webnovel

The DEATH Behind the Mask

Chapter 39: The DEATH Behind the Mask

Someone's Point of View 

Malakas na putok ng baril ang aming narinig mula sa loob ng bodega kaya tumalikod na ako ro'n kasabay ang pagsindi ko ng lighter para itapat sa inilabas kong stick ng sigarilyo. 

Umihip ako ng usok na ibinuga ko rin pagkatapos.

Sumenyas ako sa dalawang kasamahan ko na nasa kaliwa na umalis na sila rito para dumiretsyo sa kanilang destinasyon, lumakad na rin ako upang pumunta sa aking sasakyan.

Five men bowed their heads low as I walked pass them.

"Boss." Tawag ng tauhan na under sa akin matapos n'yang makasunod. Siya ang inutusan kong ipapatay iyong tao na nanggaling sa White Stone Organization. 

"What did he say?" Tanong ko sa kanya noong tumabi s'ya sa akin. 

Umiling ito. "Wala s'yang kahit na anong ibinigay na impormasyon." Panimula n'ya at bumaling. "They are taking care of their most valuable member even if it'll cost them their lives." Dagdag n'ya at tukoy sa babaeng kilala sa buong organisasyon dahil sa pambihira nitong galing sa pagpatay, iyong kahit mag-isa lang siya. Nagagawa niya nang malinis ang trabaho niya. 

She's the youngest in their organization yet a dangerous assassin you've ever met. 

Umismid ako. "Hindi bale, pahirapan lang nang pahirapan 'yung mga tao nila. 

Alam kong 'di makakatiis 'yang Vivien Villafuerte na 'yan at siya na mismo ang pupunta kung nasaan tayo." Aking sambit.

Nakarating na kami sa sasakyan ko kaya huminto na kaming pareho. Humarap sa akin ang tauhan ko saka siya tumungo senyales ng kanyang pag respeto't pagpapaalam. 

Samantalang binuksan ko na 'yung pinto ng sasakyan ko kaya pumasok na ako. Nandoon pa rin sa passenger seat 'yung babaeng nakasama ko kagabi at hinihintay pa rin pala ako. Mapang-akit itong nakangiti sa akin habang papalapit ang mukha upang halikan ako kaya sinabayan ko ito. 

Inilayo ko ang mukha ko at nginisihan siya. "Ipagpatuloy natin 'to sa condo ko." Sabay halik sa kanyang leeg bago ko pinaandar ang makina ng sasakyan. 

Lara's Point of View 

Hawak-hawak ko ang iilan sa mga litrato na ipinasa sa akin ng organisasyon namin kung sa'n makikita rito ang mga kasamahan namin na pinahirapan ng mga tao sa B.R.O. (Black Rock Organization). May ipinadala rin sa 'king video na naglalaman din ng paghihirap nila tulad ng pagputol ng daliri at dila. 

May iba pa rito na idinukot na lang basta basta ang mga mata saka ito dudurugin sa simento habang maririnig ang malakas na tangis mula sa mga tao na under ng W.S.O. (White Stone Organization) 

Nabanggit din ang pangalan ko sa Vivien Villafuerte habang humahalahak ang mga kalalakihan sa video. Walang awa nilang pinatay ang mga kasamahan ko. 

Naningkit ang mata ko habang inaalala ang mga napanood ko kagabi nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga litratong hawak ko. 

"Are you sure you want to team up with her?" 

"She's known to be a dangerous assassin, yet she is also known as the Grim Reaper." 

"I heard she doesn't care about the people around her." 

Pahagis kong ibinaba ang mga iilan sa litrato sa study table ni Haley saka ako pumunta sa cabinet para kumuha ng pwedeng ipapamalit sa aking suot na damit. 

Nag-ayos ako ng gamit bago ako lumabas ng kwarto, magpapatulong ako kay Roxas ngayon na mai-locate ang ilan sa mga tao sa B.R.O. 

Isinara ko na ang pinto ng bahay at lumabas ng gate, handa ng umalis subalit napalingon ako sa kanang bahagi nang tawagin ako ng mga kaibigan ni Haley. Mga nakabihis sila at mukhang may mga pupuntahan. 

I simply clicked my tongue before I faced them. "Saan punta mo?" Tanong ni Mirriam na naka White Shirt and Jogging Pants. Gano'n din si Kei pero kumpara kay Mirriam, light colors ang gamit niya sa damit niya. "Ayain ka sana namin, eh." Dagdag niya. 

Hindi ko pwedeng sabihin na diyan lang ako pupunta, hindi rin ako pwedeng gumawa ng excuse dahil alam ko na 'yung mga tingin nila sa akin ngayon, hindi na sila magtitiwala sa kahit na anong sasabihin ko at mas lalo lang silang maghihinala. 

"Magpapahangin lang sana ako, bakit? Sa'n ba punta?" Tanong ko kaya hinawakan ni Kei ang mga kamay ko. 

"May nakita kasi kami ni Mirriam sa internet na Paintball Shooting Gun. Gusto sana naming ma-try kaya may dala kaming extrang pamalit." At nagpa-side si Kei para ipakita ang back pack niya na may lamang damit. 

"Ah." Nasabi ko lang. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. "In other words, aayain n'yo rin ako?" Patanong kong sabi na tinanguan nila. 

"Kaya nga sana kami pupunta sa bahay n'yo." Sambit ni Mirriam kaya bumaba nang kaunti ang mga balikat ko. I have no choice, this is a waste of time to be honest but I will end this quick. Aalis din ako pagkatapos nang kaunting saya na gusto nila. 

I nodded and smile a little. "I guess, we can do that." 

*** 

NAG COMMUTE LANG kami papunta sa lokasyon na sinasabi nila. 

Medyo malayo-layo ito at ilang oras din ang biyahe bago marating sa dapat na pupuntahan na halos inabot na rin kami ng tanghalian. 

Kaya bago pa man namin magawa 'yung gusto nilang gawin ay kumain muna kami. 

"Come on, don't be afraid." Pagkibit-balikat ni Mirriam. "Making them fall in love should be easy to you, besides you're pretty and attractive." Saad niya na may marahan na pag-iling. 

"Bakit mo ba 'ko binubugaw?" Taas-kilay na tanong ni Kei na sinimangutan ni Mirriam pagkatapos. 

"Because you're complaining about this and that and I don't even know what to do with you anymore." Parang nakukunsume na sabi ni Mirriam.

Umurong naman ang ulo ni Kei dahil doon. "W-Wala naman akong daing, ah?"

Samantalang nananahimik naman akong kumakain dito nang bigla akong inakbayan ni Mirriam. "How 'bout you? How come that you're not saying anything?" Naguguluhang ni Mirriam sa akin kaya tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view. 

"What are you talking about?" Simpleng tanong ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong pisngi upang iharap iyon sa kanya. 

"Seriously, ano ba'ng problema mo at ang seryo-seryoso mo?!" At ini-stretch stretch niya 'yung pisngi ko na kinukunutan ko ng noo. Pinapatigil ko rin siya sa ginagawa niya pero tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. 

Pasimple na lamang akong napabuntong-hininga at napatingin sa itaas. 

Mayamaya pa noong makatapos kami sa kinakain namin kaya dumiretsyo na kami sa Paintball kuno na iyan. Kumuha ng ticket, ibinigay ro'n sa lalaki na nakabantay sa entrance at binigyan kami ng mga equipment. 

Every player requires a marker with propellant to fire the paint, a mask to protect the eyes and face, paintballs, and a loader to hold them. To ensure safety off the playing field, a barrel sock or plug for the marker is also compulsory. 

Itong sports game na ito ay para ring airsoft. The only difference is,

Paintball uses paint filled balls that are roughly 17–18mm in diameter. These balls "explode" on impact, leaving a paint splash on the target. Airsoft uses 6mm (or occasionally 8mm) plastic pellets or BBs. 

Bago ako sumabak sa mismong digmaan o patayan, sa Paintball din ako unang nag training, 'tapos sa Airsoft bago sa totoong armas.

Inayos ko skull mask ko't pumosisyon sa area ko. 

Hiwa-hiwalaway kaming tatlo at na sa kanya-kanyang lugar. Sa kaliwa si Kei, kanan si Mirriam habang na sa ibaba naman ako at mayro'n kaming anim na kailangang tamaan sa open pero hindi ganoon kalawakang arena. 

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang wrist watch ko para basahin ang oras. 

Kailangan ko na ring umalis... 

Bumaba na ang harang kaya pumaharap ako habang nagtatago sa mga barriers. 

Nag install din muna ako ng batteries sa gamit kong paintball guns para gumana ang marker. 

In-attach ko rin ang tinatawag sa HPA (high pressure air) tank sa adaptor nito na nasa ibaba ng frame. 

Naririnig ko na 'yung mga tili ni Kei kaya sumilip na muna ako. 

May dalawa ng bantay sa kalapit ko at nagtatago sa sarili nilang barrier net. 

Tumayo ako kaya nagsisimula na rin silang maglabasan at bago pa man nila itama sa akin ang market color nila ay itinama ko na ang paintball sa katawaan nila kaya muli nanaman silang nagtago. 

"Huwag kayong lalapit sa akin! Sisipain ko mga mukha n'yo!" Rinig kong sigaw ni Mirriam habang papalapit sa kanya 'yung dalawa na kailangan naming tamaan ng paintball. 

Samantalang hinahabol naman si Kei ng dalawa pang staff kaya kumurap-kurap ako bago mapatingin sa hawak ko. 

Wala sa oras akong nagbuga ng hininga. Ano ba'ng ginagawa ko? 

Pagkatanong ko niyon sa sarili ko ay sakto naman ang pagtama ng iilang paintball sa katawan ko.

***

"PAANO MO NAGAWA 'YON?!" Manghang-manghang sambit ni Mirriam na may paglapit pa ng mukha sa akin na ikinaatras ko lang. 

"Nothing--" 

"Naglalaro ka ba ng airsoft noon? Alam mo bang pinanood lang talaga kitang maglaro? Hinayaan ko lang sila Kuya kanina na barilin ako ng color pallet nila." Kwento ni Mirriam. "Ba't hindi ka na lang mag Criminology?" Suhestiyon niya sa akin dahilan para mag seryoso nang kaunti ang mukha ko. Kaagad ko rin namang pinalitan iyon nang matamis na ngiti. 

Ilang minuto rin kami sa arena at ngayon lang nakalabas matapos naming makapagpalit ng damit sa changing room. "Wala akong balak." Sagot ko naman. 

Humagikhik si Kei. "Pero wala akong ideya na maalam ka sa paggamit ng mga gano'ng klaseng baril. You looked cool, para kang si Lara Croft." Puri ni Kei na hindi ko inimikan at tumungo lang. 

Gumawa nang tunog si Kei sabay hawak sa sikmura niya. "Nagutom ako sa ginawa natin, pwedeng kumain ulit?" 

Inilagay ni Mirriam ang dalawa niyang kamay sa beywang niya. "Figured." Lumingon naman siya sa akin. "Kain tayo?" Anyaya niya, napaawang-bibig ako para sabihin na kailangan ko na ring mauna subalit tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ko. Bago ko pa man masagot ay nagpaalam na muna ako sa dalawa bago lumayo sa kanila't sinagot ang tawag ni Roxas. 

"Bakit ka napatawag--" 

"Vivien! You have to leave, nandiyan sila sa lugar mo ngayon!" Natatarantang sabi ni Roxas sa kabilang linya, hindi na ako nagtaka o nag-atubiling magtanong. Pumunta na kaagad ako kina Kei pagka-end ko pa lang ng call para ayain na silang umalis. Nag-uusap silang dalawa at papalapit na ako subalit kitang-kita na kaagad ng mga mata ko ang dalawang lalaki sa hindi kalayuan na may kahina-hinalang tingin habang nagmamasid sa paligid. Hindi ako pwedeng magkamali, mga tao 'to sa B.R.O. 

Umakto akong normal habang papalapit kina Mirriam. 

"We need to go." Yaya ko sa kanila kaya napatingin silang dalawa habang may pagtataka sa kanilang mukha. 

"Aalis na? Ayaw mo ba munang tumambay sandali?" Tanong ni Mirriam na gustong manatili na muna. "Pero kung may gagawin ka pa, sige umuwi na tay-- Oy!" Pasimple akong tumalikod dahil naramdaman ko na 'yung kakaibang tingin nung dalawang lalaki sa hindi kalayuan. "May pupuntahan lang ako sandali, huwag n'yo na 'kong hintayin. Text text na lang." Paalam ko bago humakbang na. 

"Saan ka nanaman ba pupunta?" Pahabol ni Mirriam pero hindi na ako lumingon. 

Nilalagpasan ako ng mga tao samantalang sinasalubong ko lamang sila habang unti-unti nang tumatakbo palakad ang mga paa ko papunta sa exit door. 

Ilang floor ang ibinaba ko bago makalabas sa parking. Walang tao rito kaya tumakbo na ako para makaalis ng tuluyan sa lugar. 

Kinuha kong muli ang phone sa aking bulsa upang tawagan si Roxas. Tiningnan ko rin ang relo kong may tracking para tingnan kung nasa'n siya ngayon dahil naka-save sa akin ang data niya. "Malapit ka lang, 'di ba? I need you to assist me. Make sure na makakauwi nang ligtas 'yung mga kaibigan ni Haley. Use your tracking device and try to locate them. If necessary, patayin mo 'yung mga mag-aangkang sundan si Mirriam Garcia at Keiley Montilla." 

"Copy." Simpleng tugon ni Roxas bago ko in-end ang call. Lumayo ako sa lugar at pumunta sa masikip na area na hindi naman lalayo sa pinanggalingan ko kanina. Napunta ako sa narrow street, nahaharang ng matataas na gusali ang araw kaya napakalilim nitong kinalalagyan ko ngayon. 

Naglililinga ako upang makapaghanap ng pwedeng matataguan sa ngayon dahil hindi ako pwedeng gumawa ng gulo rito dahil na sa siyudad ako. 

Ngunit mukhang hindi nagtagumpay iyon dahil nasundan na nila ako. 

"Huwag ka ng magplanong umalis pa, Vivien Villafuerte." Wika ng lalaki na may malalim na boses. Na sa likuran ko ito, at marami sila. 

Humarap ako sa kanila, mahigit sampu ang mga ito at may mga hawak-hawak na kutsilyo. Mayro'n din silang mga hawak na dagger. Palihim akong napatingin sa aking likuran, wala na akong pwedeng maatrasan. Na-corner na nila ako. 

May isang lalaki na pumaharap kasabay ang kanyang pagkalas sa hawak niya na baril. Itinutok niya iyon sa akin. "Wala kang dalang armas, at kahit na gumamit ka ng pang physical na atake. Hindi na uubra 'yan," Bahagya siyang tumingala, marahan na iginuhit ang ngisi sa kanyang labi. "Pinag-aralan ko bawat atake mo, Vivien Villafuerte." 

Sandali akong hindi sumagot at mas hinarap lamang sila. Sa isang iglap, laking gulat nila nang mabilis akong makarating sa harapan ng lalaki na nasa kanang bahagi at binali ang kanyang leeg kaya nakuha ko ang patalim na hawak niya. Sumugod naman ang isa pero tumungo ako para makaiwas sa gagawin niyang pag-atake pagkatapos ay tinalisod siya't sinugatan ang lalamunan noong matumba siya. Ngayon ay nangingisay ito dahil sa hirap nitong paghinga. 

Hindi makagalaw ang iba pang natitira at gulat pa rin sa kanilang nakita't nanlalaki pa rin ang mga mata. Tumayo na nga ako habang hawak ang gamit kong kutsilyo. Tumutulo ang dugo na nagmumula sa kalaban.

Nakatungo lang ako nang iangat ko iyon nang kaunti upang bigyan sila ng matalim at nakamamatay na tingin. Inangat ko ang hawak kong patalim na nakabalot pa rin sa pulang likido. "Now that you got to see who's beneath the mask. I won't let you escape." 

***** 

Yoh! What's up! It's been awhile, huh?

Tagal kong mag update, yeah. I know. Haha!

But here it is, I hope you enjoy the new chapter! Just comment your thoughts whether if it's negative or positive, I accept any feedback. Thanks.

Yulie_Shioricreators' thoughts
下一章