webnovel

23. Play me

Humiga muna ako sa papag para magpa-hinga sandali. Hindi pa rin maalis sa isip ko tungkol sa nangyari kanina.

Sa totoo lang ay, takot talaga ako sa ahas. Hindi ko alam kung bakit, marami naman sigurong tao ang may takot sa ahas.

Napa-hawak ako sa ulo ko nang sandaling pumasok sa isip ko yung tungkol kay mama nung muntik na siya nitong tuklawin ng ahas habang nasa bukid siya, at buti nalang at nandun si papa para ilayo si mama sa ahas. Kinuwento lang 'yon lahat sakin ni papa pag-uwi nila galing don. At buti nalang rin ay hindi nasaktan o natuklaw ng ahas si mama.

Bumangon ako at isinandal ko ang likod ko sa pader habang naka-upo sa papag. Muli akong napa-hawak sa ulo ko ng maramdaman kong parang kumirot iyon. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko sandali ang mga mata ko. Pagdaka'y binuksan ko ang aking mga mata para kalmahin ang sarili ko.

Nang medyo nahimas-masan na ako ay saka ko lang naalala si Logan. Pagkatapos nang ginawa niyang pagtulong sa akin kanina ay hindi ko pa siya napapasalamatan sa ginawa niya.

Nahiya kasi ako kanina sa itsura ko na walang saplot pang-loob maliban sa malaki niyang damit na pinag-takip sa katawan ko. Oo, nakakahiya lalo pa't siya lang yung lalaking naka-tuklas sakin ng ganung bagay at sa hindi pa magandang sitwasyon! Urgh!

Ano nalang ihaharap ko sa magiging asawa ko dahil sa nangyaring iyon?

Habang pinag-mumuni muni ko iyon, sandali akong napa-ngiti. Inaamin ko na may mabuting kalooban rin talaga si Logan, at akala ko ay puro nalang kasungitan at pagiging halimaw na mukha nalang ang palaging tatambad sakin. At dun sa ginawa niya kanina, parang naging komportable ako lalo na nung binuhat niya ako. Parang nag-init yung pisngi ko. Parang nahipnotismo ako sa kanya habang pinag-masdan ko sandali ang kanyang mukha.

Hindi ko maipaliwanag pero parang may nagdidiwang sa kaloob-looban ko. Hays. Nasobrahan lang ata ako sa pag-iyak kanina kaya eto yung resulta. Ilusyunadang Marsha!

Inayos ko ang sarili ko. Kailangan kong mag-thank you manlang kay Logan. Nakakahiya dahil nilayasan ko siya kaagad kanina.

Sa katunayan ay, nakapag-bihis kaagad ako pagtungo ko kanina dito sa maliit na kwarto. Buti nalang at madami akong dalang extrang mga susuotin.

Pag-baba ko nang hagdan ay natanaw ko si Logan na may dala-dalang buko habang naglalakad siya papalapit sa kinatatayuan ko.

Ngayon ko lang rin napag-isip isip na ang guwapo niya kahit saang ang-gulo. Yung tipong ang layo niya sa'yo ay makikilala mo kaagad yung napaka-pogi niyang mukha. Ang tikas ng katawan at masasabi ko talaga na habulin ng mga babae. Bigla akong napa-ngiti.

Kinurot ko ang siko ko at inayos ko kaagad ang sarili ko bago pa ako maabutan ni Logan dito na magmukhang may saltik.

"Hey, you okay now? I think you should have to take rest for now. Anyway, Is there something that I could help?" sa tono ng boses niya ay bakas pa rin ang kanyang pag-aalala, gayun rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napa-yukod nalang ako.

Doctor, doctor pumunta ka na dito! Kailangan ka ng puso kong tibok ng tibok sa lalaking 'to! Sabi ko sa'king sarili habang kinaka-usap ko ang sarili ko sa isip. Di ko na mapag-wari talaga kung ano na bang nangyayari sa'kin.

"W-wala. A-ano...gusto ko lang..mag-thank you sa'yo. K-kung hindi ka siguro dumating kanina ay baka kung ano nang nangyari kanina sa'kin sa cr.." Aniya ko habang naka-yuko. Napa-lunok ako ng lumapat ang kanyang kamay sa'king baba at inangat niya ang ulo ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya. Napa-lunok ako. Jusko! humaharumentado na naman ang puso ko.

"Your always welcome, besides there's anything wrong happened on you. But you sure that you okay now?" tanong niya habang bahagyang naka-pantay ang kanyang labi na naka-ngiti.

Bakit parang hindi na ata halimaw ang kaharap ko ngayon? Anghel na ba siya?

Tumango nalang ako tanda ng pagtugon ko sa kanyang sinabi. Pagdaka'y inalis na niya ang kanyang kamay sa'king baba. Napa-tingin ako sa'king kamay ng kunin niya iyon at nakita kong ibinigay niya sakin yung buko juice na dala niya.

"Drink that. It is yours, as I knew also you're not yet eat your lunch. By the way, do you want me to eat lunch with you?" tanong niya. Hawak hawak ko naman yung buko na binigay niya sakin.

Hindi ko namalayan na wala pa akong kanin simula kaninang almusal ng maligo kaagad ako sa dagat kanina. Pero bakit parang busog naman na ako?

Umayos Marsha! Huwag mong sabihing nabusog ka na kay Logan kaya ka na hindi nakaramdam ng gutom? Iba siya sa nakilala mong mga lalaki nung mga araw na 'yon! umayos ka!

"Why? You looks like you wanted that kiss again? We can make it here again. Do you?" rinig kong panunukso niyang sabi. Saka lang ako napukaw ang atensyon dahil sa sinabi niya.

Asyumera talaga 'tong halimaw na'to! Feeling naman niya, masarap siyang i-kiss? Eww.

Totoo ba Marsha? Oh, baka nagustuhan mo rin naman yung nangyari sainyo kanina?

Inangat ko ng bahagya ang ulo ko, para magmukha akong matapang sa harap niya na ewan.

"Oh eto yung buko.." sabay kuha ko ng kamay niya at pina-hawak yun sa kanya. " i-kiss mo baka sakaling halikan ka rin pabalik." saad ko sabay talikod ko sa kanya.

Nakakarindi rin pala yung pagiging asyumera ng halimaw na 'yon. Buti nalang at mapag-pasensiya ang magandang tulad ko. Hays. Iniistress na naman niya ang beauty ko.

Hindi pa ako nakaka-pasok sa loob ng kubo ay alam kong tinatawanan lang niya ako. Hinayaan ko nalang siya kahit na pagkatapos niya akong tawa-tawanan ay nakuha pa niya akong tawagin. Tss. Bahala siya sa buhay niya.

Dumiretso na ako sa loob para mag-hanap ng makakain. Tinungo ko yung lamesa sa tabi at wala man lang akong nakitang makakain. Naramdaman ko na ulit na kumulo na ang tiyan ko. Kailangan ko nang talagang kumain.

"There's no food here. Just follow me so, you can full your stomach if you want." Napa-lingon ako dun sa nagsalita at nakita si Logan na mukhang pinag-mamasdan lang ako habang para akong pusa dito na hanap ng hanap ng pagkain.

"Saan?" Sa halip na sagutin ako ay tinalikuran niya ako at nagsimula siyang naglakad papalayo at iniwan ako.

Inaamin ko ulit na wala talaga siyang bait. Talikuran ba naman ako? Tsss.

Sinundan ko nalang siya hanggang sa maka-rating kami sa labas ng beach. Dinala niya ang mga paa ko papunta dun sa sasakyan niya na naka-parada malapit sa gate ng beach na ito.

Sa totoo lang, napapa-tanong rin ako kung sa kanya ba talaga 'to? Oh, baka nirerentahan lang niya 'to?

"Come inside." pag-uutos niya ng pag-buksan niya ako ng pinto pagkatapos kong maglakad ng ilang distansya papunta dito.

Pumasok nalang ako sa loob at hindi na nagsalita, kasunod ay sumakay na rin siya at pina-andar ang sasakyan.

Medyo nangungulit na naman yung utak ko at gusto kong alamin kung saan ba kami kakain? Baka mamaya niloloko lang ako ng halimaw na 'to eh. Siya kakain ko kapag nagwala yung sikmura ko.

"What do you want to eat?" pagpuputol niya ng katahimikan habang bumabyahe na kami. Napa-isip ako sandali sa tanong niya.

Saan kaya? sa restaurant nalang kaya? Kinakapa ko sandali yung bulsa ko. At dun ko lang nalaman na wala pala akong dalang pera.

Nilingon ko siya ng ibaling ko ang tingin ko sa kanina sa daan.

"Uhmm..ano.." nasulyapan ko ang pag-baling niya sandali ng tingin sakin.

"Huh? What?" naiinip niyang tanong. Ibinalik ko nalang muna sa daan ang paningin ko at baka susungitan na naman ako ng halimaw na'to.

Saka ano ba sasabihin ko? Hays. Bahala na nga.

"Hindi na ako gutom." aniya ko. Pero sa totoo lang ay, gutom na talaga ako. Wala kasi akong pera kaya, nakakahiya naman kung siya gagastos. Baka ano isipin ng halimaw na'to sakin. Saka baka magka-utang pa ako sa kanya. Oo na. Aaminin ko, ganda lang kasi meron ako.

Hinintay ko siyang tumugon sa sinabi ko. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.

"Really? Okay fine." tipid niyang sabi. Tumingin ako sa kanya.

Wala ba siyang balak kumain? Alam ko, hindi pa rin kaya siya kumakain simula kanina? Seryoso ba siya? Nagugutom na kaya ako!

"Saan na tayo pupunta?" parang iba yung tumatakbo sa isip ng halimaw na 'to eh. Sana naman nababasa niya isip ko na kanina pa ako gutom. Kunwari lang talaga na ayoko ko.

Ginala ko ang mga mata ko sa labas at natanaw ko ang parang kubo na bahay sa tabi. Kaagad na akong lumabas para alamin kung ano iyon, at nakita ko yung naka-lagay na RF's Restaurant.

So ibig sabihin, kakain talaga kami? Totoo ba 'to? Jusko! mabubusog ata ako dito.

Hindi na ako makapag-hintay at dali-dali ko siyang hinila sa braso niya papasok sa loob, at ikina-gulat naman niya nang mapa-tingin siya sakin at ngitian ko.

Wala masyadong tao ang kumakain sa loob ng agad kaming naka-pasok. Mukhang sosyalin yung datingan ng restaurant at ang ganda ng set-up, may parang chandelier na naka-lagay, mga paintings at ang simple ng table areas. Hindi katulad sa mga palagi kong kinakainan kapag overtime ko sa trabaho.

Nilingon ko si Logan at agad niyang kinalas ang pagkaka-hawak ko sa kanya. nagtaka ako.

"Did you said that you're not hungry right?" Sabi niya with matching ngisi.

Sinabi ko ba 'yon? Baka nagkamali lang siya sa narinig niya? Hihi.

Tinignan ko siyang mabuti. "P-pero, kanina lang 'yon, hehe. Gutom na ako ngayon eh.." pagpapalusot ko. Oo na. Nagugutom na kasi ako eh, ano bang magagawa ko. Syempre, dinala niya na ako dito. Eh, bahala siyang gumastos ng malaki. Ngisi, Basta ako kakain tapos.

Hindi ko na siya hinintay magsalita ng agad ko siyang hinila papunta dun sa bakanteng table sa gilid sa may open area. Kaagad akong umupo ng bitawan ko siya. Pagdaka'y lumapit naman kaagad samin yung lalaki na mukhang waiter ata dito.

"Good afternoon po maam, sir Figueroa. You can choose your order here in menu, ma'am, sir." bungad samin nung waiter at pagdaka'y tumayo siya muna sa tabi.

Biglang nag-laro sa isip ko kung bakit niya kilala si Logan? Suki na ba ng restaurant na 'to si Logan? Oh, baka sabihin niya na sa kanya 'tong restaurant? Aba. Baka sa susunod pati buong Cebu sasabihin niya na sa kanya rin. Hindi ako naniniwala.

"How about you ma'am?" Masaya kong aabutin yung menu ng bigla namang hinablot ni Logan yun sakin at binigay dun sa waiter.

"You may go now, Pat. she'll not eat anyway." Sabi niya dun sa waiter at sumang-ayon naman ito. Pagkatapos ay umalis.

Bigla akong nainis sa halimaw na 'to. Ano bang problema niya? Hindi ba niya alam na nagwawala na sikmura ko kanina pa?

"Why are you staring at me like that?" sabay nagkunot -noo siya.

"A-ahh hehe..wala.." tanging sambit ko. Pagdaka'y yumuko nalang ako ng bahagya.

Gusto kong umiyak. Nakakainis. Ngayon lang nangyari 'to sakin. Hindi ba niya alam na gutom na gutom na ako? Papatayin ba niya yung magandang tulad ko sa gutom? Ugh!

Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya na ngayon ay pinag-hahandaan na nang makakain niya.

"E-excuse. Mag ccr lang ako." Hindi ko na hinintay yung sinabi niya ng tumayo na ako. Pero bago pa ako maka-alis ay narinig kong may sinabi siya.

"Do you want me to accompany you?" halata sa pananalita niya na inaasar pa niya ako. Porke't may kakainin na siya at ako ay naka-tunganga lang sa kanya kung sakali habang kumakain siya. Sarap rin siguro sipain ng halimaw na 'to.

"No thanks.* sabi ko sabay kaagad na akong umalis at hinanap yung cr.

Hindi naman talaga ako pupunta ng cr. Lumabas muna ako para mag-hanap ng makakain. Baka sakaling may mapulot ako. Nakakahiya naman sa halimaw na 'yon. Binabawi ko na talaga na mabait siya, wala siyang bait kamo.

Nang maka-labas na ako ay tinungo ko muna yung labas ng restau. Sinubukan ko uling kapkapan yung suot kong short ko na hanggang tuhod. Nang may wala akong makapa ay bumalik ako, nadismaya lang ako.

Lintek na halimaw 'yon! Ang sama ng ugali! Grr. Ano kaya problema non at bigla na namang nagkaroon ng saltik 'yon?

Tatalikod na sana ako ng biglang may humila sa'kin sa kamay. Napa-baling don at nakita ko na si Logan.

Sinubukan kong hatakin yung kamay ko sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako. Hindi talaga ako gutom. Kumain ka na don, baka nilalangawan na pagkain mo." inis kong sabi, pero sinubukan ko pa ring kalmahin ang sarili ko.

Ayoko pa naman talaga ng naiinis. Maiistress lang talaga ang ganda ko sa kanya. Ugh!

"No. You should eat." pagkasabi niya niyon ay kinuha niya ulit yung kamay ko at hinila papasok sa loob. May iilang tao ang naka-tingin samin at napapayuko nalang ako.

Lintek kasing halimaw na 'to! Akala ko ba naiintindihan niya na hindi ako kakain?

Hanggang sa maka-pasok kami sa loob at umupo kaagad ako pati siya.

"Eat this. We will not go there if you'll not eat those foods.." pang-uutos niyang sabi sabay nag-crossed arms siya.

Duh. Sino siya para utusan ako? Bahala siya jan.

"Okay, fine. Eh di, wag tayong umalis." panghahamon ko. Kahit na ang pogi niya mag-tagalog. Sabay crossed arms ko rin at tinignan ko siyang mabuti pag-angat ko ng ulo ko.

Akala niya siguro kaya niya ako. Si Marsha ata 'to! Tsss.

"Okay then, don't wait for the penalty. Remember, we have agreement about this. Right?." pagkasabi niya niyon ay nilapit niya sakin ng bahagya ang kanyang mukha habang hindi niya inaalis ang kanyang mga braso sa kanyang mga dibdib. Nilayo ko ang mukha ko sa kanya.

Tinaas ko ang aking kilay. "Hoy, excuse me. Labas na 'yon dito. Basta, bahala ka jan. Hindi ko kakainin yan." pagmamatigas kong sabi sabay hawi ko ng mukha sa kanya.

Pero sa totoo lang ay, gutom na ako. Grrr. Bakit ko pa kasi pinapatulan 'tong halimaw na 'to eh. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Okay, then. I think I have to go there in souvenir's shop. I think it there's a lot of stuffs here for good to be buy alone.."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Kaya mabilis kong ipinitlig ang ulo ko sa kanya.

"S-saan? pupunta ka ngayon don?" di makapaniwala kong sabi.

"Why? You looks like you wanted to be there also. Am I?" sabay ngisi niya ng nakakaloko.

"Okay. I'll leave you here for a minutes. Just eat here." Pagkasabi niya niyon umakmang tumayo siya sa kina-uupuan niya. Pero bago pa siya maka-alis ay mabilis ko siyang pinigilan.

"Sandali! S-sasama ako.." maamo kong sabi.

Tinignan muna niya ako bago siya nagsalita. "No. Eat here as much as you want. I'll just go back here for a few minutes."Pagdaka'y tinalikuran na niya ako kaya napa-bitiw ang pagkakahawak ko sa kanya.

"P-pero.." Hindi na niya ako pina-kinggan at sa halip ay tuloy-tuloy lang siya sa paglakad niya hanggang sa maka-labas na siya.

Ibinagsak ko ang balikat ko at umupo nalang ako sa upuan. Bakit ang daya niya? Bakit hindi ko manlang naisip yung ganung bagay? Hays. Siguro dahil sa kagutuman ko, wala nang laman yung utak ko.

Nilingon ko yung mga pagkain sa ibabaw ng table at napa-lunok ako. Ang daming iba-ibang potahe ng pagkain at may dessert pa.

Biglang napalitan ng inis ko ng magningning ang mga mata ko. Pinag-kiskis ko ang mga palad ko at nag-pray muna ako bago ko nilantakan yung mga pagkain.

Hinay-hinay lang Marsha. Mabubusog ka rin.

Pinapak ko yung kilalang pagkain ng cebu na lechon. Habang kumakain ako, di ko namalayan na naka-apat na akong kain ng kanin. Oh my, tataba na ako nito.

"Is that what you're saying busog? Tss. You stubborn." napatigil ako sa pagkain ng nakita kong naka-upo na ngayon si Logan sa harap ko.

What the--akala ko ba umalis na 'tong halimaw na 'to? Pinag-titripan ba niya ako?

Nakita ko ang pagsilay ng ngisi niya habang naka-crossed arms siya at pinag-mamasdan ako. Inirapan ko nalang siya at kumain ulit ako.

helooo I'm backkkk!!

enjoy reading this chapter!

love lots!

Keep safe everyone pala sa NCov. Pray and have a time for God. Never forget him always. ❤️

Maiden_pinkishcreators' thoughts
下一章