"I dont' wanna beat around the bush this time, Keven, Cielo," simula ni Vick, ang ama ni Chelsea ilang minuto lang pagkapasok ng mga ito sa visitors' room na nagsisilbi ring private lounge ng pamilya, at pagkaupo ng tatlo sa couch paharap sa malambot na sofang kinauupuan nina Cielo at Keven. Pumagitna ito sa asawa't anak na parehas nakakapit sa magkabila nitong braso.
Mababanaag ang tuwa, mas tamang sabihing excitement sa mukha ng lahat maliban kay Cielo na hindi alam kung ano'ng nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Kung noon sanang alam niyang gusto pa ni Vendrick si Chelsea, makikisali siya sa magandang aura ng mga kasama sa eleganteng silid na 'yon na mismong ang byenang lalaki ang nagdesenyo.
"Of course, I know what you mean. Natutuwa rin akong malamang nagkakagustuhan na ang ating mga anak. This calls for a big celebration!" masayang sagot ni Keven saka hinawakan ang kanyang malamig na palad dahil sa lakas ng aircon duon.
Nagkatinginan naman ang mag-ina, sabay na ngumiti at bumaling sa kanilang dalawa.
"So, shall we talk about the engagement?" excited talagang sabad ni Eunice.
Napatikhim siya pagkuwa'y malapad din ang ngiting pinakawalan nang sumulyap ang lahat sa kanya.
"That's what I'm excited to talk about," ani Keven.
"How about you Cielo?" baling sa kanya ni Eunice.
"Of course, I'm excited too!" maagap niyang sagot, pagkuwa'y sumulyap sa asawa. "But, I think we have to consider Vendrick's presence. Mas maganda seguro kung andito siya."
"I'll call him, Tita," sabad ni Chelsea at agad kumawala sa pagkakapulupot sa braso ng ama saka kinuha ang phone sa nakasukbit sa balikat nitong branded na sling bag.
Ilang minuto marahil silang naghintay sa sasabihin ng dalaga bago niya napansing bigla itong sumimangot.
"What's wrong?" usisa ng ina nito.
"He isn't answering the phone," anang dalaga.
Agad siyang tumayo.
"I'll call him myself," nakangiti niyang saad at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng silid saka pinuntahan ang anak sa kwarto nito ngunit wala ito duon, napansin niya lang na panay ring ang phone nito sa ibabaw ng bedside table. Kaya pala walang sumasagot sa tawag ni Chelsea, naiwan pala 'yon do'n.
"He isn't here. He also left his phone," pagbabalita niya sa tatlo pagkabalik lang sa visitors' room.
Natahimik bigla ang lahat at nagtatanong ang mga matang napatitig sa kanya.
She smiled awkwardly, " Naku, kilala niyo naman si Vendrick, talagang lakwatsero 'yon. Minsan pa nga isang buwan siyang hindi umuwi, kasama pala ang barkada niya sa Boracay," paliwanag niya saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng asawang pilit pinapakalma ang sarili nang malamang wala duon ang anak.
"Wait po Tita, tatawagan ko po si Gab baka magkasama sila ni Drick," sabad na uli ni Chelsea at tinawagan din si Gab.
Maya-maya'y may kinakausap na ito.
"Hello Gab. Where are you? Are you with Drick? What!? You two are in Cebu? What are you doing there? Kelan ang uwi niyo? Next week? Why? We need Drick here!"
Pansin niyang napapalakas ang boses ni Chelsea habang kausap si Gab.
Ano'ng ginagawa ng dalawa sa Cebu?
"Tito, Tita, they're in Cebu right now," dismayadong saad ni Chelsea pagkatapos makipag-usap kay Gab.
"What are they doing there?" halos magkasabay na tanong nina Vick at Keven.
"C'mon guys. Parang 'di kayo dumaan sa pagkabinata," natatawang sabad ni Eunice sa naging reaksyon ng dalawang lalaki. "Natural sa mga lalaki ngayon ang magliwaliw kasama ang barkada nila. Knowing Gab and Vendrick, parang magkadugtong ang pusod ng dalawang 'yon, kung saan si Gab, ando'n din si Vendrick and vise-versa," paliwanag nito, halatang nauunawaan ang ugali ng dalawa.
Siniko siya ng asawa.
"Ling, tawagan mo nga si Gab. Kausapin mo," utos sa kanya.
Tulad ng sinabi ni Chelsea, nasa Cebu nga ang dalawa.
"What are you two doing there?" usisa niya sa kausap sa phone.
"Tita, nagpasama lang po ako kay Vendrick pero don't worry, after a week uuwi kami jan. This is very important Tita, please," halata na sa boses ni Gab ang tonong nakikiusap saka pinatay agad ang tawag.
Nang tatawagan na uli niya yun, panay na lang ring ang phone.
"Pa'no ba 'yan? Next week pa raw ang uwi nila from Cebu," an'yang salubong ang dalawang kilay.
"It's just fine Tita. We can still set our engagement day even if he isn't here. Kilala niyo po si Drick. Sumusunod po yun lagi sa gusto ko," malapad ang ngiting sagot ni Chelsea, halatang gustong mai-settle agad ang engagement sa binata.
"Of course, we knew that. Why don't we go on with the topic. Hindi mahalaga ang presence ng batang 'yon," segunda ni Keven.
Napahawak siya sa braso nito sabay titig sa mga mata nito, gusto niyang ipabataid ang mga salitang 'di niya mabigkas.
"I think we should wait for Vendrick to come," tila makahulugan ang tono ng salita ni Eunice.
Nang bumaling siya rito'y nagtama ang kanilang paningin, napayuko siya agad.
"What about the engagement date, Mom?" nagsimula nang magtantrums ni Chelsea. Pinandilatan ito ng ina pagkuwa'y nakangiti nang bumaling sa kanila.
"Pasensya na kayo Keven, Cielo. Sobra lang talaga kaming na-excite sa pangyayari. Alam niyo namang ito ang bagay na pinakahihintay nating lahat," anitong di inaalis ang ngiti sa mga labi saka humawak sa kamay ng asawa, nag-usap ang mga mata ng dalawa.
"How about next neek before they go to Canada," biglang umalingawngaw ang boses ni Keven sa buong silid.
Tulirong napabaling siya sa katabi.
"That's it! Next week!" susog ni Vick at agad nang tumayo bilang pagtatapos ng usapan.
Napahagikhik si Chelsea sa narinig.
Nang mapansin niyang walang balak na bawiin ni Keven ang sinabi ay pilit na lang siyang ngumiti kay Eunice.
"So, it's already settled," alanganing lumabas sa kanyang bibig ngunit 'di na kumibo kahit nang nagpapaalam na ang mga kaibigan sa kanila.
Ilang minuto lang ay dalawa na lang silang naiwan ng asawang nakaupo sa sofa.
Agad siyang tumayo at iiwan na sana ito.
"Are you defending that spoiled brat?" malamig ang boses na tanong nito nang mapansing lalabas na siya ng silid.
Napahinto siya sa paglalakad at salubong ang kilay na muling humarap sa lalaki.
"Is it really appropriate to settle his own engagement as if it would never affect his life? What do you want with your kids? To have a life like yours?" hindi niya napigilan ang sarili't isinambulat ang sama ng loob sa asawa.
Agad namula ang pisngi niya sa nararamdaman.
"And what's my life like, huh?" tila kumulo na rin bigla ang dugo ni Keven, halatang kanina pa rin ito nagpipigil ng galit.
Ilang beses nagtaas-baba ang kanyang dibdib, pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang makipag-away dito ngayon.
"You want Karl to have a dignified wife, fine. You want Chloe to choose a business tycoon, alright. Everything's alright with me! You'll never hear me arguing with you about them! But you, interfering Vendrick's future, I won't allow it to happen!" Pero 'di niya napigilan ang sarili't biglang lumabas sa kanyang bibig ang laman ng isipan.
Natigilan ang lalaki. Sa tagal ng kanilang pagsasama, minsan lang siyang kumontra sa mga desisyon nito, at mabibilang ng daliri ang mga tagpong sinisinghalan niya ito. Kaya marahil nagulat din ito sa naging asal niya ngayon lang.
Sinamantala niya ang pagkakataong 'di ito makapagsalita't nagmamadali na siyang lumabas sa silid na 'yon.