Papa," bilin ng Madam bago lumabas ng kwarto kasama ang tahimik na matanda na mula nang malamang kaarawan nito'y nakapagtatakang 'di na gaanong nagsasalita.

Naiwan sila ni Lorie na naghahagikhikan. Pero siya'y itinuloy ang paghuhubad ng suot na gown. Sa tingin niya matatapilok lang siya sa haba ng damit.

"Ate, ikaw na muna ang aayusan ko, ako naman ang ayusan mo pagkatapos," aniya sa dalaga.

Sa loob ng isang buwan, tinuruan siya nito pano maglagay ng make-up sa mukha at madali naman siyang natuto kahit 'di siya naglalagay niyon. Wala kasi silang salamin sa loob ng kwarto kaya kailangang gawin nilang salamin ang isa't isa. Mahilig kasi ang kanyang ate Lorie maglagay ng make-up kahit nasa bahay lang kaya siya na ang nagsilbing make-up artist nito.

Pagkatapos ng sampung minuto'y nakabihis na ito't naayusan na rin niya ang mukha.

Eksakto namang naghahanap na siya ng ibang maisusuot sa kabinet nang kumatok si Eva dala ang isang malaking kahon.

Pinagbuksan ito ni Lorie.

"Wow, Lorie. Ang ganda mo naman. Lalo kang gumanda sa suot mong dress ngayon," bulalas ni Eva pagkakita lang sa damit ni Lorie na satin, kulay Carnation at simpleng party dress lang, hanggang binti ang haba niyon ngunit hapit sa katawan nito, kahit medyo tumaba na ito'y maganda pa rin ang hugis ng katawan, hindi halatang buntis.

Nagyakapan ang dalawa at naghagikhikan.

"Ano 'yang dala mo?" usisa ni Lorie.

"Ewan ko, ang sabi sa'kin, ibigay ko raw kay Marble, ito raw ang isuot niya," anang kausap.

Excited na binuksan ni Lorie ang kahon at iniladlad sa harap ang laman niyon.

Simpleng dress lang din 'yon. Halter neck short dress na kulay mint green.

"Oy, ang ganda naman ng kulay. Bagay yata sa'yo 'to Marble kasi medyo maputi ka naman na," ani Lorie sa kanya.

Natigil siya sa pagkalkal ng mga damit sa kabinet at lumapit sa kababayan saka kinuha ang damit mula dito.

"Sino ang nagbigay?" usisa niya sabay ngiti habang pinagmamasdan ang kulay ng damit. Kaya lang napangiwi siya, sleeveless kasi yun tsaka maiksi lang na tila baloon ang style pababa hanggang sa taas ng kanyang tuhod. At ang likod ay bahagya lang natatakpan sa parteng nilagyan ng zipper, small part of the back has left uncovered hanggang ata sa taas ng kanyang beywang. Nakakahiya naman 'yon, mahahantad ang kanyang likod tapos sleeveless pa, ang pangit naman pumili ng bumili niyon kahit maganda ang kulay.

"Halika, Marble. Aayusan muna kita bago mo isuot ang damit na 'yan," hinila na siya ng babae paupo sa gilid ng kama saka inayusan ang kanyang mukha at buhok, ibinigay sa isusuot niyang damit.

Si Eva'y 'di na tinapos ang pagmamasid sa kanila, lumabas na agad ito ng kwarto.

Simple lang ang kanyang ayos. Ang sabi ni Lorie, halos wala na daw ang mga tigyawat niya sa mukha kaya manipis lang ang inilagay nitong make-up sa kanya. Nilagyan lang ng mascara ang mahahaba na niyang pilikmata at ginamitan ng eyelash curler. 'Tsaka pink na lipstick ang inilagay nito sa katatamtaman lang na kapal ng kanyang mga labi. Ang buhok naman niya'y basta na lang nitong ipinulupot paitaas saka tinalian.

"Ayan, okay na. Isuot mo na 'yong damit mo," utos ni Lorie sa kanya.

Tinanggal niya ang isinuot kaninang bathrobe saka dinampot ang damit na ipinasusuot daw sa kanya at tumalikod sa dalaga.

"Ayan okay --" ani Lorie.

Okay na nga 'yon, kaso 'di niya maabot ang zipper niyon sa likod.

"Ate, pakisara nga ng zipper?" pakiusap niya habang nakatalikod dito.

Maya-maya'y may lumapit, isinara ang zipper.

Kinapa niya ang likurang 'di natakpan ng damit.

"'Di ba nakakahiya, Ate? Lantad ang likod ko? Tapos sleeveless pa 'to? Ang pangit naman ng taste ng pumili sa damit ko," kumento niya saka pinasadahan ng tingin ang harap niyong hanggang taas lang talaga ng tuhod ang haba, para tuloy siyang lalong pumayat sa suot.

"Ate, bagay ba sa'kin?" tanong niya uli nang mapansing 'di ito sumasagot ngunit sa halip na sumagot ay dinantayan nito ng daliri ang nalantad niyang likuran.

Huh? Bakit parang lumaki ang maliliit na daliri ng kanyang kababayan? Biglang nangunot ang kanyang noo ngunit 'di niya masyadong pinansin saka inabot ng paa ang nakaready niyang sandals sa isang tabi na isang pulgada ang takong. Kulay cream iyon na bumagay din sa kanyang damit, binili ng kanyang madam para sa kanya.

Napahagikhik siya habang nakatalikod pa rin sa kababayan.

"Ate, parang nakakahiya talaga. Ngayon lang kaya ako nagsuot ng gantong dress. Mamaya pagtawanan nila ako pag natapilok ako," sambit niya sabay na uli hagikhik nang maramdaman ang tila dalawang mga palad na lumapat sa magkabila niyang balikat.

"Who would dare laugh at you this time, honey?" anas ng malamyos na tinig sa may batok niya.

Biglang nanindig ang kanyang mga balahibo, natigagal na 'di mawari kung ano'ng kuryenteng bumalot sa buo niyang katawan, habang 'di maiwasang bumuka ang kanyang mga bibig sa pagkagulat subalit wala namang salitang lumabas mula roon.

Ilang segundo siyang tila naging tuod sa kinatatayuan subalit 'di niya kayang tiising 'di makita ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Nanlalaki ang mga matang bigla siyang napapihit paharap sa nagsalita na kung 'di seguro siya nito nakabig sa kanyang beywang ay malamang na natapilok na siya nang 'di makontrol ang pagkakapihit niya paharap dito.

Awtomatiko niyang naikapit ang isang kamay sa necktie nito na 'di niya sure kung pano niyang nahagip at ang isang kamay ay naikapit sa leeg nito na kung 'di nito naitukod ang braso sa ibabaw ng kama, ewan na lang kung 'di maglapat ang kanilang mga katawan, partikular na ang kanilang mga labing dalawang pulgada na lang ata ang layo sa isa't isa.

"V--Vendrick?" Hindi halos lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon.

"Did you miss me, honey?"

Hindi niya maitatagong sa bawat pagbigkas ng salitang 'honey' ay naninindig ang kanyang mga balahibo na tila tumutugon sa tawag nito at ang kanyang dibdib ay tila nagririgudon sa tuwa.

Totoo ba ang kanyang nakikita? Talagang nakakapit siya kay Vendrick?

He was staring at her as if mesmerized by the stunning beauty in front of his eyes and there she was, staring back na tila 'di pa rin makapaniwalang ito nga ang nakakapit sa kanyang beywang at halos madikit ang mukha sa kanya.

Napalunok ito upon glancing at her parted lips.

"If you keep on staring at me, I can't promise that lips of yours would be safe from mine," tila nanunudyo nitong anas sa kanyang tenga na sinabayan ng ngisi.

Duon lang siya parang natauhan at agad itong itinulak.

下一章