webnovel

Chapter 58

Chapter 58: Try Not To Believe

Ngayon na ang mismong araw kung kailan gaganapin ang pool party ni Daenice. Pero heto ako, hindi interesadong pumunta even in the first place, she didn't invite me at all. But there's a something in me na pakiramdam ko may hinding magandang mangyayari mamaya.

Akala ko no'ng mga araw na lumipas ay ayos na ang pakiramdam ko sa kanya ngunit nagbigay ito ng motibo sa social media. She had post a picture of her with caption, 'Wait what I will do later, pipols. Happy bithday to me and happy break up to you two later'.

Hindi ako mapakali kahit ituon ko man ang pansin sa pag-ba-bake. Pinilit ko pa si Rico na kung maaari ay pumunta siya sa party ni Daenice at magmasid, para lang mapanatag ang loob ko kung ano man ang mangyayari mamaya doon.

Mas lalo akong na-worry when I didn't receive any text or call from Oliver since morning until this afternoon. Miski bati ng 'good morning' ay wala. Pero kagabi naman ay ang bilis niyang mag-reply, bakit naging ganoon na lang bigla? Iniisip kong may ginagawa lang itong importanteng bagay ngunit mayroon pa rin sumasagi sa isipan ko na baka may ginawang hindi maganda sa kanya si Daenice. Gosh, why my mind didn't stop thinking negativity?

Hapon na at hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dulot ng kaba. Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kuwarto habang hawak-hawak ang phone ko. Hanggang hindi nag-re-reply si Oliver, hindi ako magiging ayos nito.

Sumapit na ang gabi at mabuti ka-text ko si Rico, nalaman kong 8 PM pa ang start ng party. Hindi pa ako kumakain ng hapunan dahil wala pa akong gana.

Nagsimula nang dumagsa sa newsfeed ko sa FB ang mg post ng mga estudyante, kanya-kanya silang post ng kanilang magagarbong mga suot. Sinubukan ko rin maghanap ng live stream and good thing, nakahanap ako. Hindi ganoon kalinaw pero ayos lang iyon.

Nang pumatak na ang 8 PM nagsimula nang magsalita ang emcee sa stage at introduce na rin si Daenice. She's wearing a short and sundress. All smiled itong nagsalita sa stage at nagbigay na ng hudyat para simulan na ang party.

Habang nanonood ako, medyo nababawasan na ang kaba ko. Lahat ng estudyante ay in-enjoy ang party, kahit si Daenice. Wala akong nakikita na may posibleng mangyayaring hindi maganda mamaya, miski sa galaw ni Daenice.

I got wrinkle on my forehead when I saw Oliver's face, dancing while holding a glass of red wine. Hindi ganoong kalinaw ang camera kaya hindi ko masayadong ma-confirm kung siya nga ba iyon. My heart skipped a beat, I immediately contact Rico if Oliver is there. Nakadalawang ring muna ito bago niya nasagot.

"Hello, Rico?" Rinig ang tunog mula sa kabilang linya, maingay ang paligid.

"Hello, Jamilla? Hindi kita marinig, bakit?"

"Text ko na lang ikaw," I endep up the call and immediately send him a message.

Jamilla:

Nakita mo ba si Oliver d'yan?

Time: 08:56 PM

Rico:

Wala naman, bakit?"

Time: 08:56 PM

Jamilla:

Are you sure? Can you please double check it again? Nanonood kasi ako ng live stream then I saw him right there.

Time: 08:57 PM

Rico:

Wala talaga, eh. Baka naman ay namalik-mata ka lang.

Time: 08:59 PM

Jamilla:

Siguro nga. Sana. Salamat.

Time: 9:00 PM

Rico:

Sige, uuwi na ako. Wala akong kakilala rito. Ang boring.

Time: 9:01 PM

Jamilla:

Sure ka?

Time: 9:02 PM

Rico:

Oo, eh. Sorry. Hihihi.

Time: 9:03 PM

Jamilla:

Aw, okay lang. Salamat din sa effort pumunta d'yan para sa akin.

Time: 9:04 PM

Kahit ganoon ang sinagot sa akin ni Rico ay hindi pa rin nagawa nitong mabawasan ang bigat sa kalooban ko, malakas pa rin ang kutob ko na si Oliver iyon. Naisipan kong i-contact si Oliver and thanks, God. Nag-ri-ring. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko when he pick it up.

"Hello, Jamilla."

Natigilan ako nang marinig ang boses ng kabilang linya, boses ng isang babae. Siguradong hindi ito si Oliver. I double check the name written at the screen at tama naman na si Oliver ang tinawagan ko. Definetely, this is not a wrong number.

Rinig sa kabilang linya ang tunog ng party music. Ibig sabihin, nandoon nga si Oliver. Punyeta.

"H-hello?" Kinakabahan kong response.

"Did you miss me?"

"Who's this? Where's Oliver?"

"Ilan buwan lang ako nawala, limot mo na agad ang boses ko. This is me, Daenice," Narinig ko pa siyang tumawa nang mariin. Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko sa kama.

This is the moment of truth, ito na 'yong oras na kanina ko pang umaga iniisip. My heart accelerated. Kahit si Daenice ang kausap ko, sigurado akong nandoon si Oliver. Gosh, akala ko ba hindi siya pupunta sa party na iyon? Sabi niya pa ayaw raw niyng aksayahin ang oras nita para lang dito? Pero ano itong nangyayari? Pambihira.

"D-daenice?... Bakit mo hawak ang phone ng boyfriend ko?" Kahit kinakabahan I still emphasize the word 'boyfriend'.

"Boyfriend mo? Bakit girlfriend ka ba niya?"

"Oo."

She chuckled but it seemed sounds like an evil. "Are you sure? Palibhasa, isang landi lang sa iyo, iniisip mo na mahal ka na agad. Isang 'I love you' lang ay oo ka na agad. Isang halik lang ay bumigay ka na agad. Maharot ka kasi."

"What do you supposed to mean?" Halos pabulong ko na lang na tanong.

"You shouldn't ask me about that. Si Oliver ang tanungin mo para malaman mo ang totoo."

"Asaan siya?" Medyo nag-ka-crack na ng boses ko and anytime, tuluyan na akong iiyak. 'Yong mga sinabi niya ay tumagos sa akin, tila na-stuck na ito sa isipan ko.

"Obviously, dito sa party ko."

I instantly ended up the call at nagmamadaling inayos ang sarili. Isinuot ko ang jacket na ibinigay ni Oliver sa akin noong slave pa lang niya ako dahil sa lamig ng hangin sa labas.

Nagtanong ako kay Rico kung saan 'yong Mansion ni Danice para hindi na ako mahirapan matagpuan pa iyon. Hindi rin naman ako natagalan sa paghahanap dahil sa lakas ng tugtog mula sa mansion nila, nakita ko rin agad. Papunta pa lang ako sa gate ay nakita ko na si Daenice, nakasandal ito sa tabi ng gate at naka-cross arm. When she saw me, she smiled instantly, but a fake smile.

Ngiti pa lang niya ay alam ko nang may balak itong gawin na masama. Matagal na naman ako handa para sa pagkakataon na ito, kaya siguradong hindi na ako magpapakaapekto pa. I have to act like what I did before.

"It's nice to meet you again, Jamilla."

"Me, too."

"Sabi na nga ba at pupunta ka agad dito sa bahay ko, eh. What brings you here? Are you looking for this phone?"

"Babawiin ko ang boyfriend ko," I raise my left eyebrow, kinuha ko bigla ang phone ni Oliver na hawak niya. Gusto kong magmukhang mataray sa harapan niya, even deep inside, sasabog na ang puso ko sa kaba. Malay ko ba kung anong ginawa na ng babaeng ito kay Oliver.

"Aw, how sweet you are? Kaya pala ang sarap mong paglaruan."

"What are you saying?"

"Opps, sorry. Tao lang, nadudulas sa kasinungalingan ni Oliver sa iyo," Hindi na ako nakaimik pa sa sinabi niya dulot ng gulat. Gulong-gulo na ang isip ko at wala akong maintindihan. "Ay, sorry. Nadulas ba ulit ako? Don't mind what I said. Baka masaktan ka, I don't want my Baby Tiger break her trust to Oliver. Opps, that was the opposite one. Gusto ko palang masakta ka."

"Hindi iyan totoo," Kumawala na ng mga taksil kong luha mula sa mga mata ko. Ayaw kong umiyak sa harapan niya ngunit hindi ko napigilan. "Ikaw ang sinungaling."

"Don't cry baby tiger, hindi ko naman hangad na paniwalaan mo ang sinabi ko. I was just concern about you, or should I say, on you heart. Ayaw kong magmukha kang mangmang na pinaglalaruan ng isang lalaki."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Where he is?"

"Inside the party, pulang-pula na ang sarili sa dahil sa kalasingan," Papasok na sana ako sa loob ng gate ngunit hinarangan niya ako gamit ang braso niya. "Wala akong naaalala na inimbitahan kita sa party ko. So, you don't have a permission to enter there, back off," Malamig nitong sabi, bahagya niya akong itinulak papunta sa gitna ng kalsada. Agad siyang naglakad papasok sa loob and she slammed the gate shut.

Naiwan akong mag-isa dito sa labas. Hindi ko na kayang lumaban pa sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin. Tuluyan nang bumibigay ang katawan ko at tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.

Kung ginagamit ni Daenice ang sinabi niya bilang pang-black mail kay Oliver, masakit na. Paano pa kaya kapag sa mismong bibig ni Oliver nanggaling ang mga iyon? Hindi ko na alam. Ayaw kong maniwala kay Daenice dahil may tiwala ako kay Oliver.

After a seconds, nagulat ako nang bumukas ulit ang gate. Lumabas ulit si Daenice at ningitian ako. "I almost forgot, wala ka bang naaalala sa araw na ito? It was Angel's death anniversary."

下一章