webnovel

Haley and Reed's ARC

Chapter 60: Haley and Reed's ARC  

Haley's Point of View 

 "Gusto mong sumama mamaya sa arcade? Kasama ulit sila Anna." 

 "Ipagpaalam mo ako sa nanay ko" 

 "Nanaman?" 

 "Eh, baka kasi 'di ako payagan kung 'di ka niya makita-- Pero huwag mong sabihin na sa arcade tayo pupunta! Sabihin mo, may gagawin lang tayong project." 

 "Bawiin ko na lang kaya 'yung sinabi ko?" 

 "Sige na! Uutusan lang ako sa bahay, eh!" 

 Isinuksok ko ang earphones sa aking tainga't nakinig na lamang ng tugtog habang free time. 

 Na sa principal's office si Kei samantalang pinatawag naman si Mirriam at Jasper ng coach nila kaya wala rito. Si Harvey naman, nag-aayos ng mga libro sa likod dahil cleaners siya ngayon. 

 

 Pasimple kong tiningnan 'yung pwesto ni Reed. Wala rin siya rito. 

 Sumalong-baba ako at pumikit. 

 I have no idea kung ba't ang tamlay at wala ako sa mood ngayong araw lalo pa't Monday na Monday pa lang at wala naman kami halos ginawa sa umaga kundi ang makinig sa mga pa-congratulate ng mga teachers sa mga players ng E.U. nung na sa gymnasium kami kanina dahil nga sa flag ceremony. 

 

 But still… 

Flash Back 

 "Next! The second runner up, Miss Tolenvino!" 

 Katabi ko sa upuan si Jasper dito sa Gymnasium dahil hindi pa natatawag 'yung pangalan niya at ina-announce pa 'yung sa girl's division. 

Humikab ako dahil ilang oras na rin kaming na sa loob 'tapos wala pang aircon. Maraming pera 'yung school pero wala silang pa-AC. Ayoko namang sabihin kay Kei na magpalagay na ng aircon sa gym nang dahil sa may "power" akong gawin 'yon. Para kasing ang abusive ko kung ire-request ko iyon sa kanya kaya mas maganda kung 'yung ibang estudyante na lang ang mag complain para sa 'kin. 

 

 Pumipikit-pikit na ang mga mata ko nang ma-distract ako kay Jasper. Ang gulo kasi niya at parang hindi mapakali sa upuan kaya inis ko siyang tiningnan para sana pagsabihan. Ngunit nawala 'yung suot kong ekspresiyon, bakas kasi sa mukha ni Jasper ang pag-aalala habang nakatingin sa harapan. 

 Sinundan ko ang tingin at napagtantong si Mirriam pala ang tinitingnan niya. 

 Kinamot ko ang aking mata dahil nanlalabo na rin talaga 'yung paningin ko. Dapat talaga, bawas-bawasan ko na 'yung pagbabasa masyado ng novel book sa gabi na lampshade lang ang gamit nang hindi madagdagan 'yung grado ko. 

 

 Pinangsingkitan ko ng tingin si Mirriam na halos matumba tumba na sa kinauupuan niya dahil sa pagkaantok. Katabi lang niya 'yung vice-president! 'Di pa naman okay 'yun magalit. 

 Nawala naman ang antok ko dahil sa rason na 'yun 'tapos palipat-lipat na tiningnan si Jasper at Mirriam bago ako mag desisyong apakan ang paa ng lalaking katabi ko. 

 Malakas na sigaw mula kay Jasper ang umalingawngaw sa lugar kaya tumuon ang atensiyon ng nakararami sa kanya lalo na't nakatayo na rin siya ngayon. Si Mirriam, nanlalaki ang mata at mukhang nagising ang diwa. 

 "A-Ah! Masakit 'yung tagiliran ko, medic!" Pagtawag ni Jasper sa school nurse na nagpabuga lang sa akin nang hininga. 

End of Flashback 

 Mukhang pagod pa rin si Mirriam mula sa biyahe dahil kahapon lang naman sila nakauwi. 

 'Di sila exempted pero hindi sila magka-klase ngayon kahit pumasok sila, may meeting lang silang kailangang i-attend after break time 'tapos ay pwede na sila umuwi. Kaming mga non-players lang ang maiiwan dito sa E.U. 

Even though I'm sure that we're not going to take a lesson kaya baka mahabaang free time nanaman ang magaganap. 

 Tumayo na ako at lumabas ng classroom para mag banyo sandali, wala pa namang teacher at kailangan ko ring maghilamos para magising. 

 Sa baba ako nag banyo dahil madalas talagang puno sa floor namin. 

 Diretsyo lang ang tingin ko habang pababa ako ng hagdan, hindi pinagtuunan ng pansin ang mga tao sa aking paligid na pa-simpleng nakasulyap sa akin para bigyan ako ng pagdududang tingin. 

 "Nabalitaan n'yo ba 'yung nangyari?" 

 "Totoo ba?" 

 "May nagbanta sa buhay nila, eh. Tingin n'yo kasalanan din ni Haley 'yon?" 

 Iyan ang madalas kong marinig sa nakararami simula nang matapos ang isyu namin kay Ray. They thought, rumors lang iyon. Pero totoo talaga ang mga hula nila-- kaso ako yata ang nagmukhang masama. 

 I didn't mind, wala rin naman akong pakielam sa kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Mai-stress lang ako kung iisipin ko pa. Pero wala akong ideya kung sa'n nila napulot 'yung impormasyon na 'yun lalo pa't malayo sa lugar na ito ang pangyayari. 

 Nakinig lang ako sa kanta ko mula sa phone nang makarating na ako sa baba at mapansin ang nagkukumpulan sa ilalim ng hagdan. 

 Si Irish 'yun kasama sila Kath. 

 

 Tinanggal ko 'yung earphone ko. "Kaya pala wala sila sa classroom?" 

Irish's Point of View 

 

 Nakasandal ako sa pader habang na sa harapan ko 'yung tatlong babae na hindi ko naman kilala. 

 Bigla na lang kasi nila akong iginiya rito noong paakyat na sana ako ng hagdan para makapanik sa classroom ko, anong oras na kasi. Akala ko nga rin naghahanap sila ng members ng club dahil may mga hawak-hawak silang mga papers kanina pero mukhang bad news silang tatlo. 

 Pare-pareho silang mga nakahalukipkip habang nakasimangot na nakatingin sa akin. "Lately, napapansin namin 'yung pagdikit dikit mo sa prinsipe ng school na 'to." 

 Iyan ang mga litanya na bubungad sa 'yo mula sa kontrabida ng isang kwento. At ang ibig sabihin ay ako ang bida ngayon at hindi lamang isang supporting character o ano pa man. 

 Subalit hindi rin naman ako 'yung babaeng palaban tulad sa mga napapanood o nababasa natin. 

 "P-Prinisipe?" Ulit ko sa binaggit nila. Sino 'yung tinutukoy nila? 

 Prinsipe-- malamang, isa 'to sa mga model students ng E.U.-- Don't tell me… 

 …si Harvey? O 'yung Reed Evans? Si Jasper? 

 Seriously, pa'no ba sila nakilala sa unibersidad na 'to? Nang dahil sa gwapo sila? Mga star players? Mayayaman at may mga sari-sariling malalaking kumpanya? Matalino ba sila? 

 

 Ugh. Hindi ko alam. 

 "Kung ako sa 'yo, ha? Lumayo-layo ka na sa kanya. Bago ka lang sa Enchanted University, 'di ba? Know your limitations, wala ka bang hiya?" pataray na nagngangalang si Trixie. Iyon kasi 'yung tinawag sa kanya nung Aiz kanina. 

 Madali lang talaga akong maka-memorize ng pangalan kahit isang beses ko pa lang naririnig. 

 

 Pilit akong humagikhik. "A-ah, I get it. Pero pwede n'yo ba akong padaanin? Late na kasi ako." Dadaan pa sana ako pero mas humarang sila. These b*tches! 

 

 "Sandali lang, 'di mo ba ako kilala?" Tanong ni Trixie. I know their names but I don't exactly know who they are and I'm not interested kung artista man sila o ano. Hindi rin naman ako nanonood ng TV kaya natural na lang din siguro kung hindi ko sila kilala, 'di ba?

 Ugh. This is what I hate about people who only cares nothing but their fame. 

Kumbaga parang okay lang sa kanila kung may matapakan sila as long as they will get whatever they want at ahead sila sa alam nilang mas mababa sa kanila. 

 Kung hindi lang talaga nagpumilit 'yung kuya kong mag-aral dito, hindi talaga ako sa school na 'to mag-aaral, eh. 

 Ah, kung hindi rin ako nagkakamali. Iyong Keiley na iyon ang anak ng may-ari sa school na ito, 'di ba? 

 Hindi ba niya napapansin 'yung mga estudyante nila rito? Saka nag take ba sila ng GMRC nung elementary sila? Ba't ganito kumilos ang mga estudyante? Ang dami kong gustong i-reklamo pero hindi ko naman magawa. 

 "Kanina ka pa nakatingin ng ganyan sa 'kin, ah? 'Tapos hindi ka pa sasagot, ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin, ha?" At malakas na itinabi nung Kath na iyon ang kanan niyang kamay malapit sa aking mukha. Napatingin pa ako roon. 

 Ano ba'ng problema ng babaeng 'to? Siya niya 'yung minamaliit ako, eh! 

 Ibinaling ko ulit 'yung tingin doon kay Kath nang magsalita siya. "Binabalaan na kita, ah? Pero once na makita kita na kasama si Reed Evans--" 

 "Nabanggit mo yata 'yung pangalan ko?" Pareho kaming mga napatingin sa lalaking nagsalita. 

 Sa kwento. Madalas na ma-bully ang mga protagonist ng main antagonist para sirain ang buhay nila, subalit biglang darating ang prince charming para maging knight in shining armor ng bida. Gano'n ka-cliche ang buhay pero sa pagkakataon na 'to. That story doesn't even exist here. 

 Kapag biglang umeksena ang isa sa mga kaibigan ng Harvey Smith na iyon. Nagiging supporting character ako. Kupido lang naman ako sa napaka childish and disgusting love story ng nag-iisang Haley Miles Rouge at Reed Evans. 

 But it's not like I had a relationship before-- pero counted naman siguro ang M.U1 para magkaroon ako ng various ideas about relationship, right?

 

 Pero kasi naman! Kung hindi lang dahil sa utang na mayro'n ako sa Smith na iyon, hindi ko na papakielaman 'yung pakipot at napakatorpeng kind of love nila Reed! 

 Nung una naman kasi, ang usapan ay i-trigger lang ang emotions ni Haley para ibalik 'yung bit memories na nawala sa kanya pero ngayon daw na nakabalik na ang mga alaala niya, nagpasya si Harvey na palitan ang plano. 

 

 Nakakainis talaga! Talksh*t 'yung hayop na 'yon. Hindi tumutupad sa usapan! 

 Lumapit si Reed kaya mabilis na humarap 'yung tatlong babaeng iyon at mukhang nataranta sa biglang pagpapakita niya. 

"R-Reed!" Pasigaw na tawag ni Trixie at tumungo kasabay ang kanyang fidgeting para magpakipot. "A-Ano…" Bigla akong nilingunan ng Trixie na iyon na may masasamang tingin 'tapos kumapit sa braso ko. "May problema kasi itong bunso natin, we're just giving her a hand." 

 Sinungaling! 

 Ngumiti naman si Reed. "I see." 

 Huwag ka kaagad maniwala, tukmol ka! 

 "Pero gusto ko sanang hiramin si Irish." Bumuka ang mga bibig nung tatlo dahil sa sinambit ni Reed. Tinuro ko naman ang sarili ko kaya tumango naman si Reed. 

 Mas kumapit pa lalo si Trixie sa akin. "P-Pero--" 

 "Okay lang ba?" Paghingi pa ng permiso ni Reed kaya lumuwag 'yung kapit ni Trixie. I see, nagiging soft siya kapag si Reed na ang usapan. Funny, how naive. 

 Naglakad na ako kung nasa'n si Reed kaya tumabi siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. "Thank you." Pagpapasalamat ko nang makalakad kami kahit hindi naman dapat siya dumating. 

 …pero hindi na rin siguro masama. 

 Tumigil kami sa paglalakad nang makita namin si Haley. Nakatingin siya sa amin nang pairap siyang umalis. Sinundan namin siya ng tingin ni Reed samantalang 'di ko napigilang ang mapangisi. 

 Mag e-enjoy naman siguro ako kahit papaano na asarin siya para ilabas 'yung nararamdaman ng puso niya na pilit niyang tinatago. 

 

 Palihim kong inangat ang tingin kay Reed na mukhang nag-aalala sa naging asal ni Haley. 

 Tingnan natin kung hanggang sa'n iyong pride n'yong dalawa.

Haley's Point of View 

 Nakaupo ako sa usual place ko rito sa Green park habang dahan-dahan na nag I-swing para sabayan 'yung direksiyon kung saan papunta ang hangin. 

 Dito kaagad ako dumiretsyo sa Green park pagkatapos ng klase tutal ay hindi pa makakauwi si Kei dahil may kailangan pa siyang gawin sa E.U. 

Makikisabay na lang daw siya kay Jasper dahil mamaya pa naman daw ang uwi niya. 

 Nakababa lang ang tingin ko sa lupa at iniisip pa rin 'yung paraan ng pagsingit ni Reed kanina para lang ipagtanggol si Irish. 

 It's not actually a big deal but for some reason, it pains me to think na hindi pa naman sila gano'n katagal na magkakilala. Pero binibigyan na niya ng special treatment si Irish. In fact, sa kanya lang niya 'yun ginawa-- Wait, no! Ginagawa naman ni Reed 'yun sa akin pero… 

 Napasimangot ako 'tapos napatayo na lamang sa inis. "Letse!" 

Kung alam ko lang na ganito kairita ang ma-in love sa tao, mula umpisa pa lang. Inihinto ko na 'tong nararamdaman ko. Pero pinili ko ba 'to? O puso ko mismo ang pumili kay Reed? 

 "Sabi na nga nandito ka lang, eh." halos magulantang ako dahil sa boses na iyon 'tapos nilingon siya kasabay ang pagtawag ko sa pangalan niya. 

 "How did you know that I'm here?" Tanong ko, marka sa mukha ko ang pagkalito dahil anong oras na rin pero pumunta pa siya rito. Palubog na ang araw at nakikita na 'yung maliwanag na bituin na kung tatawagin ay ang Sirius or Dog's Star. 

 Ngayon ko lang ulit 'to nakita ever since that night na pumunta kami ni Reed sa favorite place niya. 

 

 Pumunta siya sa harapan ko 'tapos ngumiwi kasabay ang kanyang pagbuntong-hininga. "You always lock yourself in the same place whenever you're feeling down or something's bothering you. Kaya nagka-idea ako na nandito ka." Sabi niya at umupo sa kabilang swing na inuupuan ko. 

 Inilayo ko naman ang tingin. "Paano mo naman nasabing may bumabagabag sa 'kin?" Nakasimangot ko pa ring tanong. 

 Humagikhik siya nang kaunti. "Hey, Haley. Wala ka naman sigurong gusto sa 'kin, 'di ba?" Tanong niya na nagpabilog sa aking mata. "Kaunti na lang kasi, iisipin kong nagseselos ka." 

 Pulang-pula naman akong lumingon sa kanya. "Huh?! Ba't naman ako magseselos?! Kay Irish at sa 'yo? Masyado ka naman yatang confident sa sarili mo, ano?" At nagpameywang pa ako. 

 He clicked his tongue. "Tss, hindi na sana ako nagtanong." Hindi ako sumagot at umupo lamang ulit sa swing. Nakatungo pa rin ang tingin ko sa lupa pero nakita ko sa peripheral eye vision ko ang paglingon ni Reed sa akin. "If you need a shoulder, I've got one." 

 "Humph. Thanks for your concern, I've got enough." 

 Nagtakip siya ng bibig. "You turned me down." 

 "Are you messing with me?" Inis kong tanong sa kanya nang ibaling ko ang tingin sa kanya. 

 Tumawa naman siya 'tapos ipinatong ang kamay sa aking ulo para I-tap ito. "Buti naman at wala naman pa lang bumabagabag sa 'yo." Concern niyang wika habang nakangiti. 

 Pumunta lang ba siya rito dahil nag-aalala siya sa akin? 

 Pumaharap ako nang tingin at namumulang tumingin sa hindi kalayuan. Marahas ko ring hinampas paalis 'yung kamay ni Reed dahil hindi ko rin alam kung ano ang ire-react ko. 

 "Aray naman! Hindi mo naman kailangang gawin 'yun, eh!" Inis niyang sambit. 

 Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin. "You're disgusting, don't touch me." Hindi naman na siya kumibo at ibinaling na lang din ang tingin kasabay ang pagtingala para makita 'yung mga bituin na paunti-unti ng nagiging visible sa kalangitan na malapit ng dumilim. 

 Namagitan sa amin ang katahimikan. Iyong katahimikan na walang awkwardness. Kumbaga, comportable lang ito kahit walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakaupo lang kami at nakatitig sa mga nagkikislapang bituin. 

 Ngunit binasag iyon ni Reed. "Tingin mo magkasama na si Rain at Laraley?" Banggit ni Reed sa mga kapatid namin. Laraley ang talagang buong pangalan ng kambal ko pero dahil medyo engot 'yung umasikaso sa birth certificate niya ay naging Lara lang ang pangalan niya ro'n. 

 Sumulyap ako sa kanya na ibinalik ko rin sa langit. "I guess." Sagot ko 'tapos ngumiti. "But I'm sure they do, they are watching us from above." 

 "Ang saya siguro kung nandito sila, 'no?" 

 Binigyan ko ng walang ganang tingin si Reed. "Hindi mo naman siguro liligawan si Lara kung nandito pa s'ya, 'di ba?" 

 Humawak siya sa kanyang batok at tumingin sa kaliwang bahagi kaya hindi ko naiwasang mag react. "Anong klaseng reaksiyon 'yan?!" Bulyaw ko sa kanya. 

"Naisip ko lang din kasi, kung nabubuhay siya at in love ako sa 'yo. Magagawa ko rin kaya siyang mahalin katulad ng pagmamahal na mayro'n ako sa 'yo?" Tanong niya na nagpakagat sa ibaba kong labi. 

Tinatanong lang niya 'yan hypothetically pero parang gumagawa lang siya ng excuse. Pero imagination ko lang iyon, there's no way na gusto niya ako sa paraan na gusto ko rin siya. 

 "Ang random mo." Sambit ko pero sumimangot siya. 

 "Para may mapag-usapan." Rason naman niya. 

 Ini-swing ko ang duyan ko 'tapos tumikhim. "There are different types of love. So, I couldn't exactly answer the question. But I don't think na magiging pareho ang pagmamahal na ibinigay mo sa other person sa unang taong minahal mo just because they have the same face, or features." 

 "Then it means, magagawa ko pa ring mahalin 'yung tao? O 'yung kamukha mo kunwari?" Katwiran niya nang mas iniharap niya sa akin ang atensiyon. 

 Bumuntong-hininga ako 'tapos napahawak sa aking noo. "What a lowlife retard." 

 "Wha--" 

 Ibinaba ko ang kamay ko 'tapos umayos ng upo't paharap sa kanya. Tumitig ako sa mga mata niyang biglang namilog sa gulat na bigla akong humarap sa kanya. "This is just an example, right? Pa'no kung na-in love ka nga sa akin at buhay pa si Lara. Tingin mo magagawa mo pa ring lumingon sa iba?" Tanong ko na hindi niya kinibuan. "Minahal mo lang ba ako dahil sa selfish desire mo or because you have no control of the feelings that you have for me?" 

 Lumalim ang pagtitig niya sa akin. "I fell in love with you because the heart chose you." Sagot na parang sa akin niya pinapatama. 

 "You have to be meticulous of what you have said pero kung tingin mong 'yan ang reasoning of love mo. Iyon na 'yon." 

 Tumaas ang kilay ko. "I don't quite get it." 

 Ngiti akong naglabas ng hangin sa ilong 'tapos inangat ang hintuturo ko katapat ng mukha namin sa isa't isa. "Gaya ng sabi ko kanina, iba-iba ang pagmamahal nung tao and we also have different opinion when it comes to love, so, there's no right answer." Nanatili lang siyang tahimik. "Ikaw lang ang makakaalam kung magagawa mo ring mahalin 'yung tao-- iyong kambal ko kunwari." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko 'tapos naglakad na. 

 Naramdaman ko rin ang pagtayo ni Reed. "Saan ka pupunta?" Tanong niya kaya tumigil ako. 

 Humarap ako sa kanya. "Reed. Kung sakali mang lumayo ako, tingin mo may mare-realize ka?" Tanong ko na nagpataas sa kilay niya. Mukhang naguluhan sa naging tanong ko kaya suko na ako para sa gabing ito. "Nevermind." Tumalikod ako sa kanya. "Daan tayo ng convenience store. Libre mo 'ko ng Koaded, tagal ko ng 'di nakakain 'yun, eh." 

 Kinuha na niya ang bag niya 'tapos hinabol ako para sumabay sa akin. "Iyon lang pala, eh." 

 Naglalakad lang kami nang mas tumabi pa ako kay Reed. Nagtaka man siya pero nginisihan ko lang siya. 

 He must have them. The authentic love he's trying to hide, that no one else can compare. 

Last chapter next update!

Kei and Harvey's ARC

Yulie_Shioricreators' thoughts
下一章