"So, ano na ang balak mo sa proposal sa'yo ni Daniel?" tanong ni Andrea sa kanya. Hinila nito ang isang de-tiklop na upuan sa tabi niya.
Kasalukuyan siyang nagpapahinga mula sa isang take ng scene sa dramang ishinu-shooting nila. Itiniklop niya ang script na binabasa at bahagyang bumaling paharap kay Andrea.
"I decided to...accept it"
"For real?" bahagyang tumaas ang boses nito sabay tingin sa mga taong nasa paligid, natutop ng kaibigan ang bibig bago muling nagsalita, this time ay hininaan ang boses "I mean, I don't have anything against him... I think he is a great guy pero...sigurado ka na ba?"
"Well, wala naman sigurong masama hindi ba? He's a genuinely great guy, binata-"
"Yes, and the last time I checked, ikaw ang hindi dalaga" Andrea whispered "what are you planning to do to get the annulment papers signed? If I remember correctly, it came back to you last year unsigned for the 3rd time!"
"Honestly, hindi ko pa alam" kinuha niya ang bote ng tubig at uminom "Maybe I will have to meet him?"
"Can you? I mean, it's been 5 years"
"Exactly! It's been 5 years! Hindi na dapat maging big deal yun di ba?"
"What about Mico?" bulong nito na mas lalong inilapit ang mukha sa kanya. Andrea's being careful not to let anyone hear about Mico.
Ang totoo ay walang sinoman sa publiko ang nakakaalam tungkol sa kanyang anak. Hindi niya ikinahihiya ang anak ngunit hindi niya ito gustong mainvolve sa publikong buhay niya. Ngunit higit sa lahat, Xander doesn't know about the child, at wala siyang balak na ipaalam ang katotohanang nagbunga ang kanilang pagsasama may limang taon na ang nakararaan.
"walang magbabago. Hindi niya malalaman" she simply answered
"you can't keep the truth forever from him... Just be prepared, sooner or later ay maaari niyang matuklasan" paalala nito sa kanya.
Hindi siya sumagot. Andrea has a point, pero hanggang sa makakaya niyang itago ay itatago niya mula kay Xander ang pinakaiingatang lihim. Para saan pang makilala ito ni Mico? As hurtful as it sounds, but her son was conceived only because of a one sided love - her love. Xander's part was purely lust and she was a fool to think then that he will come to love her one day. Sa nagdaang mga taon nga ay hindi man lang nag-abala ang lalaki para kumustahin man lamang siya.
Hindi nagtagal ay tinawag na silang muli ng direktor upang ituloy ang ilang eksena pang kailangang tapusin ng araw na iyon. Si Andrea ay nagpaalam na mauunang umalis sa kanya dahil may meeting pa raw ito sa isang network para sa isang project proposal.
Nang matapos ang huling eksena para sa araw na iyon ay pagod siyang naghanda upang makauwi. Absent si Becky ngayon, ang kanyang P.A. , kaya siya na lamang muna ang nagtipon ng mga gamit niya. Kung tutuusin ay hindi niya sana gusto na mayroong personal assistant, pakiramdam kasi niya ay mayroon siyang yaya na laging nakasunod sa kanya, kaya nga lamang ay mapilit si Andrea, lahat daw ng mga artista at modelo ay mayroong assistant.
Malapit sa dalang van ay natanaw niya si Mang Arnold, ang kanyang driver. Nagmamadali siyang sinalubong nito upang kunin ang dalawang bag na bitbit niya nang makita siya. Pasakay na sana siya sa van ng maalala ang laptop niya. Shit! Naiwan sa dressing room!
"Mang Arnold, babalikan ko lang po sandali yung laptop sa dressing room" aniya sa lalaki. Pumihit siya upang magtungo sa makeshift dressing room para sa cast. Hindi naman ito kalayuan kaya nga lamang ay mabato at baku-bako ang daan patungo roon. Probinsya ang eksena ng kanilang shooting ngayon kaya't ang location ay isa sa mga bukirin sa gawing Antipolo.
Sa pagmamadali niya sa paglalakad ay nagkamali ng tapak ang paa niya sa isang batong hindi niya napuna, she tried to maintain her balance but it was too late! Her ankle will be twisted for sure and she will definitely fall on the ground!
Mula sa kung saan ay mayroong mga bisig na sumaklolo sa kanya, dahilan upang hindi siya tuluyang mapilayan at matumba. Those hard, muscular arms wound around her waist from behind, para siyang batang balewalang sinalo nito.
The man held her in his arms for a minute bago siya marahang tinulungang muling makatayo ng tuwid. She heard whoever is her saviour chuckle, na para bang natatawa ito sa nangyari sa kanya.
Beatrix turned around, prepared to thank the person and at the same time make him realize who she was, upang mapahiya ito sa pagtatawa sa kanya.
"Thank you for-" her voice trailed off. Namutla ang mukha niya na daig pa ang nakakita ng multo. Shock would be an understatement!
The man's lips arched into a lopsided smile, ang mga mata nito ay walang pakundangang nakatitig sa kanya. His height towering over her.
"Long time no see... Beatrix" anang baritonong tinig na kailanman ay hindi niya malilimutan. That voice that she had memorized since she was 10! The only voice that could make her heart beat like a maniac.
"X-Xander..." she uttered.
She surveyed the man in front of her. Ito ang unang pagkakataon na muli niya itong nakita at nakaharap sa nagdaang limang taon and Goddamn it! He is still as sexy and as devilishly handsome as ever!
Sa industriyang ginagalawan niya ay hindi na siya bagong makakita ng mga modelo at artistang pawang mga guwapo, hunk, macho, etc.etc. But seeing Xander de Silva standing in front of her, only a few inches away from her actually, makes her heart beat fast. She felt like she was going to hyperventilate any minute because of his presence.
Hinagod siya ni Xander ng tingin - mula ulo hanggang paa. His eyes lingered on her lips bago muling ngumiti "you're looking great, Mrs. de Silva" anito
Pinalakihan ng mata si Beatrix sa tinuran ni Xander! Jerk! What if somebody hears him?!
"Shh!" saway niya rito "Don't call me that!" madiin niyang sagot
Xander's brow raised, amusement on his face "sa pagkakaalam ko, ikaw pa rin si Mrs. de Silva...hindi ba?" naghahamong wika nito
"p-paano mong nalaman kung n-nasaan ako" Oh for Pete's sake! don't stutter now in front of him like a fool! sermon niya sa sarili.
Itinaas nito ang cellphone na hawak sa kamay "Zachary" he answered, a smile slowly broke on his lips.
Damn you Kuya! Why did you tell this guy where to find me?! That small voice in her head was silently cursing her brother. And worst, hindi man lang siya sinabihan ng magaling na kapatid na papunta dito si Xander! She could have avoided all these kung may heads up lang sana si Zach!
"Ano'ng kailangan mo sa akin?" mataray niyang tanong kahit ang totoo ay halos panlambutan siya ngayong ng tuhod habang kaharap ito.
"Me?" Xander pointed at himself "or rather you? Baka ikaw ang may kailangan sa akin, am I right?"
She inhaled and exhaled. She needs to stay calm and collected kapag kaharap si Xander. Hindi siya dapat magpadala sa bugso ng emosyon.
"My lawyer will be in contact with you, Mr. de Silva... so..." tipid niya itong nginitian at tinalikuran.
Xander's hand automatically grabbed her arm and pulled her back to him "Not so fast" he said.
Dahil sa hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay mabilis siyang nakabig ni Xander palapit, causing her to bump against his hard chest. Daig pa ni Beatrix ang nakuryente sa pagkakalapit na iyon ng kanilang mga katawan. Mabilis niya itong itinulak palayo kahit pa halos hindi niya ito natinag. There was amusement on Xander's face, tila ba nag eenjoy itong makita ang reaksyon niya.
"Ang abugado ko na lang ang kausapin mo" mahinang wika niya. She looked around and was almost horrified to see that there were several people from the crew that are starting to notice them.
"I won't be dealing with anyone but you, Beatrix" kalmadong sagot ni Xander.
She frustratedly sighed. Hindi niya malaman kung ano ba ang motibo nito para guluhin pa ang nananahimik niyang buhay.
"Okay" she said in a resigned tone "we can talk if you want, ngunit huwag dito" nilinga niya ang paligid, mayroon nang ilang mga matang sumusulyap sa kanila.
"Good girl!" he exclaimed with a broad smile "I'll see you tomorrow then. I'll swing by your place around 8? nasa bahay ka na ba noon?"
"What?" she asked, disbelieving what she heard "Y-you will swing by my...my place? You know where I live?!"
"Got it from Zach" he mischievously smiled
Kuya Zach! You are so dead!!!
"Is everything alright?"
Nabura ang ngiti sa labi ni Xander habang nakatingin sa lalaking papalapit sa kanila.
Daniel! Thank goodness! lihim niyang naipag pasalamat ang pagdating nito.
Lumapit si Daniel sa kanya at masuyong ipinulupot ang isang braso sa kanyang baywang, pulling her a little closer to him. Bagaman hindi kailanman umakto ng ganito ang lalaki sa kanya ay hindi nagreklamo si Beatrix. She agreed to marry him after all, might as well get used to this.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Xander at dumilim ang mukha, his eyes darted on Daniel's arms that were around her.
"May problema ba, pare?" Daniel asked Xander in a voice full of confidence.
Again, the corner of Xander's mouth twitched up a bit to paint a dangerous smile on his face. Matalim ang tinging ibinigay nito sa kaharap "Oo pare... may problema..."
Sa pagkabigla niya ay kabod siyang hinatak nito mula kay Daniel na nagulat din sa ginawa ng lalaki "You have your arms around my wife" emphasizing 'my wife', making sure that Daniel understands what he was saying. "... that's the problem" Xander continued menacingly.
Bagaman nabigla ay agad nakabawi si Daniel "So this is the guy" anitong nakakainsulto.
"Daniel...please" pakiusap niya. She looked around at lalong mas marami na ngayong tao ang nakatingin sa kanila. Kapag sinuwerte ay laman siya ng peryodiko bukas.
Marahas na binawi ni Beatrix ang kamay mula kay Xander. "We'll talk tomorrow" she scowled at him bago nagmamadaling hinila si Daniel sa braso palayo sa lugar na iyon.
*****
Sinundan ni Xander ng tingin si Beatrix habang papalayo kasama ang lalaki.
Fuck! You let them get the best of you, you fool! galit na sermon ng utak niya.
He didn't expect he will react this way sa muli nilang pagkikita. Sa loob ng limang taong lumipas ay inasam niyang muli itong makaharap, malaki rin ang atraso sa kanya ng babae! Tossing him aside like he was a piece of dirty cloth when she felt that things got inconvenient for her? Pagtaguan siya na tila siya isang kriminal? For the life of him! hindi pa rin niya lubos maisip kung ano ang nagawa niya para magbago ito ng biglaan? Was she psycho? One day she was begging for his love and then the next...
He sighed. Well maybe she is a psycho, but you are more psycho for still loving the damn woman!
"This is just the beginning, Beatrix... I will not let you go so easily this time" He said determined, bago nilisan ang lugar na iyon.
*****
Sa hotel na tinutuluyan ay ihiniga niya ang pagod na katawan sa malambot na kama. He just came from a 5 hour drive and went straight to Beatrix's shoot location. Kung tutuusin ay maaari naman sanang naghantay na siya ng bukas dahil sa wakas ay nakumbinsi na niya si Zachary na ibigay ang address ni Beatrix sa kanya. Kung hindi pa niya ginamitan ng 'blackmail' ang kaibigan ay wala itong gustong ibigay na impormasyon ukol sa kapatid, not only him but the whole Montecillo clan remained mum to him about Beatrix all these years.
Magbuhat ng lumisan si Beatrix sa buhay niya ay kasama na ring naglaho ang pagkakalapit ng kanilang pamilya. The last time he was at the Montecillo mansion was that night when she drove him away, sa kadahilanang hindi pa rin malinaw sa kanya. His parents resigned from being the caretakers of the family's ancestral home, dala na rin ng sama ng loob ng mga ito sa ginawa ni Beatrix at sa pagsasawalang kibo ng pamilya ukol sa nangyari.
The next thing he heard, Beatrix left the Philippines soon after. Gusto man niyang sundan ito sa mga panahong iyon, hindi niya alam kung nasaang lupalop ng mundo and babae, bukod pa sa umiral na rin ang pride at ego niya. Masyado siyang nasaktan at nanliit sa pagtataboy nito sa kanya na tila ba isa siyang gamit na pinaglumaan at pinagsawaan.
Marahas siyang nagpakawala ng hininga at umupo, ihinilamos ang dalawang kamay sa sariling mukha. Damn it! Kahit saan siya tumingin ay paulit-ulit na imahe ni Beatrix ang kanyang nakikita. She's become even more beautiful than he remembered, her pictures in magazines didn't give her justice at all. He finds it almost hard to believe that there was a time when such a lovely woman begged him to look at her...to love her... Ngayon ay tila isa lamang siyang hibang kung papantasyahin niyang muli itong maangkin.
Hibang na kung hibang! She was once his at kahit kailan ay hindi niya inisip na pakawalan ito. This was the reason why he refused to sign the annulment papers all these years, dahil kahit pa hindi niya ito kasama, hindi kaya ng kanyang pagkatao ang isiping tuluyan ng mawawala ang koneksyon nilang dalawa. That piece of paper still binds them together! Sa mata ng batas, Beatrix is still Mrs. Xander de Silva, and he intends to keep it that way.
He sighed heavily at muling ipinikit ang mga mata. Just like before, tila tuksong bumalik sa ala-ala niya ang araw na iyon, limang taon na ang nakalilipas...