webnovel

chapter 20

oras lamang ang lumipas ay agad nga nilang narating ang batangas doon ay agad nga silang pumunta sa ospital kung saan naroroon ang kanyang ama at kapatid. mula doon aya agad nya nakita ang kanyang ina. " ma" wika ni esma. " anak anong ginagawa mo dito( agad na napatingin kay arman) mabuti at nakarating ka anak( agad na dinala ni mira si esma kung saan naroroon ang kanyang ama at kapatid)

mula doon ay nakita ni esma ang ang kanyang ama at kapatid sa kalunos lunos na kalagayan..halos di nya ito matignan ng maayos.. ang laki ng ng ipinayat at pinagbago nila. kaya agad na lumapit si esma sa kanyang kapatid at hinawakan nya ang kamay nito. " anghelito.. bunso.. si ate ito...pagaling ka na ha( umiyak).. marami ka pang pangarap sa buhay.. na kailangan mong tuparin( humarap sa kanyang tatay ) pa.. nandito na po ako... kayanin nyo po ang lahat.. pa.. pagaling po kau ni anghelito..gagawin ko po ang lahat para sa inyo( hinagkan ang ama).

ilang oras lamang ang lumipas at nagusap ng masinsinan si esma at ang kanyang ina. "sino yang kasama mo" wika ni mira. " si arman po ma.. kasintahan ko" wika ni esma. " kasintahan!!!! esma pinayagan ka naming pumunta ng maynila dahil ang sabi mo mag hahanap buhay ka.. tapos ganon ang malalaman ko.. esma nasa bingid ng kamatayan ang kapatid at papa mo.. pero ikaw nakuha mo pang lumandi" wika ni mira. " mawalang galang na po.. hindi naman po sa ganon mahal ko po ang anak nyo." wika ni arman. " pwede bang wag kang nakikialam dito..usapan namin ito ng anak ko" wika ni mira. " ma.. mabait si arman.. at mahal nya ko" wika ni mira. " ako na ang nag sasabi sayo.. sa itsura palang ng lalaking iyan.. halatang hindi ka nya kayang bigyan ng magandang kinabukasan.. sige kung yan ang gusto mo.. di ituloy mo.. balang araw malalaman mo rin na tama ang lahat ng sinasabi ko" wika ni mira.

lumipas lamang ang dalawang araw.. isang umaga ang gumimbal kay esma.. sa pag bukas ng pinto ng kaynang mama ay marahang sinabi nito na wala na ang kanyang papa at kapatid.. Isang balitang bumalikwas sa katawan ni esma.. nanghina ito at tila nabingi sa pangyayari.. paulit uli na sinasabi ng kanyang isip na hindi iyon totoo.. ngunit ang katutuhanan ay pilit na ipinamumuka sa kanila. katutuhanang kailangan nilang tanggapin sa ayaw ma nila o sa gusto. lumipas ang anin na araw dumating ang araw na kung saan dadalhin na nila sa huling hantungan ang kanyang papa at kanyang kapatid.. napakasakit ng bawat hakbang patungo sa huling hantungan.

ang mga luha nito ay bumubuhos at umaapaw sa bawat sisidlan. kalungkutan at pangungulila na unti unti na nilang mararanasan. pagmamahal at ala ala na mananatili sa kanilang puso at isipan.

" angelito.. alam ko.. kahit papaano ay masaya kana .. kasama mo si papa na aakyat sa langit.. hindi mo man natupad ang lahat ng mga pangarap para saatin....hayaan mong ako ang gumawa noon.... papa.. wala akong pinagsisisihan sa maling ginawa ko.. dahil ginawa ko iyon para sa inyo ni anghelito.. pero.. ito na siguro ang gusto ng panginoon.. mahal na mahal ko po kaung dalawa.. hindi iyon mawawala kahit kailan" pamamaalam ni esma.

ang lahat nga ng iyon ay nasaksihan ni anghel.. mga bagay na unti unting nagpapalinaw sa kanyang inosenteng kaalaman.

下一章