webnovel

PROLOGUE

Napakaraming sitwasyon ng buhay ang hindi natin maitatangging nagkaroon ng malaking kontribusyon sa ating pagkatao. Maaring ito ay dahil sa nangyari ito mismo sa atin o sa mga taong malapit o may kaugnayan sa atin. Hindi rin maikakaila ang mga panghuhusga mula sa ibang taong wala naman talagang kinalaman rito.

Ang kwentong ito ay patungkol sa napapanahong isyu o sitwasyon na tumutukoy sa tinatawag ngayong "third sex". Sa totoo lang, napakalawak ng ideyang ito kaya naman sa panahon ngayong ang terminong "third sex" ay hindi na ginagamit. Dahil kung pagkakapantay-pantay lamang ang pag-uusapan bakit magkakaroon ng pangatlo sa uri o bilang?

LGBT-Q community, hindi lang yan, mas maraming letra pa ang pumapaloob dito ngunit isa lamang ang tinutukoy walang iba kundi ang pagkakaroon ng ibang gender bukod sa Girl at Boy. Masyadong mahaba kung iisa isahin ngunit madaling maintindihan ng mga taong may bukas na isipan at hindi puro kakitiran ng utak ang pinapairal.

Sa mundo ng isang babae at isang lalaki madalas ang Pag-ibig ay nagiging komplikado at nauuwi sa hindi kanais nais na wakas. Ngunit papaano pa kaya kung ang Pag-ibig ay mamagitan sa magkaparehong kasarian ng isang lalaki at isa pang lalaki? Mas komplikado kaya? O baka naman mas magiging masaya at matagumpay na pag-iibigan.

******************************************************************************************************************************

Hi there!

First of all thanks for choosing to read my story. This is my first BL story to make.

Ang anumang pagkakatulad ng mga nilalaman, karakter, lugar o pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang mula sa malawak na imahinasayon.

Jeric_7937creators' thoughts
下一章