webnovel

Surmise

Chapter 51: Surmise 

Lara's Point of View 

 Kinuha ko ang syringe na naglalaman ng Marijuana syrup na nakapatong sa lamesa. Inihanda ito ni Roxas para sa 'kin pagkapasok ko pa lang ng equipment room galing sa isang misyon. 

 Sa kalagitnaan kasi ng trabaho namin, inatake nanaman ako ng 'halimaw' sa aking katawan at muli nanaman akong nahirapang huminga. Dumadalas na ang paninikip ng dibdib ko kaya mas rumarami nanaman 'yung mga dapat kong iturok sa aking balat. 

 Tinupi ko ang manggas ng damit ko paakyat bago ko itinusok ang karayom ng injecton sa bandang pulso ko. 

Binuka sara ko ang mga kamao ko habang dahan-dahan kong itinutulak ang plunger para pumasok sa katawan ko ang syrup. 

 Wala pang minuto pero ramdam na ramdam ko na 'agad 'yung hilo dahilan para mapahawak ako sa edge ng lamesa, lumakas din ang pagtibok ng puso ko kumpara sa dati kaya hawak naman ng kanan kong kamay ang dibdib ko. 

 Umismid akong ngumiti nang mapait bago mapatingin sa mga gamit na Syringe na nandoon sa lamesa. Apat din ang nando'n kaya mas malakas talaga ang epekto nito sa 'kin. 

 Nagbukas ang pinto at pumasok si Roxas dala-dala ang iilan sa mga armas na ginamit niya kanina. 

Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit niya kaya puro duguan ang katawan at damit. 

 "Pinatawag ako ni General Royale kaya natagalan ako." Bungad ni Roxas pagkasara ng pinto. Lumakad siya papunta sa refrigerator na nasa kaliwang bahagi para kunan ako ng tubig. 

 "Ayaw mo ba talagang sumailalim sa operasyon kaysa 'yung nagkakaganyan ka?" Tanong ni Roxas nang makarating sa harapan ko't maiabot ang tubig ko. 

 Hindi ako sumagot at inangat ko lamang ang tingin ko sa kanya. Imbes na si Roxas ang nakikita ko, pangit na imahe ang nakikita ng aking mga mata kung kaya't tumungo ako't pumikit nang mariin habang hawak ang noo. 

 Ilang taon ang nakakalipas. 

Kahit na sabihin nating ipinunta ako sa ibang bansa para sa pagpapagaling ko para sa Epileptic Seizure, na kung tinatawag ko sa 'halimaw'. 

Hindi ito basta't basta mawawala ng kaagad-agad. Kailangan ko munang sumailalim sa napakadilim na pagsubok para lang makita 'yung pinto ng liwanag at mawala itong halimaw na pilit na hindi kumakawala sa akin. 

 Maintenance ko lang ang Marijuana Syrup na itinuturok ko sa balat ko. Kahit na iturok ko nang iturok 'yon sa akin, hindi ako gagaling. 

 "Vivi--" Ipapatong pa lang ni Roxas ang kanan niyang kamay sa aking balikat nang mabilis ko siyang itinulak at ibinagsak sa simento. Pumatong ako sa sikmura niya't itinutok sa tapat ng noo niya ang baril na nakuha ko sa gun pouch na nakasabit sa kanyang hita. 

 Habol-hininga ko siyang tiningnan sa mukha. Hindi si Roxas ang nakikita ko, pero sa pagkakataon na 'to. Iba-ibang mukha ang nakikita ko at puro mga duguan, sugatan, sunog na mukha, at kung anu-ano pa. 

 

 Kung anu-ano ring salita ang naririnig ng tainga ko at halos hindi ko nanaman ma-kontrol 'yung utak ko kaya napapailing ako upang subukan na ibalik 'yung senses ko. "Ngh…" 

 Humawak ako sa ulo ko dahil habang tumatagal ay umiingay na ang utak ko. 

 Naramdaman ko na lang ang pagkuha ni Roxas sa pulso ko't hinila ako sa kanya para yakapin. "Don't open your eyes." Marahan niyang hinawakan ang likurang ulo ko't ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. 

 Subalit huli na bago pa ako kumalma, dahil tuluyan ko ng hindi na-kontrol ang isip ko't nagpadala ako sa hallucinations na nakikita ko. 

*** 

 NAGISING NA LANG ako, na sa mismo kong kwarto na ako ng W.S.O. Basement. Umupo ako sa pagkakahiga kaya bumaba ang kumot na nagbigay takip sa katawan kong walang kahit na anong suot na damit. 

 

 "You're finally awake." 

 Lumingon ako kay Roxas na nakaupo sa isang stool na nasa kaliwa kong bahagi. Tumayo na lamang ako at pumunta sa harapan ng aking aparador para kumuha ng damit. 

 "Wala ka man lang itatanong kung ano'ng ginawa mo kahapon?" Tanong ni Roxas habang inaalis ko sa hanger ang kinuha kong white long sleeve. 

 Kahapon? Gano'n katagal akong nawalan ng malay?

 

 "You became more dangerous than I expected. Maswerte pa kamo ako dahil buhay ako. Nakikita mo ba 'yung pasa ko sa mukha? Kagagawan mo." Naramdaman ko pa 'yung pagkibit-balikat niya. 

 Nakasuot na ako ng puting sleeve at isinasara ko na ang mga buttones niyon. Pagkatapos kong makapagbihis, kinuha ko na 'yung Black leather coat na nakasabit sa sandalan ng upuan. 

 "Ikaw na bahala kay Haley. May kailangan lang akong tingnan sa susunod na siyudad." Paglagpas ko kay Roxas bago buksan ang pinto. 

 "Paano 'yung Reed Evans? Wala ka pa bang balak sabihin sa kanya 'yung tungkol sa kapatid niya?" Tanong niya sa akin dahil para mapahinto ako nang makaapak na ako sa labas ng kwarto ko. 

Paunti-unting nagsasara ang pinto ko habang hindi pa rin nakalingon sa kanya. 

 Mayamaya pa noong magpasya na ulit akong maglakad. Walang ibang salitang ibinigay sa kanya. 

 Kung iisipin ko 'yung mga dapat kong sabihin, hinid ko maiwasang mapabuntong-hininga. 

 But some things should be left unsaid.

Mirriam's Point of View 

 Tahimik akong nagsusulat sa kwaderno ko't ginagawa 'yung assignment ko. Dito ko na ginawa sa tambayan 'yung dapat sa bahay ko na lang gagawin dahil pagkatapos lang nito ay didiretsyo ako sa G-Shop para magbantay. 

 "You don't have to act stoic. This is me you're talking to, just be honest." Rinig kong boses ni Kei kasama si Harvey na nandoon sa lababo't naghuhugas ng pinggan. Si Harvey naman 'yong nagpupunas ng mga hinugasan ni Kei. 

Katatapos lang din kasi naming kumain pero umalis si Jasper at pumunta lang sa library dahil kukunin daw niya 'yung literature book para sa gagawin naming activity bukas. 

 Si Reed naman, hindi nanaman pumasok dahil hanggang ngayon ay nilalagnat. 

 Nilingon ko si Haley na nandoon sa single sofa at nakaupong natutulog. Kinuha ko ang AC remote at binabaan ang temperature ng lamig. Kumuha na rin ako ng kumot dahil baka mamaya sipunin pa si Haley. 

 

 Inalis ko sa pagkakatupi ang kumot na nakalagay na talaga roon sa arm rest ng pahabang sofa at pumunta kung nasaan si Haley. 

Tahimik lang siyang natutulog pero maririnig mo ang bawat paghinga niya. 

 Napahinto ako at napatitig sa ilalim ng mata niya. Ngayon ko lang napansin na sobrang itim na ng eyebags niya. Hindi ba siya natutulog?

 

 Humakbang pa ako ng isa at kinumutan siya. Lalayo pa lang ako nang mapansin ko nanaman 'yung noo niya. Nakahawi ang bangs niya kaya nakikita ko iyon ng maaliwalas. 

 Wala ro'n iyong peklat na nakuha niya matapos niyang mabangga sa sasakyan noon. Tumitig ako sa noo niya habang nakabuka nang kaunti ang bibig ko. Akmang hahawakan ko iyon nang mapasinghap ako sa mabilis na pagkuha ni Haley sa pulso ko kaya ibinaba ko ang tingin sa mukha niya. 

Walang buhay siyang nakatingin sa akin. "Ano'ng ginagawa mo" Bakas sa boses niya ang kaunting pagka-alerto. Ang seryoso rin ng paraan ng pagkakasabi niya. 

 "Ah--" 

 Nakaringi kami ng basag na pinggang pareho kaya napatingin kami ni Haley kina Kei. 

 "H-Hala! Sorry, nadulas kasi 'yung kamay ko!" Natatarantang sabi ni Kei at pinulot ang basag ng pinggan. 

 Niluhod naman ni Harvey ang kaliwang tuhod at tinulungan si Kei na magpulot ng nabasag na pinggan. "Idiot. What are you even doing?" 

 Tumayo na si Haley kaya tumayo na rin ako nang maayos. "Sorry, naisturbo yata kita sa pagtulog mo." Nakokonsensiya kong wika. 

 Nakaharap ang tingin niya nang marahan niyang ilipat sa akin. Medyo napalunok ako dahil alam kong hindi niya sadya pero ang sama sama talaga ng tingin niya sa akin. 

 Dahil ba 'to sa pagod niya? Kulang sa tulog. 

 "Ah, siya nga pala, Haley. Naalala mo pa ba 'yung lalaking nakaaway mo na may dala-dalang camera sa lugar natin noong unang lipat tayo ng bahay?" Tanong ni Kei kasabay ang kanyang pagtayo nila ni Harvey. 

 Taas-kilay naman siyang nilingon ni Haley. "Bakit?" Tanong naman nito. 

 Napalitan ng pangangamba ang mukha ni Kei. "Nakita ko kasi siya kanina sa harapan ng E.U. May hinahanap yata siya." Wika niya at ngumiti nang pilit. "May pakiramdam ako na baka inaabangan ka kaya I ask you not to go alone one of this days." 

"Nakaaway?" Ulit ko sinabi ni Kei at ibinalik ang tingin kay Haley para mai-stretch ang dalawa niyang pisngi. "Palagi ka na lang may kaaway, Haley." 

 Bumuntong-hininga si Harvey samantalang binitawan ko na si Haley. 

Wala naman siyang sinasabi pero makikita mo na medyo pre-occupied siya. 

*** 

 "May sasakyan naman, bakit hindi ka na lang sumabay?" Tanong ni Harvey na ngayon ay na sa driver's seat. Na sa passenger's seat naman si Kei at sinilip kami ni Haley. 

 "Ikaw rin Haley. Bakit hindi ka pa sumabay?" Tanong naman ng kapatid kaya pasimple kong tiningnan si Haley. 

 Pinitik niya ang buhok niya. "May gusto lang akong puntahan sandali, saka nag text sa akin si Rose. May pinapaabot kaya kailangan kong puntahan." Tugon ni Haley habang ngumiti naman ako kina Harvey. 

 "Malapit na lang din naman ako, kaya ng lakarin.. Exercise din ba. Saka," Tumalikod ako sa kanila at inilagay ang dalawa kong kamay sa likuran ng aking ulo. "Masyado kayong awkward kasama." Mahina kong sabi pero narinig pala ni Harvey kaya naramdaman ko 'yung masama niyang pagtitig. 

 "Eh? Ano?" Hindi kasi narinig ni Kei. 

 Muli akong humarap sa kanila. "Umalis na kayo, kita na lang tayo bukas." Paalam ko. 

 Wala namang nagawa si Harvey kundi ang sumimangot, 'tapos kay Haley naman niya ibinaling ang tingin. "Huwag kang magpagabi." 

 "Ano ka? Tatay ko?" 

Nakita ko ang sandaling pagkunot-noo ni Harvey. Mukhang naasar sa naging sagot ni Haley kaya tumawa ako nang pilit. 

 "Oo na, uuwi rin naman 'agad ako. Sabi ko ngang may aabutin lang si Rose.." Pag-irap ni Haley kaya pasimple akong napangiti. 

 

 For some reason, para akong nabunutan ng tinik. Siguro kasi nakikita ko 'yung usual na Haley na palairap? 

Pero ano bang iniisip ko at lumuwag ang pakiramdam ko? 

 

 Pinaandar na ni Harvey ang sasakyan niya saka sila umalis sa harapan namin. 

Naiwan na kami ni Haley rito sa tabi ng kalsada. Humarap ako kay Haley at nginitian siya. "Oh, siya. Mauna na ako--" 

 "Sasamahan kita." Biglang sabat niya na nagpatigil sa akin. 

 Namilog ang mata ko. "Ha? Pero 'di ba sabi mo--" Inangat niya ang bangs niya na muling nagpatigil sa akin pagsasalita. 

 "Gusto lang kitang makausap sandali. Matagal ko na kasing napapansin na palagi mong tinitingnan noo ko, kaya napag-isip isip ko na baka nagtataka ka kung bakit wala na 'yong peklat ko diyan." Inalis niya ang patch artifact sticker na nagmumukhang sarili niyang balat. 

 Ngayon nakikita ko na 'yung peklat niya. 

 "N-Nandiyan pa rin pala 'yan." Nauutal kong wika. "Akala ko wala na, kasi baka gumagamit ka ng Sebo de Macho." Dagdag ko. 

 Luminya ng ngiti ang labi niya. Isang ngiti na medyo nagpakilabot sa akin. 

 Ibinaba na niya ang kamay niyang nakahawak sa bangs niyang nakataas kanina. "Pero alam kong alam mong hindi madali mawala ang peklat lalo na kung malalim." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "I'm also wondering kung bakit wala kang sinasabi sa akin kahit may gusto kang malaman as if parang may iba ka pang iniisip." Ibinaba niya nang kaunti ang ulo niya pero hindi pa rin inaalis ang tingin. "By any chance, are you scared?" 

 Umangat ang kilay ko't napaatras ng isang hakbang. "Haley…" Tawag ko sa pangalan niya, nagkaroon ng tensiyon ang paligid pero hindi iyon nagtagal dahil natawa si Haley. 

 "Joke lang, ito naman. Bigla kang nanahimik diyan." Ibinalik ulit ni Haley 'yung patch artifact sticker sa may peklat niya habang natatawa pa rin. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi humagikhik. 

 

 "Ang seryoso mo naman kasi, nakakatakot ka" Sabi ko habang ipinasok lamang niya ang kamay niya sa bulsa ng blazer niya. 

Tumunog ang phone ko. Mukhang tinatawag na ako sa pwesto.

 Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng skirt ko at tiningnan ang tumatawag. 

Si ate Jean nga. Ipinasok kong muli ang phone sa bulsa ko't tumalikod kay Haley. "Kailangan ko ng mauna, tinatawag na ako ni Ate." 

 Tinapik-tapik niya ang balikat ko't tumango. "Sige, see you tomorrow." Ngiti niyang sabi kaya kumaway ako bago siya tumalikod sa akin. 

Naglakad na rin ako paalis para dumiretsyo sa G-shop. Hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa braso ko at hinarap ako sa kanya. 

 

 Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat at takot. Nakasuot ng itim na mask ang may hawak sa mga braso ko 'tapos nakaputing vest. 

At kahit hindi ko nakikita ang kabuoan ng mukha niya, alam kong malapad ang mga ngising nakaukit sa mga labi niya. 

 "Nakita rin kita!" Nasasabik niyang wika na malakas na nagpakabog sa dibdib ko. 

 Lumingon kaagad ako kay Haley na hindi pa nakakalayo. "Hal--" Mabilis akong sinuntok ng lalaking ito sa sikmura kaya nanghina ako't hindi nakalaban, babagsak na ako pero sinalo niya ako saka ako isinakay sa sasakyan niya. 

 Hindi ko na nagawang makapagsalita o makapalag at unti-unti lamang akong napapapikit, at nawawalan ng malay. 

Lara's Point of View 

 Mabilis akong lumigon at humarap kung nasaan si Mirriam Garcia. Laking gulat ko na isinasakay na siya sa sasakyan kaya kumaripas ako ng takbo. Subalit bago ko pa man mahabol, huli na ako. 

 Inilabas ko ang baril na nakatago sa ilalim ng skirt na suot ko para itutok sa gulong ng sasakyan bago pa man makaandar. 

 Kinalas ko't pinindot ang trigger pero walang putok na nangyari. Kaya nung inilabas ko ang magazine at napagtantong wala pa lang bala iyon. Napamura na lang ako't walang nagawa kundi ang huminto sa pagtakbo 

 Sinusundan ko na lamang ng tingin ang papalayong sasakyan. 

"F*ck." I cussed. 

***** 

下一章