"Ate Lorie, pwede ba'ng pakibantay muna sa anak ko? Kailangan ko kasing maglinis sa kwarto ng giatay na 'yon eh," pakiusap ni Marble sa kababayan pagkalabas lang ni Vendrick sa kwarto.
"Kelan ka pa naging gano'n ka-close kay Senyorito Vendrick?" usisa ng dalaga habang nilalantakan ang lansones na pasalubong ng binata, gano'n din ang ginawa ng matanda.
Tumawa siya nang malakas.
"Kelan ko naging close ang gunggung na 'yon?" balik-tanong niya sa pagitan ng pagtawa.
"'Di nga? Ikaw lang kasi ang gumagawa niyon sa kanya. Nakita mo ba kaming nakikipag-usap man lang do'n?" saad nito.
Natigil siya sa pagtawa at curious na lumuhod paharap dito't inilapit ang mukha sa kababayan.
"Weh! 'Di nga? Ako lang ang gumagawa niyon sa giatay na 'yon?" nakataas ang isang kilay na wika niya, halatang ayaw maniwala sa narinig.
Tumango ang tinanong. "Suplado siya sa'min, 'di nakikipag-usap 'tsaka bawal naman talaga tayong makipag-usap sa kanila," paliwanag nito.
Naihilig niya ang ulo. Siya lang ang nakakagawa niyon kay Vendrick? Siya lang ba talaga? Ows? Kaya pala lagi siyang binu-bully nito kasi siya lang ang may lakas na makipagsagutan dito.
"'Di ba talaga kayo close?" usisa din ng dalaga.
Mabilis at ilang beses siyang umiling, mariing itinanggi ang paratang nito. Promise, 'di sila close!
"O siya sige, ako na muna ang magbabantay kay senyor," wika ni Lorie pagkuwan.
Nang magbago ang isip niya.
"Anak, do'n ka na pala kumain sa kwarto ng pulis," yaya niya sa alaga.
"'Yong lalaking pulis po? Sige po," excited din nitong sagot.
Napahalakhak siya nang malakas. Lintik lang ang walang ganti. Makakaisa na naman siya nito.
***************
"O ba't andami mong kasama?" puna ni Vendrick nang makita si Lorie na may hawak na supot ng pasalubong nito.
Si Marble nama'y tila walang narinig na ipinasok sa loob ng kwarto ang matandang uugod-ugod nang maglakad, ayaw namang gumamit ng baston, sumunod lang sa likuran si Lorie.
Pagkatapos niyang iupo ang matanda sa sofa at tabihan ito ni Lorie ay nagsimula na siyang maglinis ng kwarto. Nakita niyang tila inaantok pa rin ang binatang tumihaya sa kama nito at pumikit. Sandali niya itong pinagmasdan. Naging moreno ito tingnan sa balat ngayon, halatang nabilad sa init ng araw. Pero in fairness parang lalo itong gumwapo ngayon sa naging kulay ng balat, parang biglang nag-mature ang mukha. 'Tsaka, lalong naging ma-muscle ang mga braso nito. Hmmm, bakit para yatang nakatitig ang mga mata nito sa kan'ya?
"Nagagwapuhan ka sa'kin, noh?"
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na dustpan sa pagkagulat nang malamang nakatingin nga din ito sa kanya. Bakit ba napatitig siya sa pagmumukha nito?
"Matutunaw ka ba 'pag tinitigan ka?" pasinghal niyang sagot, pilit ikinubli ang pamumula ng pisngi saka nakasimangot na lumayo.
Malutong ang halakhak na pinakawalan ng binata, lalo siyang nanggigil sa inis.
Napapailing na lang si Lorie habang nakatingin sa kanila.
Tumunog ang phone nito, maya-maya'y lumabas ng kwarto. Pagbalik ay nakasimangot na at tila nagdadabog na muling bumalik sa pagkakahiga.
Huh? Ano'ng nangyari do'n? Parang biglang nawala sa mood.
Isang oras marahil ang inilagi nila sa loob ng kwarto bago niya ito ginising upang magkwentahan na sila ng bayad.
"How much?" tila tinatamad nitong tanong, 'di man lang nag-angat ng mukhang nanatiling nakasubsob sa unan.
"Ahhmmm, 10,650," sagot niya.
"Hmmm, okay," anito.
Huh? 'Yon lang? 'Di nagreklamo? Ang dami pa naman niyang inihandang sagot dito 'pag nagreklamo kung bakit naging 10,650 ang bayad sa paglilinis niya ngayon. Tapos gano'n lang ang sasabihin? Sayang, ginawa sana niyang 12k 'yon.
Pero 'di bale, malaki na rin ang 10,650. Bawal ang mandaya. Bad 'yon.
Inaya na niyang umalis sina Lorie at bumalik sa kwarto ng matanda nang humabol si Vendrick.
"Bibigyan kita ng bunos ngayon. Gagawin ko na lang 10,650 ang bayad mo sa labor ko nang gawin akong tagahalo ng semento ng nanay mo.," anito.
Bigla siyang napapihit paharap dito.
"Ano?! Anong 10,650 ang labor mo?" gulat niyang bulalas.
Do'n na ito napilitang bumangon.
"'Di mo ba binasa ang listahan ng utang mo? 12k ang labor mo sa'kin ah."
Tila umuusok ang ilong na kinuha niya sa bulsa ang listahan ng utang niya.
Ang animal! 12k nga ang inilagay na bayad sa labor nito sa loob lang ng isang Linggo. Giatay! Siya pala ang naisahan ng hinayupak na 'to!
Hindi maipinta ang kanyang mukha nang makalabas ng kwarto. Akala pa naman niya, siya ang nakaisa! Siya pala ang naisahan!
************
Pagkalabas lang ng tatlo sa kwarto ng binata'y pagalit niyang ibinalibag ang gamit na unan.
"Fuck!" pagmumura niya nang biglang maalala ang nangyari kanina.
"What's this all about?" maang niyang tanong nang mapansin ang amang isinusukat ang kumikintab pang tuxedo at ang inang ilang beses na nagpapaikot-ikot sa whole body mirror sa kwartong 'yon upang tignan kung ga'no ito kaganda sa suot.
Tumawa ang ama pagkakita lang sa kanya.
"We're just excited for your engagement party tonight" anito.
"Engagement?!" umalingawngaw ang kanyang boses sa loob ng master'r bedroom, totoong nagulat sa narinig, salubong ang mga kilay na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Nagtataka namang napabaling ang ama sa asawa.
"Cielo, hindi mo pa ba nasabi sa kanya?"
Bahagyang namutla ang mukha ng tinanong saka isinenyas ang kamay paturo sa kanya pero ang mga mata'y nakatingin sa asawa.
"I swear, ngayon ko lang siya nakita. Nang tumawag ako, I thought wala pa siya rito," pagtatanggol nito sa sarili.
"Oh well, it's perfect that you're already here for your engagement party with Chelsea. Hindi ka naman na seguro magtataka kung bakit masyadong maaga ang engagement niyo knowing the fact that you both love each other at papunta na kayong Canada a day after tomorrow," pakaswal na paliwanag ng ama, tila ba hindi isang mahalagang bagay ang pinag-uusapan nila.
Nagtagis agad ang bagang niya sa narinig.
"Pa! Haven't I told you I won't marry her? I don't love her," pasigaw niyang sagot sa amang nanlisik agad ang mga mata't bigla siyang dinuro.
"Well, I don't care if you don't love her! It's not up to you to decide if you'll marry her or not, but mine!" pasigaw na ring sagot nito na lalo lang niyang ikinagalit.
"Fuck! Then marry her yourself!"
Sa galit ng ama'y mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya't sinunggaban siya ng suntok, mabuti na lang nakailag siya agad, hindi nahagip ang kanyang mukha, isa pa'y maagap si Cielo't naawat agad ang asawa.
"Stop it, both of you!" sigaw na rin nito.
"Keven, everything's all done now. Kahit ano pa'ng gawin ng anak mo, wala na siyang magagawa para umatras kaya hayaan mo na lang kung magalit siya," pagpapaunawa nito sa kabiyak.
"Kasalanan mo 'to. Pinalaki mo nang ganyan ang tarantadong yan! Walang galang sa mga magulang!" sa ginang nito ibinunton ang galit at di maipinta ang mukhang nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng huli.
Naikuyom niya ang mga kamao at tiim-bagang na sinulyapan nang matalim ang ama. Bakit ba nito ipinagpipilitang pakasalan niya si Chelsea eh 'di nga niya mahal ang dalaga? Tapos na siya sa stage na crush niya ito. Pinagdaanan na niya 'yon. Kinabukasan na niya ang gustong pakialaman ng mga magulang, 'di siya papayag do'n. Siya ang pipili ng mapapangasawa niya, tanging siya lang!
Tumalikod na nakapameywang ang ginoo sa kanilang mag-ina, nagtataas-baba ang balikat sa galit.
Siya nama'y padabog na lalabas na sana ng pinto nang biglang magsalita ang ina.
"By the way, Keven. Nagpaalam sa'kin ang tomboy na ipapasyal daw sa labas si papa. Pasasamahan ko na lang sa guard mamaya," pag-iiba nito ng usapan.
Hindi nagsalita ang asawa.
Siya nama'y tiim-bagang pa ring tuluyan nang lumabas ng kwarto.