Justin Klyde's POV
"Cosmos NO!" Hay nako talaga tong bulilit na to. Kung kelan naman nagmamadali ako saka naman siya nagkalat. "Yari ka kay Mama pag nakita niya yang pinunit mo." Nginatngat lang naman niya yung bagong biling carpet ni Mama.
Mamaya ko nalang aayusin ang kalat ni Cosmos dahil malelate na ako sa date ko. Char. Ngayon kase gaganapin ang Art for A Cost. Exhibit ito na ipinatupad ng school for the less fortunate. Kahit pa holiday season ay okay lang sa amin umattend dahil may magandang madudulot naman ang exhibit na to. According sa teacher namin lahat ng participant ng exhibit na to ay makakatulong daw sa mga charities. Ang nagpatupad daw kase ng nasabing event ay magdodonate ng one thousand pesos sa mga charities for every participant na sasali. Ang bait no? Ang mananalo naman ay bibigyan ng trophy at certificate. Okay na yun kahit walang price atleast alam namin na nakatulong na kami. Pero kung meron man eh bonus nalang siguro para sa aming mga participants yun.
"Kei baby asan ka? Kain ka na at aalis na si kuya." Saan na naman kaya napunta tong isang to? Unlike Cosmos, Kei is a bit lazy and sleepy. Minsan sa buong araw eh natutulog lang talaga siya kaya medyo nananaba.
Nakita ko naman siya sa ilalim ng bed ko. "Lika na, sige ka kakainin ni Cosmos yung food mo." Pagkasabi ko nun eh akala mo naman naintindihan talaga niya ako at agad lumabas sa ilalim ng higaan at dumiretso sa bowl niya.
After ko silang mapakain ay nilagay ko nalang muna sila sa cage nila. Actually dapat dun muna sila sa labas eh kaso malamig baka magkasakit naman sila so nagpabili nalang muna ako kay Papa ng cage na pinalagay ko dito sa kwarto ko. Pinuno ko din ng toys para malibang sila.
Binilin ko nalang muna sila kay Mama at saka ako lumabas ng bahay.
"Hi Babe."
Nako andito na naman si makulit. Nginitian ko naman siya agad baka sabihin inisnob ko na naman siya. Napakamatampuhin pa naman niyan.
"Hello." Bungad ko ng makalapit sa kanya.
"Ready?" tanong niya.
I nodded. "I was born ready."
"Naks. Let me help you with that." saka niya kinuha ang artwork na ipepresent namin. Dito na muna kase namin nilagay sa bahay para daw safe. Good thing sa storage room ko nilagay kung nagkataong sa kwarto ko nilagay yari to kay Cosmos. Haha.
"How's Kei? Is she doing alright?" tanong ni Paul habang nagdadrive siya.
"Well, she's a bit lazy compared to Cosmos."
"You had another?"
"Yep. He's a mixed breed. Husky-Labrador."
"Sinong nagbigay? May manliligaw ka pang iba???"
"Nagkaroon lang ng bagong aso may nanliligaw na agad? Di ba pwedeng galing sa bestfriend ko?" paliwanag ko.
"Ah okay. So he showed up on your birthday?"
"Yeah. Kung kelan matutulog na ako saka dumating. Naghugas pa tuloy ako ulit ng plato. Kainis." Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"You know what, you're a bit rude to your friend." then he chuckled.
"Hahaha over ka. Ganun lang naman ako dun pero mahal ko yun." Nagulat naman ako sa sinabi ko. Napatingin din ako kay Paul and for some reason he got shocked too. "I-I mean, mahal ko siya kase magkaibigan kame." Tumango tango lang siya. Hays muntik na ako dun.
"Anyways, shall we?" nginitian ko lang siya saka sumakay ng sasakyan niya.
***
"This event will not be successful without you guys. This will surely help our chosen charities. Thank you! Now, Let's reveal the winning masterpieces." Iaannounce na ang mga winners. Nakakakaba.
"Hey, relax." sabay tapik ni Paul sa balikat ko.
"Sorry. First time ko lang kase sumali sa mga ganitong event."
"Okay lang yan. Hayaan mo pag nanalo ka or magkaplace treat ko lunch natin."
"Talaga?!" Ang di ko mapigilang tuwa. Syempre pag pinag usapan ang libre eh talagang masarap pakinggan.
"Timawa ng babe ko." bulong ni Paul. Kinurot ko nga sa legs.
"Aww! What was that for?" reklamo niya habang iniinda yng sakit.
"Wow nagtanong ka pa. Wala kang sinabi kanina?"
"W-wala ah!" Pagsisinungaling niya.
"Ay, hindi pa tayo sinungaling ka na? Naku mahirap yan."
"Oo na. Joke lang naman yung sinabi ko."
"Sus. Pwede ba wag ako? Minus 50 points ka tuloy." Pang aasar ko.
""Grabe naman. Sorry na. Bili kitang Chuckie you want?"
"No, can't do." sagot ko pero natempt ako agad. HAHAHA.
"Uhm how 'bout fries?" Hmmmm.
"Ayaw."
"Chocolate cake?"
"Nope."
"Eh ako nalang kaya?" Agad naman akong napalingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Joke lang. Eh ano ba gusto ng babe ko para patawarin niya na yung babe niya?" King ina ba't ang gwapo ng hayup na to???
"Pffft. Hindi bagay sayo magpacute." saka ako natawa.
"Kaya pala namumula ka. Admit it." Pang aasar niya.
"Asarin mo pa ako dali para minus 100 points." Agad naman siyang naupo ng maayos at nanahimik. Nagfocus na rin ako sa event. Maya maya kinakalbit ako ni Paul so nilingon ko naman siya.
"Basta bati na tayo ha?" Jusko akala ko naman kung ano na. Umiling lang ako saka natawa. Sinimangutan niya naman ako.
"Wag kang magulo announcement na." Hindi na rin naman siya nangulit after.
"For the 3rd Place masterpiece is made by Mr. Paul Adrian Tan!" Tumayo naman agad si Paul at ngiting ngiti. Ako naman todo palakpak. Grabe kahit ako malagay sa 3rd spot sobrang saya ko na. Imagine sa 100 participants nagkaplace ka pa? You should be proud!
Isang trophy at cash prize na worth 5k ang napanalunan niya maliban pa sa 1k na donation ng nag-sponsor ng event. Malaking tulong talaga to para sa mga charities na napili ng school.
"Siguro ikaw ang mag fe-1st place babe." Bungad ni Paul ng makabalik sa table namin.
"Sus malabo. nakita mo naman mga gawa ng ibang participants di ba? May panama ba ako dun?" sagot ko naman.
"We can never tell."
"Nako Paul tignan nalang natin kung makapasok pa sa top 3 hahaha."
"Now may we call on the participant who gave us the chills on his magnificent entry. Please come up on this stage Mr. Justin Klyde Ocampo!"
"See? Sabi sayo eh pasok ka babe!" sobrang tuwa ko naman at agad na naglakad papuntang stage.
Grabe ang sarap sa feeling habang inaabot yung trophy at yung cash prize.
"OMG Paul may award tayo!" saka ako yumakap sa kanya ng makabalik ako sa pwesto namin.
"Yeah congrats babe!" saka din siya yumakap. Nang marealize ko na tumatagal na yung yakapan moment namin eh bumitaw na ako.
"Masyado ka namang nacarried away Paul."
"Aba ikaw tong unang yumakap. Ninanamnam ko alang ang pagkakataon." Inirapan ko lang saka kame naupo.
"I wonder kung sino ang mananalo no?"
"Well, let's find out."
"And for the 1st prize garnering 98.7 % of the total votes from the judges is from Atlas Montessori School…" Pabitin pa tong emcee eh. Excited na kaming malaman kung sino panalo eh. After the drum roll eh nagsalita na ulit ang emcee.
"Let's give him a massive applause... Mr. Jacob Lyle Fernandez with his spectacular frozen heart sculpture!"
Right after hearing it I felt numb and shocked, It feels like I'm inside a time capsule and brought me back to the past.
"J-Jake?" Ang nauutal kong sambit while looking at the man who's up on the stage.
"Any message Mr. Fernandez for winning this year's event?" Ngumiti naman siya sa emcee bago kinuha ang microphone.
"Good afternoon everyone! It was a pleasure to receive this award and I want to thank all the staff and personnels behind this successful event. Malaking bagay po to sa akin lalo na sa mga charities na matutulungan natin." Tapos bigla siyang tumingin sa direksyon namin.
"And to all the participants, congrats to all of us!" Saka inabot ang mic sa emcee habang nakatingin pa rin sa amin saka ngumiti.
"Another round of applause to Mr. Fernandez! Thank you all for participating in this event. Have a great day!" Ang pagtatapos ng emcee.
""What's with him? He keeps looking at us. Kilala mo?" Ang pagbasag ni Paul sa pagkatulala ko.
"E-ewan ko. Lika na. Alis na tayo." pag aaya ko kay Paul. Ayoko na dito. Naguluhan man ay umoo nalang din si Paul at sabay na namin tinungo ang pintuan palabas ng auditorium.
Nasa hallway na kame ng magpaalam si Paul na magsi-CR lang daw saglit so inantay ko nalang siya sa labas since hindi ko naman need pa gumamit ng banyo.
Can't imagine that we will see each other again. Napakaliit nga ng mundo. Can't barely remember how many years it has been since the last time I saw him. Since the last time he ended our friendship.
"Hi."
My heart skipped a bit. Hindi ako lumilingon.
"Klyde?" After hearing my name my heart went from dead to beating so fast. I tried to compose myself and gather all my confidence to face him.
"Yes?" Saka ko siya nilingon. Nagkunwari pa akong di ko siya kilala.
"It's Jake. Kamusta na?" The nerve of this guy to ask kung kamusta na ako as if walang nangyari. I still played my WHO-YOU-ACT.
"Jake? Ah yung winner kanina! Congrats pala kanina." sagot ko saka lumingon ulit sa pinto ng CR. Damn it Paul what's taking you so long?!
"Hindi mo na ba talaga ako kilala? Your best friend noong bata pa tayo diba?" Yep. You got that right. NOON.
"Jake? Hmmm. Sorry wala akong maalalang naging best friend ko nung bata pa ako eh. Guess I got some sort of amnesia?" Luckily Paul got out from the public restroom. "Sige, mauna na kame. Nicee meeting you." saka ako lumapit kay Paul.
""Tara na Paul." Bago pa man kame makalayo ng magsalita siya ulit.
"I know you still remember me Klyde, because I still do." I took a deep breath.
"Then I'll just pretend that I know you. Bye." sagot ko ng di siya nililingon. Saka ko hinatak si Paul paalis ng lugar na yun.
***
"Hey. Kumain ka na."
"Sorry. May naalala lang ako." tipid kong sagot kay Paul. Andito kame ngayon sa Kenny Rogers. Tinupad nga ng loko ang sinabi niyang manlilibre siya.
Yung kaninang gana ko para kumain ng madami biglang nawala. Hays buhay nga naman.
"Can I ask something?" agad ko namang inangat ang ulo ko para matitigan siya.
"Yeah. Ano yun?"
"That guy. Yung winner ng event, do you know each other?" Sabi na eh magtatanong tong lalaking to. I just nodded and continued eating.
"May I know kung sino siya and his part in your life?" Tinignan ko naman siya ulit. "Well, if that's okay with you." alangan niya pang dagdag.
Nilunok ko muna yung kinakain ko before I answered him.
"Remember that 'friend' I told you before nung gumagawa pa tayo ng entry natin para sa event na to?" Kumunot naman noo niya. Maybe he's trying to remember then afterwards he nodded.
"Jacob Lyle Fernandez. Jake for short. Former friend."
"I see. Pero kanina, why did you lie to him?"
"Ano naman? He ended our friendship first. Why bother talking to him." sagot ko saka pinagpatuloy kumain.
"I understand." Tipid na sagot ni Paul.
"Pero ako hindi ko maintindihan."
"Ang alin?" tanong ni Paul.
"Kung bakit bumalik pa siya. All is going well. I already forgot all the pain he has caused me. Our friendship that he threw like a crumpled paper." Nakatitig lang si Paul habang nakikinig sa akin.
"You know what I really hated when he came back. Yung parang walang nangyari. Parang wala siyang naging atraso. The nerve of that guy. Sarap tinidurin ng eyeballs." natawa naman si Paul sa nasabi ko.
"Well maybe there is still something to catch up between the two of you. Maybe unsettled business."
"Hay nako ewan ko sa kanya. Magpakamatay pa siya wala akong pake. Kumain na nga lang tayo sayang tong libre mo eh."
"You can't get away with him unless you settle what was in the past. Okay?" Napabuntong hininga nalang ako.
***
"San ba tayo pupunta Paulito? Ang sakit na ng paa ko!" reklamo ko. Andito kase kame ngayon sa mall at kanina pa kame paikot ikot.
"Saglit hinahanap ko pa. I know it's somewhere here lang."
"Ano ba kase yun?!" Mamaya pa huminto siya.
"Here we are!" tinitigan ko muna ang korean ice cream store na kinatatayuan namin. "Hope it will bring back your mood." Ang nakangiti niyang sabi.
This guy is really something. Nginitian ko naman siya saka napailing.
"What do you want?" tanong niya ng makapasok kame.
"Andaming masarap eh! Pwede ba lahat yan?"
"Gusto mo diabetes babe?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Eh ikaw nalang pumili."
"Okay sige. Orderin nalang natin yung best seller nila." Tumango tango nalang ako.
After naming makuha ang order namin eh nag ikot ikot nalang muna kame sa loob ng mall.
"Ang sarap!" totoo pramis! Matcha flavor siya na may something.
"Glad you liked it." tango tango naman ako na parang bata.
"So, where do you want to go next?"
"Hmm. Ikaw bahala. Susunod nalang ako sayo."
"Sure ka?" Saka ngumiti ng nakakaloko.
"Kung ano man yang tumatakbo sa utak mo Paulito tigilan mo na bago ko ituktok sa ulo mo tong ice cream." sagot ko habang nafofocus sa pagscoop ng ice cream.
"HAHAHAHA grabe ka naman. Ano ba tingin mong iniisip ko?"
"Malay ko sayo. Basta tingin ko di maganda."
"Judgemental ka babe. Dadalhin lang naman kita sa Arcade."
"Gusto ko yan. Halika na wag na tayong mag aksaya pa ng oras." saka ko siya hinatak paakyat ng 4th floor.
Buti nang dumating kame dun wala pa masyadong tao. Past 2pm palang kase ng dumating kame.
"Tara basketball tayo." pag aaya ni Paul.
"Unfair! Alam mong dun ka magaling kaya yun pinili mo!" reklamo ko na ikinatawa niya.
"Tin ang lapit ng ring. Wala kang kalaban. Walang haharang sayo."
"Kahit na!"
"Try it first." Then he handed me the ball. Inirapan ko lang siya.
After 3 minutes of struggling naka 6 points lang ako. Pigil na pigil naman ang tawa netong kasama ko.
"Oh ikaw na Mr. Varsity Player." Opo. Varsity Player daw siya nung high school siya. Eh di siya na.
"Okay. Watch babe."
Wala pang 20 seconds nakaka 12 points na agad ang walanghiya. Ang nababother lang ako is hindi siya tumitingin sa ring kundi sa akin.
"Dun ka sa ring tumingin!" Natawa naman siya at nagfocus na sa laro. Ang bwisit naka 142 points lang naman.
"Pangit ng laro dito. Dun tayo sa iba." pag aaya ko. Narinig ko pang bumubungisngis tong nasa likod ko.
"Tumatawa ka ba Paul?" umiling iling naman siya agad.
"Oh dito tayo sa Zombie Warriors."
"Sure." Napangisi nalang ako.
Pagkatapos lang naman ng laro eh naka 68 kills ako. Yung kasama ko? Dali itanong niyo sa akin kung nakailan. 34 lang naman.
"Oh yan na yun Paul? Weak."
"Wow. Nasa mood na ulit. Parang kanina lang gusto mo na akong patayin nung matalo ka." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ibang laro kase yun. Iba to. Quits lang. Lika na nga umuwi na tayo at baka hinahanap na naman ako ni mudra. Next time ka na bumawi sa pagkatalo mo."
"Iba din yung self confidence mo babe."
"Syempre." sagot ko saka kame lumabas ng Arcade.
***
"Andito na tayo babe. Huy gising na."
"Ha?" ang wala sa sariling sagot ko ng magising ako sa tapik ni Paul.
"I said andito na tayo sa bahay niyo."
"Ay sorry. Nakatulog na pala ako."
"Yeah. Tumutulo pa nga laway mo kanina." Agad ko naman pinunasan gilid ng labi ko.
"HAHAHAHA joke lang." sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Sige na baba na ako. Salamat sa paghatid."
"You're always welcome babe. And congrats din pala ulit."
"Congrats din." nginitian niya naman ako bago ako bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko narinig ko naman na inistart na ulit ni Paul ang sasakyan niya. Kumatok ako saglit sa windshield ng car niya.
"Miss me already?" sabi niya ng makababa na yung windshield. Ngumiti lang ako saka siya kiniss sa cheek. Makikita mo naman ang pagkashock sa mukha ni Paul.
"Thanks for being there for me." saka ako naglakad papasok ng bahay.
"Gusto ko ding magthank you babe! Wait!"
"Bahala ka dyan. Uwi na!" saka ako tumakbo papasok ng bahay namin.
Oo na ako na malandi. HAHAHAHA. Ngayon lang naman.
***
Nang makapagbihis ako ng pantulog ay naisipan ko munang mag facebook. May notification akong natanggap galing sa organization ng event kanina. Pinost na nila ang mga pictures. Nakakatuwa lang. Hindi ko naimagine na makakakuha pa kame ng award ni Paul.
Maya maya pa eh nag scroll naman ako ng news feed ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang post ni Paul.
PAUL ADRIAN TAN
Can't describe my happiness after winning the 3rd spot at the event. But the highlight of this day was THAT something my love gave to me a while ago. Truely a remarkable day. ❤️
Bwisit na to! Pinost pa talaga! Pero mas bwisit tong magsyotang nagcomment.
[Benedict Pascual: Naks naman pre. Ano ba yang binigay sayo at talaga namang sobrang saya mo?]
[Bryan Mendoza: OMG! Kakakilig! Ano ba yan Paul! Spill it out na!]
Gusto ata ni Bryan na dugo niya i-spill ko.
[Paul Adrian Tan: Secret.]
Good. Dahil pag sinabi niya magkakamatayan kame. Jusko. Ba't ko ba kase ginawa yun. Nilike ko nalang at nagpatuloy sa pag i-scroll. Maya maya nakareceive akong friend request. Sino naman kaya to?
Laking gulat ko nalang sa taong nag add sa akin. Of all people. Siya pa talaga.
JACOB LYLE FERNANDEZ SENT YOU A FRIEND REQUEST.
May pahabol pang message ang hudas. Inopen ko naman to dahil curious ako sa nilalaman ng chat niya.
|Jacob: Can we talk? I just want to tell you something.|
"Ulul mo. Saka mo ko kausapin kapag normal ka na. Bwisit na to." Ang nasabi ko nalang. Inignore ko nalang yung chat ng damuhong yun. Kapal ng fes.
"Sarap sakalin talaga!" Ang inis kong sabi.
"AWWWWW"
"Ay sorry Kei!" Hawak hawak ko pala siya. Minabuti ko nalang ilagay siya sa bed niya para makapag pahinga na rin ako.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo Jake, pero tingin ko wala na tayong dapat pag usapan pa.
Inalis ko na yung salamin ko saka natulog.