webnovel

#24: Jacob

24

Hindi ko na pinansin si Azami ng mainis ito sa akin. Para sa isang larawan lang galit na ito. Sa ayaw kung makuhanan ng larawan na may kahalikan, mapababae man o mapalalaki. Hindi ako showy pagdating sa relasyon. Oo nga, we fuck each other halos every night na nga kung tutuusin mula ng magalit ako ng makita itong may kahalikang babae. Hindi na din ako nakikipag away dito kung sino ang top o bottom sa aming dalawa, hinayaan ko na lang siya na i top niya ako if he want to fuck.

Malambing ito, pero hindi ko iyon pinapansin. Mabait ito pero lagi kong inaaway. Mapagmahal ito, pero hindi ko masabing mahal ko siya.

Hindi naman sa hindi ko siya mahal pero nagdadalawang isip parin akong ibigay lahat lahat sa kanya. Ayaw kong ipagkatiwala sa kanya ang puso ko. Hindi sa ayaw kong masaktan sa huli pero parang hindi pa ako handa. Kaya siguro lagi kaming nag aaway dahil na rin sa akin. Makasarili ako dahil hindi ko naiisip na sumosobra na ako sa pinapakitang kalamigan sa kanya. Saka lang ako malambing kapag yong sa init ng katawan ang pag uusapan.

At ngayon nagtampo na naman ito. At isa ikinagagalit ko dito kapag nagtatampo ay agad na nakakahanap ito ng pagkakaabalahan. Mabuti sana kung bagay, pero ang walang hiyang Azami na iyon. Tao ang nahahanap niyang libangan sa tuwing nagtatampo o naiinis na ito sa akin. Babae man o lalaki iyon.

"We have to go first Zoey-cun." Hindi nagtagal paalam nito. Kasama niyang umalis ang lintik na  lalaking kakikilala lang niya. Gusto kong hilain suntukin ang lalaki dahil halata na may gusto kay Azami. At ang walang hiyang Azami, hinahayaan lang niya iyon.

Nakakainit ng ulo pero hindi ako nagpahalata sa mga kasama ko o ni kahit sa kanya. Nanatili akong kalmante kahit sa totoo kumukulo na ang dugo ko sa galit lalo ng makita kung paano dumantay ang palad ng Justine na iyon sa likod ni Azami habang naglalakad. At ang nakakabwisit talaga hindi iyon inalis ni Azami.

Damn it! Fuck! Fuck! Gusto kong magwala dahil sumagi sa isip ko ang isang bagay. Mag isa lang si Azami sa cottage, what if.. what if.. what if Azami and that bastard Justine fuck.

No! That can't be happining. Hindi ako makakapayag. Over my dead body.

Halos hindi ako umiimik habang kumakain kami at hindi ako nakikisali sa usapan ng mga kasama ko. Hindi ako makapakali. Iniisip ko kung nasaan na sila Azami. Kung ano na ang ginagawa nila.

Gusto ko nang hilain ang oras para matapos na ang dinner namin para mapuntahan na si Azami at alamin kong ano na ang ginagawa niya.

"Jay, saan ka pupunta?"tanong ni Monica sa akin ng hindi na ako nakapagpigil na tumayo.

"Tapos na ako. Gusto ko munang magpahinga."sagot ko rito at tuloy tuloy na lumabas ng restaurant.

Agad kung iginala ang paningin ko sa paligid baka sakaling mamataan ko si Azami. Pero ni anino wala akong makita. Hindi ko ngayon alam kung saan ito hahagilapin at saan man siya ng lupalop ng resort napunta.

Tinahak ko ang daan pabalik sa cottage namin. Baka nagawi siya duon at kasama ang lalaking iyon. Binilisan ko ang naging lakad ko dahil sa naisip.

Paano kung nanduon nga sila. At naghahalikan. At kung paano sambahin ni Azami ang katawan ko ay ganun din ang pagsamba niya sa Justine na iyon. No, hindi pwede. Dapat ako lang. Ang labi ko lang dapat ang hahalikan niya. Dapat ang katawan ko lang ang sambahin ng labi at mga palad niya. Ako lang. Wala ng iba. At ako lang dapat pasukin ng ano niya. At lalong hindi ako makakapayag na pasukin siya ng iba. At kung may papasok man sa kanya ay dapat ako lang din.

Damn it! Kung saan saan na napunta ang iniisip ko. Puro kahalayan. Lintik naman kasi na Azami na iyan. Nakakagigil.

Halos tumatakbo na ako sa bilis at laki ng mga hakbang ko para lang makarating agad duon.

At tama nga ako ng hinala, nasa biranda ng cottage ni Azami sila naruon at masayang nag uusap. Tatawa tawa pa ang lalaki kung ano man ang pinagkwekwentuhan nila.

Hindi na ako nakapag isip pa ng maayos. Lumapit ako sa kanila at agad na hinila ang lalaki at sinuntok ito sa mukha.

"Fuck you.!"galit na hinawakan nito ang pisnging dinapuan ng kamao ko. Hindi ko na hinintay na makabawi ito. Sinungod ko ulit ito at muling sinuntok. At sa ikatlong tangka kong pagsuntok dito ay hinatak na ako ni Azami at pasalya ding binitawan.

"Jacob what the hell have you done."galit na tanong ni Azami at dinaluhan ang lalaki. "Are you ok. Sorry for that Justin-kun." Matalim na tumingin siya sa akin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

"Gago pala ang isang ito eh!"galit na tumuwid ito ng tayo. Iwinaksi ang kamay ni Azami na nakahawak sa kanya at galit na sumugod sa akin.

Nakaiwas ako sa unang suntok niya pero sunod sunod ang naging atake nito kaya hindi ko naiwasan ang iba.

Nagpalitan kami ng suntok. Habang si Azami hindi alam kung sino ang hahawakan sa amin para pigilan.

"Damn it. Stop fighting." Galit na sigaw nito. Ng hindi na kami mapigilan una niyang hinila si Justine at binigyan ng suntok sa mukha. Ng natumba ito sinunod niya akong binalingan at binigyan ng isang mabilis at malakas na suntok din sa mukha.

Damn! Nakaramdam ako ng pagkahilo sa lakas ng pagkakasuntok niya sa akin.

"Fuck! Nagagawa mo ng suntukin ako dahil sa lalaking iyan." Pasigaw na sabi ko sa kanya pero tinapunan lang niya ako ng mapagbantang tingin.

"I told you to stop, but you two didn't listen to me. And you Jacob-sama what is your problem and you suddenly started a fight." Malakas at galit na sabi niya sa akin bago binalingan naman si Justine. "Im sorry that I bit you Justine, but I don't know how to stop the two of you."gumaan ang boses nito ng ito kinausap saka siya umalalay dito patayo.

"Im sorry too, Azami, I was just carried away because of that bastard."sagot nito habang pinupunasan ang dugong namuo na sa gilid ng labi nito saka tumingin ito ng matalim sa akin.

"I will take you home, lets talk tomorrow about this."

"Im fine Azami, I can go home with my own. Just deal with that asshole first."

"Abat-."kanina pa ito. Susugurin ko sana ulit ito ng tignan ako ng masama ni Azami kaya hindi ko itinuloy.

Nagpaalam si Justine sa kanya na aalis na. Tango na lang ang isinagot niya rito. At ng wala na si Justine saka niya ako binalingan ulit.

"What is up to you Jacob?"galit na tanong niya sa akin saka ako kinuwelyuhan.

Gumanti ako sa kanya at kinuwelyuhan ko din siya. At nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"I know that you don't love, so why you always interupt me when I want to get along with others."may galit na tanong nito. " I always do to understand you Jacob-chan, and I always do loving you. But I realize you can't give everything to me, your trust and specially you heart. So now,  I decide to move on."seryusong sabi nito at nahaluan ng lungkot ang galit sa mukha niya.

Move on! Kung ganun balak niyang seryusuhin ang hindi pakikipagbati sa akin.

"Damn you bastard."galit na mura ko dito dahil duon. "Azami ito ang tatandaan mo, simula ng pakialaman mo ako, pinakikialaman ko na din ang buhay mo. Kaya hindi ako makakapayag na sa harapan ko pa mismo ka lumandi sa iba. Kilala mo ako Azami, hindi man kita matalo sa labanan, alam mong kaya kung pumatay ng tao kapag pagmamay-ari ko na ang pinakikialaman nila. Dahil simula ng nakialam ka sa buhay ko, itinuring ko ng akin ka. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, akin ka lang Azami. Akin lang. Kaya kung hindi ka magiging akin ng tuluyan, isinusumpa ko na walang ibang makakaangkin sayo. Dumaan muna sila sa bangkay ko bago ka nila makuha."pasigaw at mahabang lintaya ko dito. Hindi ko lang alam kung naintindihan niya ang iba sa mga sinabi ko. Wala na akong pakialam duon basta nailabas ko lahat ng gusto kong sabihin dito. Kahit na ba ang ibig sabihin ng mga iyon ay para ko na ring inamin dito na mahal ko siya.

Sige, isipin na niyang ganun na nga. Mahal ko siya kahit hindi ko iyon masabi sa kanya ng harapan.

Naramdaman kong lumuwang ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng damit ko habang titig na titig siya sa akin. Parang gusto niyang magsalita pero hindi alam kung saan magsisimula.

Ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng pagkalito. Pagkalito sa mga sinabi ko.

"Jacob-chan."tanging pangalan ko lang ang lumabas sa bibig niya.

"Ano? Hindi mo ba naintindihan ang mga sinabi ko. "galit na tanong ko sa kanya. "Kung hindi mo maintindihan ipapahiwatig ko ang ibig kong sabihin."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil hinila ko na siya palapit sa akin at hinalikan siya sa mga labi.

Sa una hindi ito gumalaw pero nagpatuloy lang ako sa paghalik sa kanya. Sucking his lips. I parted them and enter him with my tounge. I found his tounge and sucked it.

Hindi nagtagal gumalaw na ito. Iniyakap ang isang kamay sa baywang ko habang ang isa ay humawak sa batok ko.

"Uhmp!" Hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng pakawalan na niya ng dila ko.

Ngumiti ito at hinaplos ako sa pisngi.

"I love you Jacob-chan."bulong niya sabay hila sa akin papasok sa cottage.

Walang siyang sinayang na oras, agad niyang nagtanggal ng damit at ganun din ang ginawa ko. Patulak niya akong ipinahiga sa kama at agad na pumaibabaw.

Hanggang sa mapuno ang buong cottage ng mga malalakas na ungol naming pareho. Hindi kami tumigil hanggang sa hindi namin naramdaman pareho ang pagod sa katawan.

*******

Fuck!

Hindi ko mapigilan ang mapangiwi ng tinangka kung bumangon ng umagang iyon. Para akong nabogbog sa buong katawan dahil sa sakit sa likod ko. At ang hapdi sa parting iyon ng likod.

Damn you Azami.

Napamura na naman ako. But speaking of Azami,nasaan na naman ang taong iyon at bakit wala siya sa tabi ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. Damn it. Mag aalasdiyes na ng umaga at ngayon lang ako nagising.

"Damn you again Azami, where the hell are you at bakit hindi mo ako ginising." Galit na tumayo ako kahit masakit ang likod ko. Hindi pa ako makalalad ng maayos dahil sa hapdi.

Pinilit kung tunguhin ang banyo para makaligo na kahit paika ika akong naglakad. Ilang beses ba niya akong pinasok kagabi? Tatlong beses, at humirit pa ito ng isa kaninang madaling araw.

Hindi na matapos tapos ang pagmumura ko habang naliligo. Dahil sa tuwing masasagi ng katawan ko ang likod ko para sabunan ay napapangiwi ako at kulang na lang ay sumigaw ako sa sakit.

Pero saan siya nagpunta? Kasama ba niya sina Zoey? O di kaya naman kasama niya ang Justine na iyon.

No!

Binilisan ko ang pagligo ko dahil sa naisip. Mapapatay ko na talaga siya kung kasama niya ang lalaking iyon.

Palabas ma ako ng cottage ng mabungaran ko sina Sunny na nasa labas mismo ng biranda.

"Nasobrahan niyo yata kagabi Jay!" Ngising ngisi ito na nakatingin sa akin. Pati sina Bobby at iba pa.

"Fuck you! Huwag mo akong simulan Sunny, wala ako sa mood."sita ko dito.

"Mag iisang oras na kaya kami naghihintay sayo na lumabas ka."si Bobby. "Papasukin ka sana namin pero tuso din ang Azami mo, Jay. Ikinandado ang pinto niyo bago umalis."

"Nakita niyo si Azami?"tanong ko sa kanila ng maalala ko na hinahanap ko pala siya.

"Tinanong mo pa. Hayan si Master tanungin mo, galit siya sa Azami mo."

Tumingin ako kay kay Clyde na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit master? Anong ginawa ni Azami?"tanong ko dito.

"Ayon kasama ni Zoey, kahit dito ba naman kasi may training sila. Nalaman lang na may Gym hinila na niya ang Zoey ko." Naiinis na sabi nito.

Dahil sa sinabi nito ay napanatag naman ang loob ko dahil hindi si Justine ang kasama. At least si Zoey ay kay Master lang, at akin lang si Azami.

"Then we should follow them master."suhesyon ko. Dahilan para mapatingin ang iba sa akin.

"Kaya mo kayang maglakad hanggang duon Jay. Sa lagay mong iyan. Mukhang pinagsawa ni Azami ang ano niya sa likod mo eh."

"Gago!."ngali ngali kong suntukin si Clark sa sinabi niya pero nagpigil ako dahil totoo naman iyon. Pero kailangan  bang sabihin pa niya iyon. Damn him.

Tumawa lang sila. Pero pumayag din naman sila na sundan namin ang dalawa.

******

@YuChenXi

下一章