webnovel

Class Unity

Chapter 78: Class Unity 

Caleb's Point of View 

Palihim akong nakasilip sa labas para tingnan ang mga kaibigan ni Mirriam. 

Pare-pareho silang mga nakaluhod sa masakit na simento, hinihiling na pagbuksan sila ng pinto. Hindi ko na rin talaga kaya na makita na ganito sila palagi, lalo na't nandito na rin si Haley. 

  "Kuya," Tawag ni Airiam sa akin kaya lumingon ako sa kanya. "Kausapin na kaya natin sila Mama? Alam naman natin na hindi 'to makakatulong kay ate Mirriam." 

  Humarap ako pabalik para tingnan sila Haley. "Iyan nga balak ko gawin, kausapin sila." 

  Lumabas ako ng kwarto para puntahan sila Mama sa kwarto nila. Subalit naabutan ko na nandoon din si manang. "Ma'am. Lima na po silang na sa labas. Hindi po ba natin sila pwedeng pagbigyan na makita si Miss Mirriam p--" 

  "Makita? Bakit? Para saan? Para saktan ulit ang anak ko?" Napaatras nang kaunti si Manang dahil sa paraan ng pagsagot sa kanya pabalik ni Mama. "Ano ba kasing ginagawa ng mga batang 'yon? Ilang beses ko ng sinabing huwag na silang bumalik dito!" 

  Tungong nakatingin sa kanya si Manang nang tumingala siya. "Iyon din po sana ang sasabihin ko. Baka po kasi magkaroon tayo ng isyu kung magtatagal po sila sa labas na ganoon." 

  "Hindi. Pabayaan mo sila, aalis din naman tayo rito." Pagmamatigas ni Mama kaya humakbang na ako para magpakita at magsalita pero inunahan ako ng kambal kong si Jean. 

  "Ikaw na rin nagsabi na aalis tayo, Ma." Nagulat si Manang gayun din si Mama. "Bakit hindi n'yo hayaan na magpaalam 'yung mga kaibigan ni Mirriam sa kanya? Na makita siya kahit sandali lang?" 

  Nakatingin lang ako sa likod ni Jean at hindi umimik. Kailan pa siya narito? 

  "Sinasabi mo ba na hayaan kong ipakita si Mirriam sa mga kaibigan niya na nagdala sa kanya sa kapahamakan? Iyon ba sinasabi mo, Jean?" 

  Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Jean. "Hindi sa binabalewala ko 'yung nangyari sa sarili kong kapatid. Hindi naman talaga naging madali 'yon lalo na sa inyo. Pero walang may gusto sa nangyari, at hindi rin kasalanan ng mga kaibigan ni Mirriam na nangyari 'yon sa kanya." 

  Napatayo si Mama mula sa pagkakaupo niya sa kama. "Bakit parang pinapalabas mo na ako ang may mali?" 

  Nakita ko 'yung pag hesitate ni Jean sa pagsasalita pero nakabawi rin kaagad at hinakbang pa ang kanang paa. "Hindi ko sinasabing may mali ka, Ma. Naiintindihan ko kung bakit ka nagkaka ganyan, pero bilang isang kapatid ni Mirriam at ate ate-han ng mga kaibigan niya. Nakikita ko na hindi rin nakakatulong 'yung ginagawa natin para kay Mirriam. Hinahayaan lang natin siyang mag-isa para maiwasan 'yung sinasabi niyong pwedeng magpahamak sa kanya kahit na ang totoo, kinukulong n'yo na lang siya sa pwedeng magpasaya sa kanya." 

  Kumunot ang noo ni Mama. Tumayo siya at naglakad upang lumapit kay Jean, animo'y bibigyan ito ng sampal nang humarang ako. 

  I spread my arms para hindi makadaan si Mama't malapitan ang kambal ko kaya napahinto siya't mukhang nagulat din sa aking nagawa. Samantalang napaawang-bibig din si Manang. 

 

  Binigyan ko siya nang malungkot na tingin. "Ma, ayaw mo ba munang subukan na ipakausap si Mirriam sa mga kaibigan niya?" Tanong ko sa kanya na hindi niya inimikan. "Hindi naman kaagad-agad mawawala 'yung trauma niya, pero bakit 'di natin subukan? Na baka may epekto kung… sila Jasper ang kakausap?" Marahan kong ibinaba ang mga kamay ko't naglayo ng tingin. "Sila sila 'yung nagdadamayan, sila ang madalas magkasama. Sila ang huling nagkasama bago nangyari ng mga bagay bagay na dumaan kay Mirriam. Kaya bakit 'di natin subukan, Ma?" 

 

  Hanggang ngayon, hindi pa rin namin magawang makausap nang maayos si Mirriam. 

  Palagi pa rin siyang nakakulong sa kwarto, minsan maabutan ko na lang na ang gulo ng mga gamit niya sa kwarto mula sa pagwawala. 

  May isisigaw siya habang hawak ang mga ulo. Minsan, may napupunit din siyang tela at tatakpan ang mukha pagkatapos para humagulgol. 'Yung puti sa bangs niya, habang tumatagal ay rumarami. 

  Tinatawag daw ito sa Marie Antoinette Syndrome, madalas itong mangyari dahil sa severe emotional stress.   

  Nagsara nang kaunti ang talukap ng mata ko. "Ganoon din sila Haley. Hindi sila magtitiis diyan sa labas kung gusto lang nilang pabayaan si Mirriam. Hindi sila magsasayang ng oras na pagtinginan ng mga tao at maghintay nang napakatagal kung hindi importante 'yung anak n'yo para sa kanila." Inangat ko ang ulo ko para makita ang nasasaktang mukha ni Mama. "They also want to protect her but could not that's they are doing this. Hindi n'yo ba 'yon nakikita? Ma, kahit sa isang pagkakataon lang. Pagbigyan mo sila, para na rin kay Mirriam." 

  Namuo na ang basa sa mata ni Mama, at pagkatapos ay napansin kong mapapaluhod siya kaya kaagad ko siyang sinalo bago pa man siya bumagsak saka ko dahan-dahan siyang inalalayan paupo. Humagulgol ito kaya lumapit na rin si Jean para hagurin ang likod ni Mama at yakapin ito. Nakita ko si Airiam na nandoon na rin pala sa labas at lungkot lamang na nakatingin sa kung saan. 

  Ibinaling ko na lang ulit ang tingin sa umiiyak kong ina nang tingnan ko ang labas ng bintana kung saan nakikita ko ang paglubog ng araw. 

  Truth be told, I'm frustrated, I'm her brother but I can't do anything to make her feel better. The pain and fear is too much to bear, but I know she can be strong even she gotten lost now and have nowhere to go. 

  She's not sure of which route she should take right now and cannot able to see any reason to continue her life. However, I still pray for her to come back to us. 

  "We're here, Mirriam." I whispered. 

Haley's Point of View 

  Ito ang araw na babalik na talaga ako sa dati kong pamumuhay. Sa normal na mundo. Subalit hindi ibig sabihin, 'tapos na ang problema. May isa pang natitira… 

  Inayos ko ang pulang necktie ko't pinagpag ang skirt ko sabay harap sa malaking salamin. Humakbang ako palapit doon at pinitik ang dulo ng buhok kong nakatali. 

Tinapik ko nang mahina ang magkabilaan kong pisngi at nginitian ang sarili. 

  Bumaba na ako sa baba at naabutan sila Mama na nag-aalmusal. "Oh, 'nak.  Kumain ka na bago ka pumasok. Huwag kang kukuha na lang ng tinapay diyan at aalis." Hindi ko ugali 'yong ganoon kaya baka si Lara 'yung tinutukoy niya. 

  "Humph." Umupo ako sa upuan ko, na sa harapan ko si Papa at umiinum ng kape niya. Nasabi niya na babalik ulit siya sa california para mag trabaho samantalang maiiwan muna si Mama rito dahil na rin sa laki nung tiyan niya. Ilang months pa bago 'yung labor niya. 

  Inilapag ni Mama 'yung pagkain sa lamesa kaya napatayo ako dahil nakalimutan kong bawal din pa lang mapagod si Mama. 

Tinulungan ko lang din siyang maghain saka kami naupong pareho. 

  May mga kinukwento si Mama habang kumukuha ng kanin niya pero wala roon ang pokus ko kundi sa inuupuan ko. 

Ayoko mang isipin, pero hindi ko mapigilan. Itong upuan na inuupuan ko ngayon ang siya ring inuupuan din ni Lara noong wala ako sa bahay na 'to. 

  Humawak ako sa gilid ng upuan ko't hindi namalayan na napatungo kaya hinawakan ni Mama 'yung balikat ko. Napapitlag ako't mabilis na nilingon si Mama. "Bakit ka tulala, 'nak? May masakit ba sa'yo?" Pag-aalala niya sa akin pero umiling lang ako at pumaharap ng tingin. 

  "Sorry, Ma. Inaantok lang ako." Tugon ko. 

  Ibinaba ni Papa 'yung cup ng kape niya sa platito. "You looked a bit meek today. Nasaan ang pagiging assertive natin?" 

  "Hon." Sita ni Mama habang taas-kilay lang akong nakatingin sa kanya. Seriously, just what happened while I'm not around? 

  "Tell me when you're done, okay? Para makaalis na rin tayo." si Papa. 

Hanggang ngayon pa rin pala, bantay sarado ako? 

  Tumango ako. "Opo, pero mamayang uwian. Ako na lang po ulit. Pupuntahan lang po si Mirriam." Paalam ko kaya naramdaman ko 'yung paglipat ng tingin ni Mama sa akin gamit ang gilid ng mata niya habang sumusubo. 

  Pagkatapos maibaba ang kutsara niya ay inilipat nito sa akin ang kanyang tingin. "Hindi masama 'yang ginagawa n'yo pero alamin n'yo rin kung kailan kayo dapat tumigil kapag tingin n'yong wala na kayong dahilan para magpatuloy." Payo ni Mama kaya tipid akong ngumiti. 

  "Pero hanggan't may isang dahilan, hindi kami titigil." Ngiti kong sabi nang lingunin ko siya. 

  Umawang-bibig siya pero itinikum din kaagad. Humarap siya sa akin upang yakapin ako. Higpit siyang nakayakap habang nakapatong ang kanyang pisngi sa tuktok ng ulo ko. Hinimas din niya ang aking buhok. "Just please don't make me worry again, Haley…" 

Nakatingin lang ako sa kung saan noong ipikit ko na lang din ang mata ko. "I'm sorry." 

*** 

  NARATING ko na ang classroom ng skwelahan at bumungad kaagad 'yung mukha ni Rose pagkatapos ko pa lang sa loob kaya ako naman itong inurong ang ulo ko. Inayos niya ang salamin niya. "Hmm? Bakit parang may kakaiba sa 'yo ngayon?" Pagsusuri niya sa akin na may pagbaba pa ng tingin pataas sa ulo. 

  Kumurap-kurap ako bago ngumiti nang pilit. "P-pwede kang lumayo sa'kin?" Tanong ko sa kanya dahilan para mabilis siyang lumayo sa akin at humalukipkip. 

  "Weird, dapat ngayon pa lang tititigan mo 'ko nang malamig habang nakapoker face saka mo 'ko lalagpasan." Kwento niya na ngiting nagpaismid sa akin. 

  "You're overthinking." Tugon ko bago ko siya lagpasan, umupo ako sa pwesto ko katabi ni Reed. May mga yabag ng paa ang paparating dito ngayon, dali-daling pumasok si John sa classroom at pumunta sa teacher's table para may ipaalam sa amin. 

  Hinampas niya ang gilid nung table. "Hoy! Hoy! Alam n'yo bang na sa ospital ngayon 'yung adviser natin?" 

  Napatingin ang lahat sa kanya samantalang napataas ang kilay ni Reed. "Saan niya nalaman 'yan?" Mahinang tanong ni Reed na hindi ko sinagot. 

  "Kanino mo narinig?" 

  "Saang ospital?" 

  "Luh. Bakit kaya?" 

  "Malamang, may nangyari sa kanya kaya siya na sa ospital, 'di ba?" Pamimilosopo ng isa naming kaklase sa tanong nung huling nag react. 

  "Malay mo, doctor na siya ro'n?"

  "Ang bobo mo, alam mo 'yon?" 

  Lumapit si Rose kay John. "Saan mo nalaman?" Mainahong tanong ni Rose na tinanguan ni John bago humarap sa amin. 

  "Na sa St. Claire Hospital siya ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero narinig ko lang din sa mga co-teachers niya sa faculty noong dumaan ako."

  "Dumaan o chismoso ka lang talaga?" Walang ganang tanong nung kaklase namin. 

  "Nagbanyo kasi ako bago ako pumunta rito." Sagot naman ni John at mukhang nagpipigil ng inis. 

  Marahan na tinulak ni Rose paalis si John sa teacher's table at ipinatong ang dalawa niyang kamay roon. "Pwede ba tayong makipag cooperate lahat?" Panimulang tanong ni Rose habang nakatuon lang ang atensiyon namin. "Hindi ko kayo pipilitin na pumunta pero pwede ba nating dalawin 'yung adviser natin mamaya after dismissal?" Pagkuha niya ng approval namin habang napatingin lang kami nila Harvey, Jasper, Kei, at Reed sa isa't isa. 

  Magsasalita sana si Reed dahil mukhang tatanggi siya nang magsalita ako.

"Sasama ako mamaya." 

  Napatingin sina Kei sa akin. 

  Tumango naman ang kaklase ko na nasa harapan. "Ako rin." 

  "May sundo ako pero magpapaalam na lang ako." 

  "Ako rin, ako rin.' 

  "Hindi ko sure, pero pipilitin ko. May cram school kasi ako, eh." 

  "May training kami sa volleyball ngayon pero ngayon lang naman kaya sama ako." At nag thumbs up ang lalaki kong kaklase na iyon. 

  Pinitik ni Aiz ang buhok niya at tumayo. "Aba'y siyempre sasama ako, 'no? Magpapatalo ba naman ako sa inyo?"

  "Hindi 'to competition." Pilit na ngiti ni Kimberly. 

  "Hinding hindi ako makakapayag na kayo lang ang na sa spotlight!" Turo ni Trixie sa kisame at taas ng kanang paa sa upuan niya saka sila tumawa ni Aiz na parang isang donya. 

  Napangiti si Rose at tinanguan kami. Kaya nung matapos ang klase namin. Hindi kaagad kami lumabas at nag-ayos lamang ng gamit. 

Pero nagplano sila kung ano 'yung bibilhin para sa adviser natin. 

  Lumapit sa akin si Kei. "Paano si Mirriam?" Tanong niya sa akin. Napatingin tuloy ako sa labas ng bintana. 

Santos' Point of View 

  Relax lamang akong nanonood ng TV. Habang tumatagal ako sa ospital, mas nababagot na ako. 

Nami-miss ko na 'yung pagkain sa labas. Wala na akong ibang kinain dito sa lugar na 'to kundi puro hospital food. Hindi naman masarap, ang tatabang. 

  Ngunit aangal pa ba 'ko? Libre na nga-- hindi. Nagbayad pala 'yung kapatid ni Haley rito. Pero parang libre na rin 'to sa parte ko. 

  Kinuha ko ang remote na nasa side table ko saka ko pinatay ang TV. Marahan akong umupo mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard. Tiningnan ko ang balikat ko na medyo pagaling na at mabigat na napabuntong-hininga. 

  May kumatok sa pinto ko pero bago pa man ako makapagsalita ay tumaas ang balahibo ko sa gulat nang malakas itulak ng kung sino ang pinto. 

Pero mas ikinagulat ko kung sino 'yung mga taong 'to. 

"Eh?" Reaksiyon ko pagkakita ko pa lang sa mga mukha ng mga estudyante ko. 

  Sumilip si Ricky. "Hala, si Sir nga!" Namamangha na sabi nito. 

  "Shh! Ang ingay mo, na sa ospital tayo." Suway ni Kimberly. 

  "OMG. Sir, what happened to you?" si Kath. 

  Pumasok silang lahat sa kwarto ko, nagkasya naman sila dahil malaki laki rin ang space nung private room na ito. 

  Tiningnan ko silang lahat. "Bakit kayo narito? Sino nagsabi?" Naguguluhan kong tanong. 

  "Narinig lang daw ni John sa co-teacher n'yo. Kaya pumunta na kami rito, tutal nalaman namin." Sagot ng estudyante ko na hindi ko kaagad nagawang sumagot. 

Pero napatingin ako kay Haley na nandoon lamang sa pinto at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Namilog kaunti ang mata niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. 

  Subalit sa halip na sumimangot, luminya lang nang kaunting ngiti ang labi niya. 

Medyo kakaiba pero ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga estudyante ko na ngayo'y dinadaldal ako. 

Wala akong masabi at mga nakatingin lang din sa kanila. Hindi ko kasi alam kung ano 'yung dapat kong ibigay na reaksiyon. 

'Di lang ako makapaniwala na pupuntahan nila ako rito, at kumpleto pa sila. 

  Kapag tititigan ko sila isa-isa habang may mga ngiti sila sa labi nila, para silang nagliliwanag. Parang bumabagal 'yung oras. 

Ano kaya tawag sa pakiramdam na 'to? Strange. Iniisip ko na parang ang sayang makita 'yung growth ng mga batang 'to. Maging successful sa buhay nila pagka graduate ng high school hanggang matapos ang kolehiyo. 

  "Pero, Sir? Napa'no nga 'yang balikat mo?" Tanong ni Aiz at inilapit ang mukha sa akin kaya taas-kilay ko siyang tiningnan. 

Inilipat niya ang tingin sa balikat ko. "Nabudol ka ba, Sir?" Sabay sundot niyon nang mariin kaya napasigaw ako. 

  Kinuha kaagad si Aiz ni Rose at Kimberly habang tumawa ang mga estudyante ko. Mga pasaway… 

  Ilang buwan na lang bago sila grumaduate. Kailangan ko na talagang makaalis dito. At kapag nakalabas ako rito, 

  "I'll do the best I can," Bulong ko at hindi namalayan na napangiti na pala ako.

It's fun to watch my students grow. 

Caleb's Point of View 

 

  Alasingko ng hapon. Dumidilim ang kaulapan dahil mukhang uulan nanaman.

Naghihintay si Mama sa may sala para sa pagdating nila Haley, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita. 

  "Ano? Huwag mong sabihing sumuko na sila?" Rinig kong sabi ni Mama mula sa sofa. Nakasilip lang ako rito sa bintana't hawak ang nakaurong na kurtina. 

Naningkit ang mata ko at naghintay ng ilang sandali dahil baka nandiyan na sila at may mga ginawa lang sa eskwelahan kaya wala pa sila. 

  Pero umabot na ng alasiyete, ilang oras din pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. 

  Kaya tumayo na si Mama na mabilis kong nilingunan. "Time's up. Aalis na tayo sa lugar na 'to sa Linggo, kakausapin ko 'yung school n'yo para sa mga requirements na kailangan n'yo para makapag exam kaagad kayo for second semester." At naglakad na siya paalis. Hindi na ako nakahabol pero gusto kong pahintuin si Mama. 

 

  Ibinaba ko na lang ang kamay ko na dapat ay hahabulin siya. Napakuyom ang kamao bago ko ibalik ang tingin sa labas ng bintana. 

*****

下一章