webnovel

Ray's - Back Story -

Chapter 50:  Ray's - Back Story - 

Ray's Point of View

Binuksan ng isa sa tauhan ko ang pinto na si Cian, siya na lang 'yung natirang tao na pwede kong maasahan dahil karamihan sa mga kasamahan ko ay mga nahuli na rin ng police. Pumasok na nga siya para lapitan ako sa kinauupuan ko ngayon.

Gaya ng madalas niyang gawin ay nginisihan niya ako. "Nakakapanibago ka na pinatawag mo ulit ako ngayon?" Nagawa pa niyang magbiro sa akin ngayon.

Nakasalong baba lang ako't nakakrus ang mga paa nang alisin ko na lang ang aking pagkalumbaba para tumayo at pantayan siya ng tingin.

"Marunong ka naman sigurong humawak ng baril, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na hindi niya kaagad sinagot. Hindi ko pa siya nakikita ni isang beses na maghawak ng baril, puro patalim lang 'yung madalas niyang gamitin.

Naglabas ako ng hangin sa ilong. Hindi ko na hinintay 'yung isasagot niya't inilabas na lang ang 'yung baril na nakuha ko sa lider ng fraternity namin noon na nagngangalang D-Ger. Hindi iyon ang tunay niyang pangalan-- wala pang nakakaalam.  

Kumbaga sa ilang taon na nanatili ako sa organisasyon na iyon, wala pa rin talaga akong alam kung paano nagsimula 'yung grupong iyon at kung ano talaga 'yung pinaka purpose nila maliban sa gawin ang gusto nila.  

Pero isa lang ang pwede kong masiguro,

…hindi lang isang ordinaryong tao ang bumuo sa fraternity na iyon at ipinasa na lamang iyon kay D-Ger dahil sa isang dahilan.  

"Ito lang 'yung baril na mayro'n ako kaya hawakan mo muna. Kakailanganin natin 'yan sa susunod." Bilin ko.

Hindi ko na ibinalik 'yung baril-- na paboritong gamitin ni D-Ger at umalis na lamang ako sa organisasyon na iyon ng hindi nila alam matapos mangyari ang trahedyang iyon.

At isa pa, kapag nalaman ng mga tao sa fraternity na iyon na ako ang kumuha nung perang ninakaw nila sa baranggay hall. Hindi sila magdadalawang-isip na patayin ako, o kaya'y pahirapan ng ilang araw bago ako kapusan ng hininga.   

Kinuha ko 'yung pera para may ipambayad sa pinag utangan ng walang hiya kong ama.

Kami kasi ang hinahabol-habol nung taong maniningil dahil hindi na raw nagpakita si Papa kahit alam niyang baon siya sa utang.

Kung hindi namin 'yun babayaran, kami ang kakasuhan.

Nakababa lang ang tingin ni Cian sa baril nang iangat niya ito para tingnan ako. "Bakit binibigay mo 'to sa akin na parang ito na 'yung huli? Hindi ba't sinabi mo na ito ang gagamitin mong sandata kapag may nangyaring 'di maganda sa mama mo?" Taka niyang sabi. "Huwag mong sabihin sa akin na hahayaan mo silang patayin ka?" Naguguluhan niyang sabi at tukoy niya sa mga police na pinaghahahanap na ako. O baka nga hindi lang 'yung police ang naghahanap sa akin ngayon kundi 'yung mga tao sa organisasyon na iyon.

Tumagilid ako at inangat ang tingin sa butas na kisame. Nakikita ko 'yung bituin mula rito.  

Umismid ako. "Gag* ka ba? Bakit ko naman hahayaan na patayin nila ako?" Iritable kong tanong sa kanya na ikinahagikhik niya.

 

"Dapat lang 'no? Kasi kapag nawala ka, wala ng susuporta sa nanay mo. Saka ikakalungkot pa niya kung maiiwan pa siyang mag-isa." Banggit niya na nagpaliit sa paraan ng pagtitig ko sa itaas.  

Ako lang 'yung tanging anak sa pamilya. Wala kaming mga kamag-anak na pwedeng tumulong dahil sa nakaraan nilang nagtanan ang magulang ko kahit tutol ang tribo ng ina ko.

Tama, dapat nga hindi na lang sumama si Mama sa lalaking iyon nang hindi siya nagkakaganito't nahihirapan. Kung sumunod lang siya, siguro mas nakahanap siya ng mas magpapasaya sa kanya ngayon.   

"Siguro nga." Sagot ko.

Lumaki ako sa pamilyang halos walang makain araw-araw at kung papalarin, makakakain lang kami isa o dalawang beses.

Okay naman ang lahat nung una at kahit papaano ay medyo nakakaya naming mamuhay ng normal, pero simula nung ma-impluwensiyahan ang ama ko dahil sa mga barkada niya at umuwing lasing tuwing gabi kung sa'n nalaman pa namin 'yung pagsugal sugal niya.

Doon ako halos mawalan ng pag-asa. Wala na nga kaming pera pero nagagawa pa niyang ubusin sa mga walang kwentang bagay.

Iniisip ko pa no'n, hindi na sana siya bumuo ng pamilya kung ganito lang din ang mangyayari sa pamilya niya.

Huminga ako nang malalim. "Hindi ako susuko. Hindi ko hahayaang maghirap ulit si Mama." Kinuyom ko ang kamao ko. "Siya na lang 'yung pwede kong protektahan."

Tuwing gabi kapag inaakala ng ina ko na tulog ako. Naaabutan ko siyang umiiyak sa labas ng bahay namin. Mahinang humihikbi, gigising ng umaga na parang walang nangyari nang hindi ako masyadong mag-alala. Ilang taon ba ako no'n? Siguro Labing-isa na rin ako nung panahon na 'yon.  

Hinahayaan ko lang din si Mama na umiyak dahil ayaw rin naman niyang makita ko iyon at baka mas lalo pa siyang ma-stress. Ngunit habang lumilipas ang panahon, mas nadagdagan lang din iyon. Lumalala ang ama ko, uuwi ng gabi na may kasamang babae. Sinasaktan na rin niya si Mama kapag hindi nagagawa ang gusto niya.  

Flash Back

Hinatak ni Papa ang buhok ni Mama na ngayon ay na sa sala habang nagtatago lang ako sa likod ng pinto para hindi ako makita. "Hoy, babae. Alam kong may pera ka pang nakatago d'yan! Akin na sabi, eh!" Malakas na utos ni Papa dahil nakainum nanaman siya.  

Humahagulgol 'yung ina ko sa lungkot at sakit dahil sa ginagawa ng asawa niya samantalang ako. Wala akong magawa kundi ang manatili rito, nanginginig ang mga paa kahit gusto kong pigilan ang mga ginawa nung ama ko.

Narinig ko ang pagbasag ng baso kaya mas lumala ang takot na nadarama. "Ayaw mo talagang ibigay, ha?!" Galit na galit na sigaw ni Papa kaya pumailanlang na rin ang paghagulgol ni mama. Naririnig ko na rin 'yung ilang hampas-- mukhang sinasampal niya si Mama.

"W-Wala na akong pera rito, para na lang 'to sa anak natin--" Sa pagkakataon na ito, noong sumilip ako ay nakita ng dalawa kong mata ang malakas na pagsikmura ni Papa sa ina ko dahilan para bumagsak siya sa malamig na sahig. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil hindi na nagawang makagalaw ni Mama pagkatapos niyon.  

Napakakalat nung kwarto. Iyong ilaw ay nagbubukas sindi na rin dahil hindi na napapalitan ang bulb nung ilaw.

"POT*NGINA." Inis na inis na mura ni Papa bago umalis sa sala para lumabas ng bahay.

Mabilis kong pinuntahan si Mama na ngayon ay walang malay. Binuhat ko ang balikat niya nang hindi tumitigil ang pagbagsak ng aking luha. "Ma… Umalis na tayo rito." Sinasabi ko 'yan pero,

…napakaduwag ko. Nagagawa ko lang sabihin 'yan sa kanya sa tuwing hindi niya ako naririnig. Wala akong lakas na loob, takot na takot ako na baka pati ako ay saktan din.

Kapag aalalahanin ko rin 'yung paraan ng pananakit ng mga estudyante sa skwelahan na pinapasukan ko. Nagiging blanko na ang utak ko, nawawalan ako ng dila.

Ngunit lumipas ang ilang taon nang makilala ko si Cian.

2nd year high school na kami pero patuloy pa rin akong binu-bully ng mga estudyante dahil katawa-tawa raw ako para sa kanila. Pero iyon din 'yung mismong araw kung sa'n nagbago ang lahat.

Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa mga lalaking nakahalundusay sa lupa.

Pinagpagan ni Cian ang mga palad niya 'tapos lumingon sa akin at nginisihan ako. "Ang pangit mong tingnan, alam mo ba 'yon?"

Iyan kaagad ang una niyang sinabi sa akin.

Lumapit siya at niluhod ang isang tuhod para mapantayan ako. "Gusto mo bang mabago 'yung paraan ng pamumuhay mo?" Tanong niya sa akin at mas lumawak ang pag ngisi. "Gusto mong gumanti? Sa mga taong umapi sa 'yo?"

***

DINALA NIYA AKO sa isang napakaingay na lugar. May mga naglalaro ng billiard pool gano'n din ang pag gambling.  

Lumingon ako kay Cian na nasa tabi ko. "H-Hindi maganda 'yung pakiramdam ko rito." Kinakabahan kong wika pero ginulo lang niya iyong buhok ko.

"Don't be so scared, walang lalapit sa 'yo basta kasama mo ako. Kilala ako rito, eh." Pag kampante niya sa akin habang turo ang sarili gamit ang kanyang hinlalaki. Tumungo ako at tinanguan na nga lang siya.

Pumasok kami sa isang kwarto, dinala niya ako sa taong gusto niyang ipa-meet sa akin dahil siya raw ang tutulong sa akin. Kinuwento ko kasi kay Cian 'yung tungkol sa nangyayari sa buhay ko kasama ang isyu ng pamilya ko kaya ipinaliwanag din niya ang posibilidad.

Hindi man maganda ang ideya na 'to pero para 'to sa ina ko, hindi ko 'to pwedeng palagpasin pa.

"Nandito na tayo." Saad ni Cian kaya inangat ko na ang ulo ko para makita 'yung taong kailangan kong kausapin.

Laking gulat nang makita ang itsura niya, napakarami ng kanyang peklat lalo na sa dibidb at mukha.

Wala kasi siyang damit pang itaas, idagdag mo pa sa gulat ko 'yung tatlong babae na inaakit siya habang iginagala ang mga daliri sa balat nito. Iyong isa namang babae ay nakaluhod sa harapan ng lalaking iyon at mukhang gumagawa ng bagay na hindi ko inaasahan.

A-Ano ba talaga itong pinasukan ko?

Ipinaliwanag naman sa akin ni Cian ang tungkol dito, pero hindi ko inaasahan na malala pa pala ito sa inaasahan ko.  

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nung lalaki bago tumayo, kaya umalis na rin 'yung babae kanina sa harapan niya na binibigyan siya nang kaunting saya.

Inangat na rin niya ang pantalon niya na kanina'y nakababa 'tapos lumapit sa akin. Kakaiba 'yung aura niya, napakadilim at tila pwede kang patayin sa paraan ng pagtingin.

Nang makahinto siya sa harapan ko. Pasimple niya akong tiningnan mula itaas paibaba, pagkatapos ay pumitik siya sa ere kung saan may pumasok na isa pang babae at ibinigay sa lalaking 'yun ang isang case box.

Lumabas naman 'yung taong kapapasok lang habang hindi tinatanggal ng lalaki ang tingin sa akin. Pahagis niyang binato 'yun inabot ng babae kanina na case na kaagad ko rin namang nasalo. Ang bigat!

"I could see the fear and doubts in your eyes, kung mananatili ganyan ang kaisipan mo habang-buhay. Hindi ka magtatagumpay at madali ka na lang mamamatay." Saad niya at mabilis akong binuhat sa pamamagitan ng kanyang pananakal.

Nagtilian 'yung mga babae sa likuran.

Hindi ako makahinga. Rito na ba ako mamamatay? Hanggang dito na lang ba matatapos ang lahat?

Namuo ang luha sa mata ko lalo na't nawawalan na rin talaga ako ng hangin.  

 

Hindi, hindi 'to pwede. Wala ng ibang tutulong sa amin kundi ako lang. Ako.

Wala ng iba. Kaya hindi 'to pwede!

Kahit hindi ako sigurado sa gagawin ko, sinubukan ko siyang tadyakan sa mukha pero mabilis siyang nakaiwas dahilan para bitawan niya ako.

Napaubo ako't naghahabol ng hininga.

"…pero nakikita ko na may dahilan ka para mabuhay kaya kung papayag kang pumasok dito." Tinuro niya ang case na nasa gilid ko. "Kunin mo 'yang perang 'yan. Naglalaman 'yan ng kalahating milyon para sa pamilya mo."

Nanlaki ang mata ko 'tapos napatingin sa case na iyon. "K-Kalahating milyon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Galing 'yan sa mga naging racket ko nung nakaraan. Narinig ko kay Cian 'yung tungkol sa buhay mo." Paliwanag niya at nagsalubong ang mga kilay. "Kailangan ko rin talaga ng isang bata kaya sakto lang ang dating mo." Niluhod niya 'yung kanan niyang tuhod at hinawakan ang buhok ko.  

Ang sakit! 

"Makukuha mo ang gusto mo rito, bata. Basta susunod ka lang sa mga dapat na gawin o iuutos ko." Wika ni D-Ger.

Wala akong choice sa mga panahon na 'to.

Sa sobrang kahirapan ng pamilya namin, wala na akong maisip na paraan para makaahon kami. Ilang taon lang ako nito, mahirap makahanap ng pansamantalang trabaho at palagi lamang akong pinagtatabuyan.

Kahit ilang ulit akong maghanap para lang may makain kami, sadyang hindi lang talaga ako pinapalad. Ayaw akong pagbigyan ng pag-asa ng mundo 'to.   

Dito nagsimula 'yung kaisipan na 'to.

Kung walang gagawing maganda ang mundo sa akin. Paninindigan ko 'yung gusto nitong mangyari.

***  

LUMIPAS ANG tatlong taon. Hindi talaga naging madali sa una 'tong pinasukan ko dahil maraming pag-aalinlangan at kailangang pag-isipan bago gawin. 'Di naman pangkaraniwan 'tong ginagawa ng mga tao sa Fraternity.

Pinapahirapan ng miyembro ng organisasyon na 'to 'yung taong gusto nilang pag trip-an. May mga prostitution na nagaganap at mga sugal na hindi kailanman papayagan ng mga taong gumagawa ng batas.  

Nagpamulsa ako't pabagsak na isinandal ang sarili sa malamig na pader. Nandito lang ako sa pinagtatambayan ng mga kasamahan ko at katatapos lang din naming rumaket.

Naririnig ko pa ang umaalingawngaw na sigaw ng babae sa pintong pula na nasa kaliwa ko.

Narinig ko na aalis sana siya sa fraternity na ito kaya ngayon ay halos pahirapan siya para raw madala siya.

Ang rules, kapag pumasok na kami sa organisasyon na ito at marami na kaming nalalaman. Wala kaming takas, mamamatay kami.

Mahina akong naglabas ng hangin sa ilong.

Kung tutuusin, ni kailan man. Hindi ko pa nagagawang makapanakit ng tao para lang ma-satisfy ang gusto ko.

Pagnanakaw lamang ang ginagawa ko kahit alam kong mali.

Kaya nga hangga't maaari ay hindi ko sinasabi sa ina ko kung sa'n ako nagta-trabaho o kung sa'n ko kinukuha 'yung mga perang binibigay ko sa kanya.

Kung magtatanong man siya. Sinasabi ko lang na may mabait lang talaga akong boss na binibigyan ako ng malaking pera dahil alam niya ang estado ko sa buhay.

Tama, hindi ko ibinibigay lahat ng pera kay Mama para hindi siya maghinala masyado. Kumbaga nagbibigay na lang ako kapag alam kong kinakailangan niya, at natutuwa naman akong nagiging masaya siya lalo na't nakaalis na kami sa puder ng ama ko at nakakuha ng maayos-ayos na bahay kung sa'n siya kumportable.

"Whoo! Ang dami nating pera ngayon, 'tol." Tuwang-tuwang sabi ng kasamahan ko habang binibilang ang perang papel sa kanyang mga palad. Nakaakbay sa kanya 'yung kaibigan niya 'tapos humagikhik.

"Hanap tayo chics. K*ntutin natin pagkatapos."

"P*ta, na-excite ako bigla. Tara, punta na tayo ngayon. Ang dami diyan sa tabi-tabi."  

Umalis na silang dalawa samantalang nanatili lang akong nakasandal sa isang tabi habang malalim na nag-iisip.

Iniisip kung magpapatuloy pa ba ako sa ganitong paraan ng pamumuhay o mananatili.

But if I leave, I'll die.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa kahon na kinuha ko sa bulsa't sinindihan iyon ng lighter. Pagkatapos ay umalis na nga rin para makapagpahangin.

***

1st YEAR COLLEGE.

Sa skwelahan, may nakilala akong babae na hindi ko inaasahan na magpapatibok sa puso ko. Hindi ako interesado sa kung sino na pwedeng pumasok sa buhay ko pero sa hindi malamang dahilan. Nabighani ako sa babaeng 'to. Ang hina niya sa paningin ko 'tapos ang lampa pa. Pero kahit ganoon, nagagawa pa rin niyang ngumiti.

Ngunit 'di ko siya masyadong pinagtuunan ng pansin at ginagawa ko lang 'yung mga bagay mag-isa. But she didn't let me. Palagi niya akong kinukulit, sinasamahan at kung anu-ano pa na maiirita ka na lang din talaga.  

Kaso habang tumatagal, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakasama't nakikita siya.

Sadyang hindi ko lang magawang maipakita 'yun sa kanya.

***

ISANG BESES, ginamot niya 'yung pasa ko sa pisngi gawa ng pagkakasapak sa akin ng nakaaway ko sa college building namin. Kumulo iyong dugo ko dahil bigla siyang naghamon ng away. Nabangga ko 'yung lalaking nanapak sa akin ng hindi sadya, siguro mukha akong mahina kaya gano'n na lang para magsisisiga siya sa akin at bigla bigla na lang mananapak.

Kaya ngayon, sabog 'yung nguso.  

"Aray! Dahan-dahan naman!" Iritable kong wika. Nadiininan kasi niya 'yung paglalagay sa akin ng ointment, eh.

Humagikhik siya. "Sorry, sorry. Hindi na mauulit." Hinging pasensiya niya 'tapos humawak na sa kanyang mga tuhod para pantayan ako. Nakaupo kasi ako sa stool. "Pero hindi ka na dapat nakikipag-away. Masama 'yan." Suway niya sa akin na tila para bang bata ako.

Inis kong inangat ang tingin ko. "Sino ka ba para pakielaman 'yung buhay k-- Hoy!" Hinawakan niya ang mga kamay ko.  

"I never heard you calling my name. So, I wonder kung kilala mo ba talaga ako o ano." Nguso niyang sabi na nagpaawang-bibig sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "C-Claudine." Banggit ko sa pangalan niya kaya niyugyog niya ako sa tuwa.

"Naalala mo! Naalala mo! Pero tawagin mo na lang din akong Claud." At kinindatan pa niya ako.  

Sinimangutan ko siya. "Ayoko nga--" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla bigla na lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Gusto mong mag Karaoke tayo? Pampatanggal ng stress." Anyaya niya sa akin na hindi ko kaagad sinagot.

***

PUMAYAG akong makipag karaoke kay Claudine kahit kaming dalawa lang. Wala namang problema sa akin dahil wala rin naman akong ibang gagawin, maliban na lang kung bigla akong tatawagin ng lider sa grupo namin-- hindi si D-Ger.

Bale nagkaroon kami ng hiwa-hiwalay na grupo dahil rumarami na rin talaga ang mga tao sa organisasyon.

Bale kasama ko si Cian sa grupo, siya 'yung lider na magbibigay sa amin ng gagawin mula kay D-Ger.

Naghahanap si Claudine ng pwedeng kantahin sa song book habang nakatitig lang ako sa kawalan at umiinum ng alak. Napapagod ako ng 'di ko malaman, nakakainis 'yung ganitong feeling.

Ngumuso si Claudine. "Hindi mo 'ko sasamahang kumanta?"  

Hindi ako sumagot at lumagok lamang ng alak. Tumabi na si Claudine sa akin 'tapos hinawakan ang mga kamay ko. "Wala akong alam kung ano talaga 'yung problema at nagkakaganyan ka, pero kung may maitutulong ako. Sabihin mo lang sa akin."

Inilipat ko 'yung tingin ko sa kanya.

Claudine is an innocent and sweet woman for me. Siya 'yung babae na kapag inasar mo lang, magtatampo kaagad pero ngingiti rin pagkatapos. Mainhin siya at siya 'yung taong dapat pino-protektahan. Lalo na 'yung mga ngiti na madalas gumuhit sa mga labi niya.

Humarap ako sa kanya na may blanko sa mukha. "Maitutulong? Kahit ano?" Tanong ko na tinanguan naman niya bilang sagot.

"Yes, anything." Sagot naman niya kaya tumitig ako sa kanya.

"Halikan mo 'ko." Udyok ko na hindi kaagad nagawa ni Claudine. Alam ko, hindi niya 'yun magagawa. Masyado siyang mabait para gawin 'yung mga gano'ng bagay. I'm just messing around.  

Tumungo siya kaya naglabas ako ng hangin sa ilong. "Nevermind. I'm going home." Hindi kasi maganda kung mananatili pa ako rito, baka kung ano pa ang gawin ko.

Masyado siyang maganda sa paningin ko.

"Sure." Sagot niya na nagpalingon sa akin, tatayo na kasi sana ako.

Inangat naman niya ang ulo niya para makita ako. "K-Kung iyan ang gusto mo at ang magpapasaya sa 'yo." Dagdag niya.  

Tumitig pa ako sa kanya sandali bago sinimulang hawakan ang kanyang pisngi para ilapat ang labi ko sa labi niya. I took an advantage for her vulnerability. And I couldn't control myself.

Lumalim nang lumalim ang mga halik namin hanggang sa ayain ko siyang sumama sa hotel na malapit dito.

Doon namin itinuloy ang dapat na gawin.

Inihiga ko siya sa kama habang hindi tinatanggal ang halik. Sinisimulan ko na rin ang paghimas ko sa kanyang dibdib dahilan para lumabas sa bibig niya ang kaunting pag-ungol.

Sa sabik na nararamdaman. Sinisimulan kong tanggalin 'yung blouse na suot niya, nang matanggal ay iminulat ko ang mata ko. Nagulat nang makita ko ang iilang peklat sa katawan niya kaya huminto ako sa ginagawa ko.

Ngumiti si Claudine. "Creepy ba?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya sa kaliwang bahagi, nakikita ko 'yung pandidiri niya sa sarili niya. "I'm sorry. You can go kung nandidiri ka."

Sandali pa akong hindi umimik nang iharap ko 'yung ulo niya sa akin at halikan iyon. "I don't mind." Sabi ko without knowing the reason behind of those scars.

Nalaman ko na lang nung 'di ko sadyang marinig mula sa teachers 'yung tungkol sa background ni Claudine.

Her father harassed Claudine for her entire life, at ngayon ay na sa kulungan na 'yung tatay niya dahil mayro'n ng nagsumbong.

Kaya pala ganoon na lang din siya ngumiti, tinatakpan lang pala niya 'yung sakit na nararamdaman niya.

Kaya nangako rin ako kay Claudine, na kahit na ano'ng mangyari ay po-protektahan siya. Handa rin akong gawin ang lahat, maging masaya lang siya.

"Mahal na mahal kita." Ngiti kong sabi sa kanya kaya niyakap niya ako.

"Mahal na mahal din kita."  

Masaya kaming dalawa, nawawala 'yung pagod ko kapag nandiyan siya't na sa tabi ko.

Halos hindi rin namin magawang pakawalan 'yung sarili namin sa isa't-isa at palagi lang din kaming magkasama.

Nagbago lang 'yun noong makilala niya si Harvey. Palagi niyang tinatanong sa akin kung kailan niya makikita 'yung lalaking iyon dahil ang cute cute raw niya.

Hindi 'yun naging problema sa akin nung una dahil mas bata siya sa amin, pero hindi ko inaasahan na may magagawa siyang katarantaduhan sa akin.  

Nahuli ko 'yung pag corner ni Harvey kay Claudine sa pader to seduced my woman, mukhang walang nagawa si Claudine at ipinulupot na lamang niya ang mga kamay niya sa batok ng lalaking iyon. Hindi ko nakayanan at umalis kaagad ako, pero nakipagkita ako sa kanya sa isang lugar kinabukasan dahil kailangan naming mag-usap.

Mayro'n din siyang sasabihin sa akin kaya magandang pagkakataon na rin.

Magkaharap kami sa isang table rito sa resto. Lunch na kasi niyon kaya tamang-tama na rin para magkaroon kami ng magandang usapan lalo na't masarap naman ang pagkain.

Nagsimula kaming kumain, at hindi naman ako tanga para hindi makapansin na parang may kakaiba na kay Claudine, eh. Kaya nagsalita na ako.

"Claudine, pwede bang magsabi ka sa akin ng--" Pinutol niya 'yung sasabihin ko dahil nang iangat niya ang tingin niya sa akin ay para itong nandidiri.

"Nalaman ko kay Harvey 'yung tungkol sa ginagawa mo." Lumakas ang tibok ng puso ko. Wala pa siyang nababanggit, pero alam na alam ko na iyong tinutukoy niya.

Tulad ng ina ko, wala rin akong balak na sabihin kay Claudine dahil ayokong magkaroon kami ng conflict, ayoko rin na mag-alala siya kung sakali mang matanggap niya 'yung mga ginagawa ko.  

Ayokong mapunta sa punto na kailangan din naming maghiwalay nang dahil sa rason na iyon.

Lumunok ako ng sarili. "A-Ano ang ibig mong sabihin?" Nagawa ko pa ring magmaang-maangan kahit huli na niya ako. Pero baka kasi bluff lang iyon.

"You are a part of the infamous fraternity." Tukoy niya na nagpatigil sa akin sa paglagay ko ng pagkain sa aking kutsara. Hinawakan ko kaagad 'yung mga kamay niya.

"Wait, Claudine. I can explai--" Inalis niya ang kamay ko at tumayo.

"Ayokong makipagrelasyon sa taong katulad mo! Mas maganda pa kung si Harvey na lang, eh. Sana siya na lang!"

Nanlaki ang mata ko. "P-Pero--" Hindi niya ako pinatapos. Patakbo siyang umalis sa resto na kinakainan namin at naiwan lamang akong tulala sa kawalan.

Parte rin naman si Harvey ng Fraternity, ah? Kaya ba't sa kanya mo gusto?

Gulong-gulo talaga ako no'n na hindi ko magawang makakain ng maayos.

Na-depressed ako ng ilang araw, at lumala iyon nang mabalitaan ko na pinatay siya ng isa sa mga kasamahan ko na mas mataas sa akin. Ginahasa na muna siya bago siya patayin.  

Nanginginig ang mata kong nakatingin sa walang buhay na bangkay niya sa madilim na kwarto na ito.

Si Cian at Harvey lang ang nakakaalam sa relasyon namin, at ngayon. Kahit gusto ko mang lapitan ang bangkay ni Claudine, hindi ko magawa.

Kahit patay na siya, mas pinapatay lang siya lalo ng mga kasamahan ko. Hinahampas hampas ng tubo ang kanyang ulo kaya mas tumatalsik ang dugo niya sa lapag ganoon din sa balat ng mga taong na sa paligid.

Wala akong nagawa, hindi ko siya na-protektahan. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na lang sana siya nakilala pa…

***

TINAWAGAN KO SI Harvey para makipagkita sa akin.

Hindi ko alam ang bahay niyon kahit ilang araw na rin kaming nagkikita't nagsasama.

Ngunit nag-iwan naman siya ng isang maikling mensahe bago niya itapon ang ginagamit niyang mobile phone.  

"I quit." Basa ko sa huling text message niya sa akin.

Iilan lang ang nakakaalala sa mukha ni Harvey dahil madalang lang siya kung magpakita. Pero ano 'yon? Hanggang doon na lang?

Hindi ako papayag na matatapos na siya makakalayang masaya, samantalang ako. Makukulong sa lugar ng paghihirap.

Namatay 'yung babaeng pinakamamahal ko dahil sa kanya.

Kapag nakita't nalaman ko kung nasa'n siya, hindi ako magdadalawang-isip na kunin sa kanya 'yung mga importante tao sa buhay niya.

End of Flash Back

Gusto kong mag stick sa pinaka goal ko pero ngayong nalalapit sa akin 'yung kamatayan o ang katapusan ng kwento ng buhay ko.

Parang naisip ko na huwag na lang ipagpatuloy at hayaan ko na lang muna ang sarili ko rito sa lugar na 'to para makapagplano na umalis sa bansang ito ng hindi pa napapaansin nila D-Ger.

Nakakatawa nga lang dahil hindi ko rin magagawa kaagad dahil wanted na wanted ako ngayon sa area na ito.

Pakalmahin ko na muna ang paligid, at tatapusin ko kung ano ang dapat nang matapos.  

Someone's Point of View

Lumapit ako sa pinto nang mayro'ng kumatok. Wala naman akong naaalala na may pina-deliver akong pagkain, lalo naman ang bisita. Ang alam ko naman, hindi uuwi ang anak kong si Ray dahil mag o-overnight daw siya sa trabaho niya.

Pinihit ko na ang pinto at binuksan iyon. "Hi, sino po sila?" Bungad ko sa dalawang lalaking nakaitim.

Nagkatinginan muna sila bago inilipat sa akin. "Kayo po ba 'yung magulang ni Emerson Ray Trinidad?" Tanong ng isa sa kanila.

Tumango naman ako. "Opo, ako po iyon." Sagot ko naman. Sandali silang hindi nagsalita nang mabilis na naglabas ng sako ang isa sa kanila at ilagay iyon sa aking ulo. Mayroon silang tinurok sa akin na gamot kaya nakakaramdam na ako ng hilo. Hindi ko na nagawang makasigaw o makahingi ng saklolo dahil wala na rin akong lakas at unti-unti na rin akong nawawalan ng malay.  

Next chapter, focus ulit tayo sa nangyayari kina Reed.

Yulie_Shioricreators' thoughts
下一章