webnovel

Chapter 10 (Long text ahead)

"Most of the problems in life are because of two reasons: we act without thinking or we keep thinking without acting."

---Unknown

Nagising ako dahil sa ingay, ano ba yan? Syempre yung maingay na 'yon eh walang iba kundi yung alarm clock ko, wala na akong nagawa at bumangon na lamang.

Maaga pa naman, alas kwatro pa lang ng umaga. Nag hilamos muna ako ng mukha at nag sipilyo, mamaya nalang ako maliligo at bumaba na muna ako.

Buti nalang at nakita ko si Manang at tinanong ko agad.

"Manang? Gising na po ba sila mommy?"

"Anak, tulog pa. Napagod kasi kahapon sa trabaho." Aniya ni Manang Edes.

"Ah ganon po ba? Sige po, salamat." Pumunta akong kitchen, buti na lang at naka luto na si Manang.

Tinawag ko pa ito para sana sabay kaming kumain pero tinanggihan lamang ang alok ko, aniya niya busog pa daw siya kaya naman nilantakan ko agad ang nakahandang pagkain.

"Hija, hinay hinay lang baka mabilukan ka niyan." Sambit ni Manang ng makita akong halos limang buwan na hindi nakakain.

"Pasensya na po, ang sarap po kasi ng luto niyo Manang." Sabi ko.

"Ay sus bata ka, sige na bilisan mo na yan para maka ligo ka na. Ako na ang magliligpit."

Kaya naman inubos ko na 'yong pagkain ko at pumunta sa kwarto. Maliligo muna ako, naramdaman ko ang malamig na tubig galing sa shower, napaisip nanaman ako.

Maniniwala ba ako sa paliwanag niya? Matatanggap ko pa kaya siya, bibigyan ko ba siya ulit ng second chance?

Marami ang pumapasok sa aking isipan. Iwan ko ba, kung sana nag paliwanag siya noon, maiintindihan ko naman yon. Diba?

Tinapos ko nalang ang pagpaligo at nagbihis agad. Nang bababa na sana ako sa hagdan, nakalimutan ko pala yong cellphone ko.

Buti nalang at naalala ko agad, nang makita ko yong phone ko dali dali akong bumaba papunta sa kwarto nila mommy at daddy.

Ilang ulit pa akong kumatok pero wala pa ding nagbubukas kaya nag iwan nalang ako ng note. Dali dali akong pumunta sa labas, baka matraffic pa kami.

"Manong Ine, punta na po tayo." Sabi ko kay Manong.

"Sige iha, pumasok ka na sa loob." Sabi ni Manong.

Nagpaalam na naman ako kay Manang, tahimik lang ako buong biyahe. Napaisip nanaman ako sa lalaking 'yon nang biglang mag ring ang telepono ko.

Napabalikwas agad ako sa gulat. Sino kaya to? Istorbo sabi ng isip ko.

"Sino to?" Sabi ko unregister number kasi.

"Good morning Honey." Sagot ng kabilang linya.

"What did you say, ha? Stop calling at me! Pwede ba?" Naiinis na sambit ko.

"Wooh, chill lang Mlaire. Did you miss me?" Pilyo niyang tanong. Iki-kiss ko kaya sa pader yang pagmumukha niya eh.

"In your dreams!" Pinatay ko na ang tawag pati na ang telepono ko dahil hindi yon titigil hanggat di niya makuha ang gusto niya. Si Marxo lang naman ang tumawag sakin, nakakabanas ang boses niya.

Naiinis akong pumasok sa office ko. Walang hiyang lalaki, ang dami ko na ngang trabaho at dadagdag pa siya, mabuti nalang at pumasok si Shelley ngayon.

Oh my gad, bukas na pala yong flight niya papuntang states at wala pa kaming nahahanap na kapalit niya. Kainis naman oh.

"Shelley may good news ba?" Tanong ko agad.

"Mlaire, bukas na ang alis ko at wala akong good news. Bakit ba kasi ang hirap mag hanap ng kapalit ko? Napapagod na kaya ako."

"Umalis ka na nga, pero wala ba akong meeting ngayon?" Tanong ko.

"Wala naman, kasi po pina cancel mo kahapon. Ulyanin ka na ba? Ewan ko nga sayo!" Pataray na sabi ni Shelley.

Ay oo nga pala, tinext ko siya kahapon dahil ayokong humarap kay Marxo na haggard ako, ang feeling niya.

Sumunod na lang ako kay Shelley, alam ko naman kung saan siya pupunta. Sa mga iinterview-hin na mga aplikante at nakita ko si Shelley na parang naiinis sa kausap niya kaya naman ako na ang kumausap dito.

"Good morning miss, bakit ka nag apply dito aside from personal reasons?" Tanong ko sa babae.

"Ahm, I don't have any reasons ma'am aside of what you said earlier." Sabi ng babae.

"Okay, next!" Tawag ko sa susunod na applicant.

"Oh my fugde, pasado alas dos na ng hapon pero wala parin, dito na lang kami kumain ni Shelley. At last na itong nakapila, hindi ba siya kumain? Ang galing ha.

"Good noon." Panimula ko, hindi kasi nagsasalita ang lalaking 'to. Kainis ang pagmumukha niya!

What? May sekretarya bang lalaki? Uso ba yon ngayon? Napaisip tuloy ako.

"Kung wala ka nang itatanong, pwede na ba akong umalis?" Sabi ng lalaki.

What the heels is happening? Ako pa ngayon ang tinanong, inirapan ko na lang ang lalaking ito. Dahil no choice na ako, at may lakad pa ako kaya sige hire na siya.

"FYI mister, pasalamat ka at nag iisa ka na lang dito. Start working tomorrow, bawal ang late at dapat exactly five am andito ka na. Understood at pwede ba, umalis kana sa harapan ko!" Mataray na sabi ko.

"Tsk, Okay. Do I need to say thank you because you hire me? Miss Villachin? Oh I mean ma'am." Nakakaloko niyang tanong.

"Are you deaf ha? Sa-bi ko u-ma-lis ka-na sa ha-ra-pan ko." Nakakainis ang lalaking to! Promise.

Buti nga at umalis agad, at binasa ko ang resume niya. So Mr. Timothy Wills, good luck nalang bukas. Dahil ininis mo ako, aha naka eye glass siya.

Tapos ang pangit niya. 25 years old, at graduate siya ng Business Management sa UP, kaya pala ang hangin niya grabe.

"Hey! Mlaire ano ka ba? bakit yon ang kinuha mo? May lalaki bang sekretarya ha?" Inis na tanong ni Shelley.

"Ano ka ba? As if naman na gusto ko siya maging sekretarya ko. No choice na ako, kaya siya na lang ang kapalit mo. You're leaving me tomorrow right, kaya its not a big deal." Mahaba kong paliwanag sa kanya.

"So, do you know his name?" Sabi niya.

"Yeah, just read his resume and by the way ikaw na muna ang bahala dito. Alright? May pupuntahan lang ako. No buts Shelley, bye." Kumaripas agad ako ng takbo papuntang opisina ko, kinuha ko muna ang bag ko at chineck ang oras.

Its 2:15 pm, kaya umuwi muna ako sa bahay.

Nag taxi na lang muna ako, ayoko naman na istorbohin pa si Manong Ine, nang makarating ako sa bahay.

Umakyat agad ako at nag shower, nagpalit ng damit. 30 minutes nalang bago mag alas tres.

"Mlaire, iha where are you going?" Tanong ni daddy sakin.

"A-Ah daddy, ah may meeting po kasi ako ngayon." Palusot ko.

"Okay, take care iha." Sabi ni dad.

"Yes dad, Thank you. Paki sabi na lang po kay mom na umalis ako. Uuwi po ako agad." I kiss his cheeks then pumunta sa kotse ko.

Dahan dahan lang akong nag drive, mahirap na baka ano pa ang mangyari at isa pa kinakabahan na ako ngayon.

Late na ako ng 15 minutes dahil sa traffic, pinark ko muna ang kotse ko sa parking area at nag dalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa nasabing restuarant o hindi.

Oh my, parang lalabas na ang puso ko sa matinding kaba. Ships, sabi ng utak ko. Ayaw ko naman kasing magmura kaya ships nalang.

Nang makapasok na ako sa loob, wala pang isang minuto may humablot na sa braso ko at alam ko na kong kanino yon. Parang bumalik ang kuryenteng matagal ko nang kinalimutan sng mahabang panahon.

"Marxo!" Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko, ang hirap ng ganito.

"Please, just sit first. Okay?" Sabi niya ng naka ngiti.

Tumango na lamang ako at hinayaan siyang mg order, I miss him so much. I can't help it. Pero kinontrol ko lang ang aking sarili kahit na gusto ko siyang yakapin ngayon. Gosh!

Nang makabalik siya sa pwesto namin, nakatitig lang siya sakin, bakit may dumi ba ako sa mukha? Tanong ko sa sarili ko.

"Still beautiful." Biglang sabi niya, nanigas naman ako sa kinauupuan ko buti na lang at di niya ito napansin. Tumingin ako sa kawalan, di ko kaya na tinggnan siya.

Nang mapansin niyang di ako kumikibo, he touch my face at pilit niyang tumingin ako sa kanyang mga mata , at nag tagumpay naman siya.

I saw sadness in his eyes, ito na nga ang pinaka ayaw ko sa lahat. Nakatitig lang kami sa isa't isa buti, na lang at nandito na ang inorder niyang pagkain.

Kaya naman umayos siya ng upo at tahimik lang kami habang kumakain. Gusto kong mag salita pero kahit isa walang lumalabas parang kinain na yata ang dila ko.

Buti nalang at binasag niya ang katahimikang namamagitan samin.

"How are Mlaire?" He ask.

"I'm good." Sagot ko sa kanya at pekeng ngiti.

"Ah may boy friend kana ba ngayon." Tanong niya.

What the? Wala bang ibang tanong?

"Ha? Wa-wala naman." Nauutal kong sagot.

"Good, dahil kong mayroon man maghihiwalay din kayo kasi dapat tayo lang, walang iba!" Mariin niyang sagot.

Hindi na ako sumagot baka saan pa pumunta ang usapan namin nang matapos kaming kumain, nag order pa siya ng sweets. Alam na alam niya ang mga paborito ko kaya di ko maiwasan ang ngumiti.

"You're smiling honey." Sabi niya.

"Ha? me? I'm not." Palusot ko buti nalang parang naniwala siya, nakita pala niya yon eh naka yuko na nga ako.

"Okay sabi mo eh." Kumain na lang kami.

Tahimik na naman ang paligid at naisipan kong magsalita.

"Ah can you explain why did you leave me Marxo!" Puno ng galit at sakit ang tanong na yon.

"Mlaire, five years ago nag ka problem ang negosyo ni daddy." Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sakin ng diretso.

"Continue." Sabi ko.

"At noong anniversary natin dapat mag po- propose ako sa'yo kaso lang my dad call me at kailangan ko daw pumunta sa Greece.

Natakot ako Mlaire kasi ayokong nakikita kang nahihirapan." Paliwanag nito sakin.

Hindi ko na kaya at nag unahan ng pumatak ang kanina ko pang linalaban na tumulo. I cried because of what he said, lumapit ito agad sakin at pupunasan sana niya ang mga luha pero tinabig ko ang kanyang kamay.

"Marxo, sa tingin mo ba hindi ako umiyak noong araw na naki pag break ka sakin? ha? How many times did I ask you pero di ka sumagot. Ang sakit sakit ng iniwan mo ako, alam mo ba yon. Ha?" Hindi na ako naka tiis at pinag hampas hampas ko ang kanyang dibdid though walang effect yon sa kanya.

"I know Mlaire, pero di ko kayang makita kang naghihirap at nasasaktan at isa pa ayokong mangako kung di naman ako sigurado. Kahit anong pilit kong umuwi dito but i can't kasi pinilit ako ni dad na magpakasal." Sabi niya na mapula pula ang mata.

"What? And what are you doing here? Gusto mo ba akong maging kabit mo ha? Ang kapal kapal mo Marxo!" Di ko nakaya at tumakbo ako palabas ng restuarant. Ang sakit sakit ng mga narinig ko at nagpakasal pa siya doon, I hate it! I'm crying all over again.

Papasok na sana ako sa kotse ko at may braso na naman na humablot sakin, wala na akong lakas para lumaban dahil sa kaiiyak ko pero pinili ko pa rin ang lumaban. Tinabig ko ang kanyang braso pero mas lalo lamang niya itong hinigpitan. Napangiwi naman ako sa sakit.

Pinasok niya ako sa kotse niya, lumaban ako pero sadyang ang lakas niya kaya hinayaan ko na lamang siya.

"Mlaire, please listen first to me." Pakiusap niya.

"Jusko naman, may asawa ka na pala pero bakit bumalik ka pa ha? You are a jerk! Binalik mo lang ang sakit na dapat ay wala na. I hate you! I hate you!" Sabay hampas sa dibdib niya, naiinis ako sa kanya.

Nakita kong nag igting ang kanyang panga at hinila niya ako papalapit sa kanya. Nakakatakot ang kanyang itsura pero di pa rin nawawala ang gwapo niyang mukha.

"Marxo." Ito lamang ang tangi kong nasabi at mariin niya akong hinalikan, nanlulumo ang katawan ko. Help me!

Galit ako sa kanya ngayon. I hate him, napansin niyang di ako humahalik pabalik kaya huminto siya.

"Fu*k! I'm sorry honey. Okay? Please." Sabi niya na parang iiyak na.

Umiyak lang ako, then his the one who's wiping my tears.

"I love you and I don't know what to do." Sabi niya at pinaharurot ang sasakyan, I don't know where we're going.

下一章