Araw ng Myerkules ngayon, maaga ang pasok ni Denver. Dahan dahan nyang dinilat ang kanyang mata, wala nang tao sa kama ni Cyron. Kinusot nya ng bahagya ang mata dahil nanlalabo pa ang mga ito. Nilingon nya ang suot na relo at nagulat sya sa oras, 5:20 na tanghali na iyon kumpara sa nakasanayan nyang 4:00 na gising kaya naman napabalikwas sya ng bangon at napatayo.
"Gising ka na pala" bati ni Cyron na ngayon ay nakaupo sa may mesa at nagkakape ito.
"Ipinagtimpla kita ng kape, sakto ang gising mo, heto, sana tama lang ang timpla" at iniabot nito ang hawak na kape. Syempre tinanggap nya ito at naupo rin. Magkaharap sila ngayon sa lamesa. Tinikman nya ang kapeng gawa nito.
"Sakto naman sa panlasa ko, salamat" at nginitian nya ito.
"Salamat rin, para sa kagabi" nakayukong sabi nito.
"ayos lang, wala namang ibang makakatulong sayo, dadalawa tayo rito" paliwanag nya.
"ang totoo may phobia ako sa mga madidilim na lugar, kaya mas pinipili kong mag-isa sa kwarto para pwede kong iwang bukas ang ilaw buong gabi". Ito na yata ang pinakamahabang salitang narinig nya mula kay Cyron.
"At least ngayon alam ko na, kaya ko namang matulog kahit bukas ang ilaw".
"Kumain kana rin, nagluto na ako mukhang maaga ang pasok mo ngayon" Alok pa nito, syempre agad syang kumilos dahil ayaw nyang malate. kaharap nya ito habang kumakain sya.
"Ikaw? sumabay kana rin" alok nya rin dito. Kumuha rin naman ito ng pinggan at kumain na rin.
"Half day naman ako ngayon, mamayang hapon lang klase ko" sabi pa nito bago sumubo ng pagkain.
"dapat pala magprint tayo ng schedule natin, sakto may printer ako dyan, para alam natin ang schedule ng isa't isa" Paliwanag nya rito.
"Mukhang magandang ideya nga yun" sabi nito.
Pagkatapos nyang kumain ay naligo na rin sya agad. Si Cyron ulit ang nagligpit ng mga ginamit nila. Mabilis syang nakapag asikaso at ngayon ay handa na sya para pumasok.
"Pasok na ako" hindi nya maintindihan pero parang kelangan nya itong sabihin, tumingin naman si Cyron at ngumiti.
"Ingat ka" pahabol pa nito bago nya maisara ang pinto.
Nagpatigil sya saglit sa labas. "Anong nangyayari? si Cyron ba talaga yun? Parang ibang iba sya ngayon, napakalaki ba nang nagawa ko kagabi at napakabait nya ngayon?" sa isip isip nya.
"Hayyyy" nasambit nya lang at nagpatuloy na sa paglabas, dinaanan nya si Jameson, ready na rin ito. Isinakay na nya ito para sabay na silang pumasok. Noong una si Melvin ang naghahatid rito dahil may motor rin itong sarili.
"Kamusta naman ang first night natin jan?" nakakalokong tanong ni Jameson sa kanya.
"Sira, " sabi lang nya.
"Hoy Der, ilang taon na tayong magkaibigan ha, kilala na kita mula ulo hanggang paa at alam ko rin kung kelan ka nahuhumaling sa kung sino, kaya wala kang maitatago sakin. Umamin kana kasi" pagyayabang pa nito.
"Tumahimik ka nga" patawa nyang saway dito. Tama nga ito, sa tinagal tagal nilang magkaibigan alam na nila ang kahulugan ng mga simpleng galawan ng isa't isa.
"Halata ko na malakas ang tama mo kay roommate mong hot pare, wag ka nang magkaila" pamimilit pa nito.
"Dami mo talagang alam" lalo syang natawa sa sinabi nito kasi alam nyang totoo ang mga sinasabi ni Jameson.
"Okay, pag di ka umamin sakin, kay Cyron ko nalang lilinawin" at tumigil ang mundo nya sa sinabi nito. Saktong dating nila sa parking lot ng school.
"Jameson, makinig ka, Wag na wag mong gagawin yung binabalak mo kundi hindi talaga kita papansinin" sabi nya rito.
"Umamin kana kasi" pilit nito.
"Okay, Gusto ko nga yung tao, pero imposibleng magustuhan nya ako kaya pwede bang wag mong sabihin sa kanya" pagtatapat nya rito at nagsimula na silang maglakad papasok.
"Teka, imposible?" bakit imposible?" usisa naman ni Jameson.
"Alam kong straight sya at wala kaming pag-asa kaya hangga't maari pipigilan ko nalang" sabi nya rito.
"Si Cyron, straight?" pagtataka ni Jameson.
"Oo, halata naman" sagot nya lang.
"Okay, pero malay mo naman may pag-asa, wag ka rin agad sumuko" suggestion pa nito.
"Hayyy, tara na kailangan na ating pumasok" yaya nya rito.
Nagtungo na sila sa kanilang room at nagsimula na ang klase. Maraming bagong lesson ngayon at dahil malapit na ang closing, kailangan na nilang pagtuunan ang paggawa ng system na sinimulan nila noong 2nd year pa sila. By group ang paggawa kaya naman kakailanganin na nilang mag overtime na ulit. Malapit na rin ang final defense at isa sya sa mga leaders, good thing dahil magkagrupo sila ni Jameson, kahit medyo pasaway ito, napakagaling rin nito sa coding. Kailangan mapaghandaan nila ito nga maayos.
Pagkatapos ng klase agad nya rin niyayang umuwi si Jameson para maglunch. Sobrang excited syang umuwi para makita si Cyron. Gusto nya nang makasabay itong kumain. Bumili sila ng lutong ulam bago umuwi.
"Sa susunod wag na tayong magmotor, ang lapit na nga eh," sabi ni Jameson pagbaba nito.
"Malapit o gusto mong si Melvin lang ang maghatid sayo?" pang-aasar nya rito.
"Hoyy, matagal mo ka na ngang pinipilit na wag na magmotor kaso ayaw nya lang talaga, naalala mo nung nakaraan? naglakad lang kami kasabay ka." pagtatanggol nito sa sarili.
"Hahaha, oo na tanggi kapa" sabi lang nya at saby na silang pumasok sa loob. Agad syang nagtungo sa kwarto nila. Naabutan nyang nakaupo si Cyron habang naglalaptop at agad naman itong lumingon nang pumasok sya. Halatang bagong ligo ito dahil basa ang buhok nito at may towel pa sa balikat. ngumiti ito sa kanya na sobrang nagpagaan lalo ng pakiramdam nya.
"Tara kain na tayo" yaya nya.
"Sakto, gutom na ako" at ngumisi ito habang hinihimas kunwari ang tyan.
"Bumili ako ng ulam, Adobong manok" sabi nya saka isinalin ang dalang ulam.
"Adobong manok? paborito ko yan hahaha" tuwang tuwa ito na parang ngayon lang kakain ng manok.
"Buti naman, tara na kumain" at nagsimula na sila sa pagkain.
"Kamusta ang school mo?" napatigil sya sa pagnguya sa sinabi nito. Sobrang nagtataka talaga sya dahil sa kinikilos ni Cyron. Ngayon concern na rin ito pati sa study nya.
"Okay naman, medyo maraming kailangang asikasuhin" sagot nya.
"Kami rin, May thesis pa at malapit na rin ang defense." sabi nito.
"Ako pa nga leader eh"
"Talaga? ako nga rin" sabi rin nito at nagpatuloy sa pagkain.
"Nga pala kailangan na ring mag-overnight baka sa nga susunod na gabi, di muna ako matutulog rito" paalala nya rito at tumingin ito sa kanya.
"Bakit? di ba pwedeng dito kayo mag-overnight?" tanong nito.
"Dito? okay lang sayo?" takang tanong nya.
"Oo naman, kesa ikaw pa ang lalayo" at nagkatinginan sila sa sinabi nito.
"Ibig kong sabihin, mahirap na, hindi natin alam ang disgrasya. Alam mo yun?" paliwanag nito habang nakayuko.
"Okay, sasabihan ko na lang mga groupmates ko, medyo matagal pa naman yun" sabi nya lang. Tumango tango lang si Cyron at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain nagready na rin sila para pumasok.
"Ikaw magdrive" sabi nya kay Cyron.
"Sure" at kinuha nito ang susi. Sumakay ito sa motor.
"Teka, ikaw naman dapat ang magdrive" biglang bawi nito at napakunot sya ng noo.
"O-okay, tara na" at ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis. Agad rin silang umalis, kahit malapit lang naman talaga ang school nila.
"Kelan ka pa natutong magdrive?" tanong ni Cyron habang nagmamaneho sya.
"Nung high school pa, gustong gusto ko talagang magmotor dati pa". sagot nya. Hindi na rin nagsalita pa si Cyron hanggang makarating sila sa parking lot. Pagbaba nila, andun din si Lorrence at halatang kakarating rin lang nito. Nakangiti agad ito sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon halatang ayaw pa rin itong pansinin ni Cyron.
"Denver, pasensya na kagabi ha, napaaga ako ng alis" bungad nito sa kanya.
"Ayos lang di na rin kami nagtagal, umuwi rin kami" sabi nya at tumingin sya kay Cyron na sa baba lang nakatingin. Kahit di umamin ang dalawang ito alam nyang magkakilala at magkaklase silang dalawa dahil narin sa pareho ang kulay ng library ID ng mga ito.
"Sana next time, makasama ako ng matagal" ang ngumiti ito.
"Sige pasok na ako" paalam nya sa dalawa dahil sigurado naman syang pareho nang department na pupuntahan ang mga ito.
Sinulyapan nya pa ang dalawa at tama nga sya pareho itong papunta sa isang direksyon.
"DER!" napalingon sya sa tumatawag sa kanya. Si Jameson ito, sabay sila ni Melvin pumasok.
"Bakit?" tanong nya habang patuloy ang paglakad.
"Wala naman, nakita namin kayo sa parking lot kanina" sabi nito.
"Oo" maikling tugon nya.
"Kilala mo pala si Lorrence" sabi pa nito.
"Ah, bagong kaibigan, nakilala ko nung kumain tayo sa plaza" paliwanag nya.
"Ah, hindi ko naman talaga kilala yun, si Melvin lang nakapansin, kaklase daw nila yun"
"Kaklase nila?" tanong nya.
"Oo nga, di ba nabanggit sayo ni Cyron?"
"Napapansin ko namang magkakilala sila, pero di nila inaamin, ewan ko" tugon nya lang dito.
"Hmm, there must be something" at tumawa ito. Dumeretso na sila sa room nila. Ganun pa rin, gaya ng mga nakaraan, lesson, lesson, lesson.
Madalas na marami ang nagsasabing nakakaboring ang pag-aaral. Pero hindi naman para sa ibang tao. May mga bagay na mararanasan mo habang nag-aaral ka na hindi mo manlang maiisip kung nasa bahay kalang. Madalas may mga bagay na hindi mo kayang ipakita sa pamilya mo pero pagdating sa school, nalalaman mong pwede pala at mas natatanggap iyon ng mga nakakasalamuha mong tao.
Pagkatapos ng klase.....
"Mauna na ako sayo Der, hinihintay nako ni Melvin eh" paalam ni Jameson.
"Okay" sabi lang nya at umalis na rin ito. Nag-iisa na sya ngayon sa room. Inayos nya ang mga gamit nya at lumabas na rin. Nagulat sya dahil nasa may pinto si Lorrence.
"Oh, may problema ba?" tanong nya lumapit ito sa kanya.
"Wala, wala, gusto lang kitang makausap." paliwanag nito.
"tungkol saan?" tanong nya.
"Pwede ba kitang isama ngayon sa dorm ko?" alok nito. "I mean mamayang gabi, birthday ko kasi, may konting handa" paliwanag nito.
"Sa dorm mo? Happy Birthday" paglilinaw nya.
"Salamat, Oo, wag kang mag-alala kasama ko rin yung ibang tropa ko" sabi pa nito.
"S-sure, pero pwede bang magsama ako?" tanong nya.
"sino bang balak mong isama" prangkang tanong nito. Naisip nya si Cyron baka gusto nito pero mukhang hindi magugustuhan ni Lorrence.
"W-wala, sige ba punta ako, kaso diko alam ang lugar"
"Don't worry, sunduin nalang kita, kunin ko ang number mo para tawagan kita pag andun nako sa inyo."
"Okay" maikling sagot nya at binigay nya ang number nya rito.
"Payag kana ha," nakangiting sabi nito.
"Oo nga" at natawa naman sya.
"naniniguro lang" at sabay na silang pumunta sa parking lot.
Pagdating nila, andun na si Cyron. Nakatingin lang ito sa kanya habang papalapit sya rito.
"Tagal ah" sabi nito.
"Sorry, nag-usap lang kami ni Lorrence saglit." paliwanag nya. Hindi naman ito umimik pa pero tumingin kay Lorrence bago pina-andar ang motor.
Walang naging usapan hanggang makarating sa bahay. Direderetso silang pumasok.
"Nga pala, niyaya ako ni Lorrence, birthday daw nya" paalam nya kay Cyron habang nagbibihis sila. Hindi pa rin ito naimik.
"Magluluto nalang ako para may kakainin ka-" naputol ang sinasabi nya ng tumingin ito sa kanya nang diresto.
"Do whatever you want, di mo kailangang magpaalam." seyosong sabi nito at natigilan naman sya. Tama nga ito hindi nya dapat sinasabi ang mga gusto nyang gawin pero medyo nasaktan sya sa paraan ng pagsasabi nito. Naiinis nga sya sa sarili nya kasi nanggigilid ang luha nya dahil lang sa mga narinig. Kanina sobrang sweet nito tapos ngayon, hindi na nya ito mabasa.
Ayaw nyang makita ito ni Cyron kaya naman ginawa nyang excuse ang pagpunta sa banyo para maghilamos. Doon tumulo talaga ang luha nya.
"Ano kaba Denver, para kang bakla eh, yun lang naman ang sinabi nya" Sa isip isip nya habang nagpupunas ng mata.
"Bakit kaba mag-eexpect na may pakialam sya lagi" mahinang sabi nya.
Naghilamos sya at nag-ayos ng buhok. Ilang sandali pa ay lumabas sya nga banyo. Nakaupo si Cyron sa may sofa hawak ang cellphone nito. Maya maya nagring ang cellphone nya. Si Lorrence ito.
"Hello, andyan kana?" tanong nya
L: Oo, ready kana ba?
D: Oo, hintayin mo pababa na ako.
L: okay.
Binaba nya ang phone, tumingin sya kay Cyron, wala itong imik kaya naman lumabas na sya ng kwarto.
"yung susi pala" naisip nya nang makalabas na sya. Hindi na nya ito binalikan,maaga nalang syang uuwi. Nandun na nga si Lorrence, nakangiti agad ito.
"Tara na? " tanong nito.
"Sige" at umalis na sila.
Medyo malayo pala ang dorm ni Lorrence. Maingat din itong magdrive. Naalala nya tuloy si Cyron. Hindi nya alam kung anong nangyari dahil nag-iba ang timpla nito paglabas galing school. Medyo nawawalan tuloy sya ng gana.
Mga ilang sandali lang, nakarating rin sila. Malaki rin ang bahay at marami ring kwarto. Nasa unang palapag lang ang kwarto ni Lorrence. Pumasok silang dalawa, nandun nga ang mga kaibigan ni Lorrence nakaupo ang mga ito sa maliit na sala, may ibang nasa kama at nasa kusina. Dalawa lang din ang kama sa kwarto at may kalakihan din ito.
"Upo ka" yaya ni Lorrence. Nakatingin naman sa kanya ang lahat.
"Guys si Denver, kaibigan ko" pakilala nito sa kanya at isa isang nagkamayan naman ang mga ito.
Pansin nyang halos mga lalaki ang bisita, dahil na rin siguro boy's dorm ito. May ilang mga babae rin at ang mga ito ang nasa kusina.
Maya maya ay tinawag na sila sa kusina.
"Oh guys kantahan naman natin si Lorrence" sabi nung isang lalaki. Agad naman kumanta ang lahat, napakanta na rin sya.
"Blow the candle na!" sabi naman nung isang babae. Tumingin muna ito sa kanya bago hinipan ang kandila. Palakpakan ang lahat.
Nagsimula na silang kumain. Sobrang inasikaso talaga sya ni Lorrence. Ito pa ang kumuha ng makakain nya. Inaasar pa nga sila ng mga kaibigan nito dahil doon.
"Sana naman, makahanap kana ng taong mamahalin mo at mamahalin ka ng totoo, Lorrence" sabi nung isang babae.
"Oo nga, para di ka palaging umiiyak" at pinagtawanan sya ng mga ito, Nakatingin lang naman ito sa kanya na parang nahihiya sa mga sinasabi ng mga kaibigan.
Maya maya may nagdala ng mga beer in can at nagsimulang mag inuman ang mga ito. Binigyan sya ng isa ni Lorrence.
"Hindi ako nainom" tanggi nya.
"Kahit pa birthday mo nalang sa kin?" sabi naman nito at nagpaawa effect pa.
"Madali ako malasing eh"
"Edi wag mo ubusin, sige na" pilit nito kaya naman tinanggap nya na rin ang iniaalok na beer.
"Guys labas lang kami ha" biglang paalam ni Lorrence.
"Okay, take your time bro!" nagtawanan pa ang mga ito. Sumunod sya kay Lorrence palabas.
"Kahit mga kalog yung mga yun, mahalaga sila sakin" sabi ni Lorrence bago lumagok ng beer.
"Ang saya nila kasama" sagot nya lang.
"Oo sobra, di ko nagagawa sa bahay to" sabi pa nito.
"Di ka nagcecelebrate ng birthday sa bahay nyo?
"Ibig kong sabihin yung ganito kasaya," paliwanag nito. Pinagmasdan nya si Lorrence, dun nya napansing gwapo rin pala talaga ito. Pungay na ang mga mata nito. Tumingin rin ito sa kanya.
"Di ba, Bisexual ka?" inulit na naman nito ang tanong nung una silang nagkita. Napatango na lang sya sa sinabi nito.
"Ako rin," sabi pa nito. "Bisexual, nagkagirlfriend ako dati, bago ko pa nalamang na-aattract din ako sa kapwa ko lalaki" patuloy nito. Hindi naman nya alam kung ano ang isasagot dito.
"Yun ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ng gf ko nung first year" paliwanag ni Lorrence, patuloy ito sa pag-inom ng beer..
"Bakit sinasabi mo sakin to ngayon?" tanong nya rito. Tumingin ito sa mata nya. Unti unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha nya. Hindi nya rin maintindihan pero hindi sya makagalaw para lumayo dito. Nagkatitigan sila ni Lorrence, parang nangungusap ang mata nito na pagbigyan sya. Hinawakan nito ang mukha nya. Amoy na amoy nya ang alak sa hininga nito. Napalunok sya ng laway. Mas inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Pero biglang pumasok sa isip nya si Cyron, naitulak nya si Lorrence.
"Lorrence, lasing kana." sabi nya lang at natigilan naman ito.
"I'm-I'm sorry, Denver" paumanhin nito. "I'm sorry"
"Kailangan ko nang umuwi." paalam nya.
"Teka, ihahatid na kita." habol nito.
"Lasing kana, magpahinga kana, sasakay nalang ako." tutol nya rito.
"Denver, look kung tungkol ito sa ginawa ko kanina, I'm sorry, okay. Pero hayaan mo akong ihatid ka" pagmamakaawa nito. Bakas sa mukha nito ang guilt.
"S-sigurado ka bang kaya mo pa?" tanong nya medyo nakonsensya rin kasi sya.
"Oo, gusto ko lang naman na ligtas kang makauwi"
Pumayag na rin sya sa gusto nito. Sumakay na ulit sila sa motor nito at umalis. Habang nasa daan ay patuloy parin ang paghingi ng tawad ni Lorrence.
"Nadala lang ako kanina, Sorry talaga Denver" paliwanag nito.
"Okay na, wag mo nalang uulitin" sagot nya.
"Baka kasi di mo na ako pansinin eh"
"Wag ka mag alala, okay na nga."
Hanggang nakarating sila sa dorm nya. Bago ito umalis ay humingi pa ulit ito ng paumanhin.
"ang taong yun, hayyy, ano bang problema nya" nasabi nya bago pumasok sa loob. Tahimik na ang paligid, napatingin sya sa relo nya passed 9 na pala. Naalala nya ang susi, hindi nya ito nadala kanina. Sinubukan nyang buksan ang pinto ng kwarto nila pero nakalock na ito.
"Tulog na ba sya?" sabi nya sa isip. Gusto nyang kumatok kaso nahihiya sya kay Cyron, baka tulog na ito. Isa pa medyo hindi nga pala maganda ang timpla nito bago sya umalis. Bumalik sya sa may kwarto nina Jameson, nakalock na rin ito at mukhang tulog na rin ang dalawa.
"Hayy ang tanga mo talaga Denver" napasandal sya sa may pader sa harap ng kwarto nila. Naupo sya doon. Medyo nahihilo na sya at hindi nya nalamayang nakaidlip na sya dahil na rin siguro sa nainom nyang beer. Konti lang ito pero naramdaman nya agad ang hilo. Malamig sa labas at nakaT-shirt lang sya kaya naman namaluktot sya habang yakap ang sarili.
Mga 2 mins. nang bumukas ang pinto. Lumabas si Cyron at patakbong lumapit sa kanya.
"Uy Denver," tinapik nito ang pisngi nya.
"Gising!" mahinang sabi nito at nagising naman sya. Itinaas nya ang mukha at napangiti sya nang makita si Cyron. Itinayo sya nito.
"Nakainom ka ba?!" tanong nito habang akay akay sya papasok. Dinala sya nito sa kama nya. Hinubad ang sapatos nya bago tuluyang inihiga sya sa kama.
"Maglalasing tapos hindi naman pala kaya" sabi nito habang nakaupo sa gilid ng kama nya.
Hinawakan nya ang kamay nito at hinila papunta sa kanya na ikinagulat naman ni Cyron.
"Denver" sabi nito. At nilapit nya ang mukha nya rito.
"Ang gwapo mo" nasambit nya.
"Alam ko" sagot naman ni Cyron at hinila nya pa lalo ito palapit at naglapat ang kanilang mga labi.
Nanlaki ang mga mata ni Cyron sa ginawa nya pero hindi ito tumutol. Hinawakan nya rin ang batok ni Cyron kaya lalong hindi ito nakapalag. Mahigit 20 segundong magkalapat ang mga labi nila. Unti unting lumuwag ang hawak nya kay Cyron.
Inilayo lang nito ang mukha nito dahil napansin nyang nakatulog na pala sya. Tinitigan nya si Denver habang natutulog at napangiti sya.
"Kahit kelan ang kulit mo talaga"
Inayos nalang nito ang kumot nya bago bumalik sa sariling higaan.
Nakangiting natulog si Denver ng gabing iyon. Hindi nya alam kung bakit masayang masaya sya ngayong gabi.
****************************************************************************************************